< Книга пророка Иеремии 51 >

1 Тако глаголет Господь: се, Аз воздвигну на Вавилон и на живущыя Халдеи ветр зноен губителный:
“Ito ang sinasabi ni Yahweh, tingnan ninyo, pupukawin ko ang isang hangin ng pagkawasak laban sa Babilonia at laban sa mga nakatira sa Leb Kamai.
2 и послю на Вавилон ругатели, и студно поругаются ему и истлят землю его: понеже горе на Вавилон окрест в день озлобления его.
Magpapadala ako ng mga dayuhan sa Babilonia. Ikakalat nila ito at wawasaking ganap ang kaniyang lupain, sapagkat darating sila laban sa kaniya mula sa lahat ng dako sa araw ng malaking sakuna.
3 Да наляцает наляцаяй лук свой, и да облечется в броня своя, и не пощадите юнош его, и побийте все воинство его.
Huwag ninyong hayaang mahatak ng mga mamamana ang kanilang mga pana, huwag ninyo silang hayaang makapagsuot ng baluti. Huwag kayong magtira ng mga kabataang lalaki, itakda ninyo ang kaniyang buong hukbo sa pagkawasak.
4 И падут избиеннии в земли Халдейстей и язвеннии во странах ея.
Sapagkat ang mga taong sugatan ay babagsak sa mga lupain ng mga Caldeo, ang mga pinatay ay babagsak sa kaniyang mga lansangan.
5 Понеже не овдове Израиль и Иуда от Бога Своего, от Господа Вседержителя, яко земля их наполнися неправды от Святых Израилевых.
Sapagkat ang Israel at ang Juda ay hindi pinabayaan ng kanilang Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, kahit na ang kanilang lupain ay puno ng mga ginawang paglabag laban sa Kaniya na Banal ng Israel.
6 Бежите от среды Вавилона и спасите кийждо душу свою и не погибнете в неправде его, зане время отмщения его есть от Господа, воздаяние Той воздаст ему.
Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.
7 Чаша златая Вавилон в руце Господни, напаяющи всю землю, от вина его пиша (вси) языцы, сего ради потрясошася.
Ang Babilonia ay isang gintong kopa sa kamay ni Yahweh na naging dahilan ng pagkalasing ng buong lupain, ininom ng mga bansa ang kaniyang alak at nabaliw.
8 Внезапу паде Вавилон и сокрушися: плачите по нем, возмите масти к болезни его, да изцелится.
Ang Babilonia ay biglaang babagsak at mawawasak. Tumangis para sa kaniya! Bigyan siya ng gamot para sa kaniyang karamdaman, baka sakaling siya ay gumaling.
9 Врачевахом Вавилона, и не изцеле: оставим его и отидем кийждо в землю свою, взыде бо к небеси суд его и воздвижеся даже до звезд.
'Hinangad naming lunasan ang Babilonia ngunit hindi siya gumaling. Siya ay iwanan nating lahat at lumayo patungo sa sarili nating lupain. Sapagkat ang kaniyang pagkakasala ay umaabot na sa mga kalangitan, patung-patong ang mga ito hanggang sa mga ulap.'
10 Изнесе Господь суд Свой: приидите и возвестим в Сионе дела Господа Бога нашего.
'Inihayag ni Yahweh ang ating kawalan ng kasalanan. Halina kayo, sabihin natin sa Zion ang mga ginawa ni Yahweh na ating Diyos.'
11 Наострите стрелы, наполните тулы: воздвиже Господь дух царей Мидских, яко противу Вавилона гнев Его, да погубит и, понеже отмщение Господне есть, отмщение людий Его.
Patalasin ninyo ang inyong mga palaso at kunin ang mga panangga. Pinapakilos na ni Yahweh ang espiritu ng hari ng Medes para sa layuning wasakin ang Babilonia. Ito ay para sa paghihiganti ni Yahweh, paghihiganti para sa pagkawasak ng kaniyang templo.
12 На стенах Вавилонских воздвигните знамя, поставите стражи, уготовите стражей, уготовите оружие: яко умысли Господь, и сотворит, яже рече на живущыя в Вавилоне,
Itaas ninyo ang bandila sa ibabaw ng mga pader ng Babilonia at ilagay sa pwesto ang mga taga-bantay. Italaga ninyo ang mga magbabantay at ikubli ang mga kawal upang hulihin ang sinumang tumatakbo mula sa lungsod, sapagkat gagawin ni Yahweh ang kaniyang mga plano. Gagawin niya ang kaniyang ipinahayag laban sa mga naninirahan sa Babilonia.
