< Книга Судей израилевых 7 >
1 И обутренева Иероваал, сей есть Гедеон, и вси людие иже с ним, и ополчишася у источника Арад: и полк Мадиамль и Амаликов бяше ему с севера на холме Мосе Гавааф-Аморе в долине.
Pagkatapos si Jerub Baal (iyon ay, si Gideon) bumangon nang maaga at lahat ng mga taong kasama niya at nagkampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Ang kampo ng Midian ay nasa hilaga nila sa lambak na malapit sa burol ng More.
2 И рече Господь к Гедеону: мнози людие иже с тобою, сего ради не предам Мадиама в руку их, да не когда похвалится Израиль на Мя, глаголя: рука моя спасе мя:
Sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Napakaraming sundalo sa akin para mabigyan kita ng tagumpay laban sa mga Midianita. Tiyaking hindi magmamayabang ang Israel laban sa akin, sa pagsasabing, 'Iniligtas tayo ng ating sariling kapangyarihan.'
3 и ныне рцы во ушы людем, глаголя: кто боязлив и ужастив, да возвратится и да отидет от горы Галаадовы. И возвратишася от людий двадесять две тысящы, и десять тысящ осташася.
Kaya ngayon, ihayag sa mga tainga ng mga tao at sabihin, 'Sinuman ang takot, sinuman ang nanginginig, hayaan siyang bumalik at umalis mula sa Bundok ng Galaad.” Kaya dalawampu't dalawang libong tao ang umalis at sampung libo ang nanatili.
4 И рече Господь к Гедеону: еще людие мнози суть: сведи я на воду, и искушу тебе их тамо: и будет егоже аще реку тебе, сей да идет с тобою, той да пойдет с тобою: и всяк егоже аще реку тебе, сей да не пойдет с тобою, той да не пойдет с тобою.
Sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Napakarami pa rin ng mga tao. Dalhin sila pababa sa tubig at gagawin kung mas kaunti ang kanilang bilang para sa iyo roon. Kung sabihin ko sa iyo. 'Sasama sa iyo itong isa,' sasama siya sa iyo; pero kung sasabihin ko, 'Hindi sasama sa iyo ang isang ito,' hindi siya sasama.”
5 И сведе люди на воду, и рече Господь к Гедеону: всяк иже полочет языком своим от воды, якоже лочет пес, да поставиши его особь: и всяк иже на колену падет пити, отлучи его особь.
Kaya dinala ni Gideon ang mga tao sa tubig at sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ihiwalay ang bawat isang sumalok ng tubig at uminom, gaya ng pagdila ng isang aso, mula sa sinumang lumuhod para uminom.”
6 И бысть число в горстех локавших языком триста мужей: и вси оставшии людие преклонишася на колена своя пити воду.
Tatlong daang kalalakihan ang dumila. Ang natirang mga kalalakihan ay lumuhod para uminom ng tubig
7 И рече Господь к Гедеону: треми сты мужей локавшими воду спасу вас, и предам Мадиама в руку твою: и вси людие да пойдут, кийждо на место свое.
Sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Sa pamamagitan ng tatlong daang kalalakihan sumalok at uminom, ililigtas ko kayo at bibigyan ng tagumpay laban sa mga Midianita. Hayaang bumalik ang ibang mga kalalakihan sa kani-kanilang lugar.”
8 И взяша себе брашно от людий в руку свою и роги своя: и всякаго мужа Израилтеска отпусти коегождо в кущу свою, а триста мужей удержа: полк же Мадиамль бяше ниже его в долине.
Kaya ang mga napili ay kumuha ng kanilang mga pangangailangan at kanilang mga trumpeta. Pinauwi ni Gideon ang mga lalaki ng Israel, bawat lalaki sa kaniyang tolda, pero pinanatili niya ang tatlong daang kalalakihan. Ngayon ang kampo ng Midianita ay nasa baba niya sa lambak.
9 И бысть в ту нощь, и рече к нему Господь: востав сниди отсюду скоро в полк, яко предах их в руку твою:
Sa parehong gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Bangon! Lusubin ang kampo, dahil ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban dito.
10 и аще боишися ты снити, сниди ты и Фара раб твой в полк,
Pero kung natatakot kang bumaba, bumaba ka sa kampo kasama si Pura na iyong lingkod
11 и услышиши, что возглаголют: и по сем укрепятся руце твои, и снидеши в полк. И сниде сам и Фара раб его в часть пятьдесятников, иже быша в полце.
at makinig sa kanilang sinasabi at mapapalakas ang iyong loob para lusubin ang kampo. “Kaya pumunta si Gideon kasama si Purah na kaniyang lingkod, pababa sa puwesto ng tagabantay ng kampo.
12 И Мадиам и Амалик и вси сынове востоков стояху в долине яко прузи множеством, и велблюдом их не бяше числа, но бяху яко песок на краи морстем множеством.
Nanatili sa tabi ng lambak ang mga Midianita, ang mga Amalekita at lahat ng tao ng silangan, singkapal ng ulap ng mga balang. Higit pa sa kayang bilangin ang kanilang mga kamelyo; higit na marami ang bilang nila kaysa sa mga butil ng buhangin sa baybayin.
