< Книга Неемии 5 >

1 И бысть вопль людий и жен их велик на братию свою Иудеи.
Pagkatapos, ang mga lalaki at ang kanilang mga asawa ay dumaing nang napakalakas laban sa kanilang mga kapwa Judio.
2 И быша нецыи глаголюще: сынове наши и дщери нашя мнози суть нам, и да возмем (за цену) пшеницу и ядим и живи будем.
Dahil may mga iba na nagsabi “Kasama ng aming mga anak na lalaki at babae, kami ay marami. Kaya hayaan ninyong makakuha kami ng butil para makakain kami at patuloy na mabuhay.”
3 И быша нецыи глаголюще: села наша и винограды нашя и домы нашя мы да дадим в залог, и возмем пшеницу, и ясти будем.
May mga iba rin na nagsabing, “Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom.”
4 И быша нецыи глаголюще: взаим взяхом сребро на дани царевы, дадим села наша и винограды нашя и домы нашя:
May mga iba rin na nagsabing, “Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan.
5 и ныне якоже плоть братий наших, плоть наша, якоже сынове их, сынове наши: и се, мы порабощаем сыны нашя и дщери нашя в рабы, и суть от дщерей наших порабощены, и несть силы в руках наших (откупити) и села наша и винограды нашя у вельмож.
Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan.”
6 И оскорбех зело, егда услышах вопль их и словеса сия.
Galit na galit ako nang narinig ko ang kanilang daing at ang mga salitang ito.
7 И усоветова сердце мое во мне, и воспретих державным и началным и рекох им: лихвы ли кийждо от брата своего истяжет, юже вы истязуете? И собрах противу им собрание велико
Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, “Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid.” Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
8 и рекох им: мы искупихом братию нашу Иудеов, проданых языком, по силе нашей: вы же продасте братию вашу, и отдадутся нам? И умолчаша, и не обретоша что отвещати.
at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
9 И рекох: не добро дело, еже вы творите: тако не во страсе Бога нашего (ходяще) убежите ли от поношения языков врагов наших?
Sinabi ko rin, “Hindi mabuti ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat kayong lumakad na may takot sa ating Diyos para maiwasan ang paghamak ng mga bansa na mga kaaway natin?
10 И аз и братия моя и знаемии мои взаим дахом им пенязи и пшеницу: оставим убо лихоимство сие:
Ako at ang aking mga kapatid at ang mga lingkod ko ay nagpapautang sa kanila ng pera at butil. Pero dapat nating itigil ang paniningil ng tubo sa mga pautang na ito.
11 возвратите же им днесь села их и винограды их и маслины их и домы их, и от сребра пшеницу и вино и елей отдадите им.
Ibalik sa kanila ngayon mismong araw na ito ang kanilang mga bukirin, ang kanilang ubasan, at kanilang taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay at ang porsiyento ng pera, ng butil, ng bagong alak, at ng langis na siningil ninyo mula sa kanila.”
12 И рекоша: отдадим и от них не взыщем, тако сотворим, якоже ты глаголеши. И призвах священников и заклях их сотворити по словеси сему.
Pagkatapos sinabi nila, “Ibabalik namin kung ano ang kinuha namin sa kanila, at wala kaming hihingin mula sa kanila. Gagawin namin ang sinabi mo.” Pagkatapos tinawag ko ang mga pari, at pinanumpa sila na gagawin ang kanilang ipinangako.
13 И отрясох одежду мою и рекох: тако да истрясет Бог всякаго мужа, иже не исполнит слова сего, от дому его и от трудов его, и да будет тако оттрясен и тощь. И рече все множество: аминь. И восхвалиша Бога. И сотвориша людие по глаголу сему.
Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, “Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan.” Lahat ng kapulungan ay nagsabing, “Amen,” at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila.
14 От дне того, в оньже повеле (царь) мне быти вождем их в земли Иудине, от лета двадесятаго и даже до лета тридесять втораго Артаксеркса царя, лет дванадесять, аз и братия моя оброку их не ядохом.
Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador.
15 И оброков первых, имиже прежде мене отягчиша их, и прияша от них в хлебе и в вине, по сих сребра (на всяк день) дидрахм четыредесять: и служебницы их обладаша людьми. Аз же не сотворих тако ради страха Божия.
Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos.
16 И в деле стены сия созидах: и села не стяжах, и вси отроцы мои собрани бяху тамо на дело.
Patuloy rin akong gumawa sa pader, at wala kaming biniling lupa. At lahat ng mga lingkod ko ay nagtipon doon para sa gawain.
17 Иудей же и началников сто пятьдесят мужей, и приходящии к нам от язык, иже окрест нас, при трапезе Моей.
Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin.
18 И бе уготовано мне на всяк день: телец един и овец шесть избранных и козел быша мне (и птицы), и между десяти дний всем вина много: и с сими хлеба господству моему не взысках, зане тяжка работа на людех сих.
Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao.
19 Помяни мя, Боже мой, во благо по всем, елика сотворих людем сим.
Alalahanin mo ako, aking Diyos, sa kabutihan, dahil sa lahat ng aking ginawa para sa mga taong ito.

< Книга Неемии 5 >