< 1 Reyes 8 >
1 Entonces Salomón reunió alrededor suyo, en Jerusalén, a los ancianos de Israel, a todos los jefes de las tribus y a los príncipes de las familias de los hijos de Israel, para trasladar el Arca de la Alianza de Yahvé, desde la ciudad de David, que es Sión.
Pagkatapos ay tinipon ni Solomon ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng pinuno ng mga tribo, at mga pinuno ng mga pamilya ng bansang Israel, sa harap ng kaniyang sarili sa Jerusalem, upang dalhin ang arko ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, na ang, Zion.
2 Concurrieron, pues, al rey Salomón todos los varones de Israel en la fiesta del mes de Etanim, que es el mes séptimo.
Ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipon sa harapan ni Haring Solomon sa pista, sa buwan ng Etanim, ng ika-pitong buwan.
3 Cuando habían venido todos los ancianos de Israel, alzaron los sacerdotes el Arca,
Ang lahat ng nakatatanda ng Israel ay dumating, at ang mga pari ang kumuha ng arko.
4 y trasladaron el Arca de Yahvé, con el Tabernáculo de la Reunión, y todos los utensilios sagrados que había dentro del Tabernáculo; y los llevaban los sacerdotes levitas.
Dinala nila ang arko ni Yahweh, ang tolda ng pagpupulong, at lahat ng banal na kagamitan na nasa loob ng tolda. Ang mga pari at mga Levita ang dinala ang mga bagay na ito.
5 El rey Salomón y toda la congregación de Israel, reunida en torno suyo, estaban con él delante del Arca, inmolando ovejas y bueyes incontables e innumerables por su muchedumbre.
Si Haring Solomon at lahat ng kapulungan ng Israel ay magkakasamang dumating sa harap ng arko, naghahandog ng tupa at mga baka na hindi mabilang.
6 Los sacerdotes pusieron el Arca de la Alianza de Yahvé en su sitio, en el lugar más interior de la Casa, en el Santísimo, debajo de las alas de los querubines.
Dinala ng mga pari ang arko ng tipan ni Yahweh sa lugar nito, hanggang sa pinakaloob na silid ng tahanan, sa kabanal-banalang lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng kerubin.
7 Porque los querubines extendían las alas sobre el lugar del Arca y cubrían por arriba el Arca y sus varas.
Sapagkat inunat ng kerubin ang kanilang mga pakpak sa lugar ng arko, at tinakpan nila ang arko at ang poste na pambuhat nito.
8 Tan largas eran las varas, que sus extremos se dejaban ver desde el Lugar Santo, que está delante del Santísimo; pero no se dejaban ver desde fuera. Allí están hasta el día de hoy.
Ang mga poste ay sobrang haba na ang kanilang dulo ay nakita mula sa kabanal-banalang lugar sa harap ng pinakaloob na silid, pero hindi ito makikita mula sa labas. Sila ay nandoon hanggang sa araw na ito.
9 Dentro del Arca no había sino las dos tablas de piedra que Moisés había depositado en ella en el Horeb al hacer Yahvé alianza con Israel, en la salida de ellos de la tierra de Egipto.
Ang arko ay walang laman maliban sa dalawang tapyas na bato na nilagay ni Moises dito sa Horeb, nang gumawa si Yahweh ng tipan sa mga Israelita noong makalabas sila sa lupain ng Ehipto.
10 Y sucedió que al salir los sacerdotes del Santuario, la nube llenó la Casa de Yahvé;
Ito ang nangyari nang ang mga pari ay lumabas mula sa banal na lugar, napuno ng ulap ang templo ni Yahweh.
11 y los sacerdotes no pudieron permanecer (allí) para ejercer su ministerio, a causa de la nube; pues la gloria de Yahvé llenaba la Casa de Yahvé.
Hindi na kayang manatili ng mga pari para maglingkod dahil sa ulap, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahweh ang nagpuno sa kaniyang tahanan.
