< Числа 32 >

1 И скота множество бяше сыном Рувимлим и сыном Гадовым, много зело. И видеша страну Иазирову и страну Галаадову, и бяше место, место скотно.
Ngayon ang mga kaapu-apuhan ni Ruben at Gad ay may napakalaking bilang ng mga alagang hayop. Nang nakita nila ang lupain ni Jazer at Galaad, ang lupain ay isang mainam na lugar para sa mga alagang hayop.
2 И пришедше сынове Рувимли и сынове Гадовы рекоша к Моисею и ко Елеазару жерцу и ко князем сонма, глаголюще:
Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay dumating at nagsalita kay Moises, kay Eleazar na pari, at sa mga pinuno ng sambayanan. Sinabi nila,
3 Атароф и Девон, и Иазир и Намра, и Есевон и Елеали, и Севама и Навав и Веан,
“Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo, at Beon,
4 земля, юже предаде Господь пред сыны Израилевыми, земля скотопитателна есть, рабом же твоим скот есть.
ang mga lupaing sinalakay ni Yahweh sa harap ng mamamayan ng Israel ay magandang mga lugar para sa mga alagang hayop. Kaming mga lingkod mo ay may maraming alagang hayop.”
5 И реша: аще обретохом благодать пред тобою, да дастся нам земля сия рабом твоим во одержание, и не преводи нас чрез Иордан.
Sinabi nila, “Kung kami ay naging kalugud-lugod sa inyong paningin, hibigay mo sa amin ang lupaing ito, samga lingkod mo, bilang isang ari-arian. Huwag mo kaming hayaang tumawid sa Jordan.”
6 И рече Моисей сыном Гадовым и сыном Рувимлим: братия вашя пойдут на брань, и вы ли сядете ту?
Sumagot si Moises sa mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben, “Kailangan bang pumunta ang inyong mga kapatid na lalaki sa digmaan habang kayo ay nananatili dito?
7 И вскую развращаете сердце сынов Израилевых, не прейти на землю, юже дает Господь им?
Bakit ninyo pinahihina ang puso ng mga tao ng Israel sa pagpunta sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh?
8 Не тако ли сотвориша отцы ваши, егда послах я от Кадис-Варни соглядати землю?
Ganoon din ang ginawa ng inyong mga ama nang ipadala ko sila mula sa Kades Barnea upang suriin ang lupain.
9 И взыдоша до дебри Грезновныя, и соглядаша землю, и отвратиша сердце сынов Израилевых, яко да не внидут в землю, юже даде им Господь?
Umakyat sila sa lambak ng Escol. Nakita nila ang lupain at pagkatapos ay pinahina ang loob ng mga tao ng Israel kaya tumanggi silang pumasok sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yawheh.
10 И разгневася яростию Господь в день Он и клятся, глаголя:
Nag-alab ang galit ni Yawheh ng araw na iyon. Nanumpa siya at sinabi,
11 аще узрят человецы сии изшедшии из Египта, от двадесяти лет и вышше, ведущии добро и зло, землю, еюже кляхся Аврааму и Исааку и Иакову: не последоваша бо вслед Мене,
'Tiyak na wala sa mga kalalakihang umalis mula Ehipto, mula dalawampung taong gulang pataas, ang makakakita sa lupaing aking ipinangako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, dahil hindi nila ako lubusang sinunod, maliban kay
12 точию Халев сын Иефонниин Отлученный и Иисус сын Навин, яко последоваша вслед Господа.
Caleb na lalaking anak ni Jefune na Cenizita, at Josue na anak ni Nun. Tanging si Caleb at Josue ang lubusang sumunod sa akin.'
13 И разгневася яростию Господь на Израиля, и томи я в пустыни четыредесять лет, дондеже потребися весь род творящий злая пред Господем.
Kaya nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel. Idinulot niyang magpaga-gala sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa ang lahat ng salinlahing gumawa ng masama sa kaniyang paningin ay nalipol.
