< Книга пророка Малахии 1 >
1 Пророчество словесе Господня на Израиля рукою ангела Его: положите убо на сердцах ваших.
Ang pagpapahayag ng salita ni Yahweh para sa Israel sa pamamagitan ng kamay ni Malakias.
2 Возлюбих вы, глаголет Господь. И ресте: о чем возлюбил еси ны? Не брат ли бе Исав Иакову? Глаголет Господь: и возлюбих Иакова, Исава же возненавидех,
“Inibig ko kayo,” sinabi ni Yahweh. Ngunit sinabi ninyo, “Paano mo kami inibig?” “Hindi ba kapatid ni Jacob si Esau?” ang pahayag ni Yahweh. “Gayon pa man, inibig ko si Jacob
3 и учиних пределы его во изчезновение и достояние его в нырища пустынна.
ngunit kinamuhian ko si Esau. Ginawa kong wasak na lugar ang kaniyang mga bundok at ginawa kong lugar ng mga asong gubat sa ilang ang kaniyang mga mana.”
4 Зане аще речет: Идумеа разорися, и обратимся и возсозиждем опустевшая ея: сице глаголет Господь Вседержитель: тии созиждут, и Аз разорю, и нарекутся им пределе беззакония, и людие, на няже ополчися Господь до века.
Kung sasabihin ng Edom, “Pinabagsak tayo ngunit ibabalik at itatayo natin ang mga nawasak;” Sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Itatayo nila ngunit pababagsakin ko; at tatawagin sila ng mga tao, 'Ang bansa ng kasamaan', at 'Ang mga taong kinapopootan ni Yahweh magpakailanman.”'
5 И очеса ваша увидят, и вы речете: возвеличися Господь превыше предел Израилевых.
Makikita ito ng sarili ninyong mga mata at sasabihin ninyo, “Dakila si Yahweh sa kabila ng mga hangganan ng Israel.”
6 Сын славит отца, и раб господина своего убоится: и аще Отец есмь Аз, то где слава Моя? И аще Господь есмь Аз, то где есть страх Мой? Глаголет Господь Вседержитель. Вы священницы презирающии имя Мое. И ресте: о чесом презрехом имя Твое?
“Pinararangalan ng isang anak ang kaniyang ama at pinararangalan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon. At kung isa nga akong Ama, nasaan ang aking karangalan? At kung isa akong panginoon, nasaan ang paggalang para sa akin? Nagsasalita sa inyo si Yahweh ng mga hukbo, mga paring humamak sa aking pangalan. Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?'
7 Приносяще ко олтареви Моему хлебы скверны. И ресте: о чесом осквернихом я? Внегда глаголати вам: трапеза Господня осквернена есть: и возложенная брашна уничижили есте.
Sa pamamagitan ng paghahandog ng maruming tinapay sa aking altar. At sinabi ninyo, 'Paano ka namin dinungisan?' Sa pamamagitan ng pagsasabing maaaring hamakin ang hapag ni Yahweh.
8 Зане аще приведете слепо на жертву, не зло ли? И аще приведете хромо или недужно, то не зло ли? Приведи е князю твоему, еда приимет е? Еда приимет лице твое? Глаголет Господь Вседержитель.
Kapag naghahandog kayo ng mga hayop na bulag para sa pag-aalay, hindi ba masama iyon? At kapag naghahandog kayo ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Ihandog ninyo iyan sa inyong gobernador, tatanggapin pa ba niya kayo o haharapin pa ba niya kayo?” sinabi ni Yahweh ng mga hukbo.
9 И ныне умилостивите лице Бога вашего и помолитеся Ему, (да помилует вы). В руках ваших быша сия, аще прииму от вас лица ваша? Глаголет Господь Вседержитель.
At ngayon, sinusubukan ninyong humingi ng tulong sa Diyos upang maaari siyang mahabag sa atin. “Sa mga ganitong handog ninyo, tatanggapin pa ba niya kayo?” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
10 Зане и в вас затворятся двери, и не возгнетите огня олтареви Моему туне: несть воля Моя в вас, глаголет Господь Вседержитель, и жертвы не прииму от рук ваших.
“O, kung may isa man sa inyo ang maaaring magsara ng mga tarangkahan ng templo upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan! Hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at hindi ko tatanggapin ang anumang handog mula sa inyong kamay.
11 Зане от восток солнца и до запад имя Мое прославися во языцех, и на всяцем месте фимиам приносится имени Моему и жертва чиста: зане велие имя Мое во языцех, глаголет Господь Вседержитель.
Sapagkat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa; sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan at maging ang dalisay na handog. Sapagkat magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
12 Вы же скверните е глаголюще: трапеза Господня осквернена есть, и возлагаемая брашна его уничтожена быша.
“Ngunit nilalapastangan ninyo ito nang sabihin ninyong marumi ang hapag ng Panginoon at ang mga prutas nito, dapat hamakin ang pagkain nito.
13 И ресте: сия от злострадания суть. И отдунух я, глаголет Господь Вседержитель. И внесосте хищения и хромая и недужная, и приведете я на жертву, еда прииму их от рук ваших? Глаголет Господь Вседержитель.
Sinabi rin ninyo, 'Nakakapagod na ito,' at pasinghal ninyo itong hinamak,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Dinadala ninyo kung ano ang kinuha ng isang mabangis na hayop o ang pilay o may sakit; at dinala ninyo ito bilang inyong mga handog! Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?” sabi ni Yahweh.
14 И проклят, иже бе силен, и бе ему в стаде его мужеск пол, и обет его на нем, и жрет растленное Господеви: зане Царь велий Аз есмь, глаголет Господь Вседержитель, и имя Мое светло во языцех.
“Sumpain ang mandaraya na may isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin at gayon pa man inihandog sa akin, ang Panginoon, kung ano ang may kapintasan, sapagkat isa akong dakilang Hari,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at kinakatakutan ng mga bansa ang aking pangalan.”