< Apostolska dela 16 >
1 Potem je prišel v Derbe in Listro. In glej, tam je bil nek učenec, po imenu Timótej, sin neke ženske, ki je bila Judinja in je verovala, toda njegov oče je bil Grk,
Nakarating din si Pablo sa Derbe at Listra, at masdan ito, naroon ang isang alagad na nagngangalang Timoteo, anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya; ang kaniyang ama ay isang Griego.
2 ki je bil pri bratih, ki so bili v Listri in Ikóniju, na dobrem glasu.
Maganda ang sinasabi tungkol sa kaniya ng mga kapatiran na taga Listra at Iconio.
3 Njega je Pavel hotel vzeti s seboj in vzel ga je ter ga obrezal zaradi Judov, ki so bili v teh četrtih, kajti vsi so vedeli, da je bil njegov oče Grk.
Gusto ni Pablo na makasama siya sa paglalakbay; kaya siya ay isinama niya at tinuli dahil sa mga Judio na nasa lugar na iyon, sapagkat alam nilang lahat na ang kaniyang ama ay isang Griego.
4 In ko so šli skozi mesta, so jim izročali odloke, da se jih držijo, ki so bili odrejeni od apostolov in starešin, ki so bili v Jeruzalemu.
Nang sila ay patungo na sa mga lungsod, inihatid nila sa mga Iglesia ang mga tagubilin upang kanilang sundin, mga tagubilin na isinulat ng mga apostol at ng mga nakatatanda sa Jerusalem.
5 In tako so bile cerkve utrjene v veri in so številčno dnevno naraščale.
Kaya napalakas sa pananampalataya ang mga iglesia at dumami ang kanilang bilang araw-araw.
6 Torej ko so šli skozi Frigijo in področje Galacije in jim je Sveti Duh prepovedal oznanjati besedo v Aziji,
Tumungo si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga lupain ng Frigia at Galacia, dahil hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral sila ng salita ng Diyos sa probinsiya ng Asia.
7 so potem, ko so prišli do Mízije, poskušali iti v Bitinijo, toda Duh jim ni dovolil.
Nang malapit na sila sa Misia, ninais nila na tumungo sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
8 In šli so mimo Mízije in se spustili do Troáde.
Kaya ng makalampas sila sa Misia, tumungo sila sa lungsod ng Troas.
9 Ponoči pa se je Pavlu prikazalo videnje: »Tam je stal Makedonec in ga prosil, rekoč: ›Pridi sem v Makedonijo in nam pomagaj.‹«
Isang pangitain ang nakita ni Pablo ng gabing iyon: may isang lalaki na Macedonia ang nakatayo doon na tumatawag sa kaniya at nagsasabing, “Tumungo kayo dito sa Macedonia at tulungan kami.”
10 In po tem, ko je imel videnje, smo si takoj prizadevali iti v Makedonijo, ker smo brez dvoma sklepali, da nas je poklical Gospod, da jim oznanimo evangelij.
Nang makita ni Pablo ang pangitain, nagmamadali kaming pumunta sa Macedonia, pinatutunayan na tinawag kami ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo sa kanila.
11 Zato smo, ko smo dvignili sidro iz Troáde, prispeli z ravno smerjo v Samotrake in naslednjega dne v Neápolo
Pagkalayag namin galing ng Troas, dumiretso kami sa Samotracia at nang sumunod na araw kami ay dumating sa Neapolis;
12 in od tam v Filípe, ki je glavno mesto tega dela Makedonije ter [rimska] kolonija. In v tem mestu smo prebivali nekaj dni.
Mula roon ay pumunta kami sa Filipos, isang lungsod ng Macedonia, ang pinakamahalagang lungsod sa distrito at nasasakupan ng Roma, at nanatili kami sa lungsod na ito ng ilang araw.
13 In na šabat smo odšli iz mesta k bregu reke, kjer je bila običajno molitev in se usedli ter govorili ženskam, ki so tja zahajale.
Nang Araw ng Pamamahinga lumabas kami sa tarangkahan sa may tabi ng ilog, na kung saan naisip namin na may lugar doon upang manalangin. Naupo kami at nakipag usap sa mga nagtipon-tipon na mga babae.
14 In neka ženska, po imenu Lidija, prodajalka škrlata, iz mesta Tiatira, ki je oboževala Boga, nas je poslušala, katere srce je Gospod odprl, da je prisluhnila besedam, ki jih je govoril Pavel.
May isang babae na nagngangalang Lidia ang nagbebenta ng mga tela na kulay lila na nanggaling sa lungsod ng Tiatira na sumasamba sa Diyos, nakinig siya sa amin. Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang bigyangpansin ang mga bagay na sinabi ni Pablo.
15 In ko je bila krščena ona in njena družina, nas je rotila, rekoč: »Če ste me presodili, da sem zvesta Gospodu, pridite v mojo hišo in ostanite tam.« In primorala nas je.
Nang mabautismuhan siya at ang kaniyang sambahayan, hinikayat niya kami, at nagsasabing, “Kung itinuturing ninyo na ako ay matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay, at manatili roon.” At nahikayat niya kami.