12 Entonces dijo Salomón: “Yahvé ha dicho que moraría en la oscuridad.
Pagkatapos ay sinabi ni Solomon, “sinabi ni Yahweh na siya ay mamumuhay sa makapal na kadiliman,
13 Pues bien, yo he edificado una casa que sea morada para Ti, el lugar de tu morada para siempre.”
pero ako ay nagtayo ng matayog na tirahan, isang lugar para ikaw ay manirahan magpakailanman.”
14 Y volviéndose el rey bendijo a toda la asamblea de Israel, mientras toda la asamblea de Israel se tenía en pie.
Pagkatapos humarap ang hari at pinagpala ang kapulungan ng Israel, habang ang kapulungan ng Israel ay nakatayo.
15 Dijo: “¡Bendito sea Yahvé!, el Dios de Israel, que habló con su boca a mi padre David y con su mano lo cumplió, diciendo:
Kaniyang sinabi, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay mapapurihan, ang nangusap kay David, na aking ama, at nakapagtupad nito gamit ang kaniyang sariling mga kamay, na nagsabi,
16 «Desde el día que saqué de Egipto a Israel, mi pueblo, no he escogido ciudad de entre las tribus de Israel para edificar una casa donde resida mi Nombre, aunque escogí a David para que reinase sobre Israel, mi pueblo.»
'Simula nung araw na inalis ko ang aking bayan ng Israel mula sa Ehipto, ako ay walang napiling lungsod mula sa lahat ng mga tribo ng Israel para pagtayuan ng tahanan, para ang aking ngalan ay nandoon. Ganunpaman, pinili ko si David na mamuno sa aking bayan ng Israel.'
17 David, mi padre, tuvo el propósito de edificar una casa al Nombre de Yahvé, el Dios de Israel;
Ngayon nasa puso ng aking ama na si David na magtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, ang na Diyos ng Israel.
18 mas Yahvé dijo a mi padre David: «Teniendo tú el propósito de edificar una casa a mi Nombre, has ideado un buen proyecto.
Pero sinabi ni Yahweh kay David na aking ama, 'ninais ng iyong puso ang gumawa ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti na ito ay nasa iyong puso.
19 Con todo, no edificarás tú la Casa, sino que un hijo tuyo, que saldrá de tus entrañas, edificará la Casa a mi Nombre.»
Gayon pa man hindi mo itatayo ang tahanan, sa halip, ang iyong anak, ang ipapanganak mula sa iyong laman, ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.'
20 Yahvé ha cumplido la palabra que prometió; pues me he levantado yo en el lugar de David, mi padre —y heme sentado sobre el trono de Israel, como Yahvé lo ha anunciado—, y he edificado la Casa al Nombre de Yahvé, el Dios de Israel.
Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat ako ay nagmula sa lugar ni David, na aking ama, at ako ay umupo sa trono ng Israel, gaya ng pinangako ni Yahweh. Ako ay nagtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
21 He establecido allí un lugar para el Arca, donde se halla la Alianza que Yahvé hizo con nuestros padres al sacarlos del país de Egipto.”
Naglaan ako ng isang lugar para sa arko doon, na kung saan naroon ang tipan ni Yahweh, na kaniyang pinangako sa ating mga ama nang kaniyang inilabas sila mula sa Ehipto.”
22 Luego, poniéndose Salomón delante del altar de Yahvé, frente a toda la asamblea de Israel, extendió las manos hacia el cielo,
Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh, sa harap ang kapulungan ng Israel, at nag-unat ng kaniyang mga kamay sa kalangitan.
23 y dijo: “Yahvé, Dios de Israel, no hay Dios como Tú, ni arriba en el cielo, ni abajo en la tierra, porque Tú guardas la Alianza y la misericordia con tus siervos que andan en tu presencia de todo corazón.
Kaniyang sinabi, “Yahweh, na Diyos ng Israel, walang diyos ang gaya mo sa itaas ng kalangitaan o sa kailaliman ng mundo, na tumupad ng kaniyang katapatan sa tipan sa iyong mga lingkod na naglalakad kasama mo ng kanilang buong puso;
24 Tú has cumplido con tu siervo David, mi padre, lo que prometiste; y lo que con tu boca prometiste, con tu mano lo has puesto por obra, como se ve en este día.
ikaw na tumupad sa iyong lingkod na si David, na aking ama, ng mga pangako mo sa kaniya. Oo, nangusap ka gamit ang iyong bibig at tinupad ito gamit ang iyong kamay, tulad ng sa ngayon.
25 Ahora, pues, oh Yahvé, Dios de Israel, guarda la promesa que has dado a tu siervo David, mi padre, diciendo: «Nunca te faltará varón delante de Mí que se siente sobre el trono de Israel, con tal que tus hijos vigilen sobre sus caminos y anden delante de Mí, como tú has andado en mi presencia.»
Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, isagawa mo ang iyong ipinangako sa iyong lingkod na si David, na aking ama, noong iyong sinabi, “Hindi ka magkulang na magkaroon ng isang lalaki sa paningin ko na uupo sa trono ng Israel, kung ang iyong kaapu-apuhan ay maingat lamang na lalakad sa aking harapan, gaya ng iyong paglakad sa aking harapan.'
26 Cúmplase ahora, oh Dios de Israel, la promesa que diste a tu siervo David, mi padre.
Kaya ngayon, Diyos ng Israel, pinapanalangin ko na ang ipinangako mo sa iyong lingkod na si David, aking ama, ay magkatotoo.
27 Pero ¿es verdad que Dios habita sobre la tierra? He aquí que los cielos y los cielos de los cielos no pueden contenerte, ¿cuánto menos esta Casa que yo acabo de edificar?
Ngunit ang Diyos ba ay talagang maninirahan sa mundo? Masdan ito, ang buong sansinukob at kalangitan mismo ay hindi ka kayang ilulan — paano pa kaya ang templo na aking tinayo!
28 Con todo vuelve tu rostro a la oración de tu siervo y a su súplica, oh Yahvé, Dios mío, para escuchar el clamor y la oración que tu siervo hace hoy delante de Ti.
Gayon pa man, pakiusap ay ituring mo ang panalanging ito ng iyong lingkod at ang kaniyang hiling, Yahweh aking Diyos; makinig ka sa iyak at panalangin ng iyong lingkod na nananalangin sa harapan mo ngayon.
29 Que estén abiertos tus ojos, noche y día, hacia esta Casa y este lugar, acerca del cual has dicho: «Estará allí mi Nombre, para escuchar la oración que tu siervo haga en este lugar».
Nawa ang iyong mga mata ay nakatuon patungo sa templong ito sa gabi at araw, sa lugar kung saan ay sinabi mo, 'ang Aking pangalan at aking prisensya ay nandoon' — para marining ang panalangin na ipagdarasal ng iyong lingkod sa lugar na ito.
30 Oye, pues, la súplica de tu siervo y de Israel, tu pueblo, cuando oraren en este lugar. Oye Tú desde el lugar de tu morada, el cielo; escucha y perdona.”
Kaya makinig ka sa hiling ng iyong lingkod at ng iyong bayan ng Israel kapag nanalangin kami sa lugar na ito. Oo, makinig ka mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa mga kalangitan; at kapag ika'y nakinig, ikaw ay magpatawad.
31 “Cuando pecare alguno contra su prójimo, y se le impusiere juramento, haciéndole jurar, y él viniere a jurar ante tu altar en esta Casa,
Kung may taong nagkasala sa kaniyang kapit-bahay at kailangang manumpa, at kung siya ay dumating at sumumpa sa harap ng iyong dambana sa tahanang ito,
32 óyelo Tú desde el cielo, y obra; juzga a tus siervos, condenando al inicuo y haciendo recaer su conducta sobre su misma cabeza, justificando, en cambio, al justo y premiándolo conforme a su justicia.”
makinig ka mula sa kalangitan at kumilos at hatulan ang iyong mga lingkod, hatulan ang masasama, para ibalik ang kaniyang asal sa sarili niyang ulo. At ipahayag na ang matuwid ay walang kasalanan, para mabigyan siya ng karangalan para sa kaniyang katuwiran.
