< Pregovori 6 >
1 Moj sin, če si pôrok za svojega prijatelja, če si udaril svojo roko s tujcem,
Anak ko, kapag ikaw ay nagtabi ng pera bilang isang pag-aako ng pagkakautang ng iyong kapit-bahay, kapag nagbigay ka ng pangako sa pagkakautang ng isang tao na hindi mo kilala,
2 si ulovljen z besedami svojih ust, si vzet z besedami svojih ust.
kung gayon naglatag ka ng isang patibong para sa iyong sarili sa pamamagitan ng iyong pangako, at ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
3 Sedaj stôri to, moj sin in se osvobodi, ko si prišel v roko svojega prijatelja. Pojdi, ponižaj se in prepričaj svojega prijatelja.
Kung gayon, anak kong lalaki, gawin mo ito at iligtas mo ang iyong sarili, dahil sa ikaw ay nasa habag ng iyong kapitbahay. Pumunta ka at magpakumbaba ka ng iyong sarili at magsumamo sa iyong kapitbahay na pakawalan ka.
4 Ne daj spanja svojim očem niti dremanja svojim vekam.
Bigyan mo ang iyong mga mata ng walang tulog at ang iyong talukap ng walang pagkakaidlip.
5 Osvobodi se kakor srna pred lovčevo roko in kakor ptica pred ptičarjevo roko.
Iligtas mo ang iyong sarili gaya ng isang usa mula sa kamay ng mangangaso, katulad ng isang ibon mula sa kamay ng tagahuli ng hayop.
6 Pojdi k mravlji, ti lenuh, preudari njene poti in bodi moder,
Tingnan mo ang langgam, ikaw na tamad na tao, pagmasdan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at maging matalino.
7 ki nima ne vodnika, ne nadzornika ali ne vladarja,
Wala siyang tagapag-utos, opisyal, o tagapamahala,
8 svojo hrano si pripravlja poleti in svojo hrano zbira na žetvi.
gayon pa man ay naghahanda siya ng pagkain sa tag-init, at habang sa pag-aani ay nagtatabi ito ng kung ano ang kakainin.
9 Doklej boš spal, oh lenuh? Kdaj boš vstal iz svojega spanja?
Gaano katagal ka matutulog, ikaw na tamad na tao? Kailan ka babangon mula sa iyong pagkatulog?
10 Še malo spanja, malo dremanja, malo prekrižanih rok za spanje,
“Isa pang kaunting pagtulog, isa pang kaunting pagkaidlip, isa pang kaunting pagtiklop ng mga kamay upang magpahinga”—
11 tako bo tvoja revščina prišla kakor nekdo, ki se klati in tvoje pomanjkanje kakor oborožen človek.
at ang iyong kahirapan ay darating sa iyo gayang isang magnanakaw at ang iyong pangangailangan gaya ng isang armadong sundalo.
12 Nespodobna oseba, zloben človek, ki hodi s kljubovalnimi usti,
Ang isang walang kwentang tao— isang masamang tao— namumuhay sa kabaluktutan ng kaniyang salita,
13 mežika s svojimi očmi, govori s svojimi stopali, uči s svojimi prsti.
pagkindat ng kaniyang mga mata, gumagawa ng hudyat gamit ang kaniyang mga paa, at pagturo ng kaniyang mga daliri.
14 Kljubovalnost je v njegovem srcu, nenehno snuje vragolijo, seje neenotnost.
Siya ay may balak na masama na may daya sa kaniyang puso; palagi siyang nag-uudyok ng pag-aalitan.
15 Zato bo njegova katastrofa prišla nenadoma, nenadoma bo zlomljen brez zdravila.
Kaya lulupigin siya sa isang iglap ng kaniyang kapahamakan; sa isang sandali siya ay masisira na higit sa kagalingan.
16 Teh šest stvari sovraži Gospod; da, sedem mu jih je ogabnost:
Mayroong anim na bagay na kinamumuhian ni Yahweh, pito na kasuklam-suklam sa kaniya:
17 ponosen pogled, lažniv jezik in roke, ki prelijejo nedolžno kri,
Ang mga mata ng isang mapagmataas na tao, ang isang dila na nagsisinungaling, ang mga kamay na nagpapadanak ng dugo ng mga inosenteng tao,
18 srce, ki snuje zlobne zamisli, stopala, ki so nagla v teku k vragoliji,
isang puso na lumikha ng mga masasamang balakid, mga paa na mabilis tumakbo para gumawa ng masama,
19 kriva priča, ki govori laži in kdor seje neenotnost med brati.
isang saksi na nagsasabi ng mga kasinungalingan, at ang isa na siyang naghahasik ng alitan sa kaniyang mga kapatid.