13 живый над водами многими и богат в сокровищих своих: прииде конец твой истинно во утробы твоя.
Kayong mga taong naninirahan sa maraming dumadaloy na tubig, kayong mga taong sagana sa kayamanan, dumating na ang inyong katapusan. Ang mitsa ng inyong buhay ngayon ay pinaikli na.
14 Клятся бо Господь Сил мышцею Своею, яко наполню тебе людьми, якоже акридами, и возгласят над тобою низходящии.
Si Yahweh ng mga hukbo ay nanumpa ayon sa kaniyang sariling buhay, “Pupunuin ko kayo ng inyong mga kalaban, katulad ng isang salot ng mga balang, isisigaw sila ng isang pandigma laban sa iyo.”
15 Господь сотворивый землю в силе Своей и устроивый вселенную в мудрости Своей, и разумением Своим распростре небеса,
Ginawa niya ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, inilagay niya sa kaayusan ang mundo ayon sa kaniyang karunungan. Sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, pinalawak niya ang kalangitan.
16 егда Он даст глас, умножатся воды на небеси, воздвизаяй облаки от конец земли, молнию в дождь сотвори, изводяй свет от сокровищ Своих.
Kapag ginagawa niya ang mga kulog, mayroong dagundong ng mga tubig sa mga kalangitan, sapagkat itinataas niya ang ambon mula sa mga hangganan ng sanlibutan. Gumagawa siya ng kidlat para sa ulan at nagpapadala ng hangin mula sa kaniyang mga kamalig.
17 Обуя всяк человек от разума, посрамися всяк слиятель от изваяний своих, яко ложная слияния его, и несть духа в них:
Ang bawat tao ay nagiging tulad ng isang hayop na walang kaalaman, ang bawat manggagawa ng bakal ay ipinapahiya ng kaniyang mga diyus-diyosan. Sapagkat ang inanyuang mga imahe ay mga panlilinlang, walang buhay sa kanila.
18 суетна суть дела и смеху достойна, в час посещения своего погибнут.
Wala silang pakinabang, gawa ng mga manloloko, malilipol sila sa oras ng kanilang kaparusahan.
19 Не такова часть Иаковля, яко Сотворивый всяческая Той есть, (а Израиль) жезл достояния Его, Господь Вседержитель имя Его.
Ngunit ang Diyos na kabahagi ni Jacob ay hindi katulad ng mga ito, sapagkat siya ang humuhubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribu ng kaniyang mana. Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
20 Сокрушаеши ты Мне сосуды бранныя, и Аз сокрушу в тебе языки и погублю в тебе царствия:
Ikaw ang aking martilyong pandigma, ang aking sandata sa labanan. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga bansa at sisirain ang mga kaharian.
21 и избию в тебе кони и всадники их, и избию в тебе колесницы и вседающих на них:
Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga kabayo at ang kanilang mga sakay. Sa pamamagitan mo dudurugin ko ang mga pandigmang karwahe pati ang nagpapatakbo nito.
22 и избию в тебе мужа и жену, и избию в тебе стара и отрока, и избию в тебе юношу и деву:
Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang bawat lalaki at babae, sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang matanda at bata. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga binata at mga babaeng birhen.
23 и избию в тебе пастыря и стада его, и избию в тебе орюща и работна скота его, и избию в тебе воеводы и правители.
Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nagpapastol at ang kanilang mga kawan, Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nag-aararo at ang kanilang mga kasama. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga namumuno at ang mga opisyal.
24 И воздам Вавилону и всем жителем Халдейским вся злобы их, яже сотвориша над Сионом пред очима вашима, глаголет Господь.
Para sa inyong paningin, pagbabayarin ko ang Babilonia at lahat ng naninirahan sa Caldea dahil sa lahat ng masamang ginawa nila sa Zion— Ito ang pahayag ni Yahweh.”
25 Се, Аз на тя, горо смертоносная, глаголет Господь, растлевающая всю землю, и простру руку Мою на тя и извергу тя из каменей, и дам тя в гору сожженую:
“Tingnan mo, ako ay laban sa iyo, sa iyo na bundok, sa iyo na pumatay sa ibang tao—ito ang pahayag ni Yahweh—na winawasak ang lahat sa mundo. Hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at ihuhulog ka sa mga bangin. Pagkatapos ay gagawin kitang bundok na lubusang nasunog.
26 и не возмут от тебе камене во угл и камене во основание, яко потребишися во веки, глаголет Господь.
Upang hindi sila kailanman kukuha ng mga bato mula sa iyo upang gumawa ng pundasyon ng isang gusali, dahil magiging ganap kang kasiraan magpakailanman—ito ang pahayag ni Yahweh.”
27 Воздвигните знамя на земли, вострубите трубою во языцех, освятите нань языки, возвестите нань царствам Араратским от Мене и Асханазеом: утвердите над ним стрельницы, возведите нань кони, яко акридов множество.
“Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.
28 Возведите нань языки, царя Мидска и всея земли, воевод его и всех воев его и всея земли области его.
Italaga ninyo ang mga bansa upang salakayin siya, ang mga hari ng Medes at ang kaniyang mga namumuno, lahat ng mga opisyal at lahat ng mga lupain sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
29 И потрясеся земля и смутися, зане воста на Вавилон умышление Господне, еже положити землю Вавилонску пусту и ненаселену.
Sapagkat ang lupain ay mayayanig at labis na malulungkot, sapagkat patuloy ang plano ni Yahweh laban sa Babilonia, upang gawing kaparangan ang lupain ng Babilonia kung saan walang naninirahan.
30 Оскудеша крепцыи Вавилонстии еже ратовати: сядут тамо во ограде, погибе храбрость их, и быша яко жены: пожжена суть селения, сотрены заворы его.
Tumigil na sa pakikipagdigma ang mga kawal ng Babilonia, nanatili sila sa kanilang mga tanggulan. Ang kanilang lakas ay nanghina na, sila ay naging mga babae na—ang kaniyang mga tahanan ay tinutupok na ng apoy, at ang mga rehas ng kaniyang tarangkahan ay nasira na.
31 Гоняй во сретение текуща постигнет, и вестник сретит посла, да возвестит царю Вавилонску, яко взят бысть град его.
Ang isang mensahero ay tumatakbo upang ipahayag sa iba pang mensahero, at ipinapahayag ng mananakbo sa iba pang mananakbo sa Hari ng Babilonia na ang kaniyang lungsod ay nasakop na sa magkabilang dulo.
32 От края прехождений его яти быша, и твердыни его зажжены огнем, и мужие его воинстии исходят.
Kaya hinuhuli ang lahat ng mga tumatawid sa ilog, sinusunog ng kaaway ang mga tuyong tambo sa mga sapa, at ang mga lalaking mandirigma ng Babilonia ay nalito na.”
33 Тако бо глаголет Господь Вседержитель, Бог Израилев: домове царя Вавилонскаго яко гумно зрело измлачени будут: еще мало, и приидет жатва его.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang babaeng anak ng Babilonia ay katulad ng isang giikan. Panahon na upang tapak-tapakan siya. Hindi magtatagal at sasapit na sa kaniya ang oras ng anihan.
34 Снеде мя, раздроби мя, прият мя тма тонка, Навуходоносор царь Вавилонский пожре мя, яко змий наполни чрево свое сладостию моею: и извергоша мя.
Sinasabi ng Jerusalem, 'Nilamon ako ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Piniga niya ako hanggang sa matuyo at ginawa niya akong banga na walang laman. Nilunok niya ako na tulad ng isang dragon. Binusog niya ang kaniyang tiyan ng masarap kong pagkain at ako ay kaniyang isinuka.'
35 Труды мои и беды моя на Вавилон, речет живущая в Сионе, и кровь моя на живущыя в Халдеех, речет Иерусалим.
Sasabihin ng mga taga-Zion, 'Maibalik nawa laban sa Babilonia ang pagmamalupit na ginawa sa akin at sa aking pamilya.' Sasabihin ng Jerusalem, 'Maibalik nawa laban sa mga naninirahan sa Caldea ang kanilang kasalanan nang dumanak ang aking dugo.'”
36 Сего ради тако глаголет Господь: се, Аз судити буду соперника твоего и отмщу отмщение твое, и пусто сотворю море его и изсушу потоки его.
Kaya nga, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ipagtatanggol ko kayo sa inyong kalagayan at ipaghihiganti ko kayo. Sapagkat tutuyuin ko ang mga tubig sa Babilonia at tutuyuin ko ang kaniyang mga bukal.
37 И будет Вавилон в запустение, жилище змием, в чудо и позвиздание, понеже не будет живущаго.
Ang Babilonia ay magiging bunton ng mga durog na bato, pugad ng mga asong-gubat, isang katatakutan at tampulan ng panunutsot, kung saan walang maninirahan.
38 Вкупе аки львы востанут и аки скимни львов.
Ang mga taga-Babilonia ay sama-samang aatungal katulad ng mga batang leon. Sila ay aangil na tulad ng mga batang leon.
