< 2 Kroniška 17 >
1 Namesto njega je zakraljeval njegov sin Józafat in se okrepil zoper Izraela.
At si Josaphat na kaniyang anak ay naghari, na kahalili niya, at nagpakalakas laban sa Israel.
2 Namestil je sile v vsa utrjena Judova mesta in postavil garnizije v Judovi deželi in v Efrájimovih mestih, ki jih je zavzel njegov oče Asá.
At siya'y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa kaniyang ama.
3 Gospod je bil z Józafatom, ker je hodil po prvih poteh svojega očeta Davida in ni iskal Báalov,
At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat, sapagka't siya'y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David, at hindi hinanap ang mga Baal;
4 temveč je sledil Gospodu, Bogu svojega očeta in hodil po njegovih zapovedih in ne po Izraelovih ravnanjih.
Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama, at lumakad sa kaniyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel.
5 Zato je Gospod utrdil kraljestvo v njegovi roki. Ves Juda je Józafatu prinesel darila in imel je bogastva, čast in obilje.
Kaya't itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay; at ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya'y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana.
6 Njegovo srce je bilo vzdignjeno na Gospodovih poteh. Poleg tega je iz Juda odstranil visoke kraje in ašere.
At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon: at bukod dito'y inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda.
7 Tudi v tretjem letu svojega kraljevanja je poslal k svojim princem, torej k Ben Hajilu, k Obadjáju, k Zeharjáju, k Netanélu in k Mihajáju, da bi učili po Judovih mestih.
Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid bagay si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, upang mangagturo sa mga bayan ng Juda.
8 Z njimi je poslal Lévijevce, torej Šemajája, Netanjája, Zebadjája, Asaéla, Šemiramóta, Jehonatana, Adoníja, Tobija, Tob Adoníja, Lévijevce in z njimi duhovnika Elišamája in Jehoráma.
At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote.
9 Učili so v Judu in s seboj so imeli knjigo Gospodove postave in šli so naokoli po vseh Judovih mestih in učili ljudstvo.
At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.
10 Gospodov strah je padel na vsa kraljestva dežel, ki so bile naokoli Juda, tako da zoper Józafata niso bojevali nobene vojne.
At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda, na anopa't sila'y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat.
11 Tudi nekateri izmed Filistejcev so Józafatu prinesli darila in davek srebra. Arabci so mu privedli trope, sedem tisoč sedemsto ovnov in sedem tisoč sedemsto kozlov.
At ang ilan sa mga Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat, at pilak na pinakabuwis; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan, na pitong libo at pitong daang lalaking tupa, at pitong libo at pitong daang kambing na lalake.
12 Józafat je postal silno velik in v Judu je zgradil gradove in skladiščna mesta.
At si Josaphat ay dumakilang mainam; at siya'y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga bayang kamaligan.
13 Po Judovih mestih je imel mnogo posla. In v Jeruzalemu so bili bojevniki, močni junaški možje.
At siya'y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda; at ng mga lalaking mangdidigma, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, sa Jerusalem.
14 To so njihova števila glede na hišo njihovih očetov. Iz Juda poveljniki nad tisočimi: vodja Adnáh in z njim tristo tisoč močnih junaških mož.
At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa Juda, ang mga pinunong kawal ng lilibuhin; si Adna na pinunong kawal, at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo:
15 Poleg njega je bil poveljnik Johanán in z njim dvesto osemdeset tisoč.
At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal, at kasama niya'y dalawang daan at walong pung libo;
16 Poleg njega je bil Zihríjev sin Amasjá, ki se je voljno daroval Gospodu in z njim dvesto tisoč močnih junaških mož.
At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni Zichri, na humandog na kusa sa Panginoon; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang:
17 Od Benjamina Eljadá, mogočen hraber mož in z njim dvesto tisoč z lokom in ščitom oboroženih mož.
At sa Benjamin; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang, at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag:
18 Poleg njega je bil Jozabád in z njim sto osemdeset tisoč pripravljenih za vojno.
At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad, at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma.
19 Ti so čakali na kralja, poleg tistih, ki jih je kralj namestil v utrjenih mestih po vsem Judu.
Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda.