< Книга пророка Захарии 1 >

1 Во осмый месяц, втораго лета, при Дарии, бысть слово Господне ко Захарии Варахиину, сыну Аддову, пророку, глаголя:
Nang ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias na anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo na nagsasabi,
2 прогневася Господь на отцы вашя гневом велиим,
“Lubhang nagalit si Yahweh sa inyong mga ama!
3 и речеши к ним: сице глаголет Господь Вседержитель: обратитеся ко Мне, глаголет Господь Сил, и обращуся к вам, глаголет Господь Сил.
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Bumalik kayo sa akin!” Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. “At babalik ako sa inyo.” Sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
4 И не будите, якоже отцы ваши, ихже обличаху пророцы прежнии, глаголюще: сице глаголет Господь Вседержитель: отвратитеся от путий ваших лукавых и от начинаний ваших злых: и не послушаша и не вняша послушати Мене, глаголет Господь (Вседержитель).
Huwag kayong maging katulad ng inyong mga amang sinigawan ng mga propeta noong nakaraan na nagsasabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: tumalikod kayo sa inyong mga masasamang gawain at kaugalian!” Ngunit hindi sila nakinig at hindi nila ako binigyan ng pansin.” Ito ang pahayag ni Yahweh.
5 Отцы ваши где суть и пророцы? Еда во век поживут?
“Nasaan ang inyong mga ama? At ang mga propeta, naririto ba sila magpakailanman?
6 Обаче словеса Моя и законы Моя приемлете, елика Аз заповедаю в Дусе Моем рабом Моим пророком, иже постигнуша отцев ваших. И отвещаша и реша: якоже устави Господь Вседержитель сотворити нам по путем нашым и по начинанием нашым, тако сотвори нам.
Ngunit ang aking mga salita at mga kautausan na iniutos ko sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba nito naabot ang inyong mga ama? Kaya nagsisi sila at sinabi, “Gaya ng binalak gawin sa atin ni Yahweh ng mga hukbo dahil sa ating mga salita at gawain, kaya niya ginawa sa atin.”
7 В двадесять четвертый первагонадесять месяца, сей есть месяц Сават, во второе лето, при Дарии, бысть слово Господне ко Захарии Варахиину, сыну Аддову, пророку, глаголя:
Nang ikadalawampu't-apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, na ikalawang taon ng paghahari ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias na anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo na nagsasabi,
8 видех нощию, и се, муж всед на коня рыжа, и сей стояше между горами осеняющими, и за ним кони рыжы и сери, и пестри и бели,
“Nakita ko sa gabi at tingnan mo! nakasakay ang isang lalaki sa pulang kabayo at nasa kalagitnaan siya ng mga puno ng mirto na nasa lambak at sa likod niya ay may mga pula, mapula na kayumanggi at mga puting kabayo.”
9 и рех: что сии, господи? И рече ко мне Ангел глаголяй во мне: аз покажу ти, что суть сия.
Sinabi ko, “Ano ang mga ito Panginoon?” At sinabi sa akin ng anghel na kumausap sa akin, “Ipapakita ko sa iyo kung ano ang mga ito.”
10 И отвеща муж стояй между горами и рече ко мне: сии суть, ихже посла Господь оыти землю.
Pagkatapos, sumagot ang lalaking nakatayo sa kalagitnaan ng mga puno ng mirto at sinabi, “Ito ang mga isinugo ni Yahweh upang maglibot sa buong daigdig.”
11 И отвещаша Ангелу Господню стоящему между горами и реша: обыдохом всю землю, и се, вся земля населена есть и молчит.
Tumugon sila sa anghel ni Yahweh na nakatayo sa kalagitnaan ng mga puno ng mirto, sinabi nila sa kaniya, “Matagal na kaming naglilibot sa buong daigdig, tingnan mo, ang buong daigdig ay nananatili at nagpapahinga.”
12 И отвеща Ангел Господень и рече: Господи Вседержителю, доколе не имаши помиловати Иерусалима и грады Иудовы, яже презрел еси, сие седмьдесятое лето?
Pagkatapos, sinagot ng anghel si Yahweh at sinabi, “Yahweh ng mga hukbo, gaano katagal kang hindi magpapakita ng pagkahabag sa Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda na nagdusa ng iyong pagkagalit nitong pitumpung taon”?
13 И отвеща Господь Вседержитель Ангелу глаголющему во мне глаголголы добры и словеса утешна.
Sinagot ni Yahweh ang anghel na kumausap sa akin nang may mga magagandang salita at mga salitang pang-aliw.
14 И рече ко мне Ангел глаголяй во мне: возопий глаголя: сице глаголет Господь Вседержитель: ревновах по Иерусалиму и Сиону рвением великим,
Kaya sinabi ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Sumigaw ka at iyong sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: “Naninibugho ako para sa Jerusalem at Sion nang may matinding damdamin!
15 и гневом велиим Аз гневаюся на языки нападающыя: зане Аз убо прогневахся мало, они же налегоша во злая.
At labis akong nagagalit sa mga bansang matiwasay sapagkat hindi ako nalugod at tumulong sila sa pagbubungad ng kadalamhatian.”
16 Сего ради сице глаголет Господь: обращуся ко Иерусалиму щедротами, и храм Мой созиждется в нем, глаголет Господь Вседержитель, и мера протягнется во Иерусалиме еще.
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: “Bumalik ako sa Jerusalem ng may pagkaawa. Itatatag ang aking tahanan sa kaniya at iuunat sa Jerusalem ang panukat na linya!”- ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
17 И рече ко мне Ангел глаголяй во мне: еще возопий глаголя: сице глаголет Господь Вседержитель: еще прелиятися имут гради благими, и помилует Господь еще Сиона и изберет еще Иерусалима.
Muli, sumigaw ka na magsasabi, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Ang aking mga lungsod ay muling mapupuno ng kabutihan at muling aaliwin ni Yahweh ang Sion at muli niyang pipiliin ang Jerusalem.”
18 И возведох очи мои и видех, и се, четыри рози,
Pagkatapos, tumingala ako at nakakita ng apat na sungay!
19 и рех ко Ангелу глаголющему во мне: что суть сия, господи? И рече ко мне: сии рози расточившии Иуду и Израиля и Иерусалима.
Nagsalita ako sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito?” Sinagot niya ako, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”
20 И показа ми Господь четыри древоделя.
Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh ang apat na panday.
21 И рех: что сии грядут сотворити, (господи)? И рече: сии рози расточившии Иуду, и Израиля сокрушиша, и никтоже от них воздвиже главы: и изыдоша сии поострити я в руках своих четыри рози, языцы возносящии рог на землю Господню, еже расточити ю.
Sinabi ko, “Ano ang gagawin ng mga taong ito?” Sumagot siya at sinabi, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda upang walang sinuman ang makapag-angat ng kaniyang ulo. Ngunit dumarating ang mga taong ito upang palayasin sila, upang ibagsak ang mga sungay ng mga bansang nag-angat ng anumang sungay laban sa lupain ng Juda upang ikalat siya.

< Книга пророка Захарии 1 >