< От Иоанна святое благовествование 12 >
1 Иисус же прежде шести дний Пасхи прииде в Вифанию, идеже бе Лазарь умерый, егоже воскреси от мертвых.
Anim na araw bago ang Paskwa, nagpunta si Jesus sa Bethania, kung saan naroon si Lazaro na siyang binuhay niya mula sa mga patay.
2 Сотвориша же Ему вечерю ту, и Марфа служаше: Лазарь же един бе от возлежащих с Ним.
Kaya hinandaan nila siya ng hapunan doon, at si Marta ang nagsisilbi, habang si Lazaro ay isa sa mga naupo sa mesa kasama ni Jesus.
3 Мариа же приемши литру мира нарда пистика многоценна, помаза нозе Иисусове, и отре власы своими нозе Его: храмина же исполнися от вони масти (благовонныя).
Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.
4 Глагола же един от ученик Его, Иуда Симонов Искариотский, иже хотяше Его предати:
Si Judas Iscariote, isa sa mga alagad na magkakanulo sa kaniya, ay nagsabi,
5 чесо ради миро сие не продано бысть на триех стех пенязь и дано нищым?
“Bakit hindi ipinagbili ang pabango na ito ng tatloong daang dinario at ibigay sa mahihirap.
6 Сие же рече, не яко о нищих печашеся, но яко тать бе, и ковчежец имеяше, и вметаемая ношаше.
Ngayon, sinabi niya ito, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili.
7 Рече же Иисус: не дейте ея, да в день погребения Моего соблюдет е:
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong ilaan niya ang mayroon siya para sa araw ng aking libing.
8 нищыя бо всегда имате с собою, Мене же не всегда имате.
Palagi ninyong kapiling ang mga mahihirap, ngunit hindi ninyo ako laging makakasama.”
9 Разуме же народ мног от Иудей, яко ту есть: и приидоша не Иисуса ради токмо, но да и Лазаря видят, егоже воскреси от мертвых.
Ngayon, napag-alaman ng maraming mga Judiio na naroon si Jesus, at sila ay dumating, hindi lamang dahil kay Jesus, ngunit nagbabakasakali rin silang makita si Lazaro na binuhay ni Jesus mula sa mga patay.
10 Совещаша же архиерее, да и Лазаря убиют,
Ang mga punong pari ay nagsabwatan upang patayin na rin si Lazaro,
11 яко мнози его ради идяху от Иудей и вероваху во Иисуса.
dahil siya ang dahilan kung bakit maraming mga Judio ang nagsi-alis at sumampalataya kay Jesus.
12 Во утрий (же) день народ мног пришедый в праздник, слышавше, яко Иисус грядет во Иерусалим,
Nang sumunod na araw, napakaraming tao ang dumating para sa kapistahan. Nang kanilang marinig na si Jesus ay darating sa Jerusalem,
13 прияша ваиа от финик и изыдоша в сретение Ему, и зваху (глаголюще): осанна, благословен грядый во имя Господне, Царь Израилев.
kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!”
14 Обрет же Иисус осля, вседе на не, якоже есть писано:
Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat,
15 не бойся, дщи Сионя: се, Царь твой грядет, седя на жребяти осли.
“Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.”
16 Сих же не разумеша ученицы Его прежде: но егда прославися Иисус, тогда помянуша, яко сия быша о Нем писана, и сия сотвориша Ему.
Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.
17 Свидетелствоваше убо народ, иже бе (прежде) с Ним, егда Лазаря возгласи от гроба и воскреси его от мертвых:
Ngayon ang maraming mga tao na nakasama ni Jesus ng tawagin niya si Lazarus palabas sa libingan at binuhay mula sa mga patay, ay nagpatotoo sa iba.
18 сего ради и срете Его народ, яко слышаша Его сие сотворша знамение.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ay lumabas upang salubungin siya, dahil narinig nilang ginawa niya ang tandang ito.
19 Фарисее убо реша к себе: видите, яко ни каяже польза есть? Се, мир по Нем идет.
Kaya nagsabi ang mga Pariseo sa isa't isa: Tingnan ninyo, wala kayong magagawa; tingnan ninyo, ang sanlibutan ay sumusunod sa kaniya.”
20 Бяху же нецыи Еллини от пришедших, да поклонятся в праздник:
Ngayon, may ilang mga Griyego na kasama nilang umakyat upang sumamba sa kapistahan.
21 сии убо приступиша к Филиппу, иже бе от Вифсаиды Галилейския, и моляху его, глаголюще: господи, хощем Иисуса видети.
Lumapit sila kay Felipe na mula sa Bethsaida ng Galilea, at tinanong siya na nagsasabi, “Ginoo, nais naming makita si Jesus.”
22 Прииде Филипп и глагола Андреови: и паки Андрей и Филипп глаголаста Иисусови.
Pumunta si Felipe at sinabi kay Andres; si Andres ay pumunta kasama si Felipe, at sinabi nila kay Jesus.
23 Иисус же отвеща има, глаголя: прииде час, да прославится Сын Человеческий:
Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.
24 аминь, аминь глаголю вам: аще зерно пшенично пад на земли не умрет, то едино пребывает: аще же умрет, мног плод сотворит:
Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay nanatili sa kaniyang sarili na mag-isa, ngunit kung ito ay mamatay, magbubunga ito ng napakarami.
25 любяй душу свою погубит ю, и ненавидяй души своея в мире сем в живот вечный сохранит ю: (aiōnios )
Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay. (aiōnios )
26 аще кто Мне служит, Мне да последствует, и идеже есмь Аз, ту и слуга Мой будет: и аще кто Мне служит, почтит его Отец (Мой):
Kung sinuman ang maglingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroroon, ang aking lingkod ay naroon din. Kung sinuman ang maglingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
27 ныне душа Моя возмутися: и что реку? Отче, спаси Мя от часа сего: но сего ради приидох на час сей:
Ang aking kaluluwa ay nababagabag ngayon, “Ano ang aking sasabihin? 'Ama, iligtas mo ako sa oras na ito'? Subalit dahil dito, naparito ako sa oras na ito.
