< От Матфея святое благовествование 22 >
1 И отвещав Иисус, паки рече им в притчах, глаголя:
At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi,
2 уподобися Царствие Небесное человеку царю, иже сотвори браки сыну своему
“Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki.
3 и посла рабы своя призвати званныя на браки: и не хотяху приити.
Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.
4 Паки посла ины рабы, глаголя: рцыте званным: се, обед мой уготовах, юнцы мои и упитанная исколена, и вся готова: приидите на браки.
At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, “Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
5 Они же небрегше отидоша, ов убо на село свое, ов же на купли своя:
Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo.
6 прочии же емше рабов его, досадиша им и убиша их.
Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila.
7 И слышав царь той разгневася, и послав воя своя, погуби убийцы оны и град их зажже.
Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
8 Тогда глагола рабом своим: брак убо готов есть, званнии же не быша достойни:
At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.
9 идите убо на исходища путий, и елицех аще обрящете, призовите на браки.
Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.'
10 И изшедше раби они на распутия, собраша всех, елицех обретоша, злых же и добрых: и исполнися брак возлежащих.
At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
11 Вшед же царь видети возлежащих, виде ту человека не оболчена во одеяние брачное,
Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
12 и глагола ему: друже, како вшел еси семо не имый одеяния брачна? Он же умолча.
Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
13 Тогда рече царь слугам: связавше ему руце и нозе, возмите его и вверзите во тму кромешнюю: ту будет плачь и скрежет зубом:
At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.'
14 мнози бо суть звани, мало же избранных.
Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”
15 Тогда шедше фарисее, совет восприяша, яко да обольстят Его словом.
At umalis ang mga Pariseo at nagbalak kung papaanong mabitag nila si Jesus sa kaniyang sariling salita.
16 И посылают к Нему ученики своя со иродианы, глаголюще: Учителю, вемы, яко истинен еси, и пути Божию воистинну учиши, и нерадиши ни о комже: не зриши бо на лице человеком:
At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, “Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao.
17 рцы убо нам, что Ти ся мнит? Достойно ли есть дати кинсон кесареви, или ни?
Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?”
18 Разумев же Иисус лукавство их, рече: что Мя искушаете, лицемери?
Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, “Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari?
19 Покажите Ми златицу кинсонную. Они же принесоша Ему пенязь.
Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi.” Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya.
20 И глагола им: чий образ сей и написание?
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaninong mukha at pangalan ang narito?”
21 (И) глаголаша Ему: кесарев. Тогда глагола им: воздадите убо кесарева кесареви, и Божия Богови.
Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
22 И слышавше дивишася: и оставльше Его отидоша.
Nang mapakinggan nila ito, namangha sila. At iniwan nila siya at umalis sila.
23 В той день приступиша к Нему саддукее, иже глаголют не быти воскресению, и вопросиша Его,
Sa araw na iyon ilan sa mga Saduseo na mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ay pumunta sa kaniya. Tinanong nila siya,
24 глаголюще: Учителю, Моисей рече: аще кто умрет не имый чад, (да) поймет брат его жену его и воскресит семя брата своего:
na nagsasabi, “Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
25 беша же в нас седмь братия: и первый оженься умре, и не имый семене, остави жену свою брату своему:
Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang panganay ay nag-asawa at namatay, at hindi nagkaanak. Iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalaki.
26 такожде же и вторый, и третий, даже до седмаго:
At ang pangalawang kapatid na lalaki gayon din ang ginawa niya, at ang pangatlo, hanggang sa pampitong kapatid na lalaki.
27 последи же всех умре и жена:
Pagkatapos nilang lahat, namatay din ang babae.
28 в воскресение убо, котораго от седмих будет жена? Вси бо имеша ю.
Ngayon sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya sa pitong magkakapatid? Sapagkat siya ay naging asawa nilang lahat.”
29 Отвещав же Иисус рече им: прельщаетеся, не ведуще Писания, ни силы Божия:
Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.
30 в воскресение бо ни женятся, ни посягают, но яко Ангели Божии на небеси суть:
Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa, o pag-aasawahin. Sa halip, sila ay katulad ng mga anghel sa langit.
31 о воскресении же мертвых несте ли чли реченнаго вам Богом, глаголющим:
Ngunit tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung ano ang sinabi sa inyo ng Diyos, na nagsasabi,
32 Аз есмь Бог Авраамов, и Бог Исааков, и Бог Иаковль? Несть Бог Бог мертвых, но (Бог) живых.
'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob'? “Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kung hindi ng mga buhay.”
33 И слышавше народи дивляхуся о учении Его.
Nang mapakinggan ito ng mga tao, sila ay namangha sa kaniyang katuruan.
34 Фарисее же слышавше, яко посрами саддукеи, собрашася вкупе.
Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila.
35 И вопроси един от них законоучитель, искушая Его и глаголя:
Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya—
36 Учителю, кая заповедь болши (есть) в законе?
“Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?”
37 Иисус же рече ему: возлюбиши Господа Бога твоего всем сердцем твоим, и всею душею твоею, и всею мыслию твоею:
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
38 сия есть первая и болшая заповедь:
Ito ang dakila at unang kauutusan.
39 вторая же подобна ей: возлюбиши искренняго твоего яко сам себе:
At ang pangalawang kautusan ay katulad nito— 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
40 в сию обою заповедию весь закон и пророцы висят.
Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta.”
41 Собравшымся же фарисеом, вопроси их Иисус,
Ngayon habang ang mga Pariseo ay nagkakatipon pa rin, si Jesus ay nagtanong sa kanila ng katanungan.
42 глаголя: что вам мнится о Христе? Чий есть Сын? Глаголаша Ему: Давидов.
Sinabi niya, “Ano ang iniisip ninyo tungkol kay Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kaniya, “Ang anak ni David.”
43 Глагола им: како убо Давид Духом Господа Его нарицает, глаголя:
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Papaanong si David sa Espiritu ay tumawag sa kaniyang Panginoon, na nagsabi,
44 рече Господь Господеви моему: седи одесную Мене, дондеже положу враги Твоя подножие ногама Твоима?
'Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon, “Umupo ka sa dako ng aking kanang kamay, hanggang ang iyong mga kaaway ay maging tungtungan ng iyong mga paa.”'?”
45 Аще убо Давид нарицает Его Господа, како сын ему есть?
Kung si David nga ay tinawag niya ang Cristo na 'Panginoon', paano siya naging anak ni David?”
46 И никтоже можаше отвещати Ему словесе: ниже смеяше кто от того дне вопросити Его ктому.
Walang kahit isa na makasagot sa kaniya ng isang salita, at mula sa araw na iyon walang sinumang sumubok pang magtanong sa kaniya.