< Бытие 19 >

1 Приидоста же два Ангела в Содом в вечер: Лот же седяше пред враты Содомскими. Видев же Лот, воста в сретение им и поклонися лицем на землю
Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
2 и рече: се, господие, уклонитеся в дом раба вашего и почийте, и омыйте ноги вашя, и обутреневавше отидете в путь свой. Реша же: ни, но на стогне почием.
Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
3 И принуди я, и уклонишася к нему, и внидоша в дом его: и сотвори им учреждение, и опресноки испече им, и ядоша.
Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain.
4 Пред спанием же мужие града Содомляне оыдоша дом, от юноши даже до старца, весь народ вкупе:
Pero bago sila humiga, pinaligiran ng mga kalalakihan sa lungsod, mga kalalakihan sa Sodoma, bata at matanda sa lahat ng sulok ng bayan, ang bahay niya, lahat ng kalalakihan sa bawat bahagi ng lungsod.
5 и иззываху Лота, и глаголаху к нему: где суть мужие вшедшии к тебе нощию? Изведи я к нам, да будем с ними.
Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila.
6 Изыде же Лот к ним в преддверие, двери же затвори за собою.
Kaya lumabas si Lot sa kanyang bahay at sinara ang pinto sa likuran niya.
7 Рече же к ним: никакоже, братие, не дейте зла:
Sinabi niya sa kanila, “Nagmamakaawa ako sa inyo, mga kapatid ko, huwag kayong gumawa ng kasamaan.
8 суть же ми две дщери, яже не познаша мужа: изведу их к вам, и творите им, якоже угодно есть вам: точию мужем сим не сотворите обиды, того бо ради внидоша под кров дому моего.
Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.”
9 Реша же ему: отиди отсюду: пришел еси (семо) обитати, еда ли и суд судити? Ныне убо тя озлобим паче, нежели оных. И насилствоваша мужа Лота зело, и приближишася разбити двери.
Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
10 Простерше же мужие руки, вовлекоша Лота к себе в храмину, и двери храмины заключиша:
Pero inabot ng mga lalaki ng kanilang mga kamay si Lot at dinala sa loob ng bahay kasama nila at sinara ang pinto.
11 мужы же, сущыя пред дверми дому, поразиша слепотою от мала даже до велика: и разслабишася ищуще дверий.
At doon naman sa mga tao na nasa labas ng pinto ng bahay, inatake sila ng mga panauhin ni Lot at ginawang bulag, ang mga bata pati matatanda, kaya nahirapan silang makita ang pinto ng bahay.
12 Реша же мужие к Лоту: суть ли тебе зде зятие или сынове или дщери? Или аще кто тебе ин есть во граде, изведи (я) от места сего:
Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, “Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito.
13 яко мы погубляем место сие, понеже возвысися вопль их пред Господем, и посла нас Господь истребити его.
Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.”
14 Изыде же Лот и глагола к зятем своим, поимшым дщери его, и рече: востаните и изыдите от места сего, яко погубляет Господь град. Возмнеся же играти пред зятьми своими.
Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya.
15 Егда же утро бысть, понуждаху Ангели Лота, глаголюще: востав, поими жену твою и две дщери твоя, яже имаши, и изыди, да не и ты погибнеши со беззаконми града.
Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.”
16 И смутишася, и взяша Ангели за руку его, и за руку жену его, и за руки двух дщерей его, понеже пощаде и Господь.
Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod.
17 И бысть егда изведоша я вон, и реша: спасая спасай твою душу: не озирайся вспять, ниже постой во всем пределе (сем): в горе спасайся, да не когда купно ят будеши.
Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
18 Рече же Лот к ним: молюся, Господи,
Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon!
19 понеже обрете раб Твой милость пред Тобою, и возвеличил еси правду Твою, юже твориши на мне, еже жити души моей: аз же не возмогу спастися в горе, да не когда постигнут мя злая, и умру:
Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin at pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay, pero hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna at mamamatay ako.