33 “Cuando Israel, tu pueblo, fuere vencido por un enemigo, por haber pecado contra Ti, y ellos vueltos a Ti confesaren tu Nombre y oraren, suplicándote en esta Casa,
Kapag ang iyong bayang Israel ay natalo ng kaaway dahil sila ay nagkasala laban sa iyo, kapag nanumbalik sila sa iyo pinapahayag ang iyong pangalan, manalangin at humiling ng kapatawaran sa iyo sa templong ito —
34 óyelo Tú en el cielo, y perdona el pecado de Israel, tu pueblo, y hazlos volver al país que diste a sus padres.”
kung ganun ay pakiusap makinig ka mula sa kalangitan at patawarin ang kasalanan ng iyong bayang Israel; ibalik mo sila mula sa lupain na iyong binigay sa kanilang mga ninuno.
35 “Cuando se cierre el cielo, de manera que no haya lluvia, por haber ellos pecado contra ti, y si oraren (dirigiendo sus miradas) hacia este lugar, y alabando tu Nombre, y si se convirtieren de su pecado por haberlos Tú afligido,
Kapag tahimik ang kalangitan at walang ulan dahil ang bayan ay nagkasala laban sa iyo — kung sila ay nanalangin sa lugar na ito, ipahayag nila ang iyong pangalan, at tumalikod sa kanilang kasalanan kapag napahirapan mo sila —
36 óyelos en el cielo, y perdona el pecado de tus siervos y de Israel, tu pueblo, enseñándoles el recto camino, por el cual deben andar; y envía lluvia sobre tu tierra que diste por herencia a tu pueblo.”
makinig ka sa kalangitan at patawarin ang kasalanan ng iyong mga lingkod at ng iyong bayan ng Israel, kung iyong ituturo sa kanila ang tamang bagay kung saan sila dapat lumakad. Magpadala ka ng ulan sa iyong lupain, kung saan mo ibinigay sa iyong bayan bilang pamana.
37 “Cuando haya hambre en la tierra, o peste, o roya, añublo, langosta, u otra clase de insectos, o cuando el enemigo asedie (a tu pueblo) en su país, en sus ciudades, o cuando haya plagas o enfermedades de cualquier clase,
Ipagpalagay na mayroon taggutom sa lupain, o ipagpalagay na mayroon sakit, pagkalanta o pagkabulok, mga balang o mga uod; o ipalagay na ang tarangkahan ng lungsod sa kanilang lupain ay sinugod ng kaaway, o mayroong kahit anong salot o pagkakasakit —
38 si entonces uno en particular, o todo Israel, tu pueblo, se dirija a Ti con oraciones y súplicas, y si cada cual, reconociendo la plaga de su corazón, extienda sus manos hacia esta Casa,
ipagpalagay na ang mga panalangin at mga kahilingang ay gawin ng isang tao o ng iyong bayan na Israel — bawat isa ay nalalaman ang salot sa kaniyang sariling puso habang inuunat niya ang kaniyang mga kamay sa templong ito.
39 óyelo Tú en el cielo, lugar de tu morada, y perdona; obra y retribuye a cada uno conforme a todos sus caminos, ya que conoces su corazón —pues Tú solo conoces el corazón de todos los hijos de los hombres—
Pagkatapos ay makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, magpatawad at kumilos, at bigyan ng gantimpala ang bawat tao sa kaniyang ginagawa; alam mo ang kaniyang puso, dahil ikaw at ikaw lamang ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
40 para que te teman todos los días que vivan en la tierra que diste a nuestros padres.
