< 2 Timoteju 2 >

1 Ti torej, moj sin, bodi močan v milosti, ki je v Kristusu Jezusu.
Kaya ikaw, anak ko, maging matatag ka sa biyayang nakay Cristo Jesus.
2 Stvari pa, ki si jih med mnogimi pričami slišal od mene, iste izroči zvestim ljudem, ki bodo zmožni tudi druge poučiti.
At ang mga bagay na narinig mo sa akin kasama ng maraming saksi, ipagkatiwala mo ang mga ito sa mga tapat na tao na kaya ring magturo sa iba.
3 Ti torej prenašaj trdoto kot dober vojak Jezusa Kristusa.
Samahan mo ako sa pagdurusa at paghihirap, tulad ng isang mabuting sundalo ni Cristo Jesus.
4 Noben človek, ki se bojuje, se ne zapleta z zadevami tega življenja, da lahko ugodi njemu, ki ga je izbral, da bi bil vojak.
Walang sundalo ang naglilingkod habang nakatali sa mga bagay ng buhay na ito, upang sa ganoon kalugdan siya ng kaniyang mataas na opisyal.
5 In če si človek prav tako prizadeva za zmago, kljub temu ni okronan, razen če si ne prizadeva zakonito.
Gayundin naman, kung sinuman ang makipagpaligsahan tulad ng isang manlalaro, hindi siya kokoronahan maliban kung siya ay makipagpaligsahan ayon sa mga alituntunin.
6 Poljedelec, ki dela, mora biti prvi udeleženec sadov.
Kinakailangang ang isang masipag na magsasaka ay maunang tatanggap ng kaniyang bahagi sa ani.
7 Preudari, kar pravim in Gospod naj ti da razumevanje v vseh stvareh.
Isipin mo ang tungkol sa aking sinasabi, sapagkat ang Panginoon ang magbibigay sa iyo ng pang-unawa sa lahat ng bagay.
8 Spominjaj se, da je bil Jezus Kristus, iz Davidovega semena, obujen od mrtvih glede na moj evangelij,
Alalahanin mo si Jesu-Cristo, mula sa binhi ni David, na binuhay mula sa mga patay. Ayon ito sa aking mensahe ng ebanghelyo,
9 za katerega prenašam stisko kakor hudodelec, celó do vezi; toda Gospodova beseda ni zvezana.
kung saan ako ay nagdurusa na humantong sa pagkakadena sa akin na parang isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala.
10 Zato zaradi izvoljenih prenašam vse stvari, da bi lahko tudi oni dosegli rešitev duš, ki je v Kristusu Jezusu z večno slavo. (aiōnios g166)
Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay para sa mga pinili, upang matamo din nila ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus, na may kaluwalhatian na walang hanggan. (aiōnios g166)
11 To je zvest izrek: ›Kajti če smo z njim umrli, bomo z njim tudi živeli.
Ang kasabihang ito ay mapagkakatiwalaan, “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayo kasama niya.
12 Če trpimo, bomo z njim tudi kraljevali. Če ga zatajimo, nas bo tudi on zatajil.
Kung magtitiis tayo, maghahari din tayong kasama niya. Kung ikakaila natin siya, ikakaila din niya tayo.
13 Če ne verujemo, vendar on ostaja zvest; sebe ne more zatajiti.‹
Kung hindi tayo tapat, nananatili siyang tapat, sapagkat hindi niya maaaring ipagkaila ang kaniyang sarili.”
14 Spominjaj jih o teh stvareh in naročaj jim pred Gospodom, da se ne pričkajo glede besed, kar ne koristi, temveč spodkopava poslušalce.
Palagi mo silang paalalahanan ng mga bagay na ito. Pagsabihan mo sila sa harap ng Diyos na huwag makipag-away tungkol sa mga salita. Dahil, walang mapapakinabangan dito. Dahil dito may pagkawasak para sa mga nakikinig.
15 Prizadevaj si, da se pokažeš potrjenega Bogu, delavca, ki se mu ni treba sramovati, ki pravilno razdeljuje besedo resnice.
Gawin mo ang lahat mong makakaya upang iharap ang iyong sarili na karapat-dapat sa Diyos bilang isang manggagawang walang dapat ikahiya. Panghawakan mo ng tama ang salita ng katotohanan.
16 Toda izogibaj se oskrunjenih in praznih blebetanj, ker se bodo okrepila k večji brezbožnosti.
Iwasan ang usapang malaswa, na siyang nagiging daan sa higit pang kawalan ng pagkilala sa Diyos.
17 In njihova beseda bo razjedala kakor rak; izmed katerih sta Himénaj in Filét,
Ang kanilang salita ay kakalat tulad ng ganggrena. Kabilang dito sina Himeneo at Fileto.
18 ki sta zašla glede resnice, rekoč, da je vstajenje že minilo; in zrušila vero nekaterih.
Sila ang mga lalaking nalihis sa katotohanan. Sinasabi nila na ang muling pagkabuhay ay nangyari na. Ginugulo nila ang pananampalataya ng ilan.
19 Kljub temu Božji temelj trdno stoji in ima ta pečat: »Gospod pozna te, ki so njegovi.« In: »Naj se vsak, kdor imenuje Kristusovo ime, odreče krivičnosti.«
Gayunman, nakatayo ang matibay na pundasyong itinatag ng Diyos. Mayroon itong tatak na ganito: “Nakikilala ng Panginoon kung sino ang mga kaniya” at “Bawat isang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan”
20 Toda v veliki hiši niso samo posode iz zlata in iz srebra, temveč tudi iz lesa in iz ila; in nekatere v čast, nekatere pa v nečast.
Sa mayamang tahanan, hindi lamang lalagyang yari sa ginto at pilak ang naroon. May mga lalagyan ding yari sa kahoy at putik. Ang ilan sa mga ito ay ginagamit sa marangal ngunit ang ilan ay sa hindi marangal.
21 Če se človek torej očisti od le-teh, bo postal posoda v čast, posvečena ter primerna za gospodarjevo uporabo in pripravljena za vsako dobro delo.
Kung sinuman ang maglinis ng kaniyang sarili mula sa hindi marangal na pagkakagamit, siya ay isang marangal na lalagyan. Siya ay ibinukod, kagamit-gamit sa kaniyang Panginoon, at inihanda para sa bawat mabuting gawain.
22 Béži tudi pred mladostnimi poželenji, toda sledi pravičnosti, veri, ljubezni, miru, s tistimi, ki iz čistega srca kličejo h Gospodu.
Lumayo sa mga makalamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan na matamo ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan kasama ang mga tumatawag sa Panginoon mula sa malinis na puso.
23 Toda izogibaj se nespametnih in primitivnih razprav, ker veš, da povzročajo prepire.
Ngunit tanggihan ang mga walang kabuluhan at mangmang na mga katanungan. Alam mo na hahantong ang mga ito sa pagtatalo.
24 In Gospodov služabnik se ne sme prepirati, temveč [mora] biti blag do vseh ljudi, zmožen za poučevanje, potrpežljiv,
Hindi dapat nakikipag-away ang lingkod ng Panginoon. Sa halip dapat siyang maging marahan sa lahat, may kakayahang magturo, at matiyaga.
25 da v krotkosti vzgaja te, ki nasprotujejo sebi; če jim bo Bog morda dal kesanje za priznanje resnice;
Dapat niyang turuan ang mga sumasalungat sa kaniya ng may kababaang-loob. Baka sakaling pagkalooban sila ng Diyos ng pagsisisi para sa pagkaalam sa katotohanan.
26 in da bodo lahko prišli k sebi, ven iz zanke hudiča, ki jih je ujel v svojo voljo.
Maliliwanagan muli ang kanilang isip at makakawala sa bitag ng diyablo, pagkatapos na sila ay kaniyang bihagin para sa kaniyang kalooban.

< 2 Timoteju 2 >