< Книга Иисуса Навина 1 >
1 И бысть по скончании Моисеа раба Господня, и рече Господь Иисусу сыну Навину, служителю Моисеову, глаголя:
Ngayon ito ang nangyari pagkatapos mamatay si Moises, ang lingkod ni Yahweh, na nangusap si Yahweh kay Josue ang anak ni Nun, punong pumapangalawa kay Moises, sinasabing,
2 Моисей раб Мой скончася: ныне убо востав прейди Иордан ты и вси людие сии в землю, юже Аз даю им:
“Namatay na si Moises na aking lingkod. Kaya ngayon, magbangon, tawirin ang Jordang ito, ikaw at lahat ng mga bayang ito, sa lupaing ibinibigay ko sa kanila—sa mga bayan ng Israel.
3 всякое место, по немуже прейдете стопою ног ваших, вам дам е, якоже глаголах Моисею:
Ibinigay ko sa inyo ang bawat lugar na lalakaran ng talampakan ng inyong paa. Ibinigay ko na ito sa inyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.
4 пустыню и Антиливан сей даже до реки великия реки Евфрата, всю землю Ефеоню, и даже до моря последняго: от запада солнца будут пределы ваши:
Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
5 не супротивится человек пред вами во вся дни живота твоего, и якоже бех с Моисеом, тако буду и с тобою: и не оставлю тебе, ниже презрю тя:
Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
6 крепися и мужайся: ты бо разделиши людем сим землю, еюже кляхся отцем вашым дати им:
Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila.
7 крепися убо, и мужайся зело, хранити и творити, якоже тебе заповеда Моисей раб Мой, и не уклонися от них ни на десно, ни на лево, да смыслиши во всех, яже твориши:
Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
8 и да не отступит книга закона сего от уст твоих, и да поучаешися в ней день и нощь, да уразумееши творити вся писанная: тогда благоуспееши и исправиши пути твоя, и тогда уразумееши:
Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
9 се, заповедаю тебе: крепися и мужайся, ни ужасайся, ниже убойся: яко с тобою Господь Бог твой во всех, аможе аще пойдеши.
Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
10 И заповеда Иисус книгочиям людским, глаголя:
Pagkatapos inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan,
11 внидите посреде полка людий и заповедайте людем, глаголюще: уготовайте брашно, яко еще три дни, и вы прейдете Иордан сей, вшедше прияти землю, юже Господь Бог отец ваших дает вам в причастие.
“Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin.”'
12 И Рувиму и Гаду и полуплемени Манассиину рече Иисус:
Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reubenita, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases,
13 помяните слово, еже заповеда вам Моисей раб Господень, глаголя: Господь Бог ваш упокои вас и даде вам землю сию:
“Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'
14 жены ваши и дети ваши и скоти ваши да живут на земли, юже даде вам Моисей у Иордана: вы же прейдете вооружени пред братиею вашею, всяк крепок, и споборствуете им,
Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
15 дондеже упокоит Господь Бог ваш братию вашу, якоже и вас, и наследят и сии землю, юже Господь Бог ваш дает им: и отидете кийждо в наследие свое, и наследите е, еже даде вам Моисей об Ону страну Иордана от востоков солнца.
hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw.”
16 И отвещавше Иисусу, реша: вся, елика заповеси нам, сотворим, и во всякое место, аможе послеши нас, пойдем:
At sumagot sila kay Josue, sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala.
17 по всем, елика слушахом Моисеа, тебе послушаем: токмо да будет Господь Бог наш с тобою, якоже бе с Моисеем:
Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
18 человек же, иже аще не покорится тебе и иже не послушает словес твоих, якоже заповеси ему, да умрет: точию крепися и мужайся.
Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang.”