Gawin mo ito para sila ay matakot sa iyo sa lahat ng araw na sila ay mabubuhay sa lupain na ibinigay mo sa aming mga ninuno.
41 “También el extranjero, que no es de tu pueblo Israel, cuando viniere de tierras lejanas a causa de tu Nombre
Karagdagan dito, tungkol sa dayuhan na hindi nabibilang sa iyong bayan ng Israel: kapag siya ay nanggaling mula sa malayong bansa dahil sa iyong pangalan —
42 —pues ellos oirán hablar de tu gran Nombre y de tu poderosa mano y de tu brazo extendido¾, cuando venga, pues, a orar en esta Casa,
sapagkat maririnig nila ang iyong dakilang pangalan, ang iyong makapangyarihang kamay, at iyong nakataas na kamay — kapag siya ay dumating at nanalangin sa templong ito,
43 óyelo Tú en el cielo, lugar de tu morada, y otorga todo lo que te pidiere aquel extranjero, a fin de que todos los pueblos de la tierra conozcan tu Nombre, para temerte como (te teme) Israel, tu pueblo, y sepan que tu Nombre ha sido invocado sobre esta Casa que yo he edificado.”
pakiusap na makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, at gawin mo ang kahit anong hingin sa iyo ng dayuhan. Gawin mo iyon para ang mga grupo ng tao sa mundo ay malaman ang iyong pangalan at matakot sa iyo, gaya ng iyong sariling bayan ng Israel. Gawin mo ito para malaman nila na ang tahanang ito na aking binuo ay tinawag sa iyong pangalan.
44 “Cuando tu pueblo salga a combatir a sus enemigos por el camino por el cual Tú los enviares, y oraren a Yahvé, mirando hacia la ciudad que Tú elegiste y la Casa que yo he edificado a tu Nombre,
Ipagpalagay na ang iyong bayan ay makikipaglaban sa kaaway, sa kahit anong paraan mo sila ipapadala, at ipagpalagay na sila ay mananalangin sa iyo, Yahweh, sa lungsod na iyong pinili sa tahanang aking itinayo sa ngalan mo.
45 escucha Tú en el cielo su oración y su plegaria, y hazles justicia.”
Kung ganoon makinig ka sa kalangitan sa kanilang mga panalangin, kanilang kahilingan, at tulungan mo sila sa kanilang pinaglalaban.
46 “Cuando pecaren contra Ti —pues no hay hombre que no peque— y Tú, irritado contra ellos, los entregares en poder del enemigo, y el vencedor los llevare cautivos a la tierra enemiga, sea lejana o cercana;
Ipagpalagay na sila ay nagkasala laban sa iyo, yamang walang sinuman ang hindi nagkakasala, at ipagpalagay na ikaw ay galit sa kanila at ibinigay sila sa mga kaaway upang dalhin silang bihag sa kanilang lupain, maging malayo o malapit.
47 si ellos entonces se arrepintieren en la tierra de su cautividad y convertidos pidieren perdón en el país de sus apresadores, diciendo: «Hemos pecado, hemos cometido iniquidad, hemos obrado perversamente»;
At ipagpalagay na kanilang napagtanto na sila ay nasa lugar kung saan sila ipinatapon, at ipagpalagay na sila ay nagsisi at humanap ng pabor sa iyo mula sa lupain ng mga humuli sa kanila. Ipagpalagay na kanilang sinabi, 'Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama.'
48 y si se volvieren a ti de todo corazón y con toda su alma, en la tierra de sus enemigos que los cautivaron, y suplicaren a Ti, mirando hacia su tierra que Tú diste a sus padres, hacia la ciudad que has escogido, y hacia la Casa que yo he edificado a tu Nombre,
Ipagpalagay na sila ay bumalik sa iyo nang kanilang buong puso at nang kanilang buong kaluluwa sa lupain ng kanilang mga kaaway na humili sa kanila, at ipagpalagay na sila ay nanalangin sa iyo sa gawing kanilang lupain, kung saan ay ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa ngalan mo.
