< От Марка святое благовествование 8 >
1 В тыя дни, зело многу народу сущу, и не имущым чесо ясти, призвав Иисус ученики Своя, глагола им:
Sa mga araw na iyon, naroon muli ang maraming tao at wala silang makain. Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila,
2 милосердую о народе, яко уже три дни приседят Мне и не имут чесо ясти:
“Naaawa ako sa mga tao dahil patuloy nila akong sinamahan ng tatlong araw at wala silang makain.
3 и аще отпущу их не ядших в домы своя, ослабеют на пути: мнози бо от них издалеча пришли суть.
Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan na hindi pa nakakakain, maaari silang himatayin sa daan. At nagmula pa sa malayo ang ilan sa kanila.”
4 И отвещаша Ему ученицы Его: откуду сих возможет кто зде насытити хлебы в пустыни?
Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, “Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?”
5 И вопроси их: колико имате хлебов? Они же реша: седмь.
Tinanong sila ni Jesus, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” Sinabi nila, “Pito.”
6 И повеле народу возлещи на земли: и приемь седмь хлебов, хвалу воздав, преломи и даяше учеником Своим, да предлагают: и предложиша пред народом.
Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao.
7 И имяху рыбиц мало: и (сия) благословив, рече предложити и тыя.
Mayroon din silang ilang maliliit na isda, at matapos siyang makapagpasalamat para sa mga ito, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na ipamahagi din ito.
8 Ядоша же и насытишася: и взяша избытки укрух, седмь кошниц.
Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket.
9 Бяху же ядших яко четыре тысящы. И отпусти их.
May apat na libo ang mga taong naroroon. At pinauwi niya sila.
10 И абие влез в корабль со ученики Своими, прииде во страны Далмануфански.
Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at pumunta sila sa rehiyon ng Dalmanuta.
11 И изыдоша фарисее и начаша стязатися с Ним, ищуще от Него знамения с небесе, искушающе Его.
At pumunta ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kaniya. Humingi sila sa kaniya ng palatandaan mula sa langit upang subukin siya.
12 И воздохнув духом Своим, глагола: что род сей знамения ищет? Аминь глаголю вам, аще дастся роду сему знамение.
Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, “Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito.”
13 И оставль их, влез паки в корабль, (и) иде на он пол.
Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus, muling sumakay sa bangka, at pumunta sa kabilang dako.
14 И забыша ученицы Его взяти хлебы и разве единаго хлеба не имяху с собою в корабли.
Ngayon nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay. Mayroon lamang silang natitirang isang tinapay sa bangka.
15 И прещаше им, глаголя: зрите, блюдитеся от кваса фарисейска и от кваса Иродова.
Binalaan niya sila at sinabi, “Magmasid kayo at magbantay laban sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”
16 И помышляху, друг ко другу глаголюще, яко хлебы не имамы.
Nangatwiran ang mga alagad sa isa't isa, “Ito ay dahil wala tayong tinapay.”
17 И разумев Иисус, глагола им: что помышляете, яко хлебы не имате? Не у ли чувствуете, ниже разумеете? Еще ли окаменено сердце ваше имате?
Batid ito ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nababatid? Hindi ba ninyo nauunawaan? Naging tigang na ba ang inyong mga puso?
18 Очи имуще не видите? И ушы имуще не слышите? И не помните ли,
Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala?
19 егда пять хлебы преломих в пять тысящ, колико кош исполнь укрух приясте? Глаголаша Ему: дванадесять.
Nang hinati ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket ang inyong napuno ng mga hinati-hating tinapay?” Sinabi nila sa kaniya, “Labindalawa.”
20 Егда же седмь в четыре тысящы, колико кошниц исполнения укрух взясте? Они же реша: седмь.
“At nang hinati-hati ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang basket ang inyong napuno?” Sinabi nila sa kaniya, “Pito.”
21 И глагола им: како не разумеете?
Sinabi niya, “Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?”
22 И прииде в Вифсаиду: и приведоша к Нему слепа, и моляху Его, да его коснется.