14 Се, востасте вместо отец ваших, сокрушение человек грешников, приложити еще к ярости гнева Господня на Израиля:
Tingnan mo, humalili kayo sa lugar ng inyong mga ama, tulad ng mas makasalanang mga tao, upang dumagdag sa nag-aalab na galit ni Yahweh sa Israel.
15 яко отвратитеся от Него, приложити еще оставити его в пустыни, и возбеззаконнуете на весь сонм сей.
Kung tatalikod kayo mula sa pagsunod sa kaniya, iiwan niya muli ang Israel sa ilang at lilipulin ninyo ang lahat ng mga taong ito.”
16 И приидоша к нему и глаголаша: ограды овцам да соградим зде скотом своим, и грады имением нашым:
Kaya lumapit sila kay Moises at sinabi, “Payagan mo kaming magtayo ng mga bakod dito para sa aming mga baka at mga lungsod para sa aming mga pamilya.
17 и мы вооружени пойдем на стражбу первии сыном Израилевым, дондеже введем я в место их: и да вселятся имения наша во градех утвержденых ради живущих на земли:
Gayunman, kami mismo ay magiging handa at nakasandatang sasama sa hukbo ng Israel hanggang sa mapangunahan namin sila sa kanilang lugar. Ngunit maninirahan ang aming mga pamilya sa mga pinagtibay na lungsod dahil sa ibang mga taong nananatili pa ring nakatira sa lupaing ito.
18 не возвратимся в домы нашя, дондеже разделятся сынове Израилтестии, кийждо в наследие свое:
Hindi kami babalik sa aming mga tahana hangga't ang mga tao ng Israel, ang bawat lalaki ay magkaroon ng mana.
19 и ктому не наследим в них об ону страну Иордана и далее, яко прияхом жребия нашя сию страну Иордана на востоки.
Hindi namin mamanahin ang lupain kasama nila sa ibang panig ng Jordan, dahil ang aming mana ay narito sa dakonhg silangan ng Jordan.”
20 И рече к ним Моисей: аще сотворите по словеси сему, аще вооружитеся пред Господем на брань,
Kaya sumagot si Moises sa kanila, “Kung gagawin ninyo ang inyong sinabi, kung sasandatahan ninyo ang inyong mga sarili sa harap ni Yahweh upang makidigma,
21 и прейдет всяк оружник ваш Иордан пред Господем на брань, дондеже потребится враг Его от лица Его,
ang bawat isa sa inyong mga armadong lalaki ay kinakailangang tumawid sa Jordan sa harap ni Yahweh, hanggang sa mapaalis niya ang kaniyang mga kaaway mula sa harap niya
22 и обладана будет земля пред Господем, и посем возвратитеся, и будете безвинни пред Господем и от Израиля: и будет земля сия вам во одержание пред Господем:
at naangkin ang lupain sa harap niya. Kung ganoon matapos iyon makakabalik na kayo. Mapapawalang-sala kayo kay Yahweh at sa Israel. Magiging inyong ari-arian ang lupaing ito sa harapan ni Yahweh.
23 аще же не сотворите тако, согрешите пред Господем, и увесте грех ваш, егда вас постигнут злая:
Ngunit kung hindi ninyo gagawin ito, tingnan ninyo, magkakasala kayo kay Yahweh. Tiyakin ninyong ang inyong kasalanan ay hahanapin kayo.
24 и соградите вы себе грады имению вашему и ограды скотом вашым: и исходящее из уст ваших сотворите.
Magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga pamilya at mga kulungan para sa inyong tupa; at gawin ninyo ang inyong sinabi.”
25 И рекоша сынове Рувимли и сынове Гадовы к Моисею, глаголюще: раби твои сотворят, якоже Господь наш повелел есть:
Ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay nagsalita kay Moises at sinabi, “Ang inyong mga lingkod ay gagawin ang mga inutos mo, aming amo.
26 имение наше, и жены наши, и весь скот наш да будут во градех Галаадовых:
Ang aming mga paslit, ang aming mga asawa, ang aming mga kawan, at ang lahat ng aming alagang hayop ay mananatili doon sa mga lungsod ng Galaad.
27 раби же твои прейдут вси вооружени и уготовани пред Господем на брань, якоже глаголет Господь.
