< Книга пророка Исаии 48 >
1 Услышите сия, доме Иаковль, прозваннии именем Израилевым и изшедшии из Иуды, кленущиися именем Господа Бога Израилева, поминающии не со истиною, ниже со правдою,
Pakinggan ninyo ito, sambahayan ni Jacob, na tinawag sa pangalang Israel, at mula sa semilya ni Juda; kayo na nanunumpa sa pangalan ni Yahweh at tinatawag ang Diyos ng Israel, pero hindi taos-puso o sa matuwid na paraan.
2 и придержащиися имени града святаго, и о Бозе Израилеве подтверждающиися: Господь Саваоф имя Ему.
Dahil tinatawag nila ang mga sarili nilang mga mamamayan ng banal na lungsod at nagtitiwala sa Diyos ng Israel; Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
3 Преждняя еще возвестих, и из уст Моих изыдоша, и слышано бысть: внезапу сотворих, и найде.
“Pinahayag ko ang mga bagay na mula pa dati; lumabas sila sa aking bibig, at hinayag ko sila; at ginawa ko sila, at nangyari sila.
4 Вем, яко жесток еси, и жила железна выя твоя, и чело твое медяно.
Dahil alam kong matigas ang ulo ninyo, kasing tigas ng bakal ang mga leeg ninyo, at parang tanso ang inyong noo,
5 И возвестих ти, яже древле, прежде неже приити на тя: слышана тебе сотворих, да не когда речеши, яко идоли мне сия сотвориша, и не рцы, яко изваянная и слиянная заповедаша мне.
kaya pinahayag ko ang mga bagay na ito sa simula pa; ipinaalam ko sa inyo bago sila mangyari, para hindi ninyo masasabing, 'Ang aking diyus-diyosan ang gumawa nito,' o 'ang aking inukit na rebulto, o ang aking bakal na rebulto ang nagtalaga ng mga bagay na ito.'
6 Слышасте вся, и вы не разуместе: но и слышана тебе сотворих новая отныне, яже имут быти:
Narinig ninyo ang tungkol sa mga bagay na ito; tingnan ninyo ang lahat ng mga patunay na ito; at kayo, hindi ba ninyo aaminin na totoo ang sinabi ko? Mula ngayon, mga bagong bagay ang ipapakita ko sa inyo, mga nakatagong bagay na hindi ninyo alam.
7 и не рекл еси: ныне бывают, а не прежде, и не в преждния дни слышал еси сия: не рцы: ей, вем сия.
Ngayon, at hindi mula nung una, nangyari sila, at bago ngayon hindi ninyo narinig ang tungkol sa kanila, kaya hindi ninyo masasabing, 'Oo, alam ko ang tungkol sa kanila.'
8 Не ведел еси, ниже разумел еси, ниже исперва отверзох ушеса твоя: ведех бо, яко отвергая отринеши и беззаконник еще от чрева прозовешися.
Hindi ninyo narinig kailanman; hindi ninyo alam; ang mga bagay na ito ay hindi isiniwalat sa mga tainga ninyo nung simula pa. Dahil alam ko na kayo ay napakamapanlinlang, at mapaghimagsik mula sa kapanganakan.
9 Имене Моего ради покажу ти ярость Мою, и славная Моя наведу на тя, да не потреблю тебе.
Para sa kapakanan ng pangalan ko ipagpapaliban ko ang aking galit, at para sa aking karangalan pipigilin ko ang pagwasak sa inyo.
10 Се, продах тя не сребра ради: изях же тя из пещи убожества.
Tingnan ninyo, nilinang ko kayo, pero hindi bilang pilak; ginawa ko kayong dalisay sa pugon ng pagdurusa. Para sa kapakanan ko, para sa kapakanan ko ay kikilos ako; dahil paano ko pahihintulutang malagay sa kahihiyan ang aking pangalan?
11 Мене ради сотворю ти, яко Мое имя оскверняется, и славы Моея иному не дам.
Hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian sa sinuman.
12 Послушай Мене, Иакове и Израилю, егоже Аз призываю: Аз есмь первый и Аз есмь во век.
Makinig kayo sa akin, Jacob, at Israel, na tinawag ko: Ako ay siya; Ako ang una, Ako rin ang huli.
13 И рука Моя основа землю, и десница Моя утверди небо: призову я, и станут вкупе,
Oo, ang kamay ko ang naglagay ng pundasyon ng mundo, at ang aking kanang kamay ang naglatag ng kalangitan; kapag tinatawag ko sila, sama-sama silang tumatayo.
14 и соберутся вси и услышат: кто им возвести сия? Любя тя сотворих волю твою над Вавилоном, еже отяти племя Халдейско.
Magtipon kayo, lahat kayo, at pakinggan; Sino sa inyo ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Ang kakampi ni Yahweh ay tatapusin ang kaniyang layunin laban sa Babilonia. Gagawin niya ang kalooban ni Yahweh laban sa mga taga-Caldea.
15 Аз глаголах, Аз призвах, приведох и, и благопоспешит путь его.
Ako, Ako ay nagsalita, oo, Ako ang tumawag sa kaniya, Ako ang nagdala sa kaniya, at magtatagumpay siya.
16 Приступите ко Мне и слышите сия, исперва не отай глаголах: егда бываху, тамо бех, и ныне Господь Господь посла Мя и Дух Его.
Lumapit kayo sa akin, makinig kayo dito; mula sa simula hindi ako nagsalita nang palihim; kapag nangyari ito, nandoon ako; at ngayon si Yahweh na Panginoon ay pinadala ako, at ang kaniyang Espiritu.”
17 Тако глаголет Господь, Избавивый тя, Святый Израилев: Аз есмь Господь Бог твой, научих тя, еже обрести тебе путь, по немуже пойдеши.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang inyong Tagapagligtas, ang Banal ng Israel, “Ako si Yahweh na Diyos ninyo, na nagtuturo sa inyo kung paano magtagumpay, na nangunguna sa inyo sa landas na dapat ninyong tahakin.
18 И аще бы еси послушал заповедий Моих, то был бы убо аки река мир твой, и правда твоя яко волна морская,
Kung sinunod ninyo lamang ang aking mga utos! Ang inyong kapayapaan at kasaganaan sana ay umagos tulad ng ilog, at ang inyong kaligtasan ay tulad ng mga alon ng dagat.
19 и было бы яко песок семя твое, и изчадия чрева твоего яко персть земли: ниже ныне потребишися, ниже погибнет имя твое предо Мною.
Ang inyong mga kaapu-apuhan sana ay kasing dami ng buhangin, at ang mga anak mula sa inyong sinapupunan ay kasing dami ng mga butil ng buhangin; ang pangalan nila ay hindi sana pinutol o inalis mula sa aking harapan.
20 Изыди от Вавилона, бежай от Халдеев: глас радости возвестите, и да слышано будет сие, возвестите даже до последних земли, глаголите: избави Господь раба Своего Иакова.
Lumabas kayo mula sa Babilonia! Tumakas kayo mula sa mga taga-Caldea! Sa tunog ng hiyaw ay ipahayag ninyo ito! Ipaalam ninyo ito, paabutin ninyo ito sa dulo ng mundo! Sabihin ninyo, 'Niligtas ni Yahweh ang kaniyang lingkod na si Jacob.'
21 И аще вжаждут, пустынею проведет их и воду из камене изведет им: разсядется камень, и потечет вода, и испиют людие Мои.
Hindi sila nauhaw nang hinatid niya sila sa mga disyerto; pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila; biniyak niya ang bato, at bumulwak ang tubig.
22 Несть радоватися нечестивым, глаголет Господь.
Walang kapayapaan para sa mga masasama— ang sabi ni Yahweh.”