< Левит 18 >

1 И рече Господь к Моисею, глаголя:
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
2 глаголи сыном Израилевым и речеши к ним: Аз Господь Бог ваш:
“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Ako si Yahweh na inyong Diyos.
3 по делом земли Египетския, в нейже обитасте, да не сотворите, и по начинанием земли Ханаанския, в нюже Аз веду вы тамо, не сотворите, и по законом их не ходите:
Hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Ehipto, kung saan dati kayong nanirahan. At hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Canaan, sa lupain na pagdadalhan ko sa inyo. Huwag ninyong sundin ang kanilang mga kaugalian.
4 судбы Моя сотворите, и повеления Моя сохраните и ходите в них: Аз Господь Бог ваш:
Ang aking mga batas ang dapat ninyong gawin, at ang aking mga kautusan ang dapat ninyong sundin, para lumakad kayo dito, dahil Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
5 и сохраните вся повеления Моя и вся судбы Моя, и сотворите я: Сотворивый та человек жив будет в них: Аз Господь Бог ваш.
Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
6 Человек человек ко всякому ближнему плоти своея да не приступит открыти срамоты: Аз Господь.
Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.
7 Срамоты отца твоего и срамоты матере твоея да не открыеши: мати бо твоя есть, да не открыеши срамоты ея.
Huwag ninyong lapastanganin ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Siya ay inyong ina! Hindi ninyo siya dapat lapastanganin.
8 Срамоты жены отца твоего да не открыеши: срамота отца твоего есть.
Huwag kayong sumiping sa alinmang mga asawa ng inyong ama; hindi ninyo dapat lapastanganin ang inyong ama tulad nito.
9 Срамоты сестры твоея яже от отца твоего или от матере твоея, в дому рожденныя или вне рожденныя, да не открыеши срамоты их.
Huwag sumiping sa sinuman sa inyong mga kapatid na babae, maging siya ay anak na babae ng inyong ama o anak na babae ng inyong ina, maging siya ay lumaki sa inyong tahanan o malayo mula sa inyo. Hindi dapat kayo sumiping sa inyong mga kapatid na babae.
10 Срамоты дщере сына твоего или дщере дщере твоея, да не открыеши срамоты их, яко твоя срамота есть.
Huwag kayong sumiping sa anak na babae ng inyong anak na lalaki o sa anak na babae ng inyong anak na babae. Magiging sarili ninyong kahihiyan iyon.
11 Срамоты дщере жены отца твоего да не открыеши, единоотча сестра ти есть, да не открыеши срамоты ея.
Huwag kayong sumiping sa babaeng anak ng asawa ng inyong ama. Siya ay inyong kapatid, at hindi dapat kayo sumiping sa kanya.
12 Срамоты сестры отца твоего да не открыеши, своя бо отцу твоему есть.
Huwag sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ama. Siya ay isang malapit na kamag-anak ng inyong ama.
13 Срамоты сестры матере твоея да не открыеши, своя бо матери твоей есть.
Huwag kayong sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ina. Siya ay malapit na kamag-anak ng inyong ina.
14 Срамоты брата отца твоего да не открыеши и к жене его да не внидеши, сродник бо ти есть.
Huwag ninyong alisan ng dangal ang kapatid na lalaki ng inyong ama sa pagsiping sa kanyang asawa. Huwag ninyo siyang lapitan para sa ganoong layunin; siya ay inyong tiyahin.
15 Срамоты невестки твоея да не открыеши, жена бо сына твоего есть, да не открыеши срамоты ея.
Huwag kayong sumiping sa inyong manugang na babae. Siya ay asawa ng inyong anak na lalaki; huwag siyang sipingan.
16 Срамоты жены брата твоего да не открыеши, срамота брата твоего есть.
Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapatid na lalaki; huwag ninyo siyang lapastanganin sa ganitong paraan.
17 Срамоты жены и дщере ея, да не открыеши, дщере сына ея, и дщери дщере ея да не поймеши открыти срамоты их, ближнии бо ти суть, нечестие есть.
Huwag kayong sumiping sa isang babae at sa kanyang anak na babae, o sa babaeng anak ng kanyang anak na lalaki o sa babaeng anak ng kanyang anak na babae. Malapit na mga kamag-anak niya ang mga ito, at ang pagsiping sa kanila ay masama.
18 Сестру жены твоея да не поймеши в наложницу, открыти срамоту ея пред нею, еще живе сущей ей.
Hindi ninyo dapat pakasalan ang kapatid na babae ng inyong asawa bilang pangalawang asawa at sumiping sa kanya habang buhay pa ang una ninyong asawa.
19 И к жене во отлучении нечистоты ея да не внидеши открыти срамоты ея.
Huwag kayong sumiping sa isang babae habang siya ay may regla. Siya ay marumi sa panahong iyon.
20 И к жене ближняго твоего да не даси ложа семене твоего, осквернитися с нею.
Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapit-bahay at dungisan ang inyong sarili sa kanya sa ganitong paraan.
21 И от семене твоего да не даси служити Молоху, да не оскверниши имене Святаго:
Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
22 и с мужеским полом да не ляжеши женским ложем, мерзость бо есть.
Huwag sumiping sa ibang kalalakihan gaya sa isang babae. Napakasama nito.
23 И всякому четвероногому да не даси ложа своего в семенение, осквернитися с ним: и жена да не станет ко всякому четвероногому снитися, гнусно бо есть.
Huwag kayong sumiping sa alinmang hayop at dungisan ang inyong sarili dahil dito. Walang babae ang dapat na mag-isip na sumiping sa alinmang hayop. Ito ay kabuktutan.
24 Не оскверняйтеся во всех сих: во всех бо сих осквернишася языцы, ихже Аз отжену пред лицем вашим:
Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
25 и осквернися земля, и воздах неправду им ея ради: и возненавиде земля седящих на ней.
Naging marungis ang lupain, kaya pinarusahan ko ang kanilang kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga naninirahan dito.
26 И сохраните вся законы Моя и вся повеления Моя, и не сотворите от всех гнусностей сих, туземец и прибывший пришлец в вас:
Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
27 вся бо сия гнусности сотвориша человецы земнии, бывшии прежде вас, и осквернися земля.
Sapagkat ito ang mga kasamaang ginawa ng mga tao sa lupain, mga dating nanirahan dito bago kayo, at ngayon marungis na ang lupain.
28 И да не вознегодует на вас земля, внегда осквернити вам ю, имже образом вознегодова на языки иже прежде вас:
Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo.
29 яко всяк, иже аще сотворит от всех гнусностей сих, потребятся душы творящыя сие от людий своих.
Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
30 И сохраните повеления Моя, яко да не сотворите от всех закон гнусных, иже беша прежде вас: и да не осквернитеся в них, яко Аз Господь Бог ваш.
Kaya dapat ninyong ingatan ang aking kautusan upang hindi makagawa ng alinmang kasuklam-suklam na mga kaugalian na ginawa nila dito bago kayo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong mga sarili dahil sa mga iyon. Ako si Yahweh na inyong Diyos.”

< Левит 18 >