Ganoon pa man, kami na inyong mga lingkod, ay tatawid sa harapan ni Yahweh upang makipaglaban, bawat lalaking armado para sa digmaan, gaya ng sinabi mo, aming amo.”
28 И пристави им Моисей Елеазара жерца и Иисуса сына Навина, и князи отечеств племен сынов Израилевых.
Kaya nagbigay ng mga tagubilin si Moises tungkol sa kanila kay Eleazar na pari, kay Josue na anak na lalaki ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno sa mga tribu ng mga tao ng Israel.
29 И рече к ним Моисей: аще прейдут сынове Рувимли и сынове Гадовы с вами чрез Иордан, всяк вооружен на брань пред Господем, и обладаете землею пред собою, и дадите им землю Галаадову во одержание.
Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay tatawid sa Jordan kasama ninyo, bawat lalaking armado upang makipaglaban sa harapan ni Yahweh, at kung ang lupain ay nilupig sa harap ninyo, ibibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Galaad bilang isang ari-arian.
30 Аще ли не прейдут вооружени с вами на брань пред Господем, то предпослите имение их и жены их и скоты их прежде вас на землю Ханааню, и да наследят купно с вами в земли Ханаани.
Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyong armado, kukunin nila ang kanilang mga ari-arian sa piling ninyo sa lupain ng Canaan.”
31 И отвещаша сынове Рувимли и сынове Гадовы, глаголюще: елика глаголет Господь рабом Своим, тако сотворим мы:
Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay sumagot at sinabi, “Ayon sa sinabi ni Yahweh sa amin, na inyong mga lingkod, ito ang gagawin namin.
32 прейдем вооружени пред Господем в землю Ханааню, и дадите нам во одержание страну сию Иордана.
Kami ay tatawid na nakasandata sa harap ni Yahweh sa lupain ng Canaan, ngunit mananatili sa amin ang aming inangking mana sa bahaging ito ng Jordan.”
33 И даде им Моисей сыном Гадовым и сыном Рувимлим и полуплемени Манассиину сынов Иосифовых царство Сиона царя Аморрейска и царство Ога царя Васанска, землю и грады с пределы ея, грады окрестныя земли.
Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.
34 И соградиша сынове Гадовы Девон и Атароф и Ароир,
Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer,
35 и Софан и Иазир, и вознесоша их,
Atrot Sopan, Jazer, Jogbeha,
36 и Намрам и Вефаран грады тверды, и ограды овцам.
Bet Nimra, at Bet Haran bilang mga pinatibay na lungsod na may mga kulungan para sa tupa.
37 И сынове Рувимли соградиша Есевон и Елеали и Кариафаим,
Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Ruben ang Hesbon, Eleale, Kiriatim,
38 и Навон и Веельмеон ограждены, и Севама: и прозваша по именом своим имена градом, яже соградиша.
Nebo, Baal Meon—na pinalitan kalaunan ang kanilang mga pangalan, at Sibma. Nagbigay sila ng ibang mga pangalan sa mga lungsod na kanilang muling itinayo.
39 И иде ур сын Махиров, внук Манассиев, в Галаад, и взя его, и погуби Аморреа живущаго в нем:
Nagpunta ang mga kaapu-apuhan ni Maquir na anak na lalaki ni Manases sa Galaad at kinuha ito mula sa mga Amoreong naroon.
40 и даде Моисей Галаад Махиру сыну Манассиину, и вселися ту.
Pagkatapos ibinigay ni Moises ang Galaad kay Maquir anak na lalaki ni Manases, at ang kaniyang mga tao ay nanirahan doon.
41 И Иаир сын Манассиев иде и взя села их, и прозваша я села Иаирова.
Nagpunta si Jair na anak na lalaki ni Manases at sinakop ang mga nayon nito at tinawag ang mga itong Havot Jair.
42 И Навав иде и взя Каафа и села его, и именова я Навоф от имене своего.
Nagpunta si Noba at sinakop ang Kenat at mga kanayunan nito, at tinawag niya itong Noba, sunod sa kaniyang sariling pangalan.

< Числа 32 >