13 И вниде Гедеон, и се, муж поведаше сон подругу своему, и рече: сей сон егоже видех, и се, тесто хлеба ячна валяющееся в полце Мадиамли, и привалися к кущи Мадиамли, и поби ю, и преврати ю, и паде куща.
Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, “Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito.”
14 И отвеща подруг его и рече: несть (сие тесто), но мечь Гедеона сына Иоасова мужа Израилева: предаде Бог в руку его Мадиама и весь полк.
Sinabi ng ibang lalaki, “Walang iba ito kundi ang espada ni Gideon (anak na lalaki ni Joas), ang Israelita. Binigyan siya ng Diyos ng tagumpay laban sa Midian at sa lahat ng kanilang mga hukbo.”
15 И бысть яко услыша Гедеон поведание сна и разсуждение его, и поклонися Господеви, и возвратися в полк Израилев и рече: востаните, яко предаде Господь в руки нашя полк Мадиамль.
Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, “Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian.”
16 И раздели триста мужей на три началства, и вдаде роги в руце всем, и водоносы тщы, и свещы среде водоносов,
Hinati niya ang tatlong daang kalalakihan sa tatlong pangkat at ibinigay sa kanila ang lahat ng mga trumpeta at ang mga tapayang walang laman, na may sulo sa loob ng bawat tapayan.
17 и рече им: мене смотрите, и такожде творите: и се, аз вниду в часть полка, и будет якоже сотворю, такожде сотворите:
Sinabi niya sa kanila, “Tumingin kayo sa akin at sundin kung ano ang aking gagawin. Masdan ninyo! Kapag dumating ako sa dulo ng kampo, dapat ninyong gawin kung ano ang aking gagawin.
18 и аз вострублю рогом, и вси иже со мною, да вострубите и вы в роги окрест всего полка, и да речете: (мечь) Богу и Гедеону.
Kapag hihipan ko ang trumpeta, ako at ang lahat ng aking kasama, sa gayon hihipan ninyo rin ang inyong mga trumpeta sa bawat sulok ng buong kampo at sumigaw, 'Para kay Yahweh at kay Gideon!'”
19 И вниде Гедеон и сто мужей иже с ним в часть полка в начале стражи средния: и убужением возбудиша стрегущих, и вострубиша в роги, и сразиша водоносы иже в руках их.
Kaya dumating si Gideon at ang isandaang lalaki na kasama niya sa bawat sulok ng kampo, sa pagsisimula ng kalagitnaang pagbabantay. Habang nagpapalit ng mga tagabantay ang mga Midianita, hinipan nila ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayang nasa kanilang mga kamay.
20 И вострубиша три началства в роги и сокрушиша водоносы, и удержаша в левых руках своих свещы, и в десных руках их роги, в няже трубити: и возопиша: мечь Господеви и Гедеону.
Hinipan ng tatlong pangkat ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayan. Hinawakan nila ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay at mga trumpeta sa kanang kamay para hipan ang mga ito. Sumigaw sila, “Ang espada ni Yahweh at ni Gideon,”
21 И сташа кийждо о себе окрест полка: и смятеся весь полк, и возопиша, и побегоша.
Tumayo ang bawat lalaki sa kaniyang lugar sa palibot ng kampo at nagsitakbuhan ang lahat ng mga hukbo ng Midianita. Sumigaw sila at tumakbo palayo.
22 И вострубиша в триста рогов: и положи Господь мечь мужа на подруга его во всем полце, и пробеже полк до Вифасетта, и собрася до страны Авелмаула и к Тавафу.
Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.
23 И возопиша мужие Израилтестии от Неффалима и от Асира и от всего Манассии, и погнаша вслед Мадиама.
Nagtipon ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Neftali, Asher at buong Manases at hinabol nila ang Midian.
24 И посла послы Гедеон во всю гору Ефремлю, глаголя: снидите во сретение Мадиаму и удержите им воду до Вефира и Иордана. И воззва всяк муж Ефремль, и предотяша воду до Вефира и Иордана,
Nagpadala si Gideon ng mga mensahero sa lahat ng mga burol ng Efraim, sa pagsasabing, “Bumaba laban sa Midian at pigilan ang Ilog Jordan, hanggang sa layo ng Beth Bara, para pigilan sila. Kaya sama-samang nagtipon ang mga kalalakihan ng Efraim at pinigilan ang mga tubig, hanggang sa layo ng Beth Bara at ng Ilog Jordan.
25 и яша два князя Мадиамля, Орива и Зива: и убиша Орива в Суре, и Зива убиша во Иакефзиве: и погнаша Мадиама, и главу Орива и Зива принесоша к Гедеону от оноя страны Иордана.
Nabihag nila ang dalawang prinsipe ng Midian, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ng Oreb, at pinatay nila si Zeeb sa pigaan ng ubas ng Zeeb. Hinabol nila ang mga Midianita at dinala nila ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon, na nasa kabilang ibayo ng Jordan.