Nakarating sila sa Betsaida. Dinala sa kaniya ng mga tao doon ang isang lalaking bulag at pinakiusapan nila si Jesus na hawakan siya.
23 И емь за руку слепаго, изведе его вон из веси: и плюнув на очи его, (и) возложь руце нань, вопрошаше его, аще что видит?
Inalalayan ni Jesus ang lalaking bulag at dinala siya palabas ng nayon. Nang niluraan niya ang kaniyang mga mata at pinatong ang kaniyang kamay sa kaniya, tinanong niya ito, “May nakikita ka bang anumang bagay?”
24 И воззрев глаголаше: вижу человеки яко древие ходящя.
Tumingin siya at sinabi, “Nakakakita ako ng mga taong parang mga punong naglalakad.”
25 Потом (же) паки возложи руце на очи его и сотвори его прозрети: и утворися и узре светло все.
Kaya ipinatong niyang muli ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata, at iminulat ng lalaki ang kaniyang mga mata, nanumbalik ang kaniyang paningin, at malinaw niyang nakita ang lahat ng mga bagay.
26 И посла его в дом его, глаголя: ни в весь вниди, ни повеждь кому в веси.
Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang tahanan at sinabi, “Huwag kang papasok sa bayan.”
27 И изыде Иисус и ученицы Его в веси Кесарии Филипповы: и на пути вопрошаше ученики Своя, глаголя им: кого Мя глаголют человецы быти?
Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad patungo sa nayon ng Cesarea Filipos. Sa daan tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Sino ako ayon sa mga sinasabi ng mga tao?”
28 Они же отвещаша: Иоанна Крестителя: и инии Илию: друзии же единаго от пророк.
Sumagot sila at sinabi, “Si Juan na Tagabautismo. Sinasabi ng iba, 'si Elias,' at ang iba, 'Isa sa mga propeta.'”
29 И Той глагола им: вы же кого Мя глаголете быти? Отвещав же Петр глагола Ему: Ты еси Христос.
Tinanong sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Ikaw ang Cristo.”
30 И запрети им, да ни комуже глаголют о Нем.
Binalaan sila ni Jesus na huwag ipagsabi sa kahit kanino ang tungkol sa kaniya.
31 И начат учити их, яко подобает Сыну Человеческому много пострадати, и искушену быти от старец и архиерей и книжник, и убиену быти, и в третий день воскреснути.
At nagsimula siyang magturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon matapos ang tatlong araw.
32 И не обинуяся слово глаголаше. И приемь Его Петр, начат претити Ему.
Malinaw niya itong sinabi. At dinala siya ni Pedro sa isang tabi at nagsimula siyang pagsabihan.
33 Он же обращься и воззрев на ученики Своя, запрети Петрови, глаголя: иди за Мною, сатано: яко не мыслиши, яже (суть) Божия, но яже человеческа.
Ngunit lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad at sinaway niya si Pedro at sinabi, “Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos ngunit pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa mga tao.”
34 И призвав народы со ученики Своими, рече им: иже хощет по Мне ити, да отвержется себе, и возмет крест свой, и по Мне грядет:
Pagkatapos tinawag niya ang maraming tao, kasama ng kaniyang mga alagad, at sinabi niya sa kanila, “Kung sinuman ang nagnanais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin.
35 иже бо аще хощет душу свою спасти, погубит ю: а иже погубит душу свою Мене ради и Евангелиа, той спасет ю:
Sapagkat ang sinumang nais magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito at sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin at para sa ebanghelyo ay makapagliligtas nito.
36 кая бо польза человеку, аще приобрящет мир весь, и отщетит душу свою?
Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?
37 Или что даст человек измену на души своей?
Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang buhay?
38 Иже бо аще постыдится Мене и Моих словес в роде сем прелюбодейнем и грешнем, и Сын Человеческий постыдится его, егда приидет во славе Отца Своего со Ангелы святыми.
Kapag ikinahiya ako at ang aking salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel.”