20 се, град сей близ еже убежати ми тамо, иже есть мал, и тамо спасуся: не мал ли есть? И жива будет душа моя Тебе ради.
Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas.”
21 И рече ему: се, удивихся лицу твоему, и о словеси сем, еже не погубити града, о немже глаголал еси:
Sinabi niya sa kanya, “Sige, pagbibigyan ko rin ang kahilingang ito, hindi ko rin wawasakin ang lungsod na nabanggit mo.
22 потщися убо спастися тамо: не возмогу бо сотворити дела, дондеже внидеши тамо: сего ради прозва имя граду тому Сигор.
Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito.
23 Солнце взыде над землю, Лот же вниде в Сигор.
Mataas na ang araw sa mundo nang narating ni Lot ang Zoar.
24 И Господь одожди на Содом и Гоморр жупел, и огнь от Господа с небесе.
Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan.
25 И преврати грады сия, и всю окрестную страну, и вся живущыя во градех, и вся прозябающая от земли.
Winasak niya ang mga lungsod na iyon, at lahat ng kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lungsod, pati na ang mga pananim na tumutubo sa lupa.
26 И озреся жена его вспять, и бысть столп слан.
Pero lumingon ang asawa ni Lot na nasa likod niya at siya ay naging isang haligi ng asin.
27 Востав же Авраам заутра (иде) на место, идеже стояше пред Господем,
Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh.
28 и воззре на лице Содома и Гоморра, и на лице окрестныя страны, и виде: и се, восхождаше пламень от земли, аки дым пещный.
Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon.
29 И бысть егда преврати Бог вся грады страны тоя, помяну Бог Авраама и изсла Лота от среды превращения, егда преврати Господь грады, в нихже живяше Лот.
Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
30 Изыде же Лот от Сигора, и седе в горе сам, и две дщери его с ним: убояся бо жити в Сигоре: и вселися в пещеру сам и дщери его с ним.
Pero nagpunta si Lot paakyat mula sa Zoar para manirahan sa kabundukan kasama ang kanyang dalawang anak na babae dahil natakot siyang manirahan sa Zoar. Kaya nanirahan siya sa loob ng kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae.
31 Рече же старейшая к юнейшей: отец наш стар, и никтоже есть на земли, иже внидет к нам, якоже обычно всей земли:
Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo.
32 гряди убо, упоим отца нашего вином и преспим с ним, и возставим от отца нашего семя.
Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama.
33 Упоиша же отца своего вином в нощи оней: и вшедши старейшая, преспа со отцем своим тоя нощи: и не поразуме он, егда преспа и егда воста.
Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon.
34 Бысть же наутрие, и рече старейшая к юнейшей: се, (аз) преспах вчера со отцем нашим: упоим его вином и в сию нощь, и вшедши преспи с ним, и возставим от отца нашего семя.
Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama.”
35 Упоиша же и в ту нощь отца своего вином: и вшедши юнейшая преспа со отцем своим: и не поразуме он, егда преспа и егда воста.
Kaya ng gabing iyon, muli nilang pinainom ng alak ang kanilang ama, pumasok at sumiping sa kanya ang nakababata. Hindi niya alam kung kailan siya humiga ni kung kailan siya bumangon.
36 И зачаша обе дщери Лотовы от отца своего:
Kaya nabuntis ang parehong anak na babae ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.
37 и роди старейшая сына и нарече имя ему Моав, глаголющи: от отца моего. Сей отец Моавитом даже до нынешняго дне.
Ang nakakatanda ay nanganak ng isang lalaki at pinangalanan siyang Moab. Siya ang naging ninuno ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan.
38 Роди же юнейшая сына и нарече имя ему Амман, глаголющи: сын рода моего. Сей отец Амманитом до нынешняго дне.
At sa nakababatang anak na babae, siya rin ay nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan siyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ng mga mamamayan ng Ammon hanggang sa kasalukuyan.

< Бытие 19 >