20 Moj sin, drži se zapovedi svojega očeta in ne zapusti postave svoje matere.
Aking anak na lalaki, sundin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong talikdan ang katuruan ng iyong ina.
21 Nenehno si ju privezuj na svoje srce in zavezuj si ju okoli svojega vratu.
Palagi mong igapos ang mga ito sa iyong puso; itali mo ang mga ito sa iyong leeg.
22 Kadar greš, te bo vodila, kadar spiš, te bo obvarovala in kadar se zbudiš, se bo pogovarjala s teboj.
Kapag ikaw ay lumakad, papatnubayin ka ng mga ito; kapag ikaw ay natulog, pagmamasdan ka nila; at kapag ikaw ay nagising, tuturuan ka nila.
23 Kajti zapoved je svetilka; in postava je svetloba in graje poučevanja so pot življenja,
Sapagkat ang mga utos ay isang ilawan, at ang katuruan ay isang liwanag; ang mga pagsaway ng disiplina ay ang mga daan ng buhay.
24 da te obvarujejo pred zlo žensko, pred priliznjenim jezikom tuje ženske.
Iingatan ka nito mula sa imoral na babae, mula sa mapang-akit na mga salita ng nangangalunyang babae.
25 V svojem srcu si ne požêli njene lepote niti naj te ona ne ujame s svojimi vekami.
Huwag kang magnasa sa iyong puso sa kaniyang kagandahan, at huwag mo siyang hayaang mabihag ka ng kaniyang mga pilik mata.
26 Kajti s pomočjo vlačugarske ženske je mož priveden do koščka kruha in zakonolomka bo lovila dragoceno življenje.
Ang pagtulog na kasama ang isang bayarang babae ay maaaring kabayaran ng halaga ng tinapay, pero ang babaeng asawa ng iba ay maaaring kabayaran ng buhay mo mismo.
27 Mar lahko človek vzame ogenj v svoje naročje in njegova oblačila ne bodo ožgana?
Kaya ba ng isang lalaki na magbitbit ng apoy sa kaniyang dibdib na hindi nasusunog ang kaniyang mga damit?
28 Mar lahko kdo hodi po žerjavici in njegova stopala ne bodo opečena?
Kaya ba ng isang lalake na lumakad sa ibabaw ng maiinit na mga uling na hindi napapaso ang kaniyang mga paa?
29 Tako kdor hodi k ženi svojega soseda, kdorkoli se je dotika, ne bo nedolžen.
Gayon din sa lalakeng nakikiapid sa asawang babae ng kaniyang kapwa; ang siyang natutulog kasama niya ay hindi maparusahan.
30 Ljudje ne prezirajo tatu, če krade, da zadovolji svojo dušo, kadar je lačen,
Hindi hinahamak ng mga tao na ang isang magnanakaw kung siya ay nagnanakaw upang mabusog sa panahong gutom siya.
31 toda če je najden, naj povrne sedemkratno; izročil bo vse imetje svoje hiše.
Gayon pa man kapag siya ay nahuli, siya ay magbabayad ng pitong beses kung ano ang kaniyang ninakaw; kailangan niya isuko ang lahat ng mahahalagang bagay sa kaniyang tahanan.
32 Toda kdorkoli z žensko zagreši zakonolomstvo, nima razumevanja. Tisti, ki to počne, uničuje svojo lastno dušo.
Ang isa na nagkasala ng pangangalunya ay walang kaisipan; ang siyang gumagawa nito ay sinisira ang kaniyang sarili.
33 Prejel bo rano in nečast in njegova graja ne bo izbrisana.
Sugat at kahihiyan ay nararapat sa kaniya, at ang kaniyang kasiraang puri ay hindi maaalis.
34 Kajti ljubosumje je bes moškega, zato ne bo prizanesel na dan maščevanja.
Dahil ang pagseselos ay ginagawang galit na galit ang isang lalaki; kapag siya ay gumanti hindi siya magpapakita ng awa.
35 Ne bo se ozrl na kakršnokoli odkupnino niti ne bo zadovoljen počival, čeprav mu daješ mnogo daril.
wala siyang tatanggaping kabayaran, at hindi siya mabibili, kahit maghandog ka ng maraming regalo sa kaniya.