39 В горячести их дам питие им и упою я, да спят и уснут сном вечным и не востанут, глаголет Господь.
Kapag sila ay uminit sa kanilang kasakiman, gagawa ako ng handaan para sa kanila. Lalasingin ko sila upang sumaya sila, at pagkatapos ay matutulog sila nang walang katapusan at hindi na magigising pa—ito ang pahayag ni Yahweh.
40 И низведу я яко агнцы на заклание и яко овны с козлы.
Ipadadala ko sila na tulad ng mga batang tupa sa katayan, tulad ng mga lalaking tupa na may kasamang mga lalaking kambing.
41 Како взяся Сесах, и ята слава всея земли? Како бысть во удивление Вавилон во языцех?
Paanong nasakop ang Babilonia! Kaya ang papuri ng mundo ay inagaw. Paanong ang Babilonia ay naging wasak na lugar na lamang sa lahat ng bansa.
42 Взыде на Вавилон море в шуме волн своих, и покрыся.
Sinakluban na ng dagat ang Babilonia. Natakpan na ito ng kaniyang mga umuugong na alon.
43 Быша гради его в запустение, земля безводна и пуста, земля, в нейже никтоже поживет, и ниже будет витати в нем сын человечь.
Ang kaniyang mga lungsod ay pinabayaan na, isang tuyong lupain at ilang, isang lupain na walang naninirahan, at walang taong dumaraan.
44 И посещу на Вила в Вавилоне, и извергу то, еже поглоти, от уст его, и не соберутся вящше к нему языцы, зане и стены Вавилонския падут.
Kaya parurusahan ko si Bel sa Babilonia, ilalabas ko mula sa kaniyang bibig ang kaniyang nilunok, at hindi na muling dadaloy sa kaniya ang handog ng mga bansa. Babagsak ang mga pader ng Babilonia.
45 Изыдите от среды его, людие Мои, да спасет кийждо душу свою от гнева ярости Господни.
Umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan, aking bayan. Iligtas ninyo ang sarili ninyong buhay mula sa bangis ng aking galit.
46 Да не когда умягчится сердце ваше, и убоитеся ради слуха, иже услышится на земли, и приидет в лето слышание, и по лете слышание, бедность и неправда на землю, и властелин на властелина.
Huwag ninyong hayaan na manghina ang inyong mga puso o matakot sa mga narinig ninyong mga balita sa lupain, sapagkat ang mga balita ay darating sa isang taon. Pagkatapos nito, sa susunod na taon ay magkakaroon ng mga balita at darating ang mga karahasan sa lupain. Maglalaban-laban ang mga namumuno.
47 Сего ради, се, дние грядут, и посещу на изваяныя Вавилона: и вся земля его посрамится, и вси язвении его падут посреде его.
Kaya nga tingnan, darating ang mga araw na parurusahan ko ang mga inukit na diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang lahat ng kaniyang lupain at lahat ng kaniyang mga pinatay ay mahuhulog sa kaniyang kalagitnaan.
48 И возвеселятся над Вавилоном небеса и земля и вся сущая в них: от полунощи бо приидут нань всегубителие, глаголет Господь:
Magdiriwang ang kalangitan at ang lupa, ang lahat ng nilalaman nito ay magagalak sa Babilonia. Sapagkat darating sa kaniya ang mga maninira mula sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh.
49 и якоже сотвори Вавилон падати язвеным во Израили, тако в Вавилоне падут язвении всея земли.
“Gaya ng ginawa ng Babilonia, kung saan pinabagsak niya ang kaniyang mga pinatay sa Israel, kaya ang mga namatay sa kaniyang lupain ay babagsak din sa Babilonia.”
50 Избегшии меча, идите, не стойте: иже издалече, помяните Господа, и Иерусалим да взыдет на сердце ваше.
Kayong mga nakaligtas mula sa espada, lumayo kayo. Huwag kayong manatili. Tumawag kayo kay Yahweh mula sa malayo, isipin ninyo ang Jerusalem.
51 Посрамихомся, зане слышахом ругание наше, покры срамота лице наше, яко приидоша чуждии во святая наша в дом Господень.
Tayo ay napahiya sapagkat nakarinig tayo ng pang-iinsulto, nabalot ng pagsisisi ang ating mga mukha sapagkat ang mga dayuhan ay pumasok sa mga banal na dako ng templo ni Yahweh.
52 Сего ради, се, дние грядут глаголет Господь, и посещу на изваяния его, и по всей земли его падут язвении.
Samakatuwid, tingnan ninyo, dumarating na ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na parurusahan ko ang kaniyang mga inukit na diyus-diyosan at ang mga taong sugatan ay tatangis sa lahat ng kaniyang lupain, ito ang pahayag ni Yahweh.
