< Псалтирь 148 >
1 Хвалите Господа с небес, хвалите Его в вышних.
Purihin si Yahweh. Purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kalangitan; purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kaitaas-taasan.
2 Хвалите Его вси Ангели Его: хвалите Его, вся силы Его.
Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel.
3 Хвалите Его, солнце и луна: хвалите Его вся звезды и свет.
Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
4 Хвалите Его, небеса небес и вода, яже превыше небес.
Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
5 Да восхвалят имя Господне: яко Той рече, и быша: Той повеле, и создашася.
Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at (sila) ay nalikha.
6 Постави я в век и в век века: повеление положи, и не мимо идет.
Itinatag niya rin (sila) magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
7 Хвалите Господа от земли, змиеве и вся бездны:
Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
8 огнь, град, снег, голоть, дух бурен, творящая слово Его:
apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
9 горы и вси холми, древа плодоносна и вси кедри:
mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
10 зверие и вси скоти, гади и птицы пернаты:
mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
11 царие земстии и вси людие, князи и вси судии земстии:
mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
12 юноши и девы, старцы с юнотами.
mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.
13 Да восхвалят имя Господне: яко вознесеся имя Того единаго, исповедание Его на земли и на небеси.
Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.
14 И вознесет рог людий Своих: песнь всем преподобным Его, сыновом Израилевым, людем приближающымся Ему.
Itinaas niya ang tambuli ng kaniyang bayan para sa pagpupuri mula sa kaniyang mga tapat na lingkod, mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya. Purihin si Yahweh.