< Послание к Римлянам 3 >

1 Что убо лишшее Иудею? Или кая польза обрезания?
Kung gayon, ano ang kalamangan ng Judio? At ano ang mapapakinabangan sa pagtutuli?
2 Много, по всякому образу: первее бо, яко вверена быша им словеса Божия.
Napakarami sa anumang paraan. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa mga Judio ang mga pahayag mula sa Diyos.
3 Что бо, аще не вероваша нецыи? Еда (убо) неверствие их веру Божию упразднит?
Ngunit paano kung walang pananampalataya ang iba sa mga Judio? Ang kawalan ng pananampalataya nila ay nagpapawalang bisa ba sa katapatan ng Diyos?
4 Да не будет: да будет же Бог истинен, всяк же человек ложь, якоже есть писано: яко да оправдишися во словесех Твоих, и победиши, внегда судити Ти.
Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan.”
5 Аще ли неправда наша Божию правду составляет, что речем? Еда ли неправеден Бог наносяй гнев? По человеку глаголю.
Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao.
6 Да не будет: понеже како судити имать Бог миру?
Huwag nawa ito mangyari! Sapagkat kung ganoon, paano hahatulan ng Diyos ang sanlibutan?
7 Аще бо истина Божия в моей лжи избыточествова в славу Его, что еще и аз яко грешник осуждаюся,
Ngunit kung ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan ko ay nagbibigay ng saganang kapurihan sa kaniya, bakit pa ako hinahatulan bilang isang makasalanan?
8 и не якоже хулимся, и якоже глаголют нецыи нас глаголати, яко сотворим злая, да приидут благая: ихже суд праведен есть.
Bakit hindi nalang sabihin, gaya ng walang katotohanang ulat ng iba na sinasabi daw namin, at gaya ng pinatotohanan ng iba na sinasabi namin, “Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang kabutihan?” Ang hatol sa kanila ay makatarungan.
9 Что убо, преимеем ли? Никакоже: предукорихом бо Иудеи же и Еллины вся под грехом быти,
Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan.
10 якоже есть писано. Яко несть праведен никтоже:
Ito ay gaya ng nasusulat: “Walang matuwid, wala ni isa.
11 несть разумеваяи, и несть взыскаяй Бога:
Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos.
12 вси уклонишася, вкупе непотребни быша. Несть творяй благостыню, несть даже до единаго.
Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
13 Гроб отверст гортань их, языки своими льщаху. Яд аспидов под устнами их.
Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi.
14 Ихже уста клятвы и горести полна суть.
Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.
15 Скоры ноги их пролияти кровь:
Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo.
16 сокрушение и озлобление на путех их,
Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas.
17 и пути мирнаго не познаша.
Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan.
18 Несть страха Божия пред очима их.
Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
19 Вемы же, яко елика закон глаголет, сущым в законе глаголет: да всяка уста заградятся, и повинен будет весь мир Богови:
Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.
20 зане от дел закона не оправдится всяка плоть пред Ним: законом бо познание греха.
Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
21 Ныне же кроме закона правда Божия явися, свидетельствуема от закона и пророк.
Ngunit ngayon, naipaalam na ang katuwiran ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng kautusan. Ito ay nasaksihan ng kautusan at ng mga propeta,
22 Правда же Божия верою Иисус Христовою во всех и на всех верующих: несть бо разнствия,
ito ay, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo para sa lahat ng mga naniniwala. Sapagkat walang pagtatangi.
23 вси бо согрешиша, и лишени суть славы Божия,
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
24 оправдаеми туне благодатию Его, избавлением, еже о Христе Иисусе,
Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.
25 Егоже предположи Бог очищение верою в Крови Его, в явление правды Своея, за отпущение прежде бывших грехов,
Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan
26 в долготерпении Божии, и в показание правды Его в нынешнее время, во еже быти Ему праведну и оправдающу сущаго от веры Иисусовы.
sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.
27 Где убо похвала, отгнася. Которым законом? Делы ли? Ни, но законом веры.
Kung gayon, nasaan ang pagmamalaki? Ito ay inihiwalay na! Sa anong batayan? Sa mga gawa? Hindi, kundi batay sa pananampalataya.
28 Мыслим убо верою оправдатися человеку, без дел закона.
Kaya masasabi natin na ang isang tao ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga gawa ng kautusan.
29 Или Иудеев Бог токмо, а не и языков? Ей, и языков:
O ang Diyos ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba't siya rin ay Diyos ng mga Gentil? Oo, pati ng mga Gentil.
30 понеже един Бог, Иже оправдит обрезание от веры и необрезание верою.
Kung magkagayon nga, na ang Diyos ay iisa, ipawawalang-sala niya ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Закон ли убо разоряем верою? Да не будет: но закон утверждаем.
Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip, pinapagtibay pa nga natin ang kautusan.

< Послание к Римлянам 3 >