53 Яко аще взыдет Вавилон на небо и аще утвердит на высоте крепость свою, от Мене приидут губителие его, глаголет Господь.
Sapagkat kahit na pupunta sa kalangitan ang Babilonia o patibayin pa niya ang kaniyang mga pinakamataas na tanggulan, darating ang mga wawasak sa kaniya mula sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
54 Глас вопля Вавилонска, и сотрение велико в земли Халдейстей:
Isang sigaw ng pagkabahala ang manggagaling sa Babilonia, isang malaking pagguho mula sa lupain ng mga Caldeo.
55 яко погуби Господь Вавилона и сотре от него глас велий шумящь яко воды многи, даде в пагубу глас его:
Sapagkat winawasak ni Yahweh ang Babilonia. Siya ang dahilan na mawawala ang kaniyang malakas na tinig. Ang kanilang mga kalaban ay umuugong na gaya ng maraming alon ng tubig, ang kanilang ingay ay magiging napakalakas.
56 яко прииде на Вавилон хищник, яти быша сильнии его, увяде лук их, яко Бог воздает им,
Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.
57 Господь воздает ему воздаяние: и упоит князи его и мудрыя его, и воеводы его и вои его и сильныя его, и уснут сном вечным и не возбудятся, глаголет Царь, Господь Вседержитель имя Его.
Dahil lalasingin ko ang lahat ng kaniyang mga prinsipe, mga pantas, mga opisyal at mga kawal, at matutulog sila nang walang hanggan at hindi na magigising pa. Ito ang pahayag ng Hari. Ang kaniyang pangalan ay Yahweh ng mga hukbo.”
58 Тако глаголет Господь Вседержитель: стена Вавилонска сия преширока, подкопанием подкопана будет, и врата его высока огнем сожжена будут, и будут трудитися людие вотще, и языцы в начале погибнут.
“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo. Ang makapal na pader sa Babilonia ay lubusang guguho at ang kaniyang mataas na tarangkahan ay susunugin. Pagkatapos, ang lahat ng tutulong sa kaniya ay magpapagal ng walang kabuluhan at lahat ng sisikaping gawin ng mga bansa sa kaniya ay masusunog.
59 Слово, еже заповеда Господь Иеремии пророку, рещи Сарею сыну Нириину, сына Маассеова, егда иде от Седекии царя Иудина в Вавилон, в четвертое лето царства его: Сарей же бе началник даров.
Ito ang salitang ipinahayag ni Jeremias na propeta kay Seraias na lalaking anak ni Neraias na lalaking anak ni Macsaias noong magkasama silang pumunta ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonia sa ikaapat na taon ng kaniyang pamumuno. Ngayon, si Seraias ay isang punong opisyal.
60 И написа Иеремиа вся злая, яже имяху приити на Вавилон, во едину книгу вся словеса сия, яже писана суть на Вавилон. И рече Иеремиа к Сарею:
Sapagkat isinulat ni Jeremias sa isang kasulatang balumbon ang mga pahayag ng lahat ng malaking kapahamakan na darating sa Babilonia—ang lahat ng salitang ito na nakasulat tungkol sa Babilonia.
61 егда внидеши в Вавилон, и узриши и прочтеши вся словеса сия, и речеши:
Sinabi ni Jeremias kay Seraias, “Kapag pumunta ka sa Babilonia, tiyaking basahin mong lahat ang mga salitang ito.
62 Господи, Ты рекл еси противу места сего погубити е, и да не будет живяй в нем от человека и до скота, и да будет в вечную пустыню:
At sasabihin mo, 'Ikaw Yahweh, ikaw ang nagsabi na wawasakin mo ang lugar na ito. Walang maninirahan dito, maging mga tao man o mga hayop. Ito ay magiging ganap na kaparangan.'
63 и будет, егда прочтеши книгу сию, привяжи к ней камень и вверзи ю посреде Евфрата и рцы:
At pagkatapos mong basahin ang balumbon na ito, magtali ka dito ng isang bato at ihagis mo ito sa ilog Euphrates.
64 тако потопится Вавилон и не востанет от лица зол, яже Аз наведу нань, и разорится. Даже до зде словеса Иеремиина.
Sabihin mo, 'Lulubog ang Babilonia tulad nito. Hindi na ito muling lulutang pa dahil babagsak dito ang kapahamakan na aking ipinapadala laban dito.'” Dito nagtatapos ang mga salita ni Jeremias.

< Книга пророка Иеремии 51 >