49 entonces oye Tú en el cielo, lugar de tu morada, su oración y su súplica y hazles justicia;
Kung gayon ay makinig ka sa kanilang mga panalangin, kanilang mga hiling sa kalangitan, ang lugar kung saan ka nakatira, at tulungan sila sa kanilang pinaglalaban.
50 y perdona a tu pueblo los pecados cometidos contra Ti, y todas sus transgresiones con que contra Ti se rebelaron, y haz que hallen misericordia delante de los que los llevaron cautivos, para que los traten con compasión.
Patawarin ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at lahat ng kanilang mga kasalanan kung saan ay sumuway laban sa iyong mga utos. Kahabagan sila sa harap ng kanilang mga kaaway na bumihag sa kanila, para ang kanilang mga kaaway ay magkaroon din ng habag sa iyong bayan.
51 Porque son tu pueblo y tu herencia, que Tú sacaste de Egipto, de en medio del horno de hierro.
Sila ang iyong bayan na iyong pinili, na sinagip mo palabas ng Ehipto na parang nasa gitna ng pugon kung saan ang bakal ay pinanday.
52 Estén abiertos tus ojos a la súplica de tu siervo, y a la súplica de Israel, tu pueblo, para escucharlos en todo cuanto te invoquen.
Panalangin ko na ang iyong mga mata ay mabuksan sa mga hiling ng iyong bayan ng Israel, na makinig ka sa kanila sa tuwing sila'y tumatawag sa iyo.
53 Pues Tú los separaste para Ti mismo, como herencia, de entre todos los pueblos de la tierra; como lo prometiste por boca de Moisés, tu siervo, cuando sacaste a nuestros padres de Egipto, oh Señor, Yahvé.”
Sapagkat hiniwalay mo sila sa lahat ng mga tao sa mundo upang mapabilang sa iyo at makatanggap ng iyong mga pangako, tulad ng paliwanag ni Moises na iyong lingkod, nang iyong inilabas ang aming mga ama mula sa Ehipto, Panginoong Yahweh.”
54 Después de dirigir a Yahvé toda esta oración y súplica, se levantó Salomón de delante del altar de Yahvé, donde estaba arrodillado con las manos extendidas hacia el cielo;
Kaya nang matapos ipanalangin ni Solomon ang lahat ng panalanging ito at kahilingan kay Yahweh, siya ay tumayo mula sa harap ng altar ni Yahweh, mula sa pagkakaluhod habang ang kaniyang kamay ay nakaunat sa kalangitan.
55 y puesto en pie, bendijo a toda la asamblea de Israel, diciendo en alta voz:
Siya ay tumayo at pinagpala ang lahat ng kapulungan ng Israel na may malakas na boses na sinasabi,
56 “¡Bendito sea Yahvé, que ha dado descanso a Israel, su pueblo, conforme a todo lo que había prometido! No ha fallado una sola palabra de todas aquellas buenas promesas que anunció por boca de su siervo Moisés.
“Nawa si Yahweh ay mapapurihan, na nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, na tumutupad ng lahat ng kaniyang mga pangako. Wala ni isang salita ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako ni Yahweh na ginawa niya kay Moises na kaniyang lingkod.
57 Yahvé, nuestro Dios, sea con nosotros así como estuvo con nuestros padres. ¡Que Él no nos abandone ni nos deseche,
Nawa si Yahweh na ating Diyos ay makasama natin, gaya kung paano siya ay nasa ating mga ninuno.
58 sino que incline nuestro corazón hacia sí, a fin de que andemos por todos sus caminos y guardemos sus mandamientos, sus leyes y preceptos que prescribió a nuestros padres!
Nawa hindi niya tayo iwan o pabayaan, na maaari niyang ibaling ang ating puso sa kaniya, para mamuhay sa lahat ng kaniyang paraan at ingatan ang kaniyang mga kautusan at ang kaniyang mga tuntunin at kaniyang mga batas, na kaniyang inutos sa ating mga ama.
59 ¡Que estas palabras de mi súplica que he pronunciado ante Yahvé estén presentes día y noche ante Yahvé, nuestro Dios, para que haga justicia a su siervo y a Israel, su pueblo, en todo tiempo;
At hayaan ang mga salitang aking sinabi, na aking hiniling sa harap ni Yahweh, ay mapalapit kay Yahweh ating Diyos umaga at gabi, para maaari siyang makatulong sa pinaglalaban ng kaniyang lingkod at kaniyang bayan ng Israel, na kailangan araw-araw;
60 y sepan todos los pueblos de la tierra que Yahvé es Dios y no hay otro!
na ang lahat ng tao dito sa mundo ay malaman na si Yahweh, siya ay Diyos at wala ng iba pang Diyos!
61 Sea, pues, vuestro corazón recto para con Yahvé, vuestro Dios, de suerte que cumplamos sus leyes y guardemos sus mandamientos, como al presente.”
Kung gayon, hayaang ang iyong puso na maging totoo kay Yahweh ating Diyos, para lumakad sa kaniyang alituntunin at pagkaingatan ang kaniyang mga kautusan, mula sa araw na ito.
62 Después el rey, y con él todo Israel, ofrecieron sacrificios ante Yahvé.
Kaya ang hari at lahat ng Israelitang kasama niya ay naghandog ng mga alay kay Yahweh.
63 Inmoló Salomón como sacrificios pacíficos, ofreciéndolos a Yahvé, veintidós mil bueyes y ciento veinte mil ovejas. De esta manera el rey y todos los hijos de Israel inauguraron la Casa de Yahvé.
Si Solomon ay naghandog ng alay para sa pagtitipon, na ginawa niya para kay Yahweh: dalawampu't dalawang libong baka at 120, 000 tupa. Kaya ang hari at mga Israelita ay inialay ang tahanan ni Yahweh.
64 En aquel día el rey consagró el interior del atrio, que está delante de la Casa de Yahvé; pues ofreció allí los holocaustos, las oblaciones y los sebos de los sacrificios pacíficos, por cuanto el altar de bronce que había ante Yahvé, no era tan grande que pudiesen caber en él los holocaustos, las oblaciones y las grasas de los sacrificios pacíficos.
Sa araw ding iyon itinalaga ng hari ang gitna ng patyo na nasa harap ng templo ni Yahweh, doon niya inialay ang mga sinunog na handog, ang handog ng butil, at ang taba ng handog para sa pagtitipon-tipon, dahil ang altar na tanso na nasa harapan ni Yahweh ay napakaliit para tanggapin ang pag-aalay ng sinunog na handog, handog ng butil at ang taba ng handog ng pagtitipon-tipon.
65 Así en ese tiempo, Salomón, y con él todo Israel, una muchedumbre inmensa venida desde la entrada de Hamat hasta el Arroyo de Egipto, celebró fiesta delante de Yahvé, nuestro Dios, durante siete días, y otros siete días, esto es, catorce días.
Kaya si Solomon ang nagdaos ng handaan sa oras na iyon, at lahat ng Israelita ay kasama niya, isang malaking kapulungan, mula Lebo Hamat hanggang sa batis ng Ehipto, sa harap ni Yahweh ating Diyos sa loob ng pitong araw at sa pito pang araw, sa kabuuan ng labing apat na mga araw.
66 El día octavo despidió el rey al pueblo; y ellos bendijeron al rey y se fueron a sus tiendas gozosos y contentos por todos los beneficios que Yahvé había hecho a David, su siervo, y a Israel, su pueblo.
Sa ika-walong araw, pinauwi niya ang mga tao, at kanilang pinagpala ang hari at umuwi sila sa kanilang tahanan ng may kagalakan at masayang mga puso dahil sa lahat ng kabutihan na pinakita ni Yahweh kay David, na kaniyang lingkod, at sa Israel, na kaniyang bayan.