28 Отче, прослави имя Твое. Прииде же глас с небесе: и прославих, и паки прославлю.
Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Pagkatapos isang tinig ang nagmula sa langit, at nagsabi, “Niluwalhati ko na at muli ko rin itong luluwalhatiin”
29 Народ же стояй и слышав, глаголаху: гром бысть. Инии глаголаху: Ангел глагола Ему.
Pagkatapos ang maraming mga tao na nakatayo sa malapit at nakarinig nito ay nagsabi na kumulog. Sinabi ng iba, “Isang anghel ang nagsalita sa kaniya.”
30 Отвеща Иисус и рече: не Мене ради глас сей бысть, но народа ради:
Sumagot si Jesus at nagsabi, “Ang tinig na ito ay hindi dumating alang-alang sa akin, kundi para sa inyong kapakanan.
31 ныне суд есть миру сему: ныне князь мира сего изгнан будет вон:
Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
32 и аще Аз вознесен буду от земли, вся привлеку к Себе.
At ako, kung ako ay maitaas mula sa lupa, aking ilalapit ang mga tao sa aking sarili.
33 Сие же глаголаше, назнаменуя, коею смертию хотяше умрети.
Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung sa paanong paraan na kamatayan siya mamamatay.
34 Отвеща Ему народ: мы слышахом от закона, яко Христос пребывает во веки: како Ты глаголеши: вознестися подобает Сыну Человеческому? Кто есть Сей Сын Человеческий? (aiōn )
At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?” (aiōn )
35 Рече же им Иисус: еще мало время свет в вас есть: ходите, дондеже свет имате, да тма вас не имет: и ходяй во тме не весть, камо идет:
Saka sinabi ni Jesus sa kanila, “Gayunman sa kaunting panahon na lamang ay kasama ninyo ang ilaw. Lumakad habang nasa inyo ang liwanag upang hindi kayo abutan ng kadililman. Ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakakaalam kung saan siya patutungo.
36 дондеже свет имате, веруйте во свет, да сынове света будете. Сия глагола Иисус, и отшед скрыся от них.
Habang mayroon sa inyo ang liwanag, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga anak ng liwanag. Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos umalis siya at hindi na muling nagpakita sa kanila.
37 Толика знамения сотворшу Ему пред ними, не вероваху в Него,
Kahit na maraming nagawang mga tanda si Jesus sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya
38 да сбудется слово Исаии пророка, еже рече: Господи, кто верова слуху нашему, и мышца Господня кому открыся?
upang ang salita ni Isaias na propeta ay maaring matupad, na kaniyang sinabi: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ulat? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39 Сего ради не можаху веровати, яко паки рече Исаиа:
Sa kadahilanang ito hindi sila sumasampalataya, sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40 ослепи очи их и окаменил есть сердца их, да не видят очима, ни разумеют сердцем, и обратятся, и исцелю их.
“Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.
41 Сия рече Исаиа, егда виде славу Его и глагола о Нем.
Sinabi ang mga bagay na ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagsalita siya ng tungkol sa kaniya.
42 Обаче убо и от князь мнози вероваша в Него, но фарисей ради не исповедоваху, да не из сонмищ изгнани будут:
Gayunpaman, maraming mga pinuno ang naniwala kay Jesus, pero dahil sa mga Pariseo, hindi nila inaamin ito upang hindi sila ipagbawal sa sinagoga.
43 возлюбиша бо паче славу человеческую, неже славу Божию.
Minahal nila ang papuri na nagmumula sa mga tao kaysa sa papuring nagmumula sa Diyos.
44 Иисус же воззва и рече: веруяй в Мя не верует в Мя, но в Пославшаго Мя:
Sumigaw si Jesus at nagsabi, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lang sa akin sumasampalataya kundi maging sa kaniya na nagsugo sa akin.
45 и видяй Мя видит Пославшаго Мя:
At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.
46 Аз свет в мир приидох, да всяк веруяй в Мя во тме не пребудет:
Ako ay naparito bilang isang liwanag sa mundo upang ang sinumang maniwala sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.
47 и аще кто услышит глаголголы Моя и не верует, Аз не сужду ему: не приидох бо, да сужду мирови, но да спасу мир:
Kung sinuman ang nakakarinig ng aking mga salita, subalit hindi sinusunod ang mga ito, hindi ko siya hinahatulan, sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang mundo, kundi upang iligtas ang mundo.
48 отметаяйся Мене и не приемляй глаголгол Моих имать судящаго ему: слово, еже глаголах, то судит ему в последний день:
Ang sinumang tumanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita ay mayroong isang hahatol sa kaniya, ito ay ang salita na aking sinabi na siyang hahatol sa kaniya sa huling araw.
49 яко Аз от Себе не глаголах, но пославый Мя Отец, Той Мне заповедь даде, что реку и что возглаголю:
Sapagkat hindi ako nagsalita mula sa aking sarili. Sa halip ang Ama na siyang nagsugo sa akin, na siyang nagbigay sa akin ng utos tungkol sa kung ano ang aking dapat sabihin at dapat ipahayag.
50 и вем, яко заповедь Его живот вечный есть: яже убо Аз глаголю, якоже рече Мне Отец, тако глаголю. (aiōnios )
Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; kaya iyong mga sinasabi ko—na ayon sa sinasabi ng Ama sa akin, ay sinasabi ko sa kanila.” (aiōnios )