16 In pripetilo se je, ko smo šli k molitvi, da nas je srečala neka gospodična, obsedena z duhom vedeževanja, ki je z napovedovanjem usode prinašala veliko dobička svojim gospodarjem.
Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Ta je sledila Pavlu in nam ter vpila, rekoč: »Ti ljudje so služabniki Boga najvišjega, ki nam kažejo pot rešitve duš.«
Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan.”
18 In to je počela mnogo dni. Toda Pavel se je užaloščen obrnil in duhu rekel: »Zapovedujem ti v imenu Jezusa Kristusa, da prideš iz nje.« In še isto uro je prišel ven.
Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, “Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya.” At agad itong lumabas.
19 In ko so njeni gospodarji videli, da je izginilo upanje na njihov dobiček, so ujeli Pavla in Sila ter ju zvlekli na trg k vladarjem
Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan.
20 in ju privedli k oblastnikom, rekoč: »Ta moža, ki sta Juda, delata našemu mestu silne težave
Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, “Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod.
21 ter učita običaje, ki za nas, ki smo Rimljani, niso zakoniti za sprejetje niti za obeleževanje.«
Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano.”
22 In množica je skupaj vstala proti njima in oblastniki so jima raztrgali njuna oblačila ter ukazali naj ju pretepejo.
At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo.
23 In ko so nanju položili mnogo udarcev z bičem, so ju vrgli v ječo ter ječarju ukazali, naj ju varno straži.
Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi.
24 Ta ju je, ker je prejel tak ukaz, pahnil v notranjo ječo in njuna stopala pričvrstil v kladi.
Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
25 Ob polnoči pa sta Pavel in Sila molila ter pela hvalnice Bogu, jetniki pa so ju poslušali.
Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.
26 In nenadoma je bil močan potres, tako da so bili zamajani temelji ječe in takoj so se vsa vrata odprla in vezi vseh so bile odvezane.
Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
27 In čuvaj ječe, ki se je prebudil iz svojega spanja in videl vrata ječe odprta, je izvlekel svoj meč in se hotel ubiti, ker je mislil, da so jetniki pobegnili.
Nagising ang bantay sa kaniyang pagkakatulog at nakitang bukas ang mga pintuan ng bilangguan; hinugot niya ang kaniyang espada at magpapakamatay na sana, dahil inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
28 Toda Pavel je z močnim glasom zaklical, rekoč: »Ne stôri si ničesar hudega, kajti vsi smo tukaj.«
Ngunit sumigaw si Pablo ng may malakas na boses na nagsasabing, “Huwag mong saktan ang iyong sarili, narito kaming lahat.”
29 Ta je potem zahteval luč in skočil noter in drhteč prišel ter padel dol pred Pavla in Sila
Humingi ng ilaw ang bantay ng bilangguan at nagmamadaling pumasok na nanginginig sa takot at nagpatirapa kina Pablo at Silas,
30 in ju privedel ven ter rekel: »Gospoda, kaj moram storiti, da bom rešen?«
at inilabas sila at nagsabing, “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”
31 In onadva sta rekla: »Veruj v Gospoda Jezusa Kristusa in rešen boš ti in tvoja hiša.«
Sinabi nila sa kaniya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan.”
32 In Gospodovo besedo sta govorila njemu in vsem, ki so bili v njegovi hiši.
Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan.
33 In še isto uro noči ju je vzel ter umil njune udarce in nemudoma je bil krščen on in vsi njegovi.
Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan.
34 In ko ju je privedel v svojo hišo, je pred njiju postavil jed ter se veselil, ker je z vso svojo hišo veroval v Boga.
Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
35 In ko je bil dan, so oblastniki poslali narednike, rekoč: »Izpusti tista človeka.«
Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, “Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon.”
36 In čuvaj ječe je te besede povedal Pavlu: »Oblastniki so poslali, naj vaju izpustim. Sedaj torej odidita in pojdita v miru.«
Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, “Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan.”
37 Vendar jim je Pavel rekel: »Naju, ki sva Rimljana, so neobsojena javno pretepli in naju vrgli v ječo. In sedaj naju mečejo ven na skrivaj? Ne, resnično, temveč naj sami pridejo in naju spravijo ven.«
Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, “Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas.”
38 In naredniki so te besede povedali oblastnikom in ko so slišali, da sta bila Rimljana, so se zbali.
Binalita ng mga bantay ang mga salitang ito sa mga hukom; natakot ang mga hukom nang kanilang marinig na sina Pablo at Silas ay mga Romano.
39 In prišli so ter ju rotili in ju privedli ven ter od njiju želeli, da odideta iz mesta.
Dumating ang mga hukom at nagmakaawa sa kanila; at nang inilabas nila sila sa bilangguan, pinakiusapan nila si Pablo at si Silas na umalis na sa lungsod.
40 In odšla sta iz ječe ter vstopila v Lidijino hišo; in ko sta videla brate, sta jih potolažila ter odšla.
Kaya lumabas na ng bilangguansina Pablo at Silas at nagtungo sa bahay ni Lidia. Nang makita nina Pablo at Silas ang mga kapatid, pinalakas nila ang kanilang kalooban at sila ay umalis mula sa lungsod.