< Книга Ездры 8 >
1 И сии князие отечеств их вождеве, иже взыдоша со мною в царство Артаксеркса царя Вавилонска:
Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno na umalis mula sa Babilonia kasama ko sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes.
2 от сынов Финеесовых Гирсон, от сынов Ифамарих Даниил, от сынов Давидовых Аттус,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Finehas: si Gersom, sa mga kaapu-apuhan ni Itamar: si Daniel, sa mga kaapu-apuhan ni David: si Hatus.
3 от сынов Саханииных, от сынов Форосовых Захариа, и с ним мужей сто пятьдесят,
sa mga kaapu-apuhan ni Secanias, mga kaapu-apuhan ni Paros: si Zacarias, Kasama niyang nakalista ang 150 na mga lalaki.
4 от сынов Фааф-Моава Елиана сын Сараиев, и с ним двести мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Pahat-Moab: si Eliehoenai na anak ni Zeraias. Kasama niyang nakalista ang dalawandaang lalaki.
5 и от сынов Зафоисовых Ехениа сын Азиилев, и с ним триста мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Secanias: si Ben Jahaziel. Kasama niyang nakalista ang tatlong daang lalaki.
6 и от сынов Адиных Овин сын Ионафанов, и с ним пятьдесят мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Adin: si Ebed na anak ni Jonatan. Kasama niyang nakalista ang limampung lalaki.
7 и от сынов Едамлих Исаиа сын Афелиин, и с ним седмьдесят мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Elam: si Jesaias na anak ni Atalias. Kasama niyang nakalista ang pitumpung lalaki.
8 и от сынов Сафатиевых Завдиа сын Михаилов, и с ним осмьдесят мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Sefatias: si Zebadias na anak ni Micael. Kasama niyang nakalista ang walumpung lalaki.
9 и от сынов Иоавлих Авдиа сын Иеиилев и с ним двести осмьнадесять мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Joab: si Obadias na anak ni Jehiel. Kasama niyang nakalista ang 218 na lalaki.
10 и от сынов Вааниевых Селимуф сын Иосефиев, и с ним сто шестьдесят мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Selomit na anak ni Josifias. Kasama niyang nakalista ang 160 na lalaki.
11 и от сынов Вавиевых Захариа сын Вавиев, и с ним двадесять осмь мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bebai: si Zacarias na anak ni Bebai. Kasama niyang nakalista ang dalawampu't walong lalaki,
12 и от сынов Азгадовых Ионан сын Икатанов, и с ним сто десять мужей,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Azgad: si Johanan na anak ni Hacatan. Kasama niyang nakalista ang 110 na lalaki,
13 и от сынов Адоникамлих последнии, и сия имена их: Едифалаф, Иеиил и Самаиа, и с ним шестьдесят мужей,
Ang mga kaapu-apuhan ni Adonicam ay huling dumating. Ito ang kanilang mga pangalan: sina Elifelet, Jeiel, at Semaias. Kasama nilang dumating ang animnapung lalaki.
14 и от сынов Вагуаевых Уфай и Завуд, и с ними седмьдесят мужей.
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bigvai: sina Utai at Zacur. Kasama niyang nakalista ang pitumpung lalaki.
15 Собрах же их к реце текущей ко Евии, и пребыхом ту три дни: исках же в людех и во священницех, и от сынов Левииных не обретох тамо.
Sinabi ni Ezra, “Tinipon ko ang mga manlalakbay sa lagusang papunta sa Ahava, at nanatili kami roon ng tatlong araw. Sinuri ko ang mga tao at mga pari, ngunit wala akong nakitang kaapu-apuhan ni Levi roon.
16 И послах ко Елеазару, Ариилу, Семеию и к Маонану, и Иериву и Елнафаму, и Нафану и Захарии и Месолламу, и ко Иоариму и Елнафану, премудрых,
Kaya pinapunta ko sina Eliezer, Ariel, Semaias, Elnatan, Jarib, at Elnatan at Natan, Zacarias, at Mesulam—na mga pinuno—at sina Joarib at Elnatan—na mga guro.
17 и изведох их ко Адаю началнику на месте Касфиа и вложих во уста их словеса глаголати ко Адаю и братии его афинимом на месте Касфии, привести нам поющих в дом Бога нашего.
Sumunod, ipinadala ko sila kay Ido, ang pinuno sa Casifia. Sinabi ko sa kanila kung ano ang sasabihin nila kay Ido at sa kaniyang mga kamag-anak, ang mga tagapaglingkod sa templo na naninirahan sa Casifia, ito ay upang magpadala sa amin ng mga tagapaglingkod para sa tahanan ng Diyos.
18 И приидоша к нам, понеже рука Бога нашего бе блага на нас, муж сахон от сынов Моолиевых сына Левиина, сына Израилева, и Саравиа, и сынове его и братия его осмьнадесять:
Kaya nagpadala sila sa amin sa pamamagitan ng mabuting kamay ng ating Diyos ng isang lalaking nagngangalang Serebias, isang matalinong tao. Siya ay kaapu-apuhan ni Mali na anak ni Levi na anak ni Israel. Dumating siya kasama ang kaniyang labing walong mga anak na lalaki at mga kapatid na lalaki.
19 и Асевиа, и Исаиа от сынов Мерариных и братия его и сынове его двадесять:
Kasama niyang dumating si Hasabias. Naroon din sina Jesaias, isa sa mga anak ni Merari, kasama ang kaniyang mga kapatid na lalaki at kaniyang mga anak na lalaki, dalawampung lalaki lahat.
20 и от нафинимов, ихже даде Давид и князие ко службе левитом, нафинимов двести двадесять, вси собрашася по именом.
Mula sa mga itinalagang maglingkod sa templo, na ibinigay ni David at kaniyang mga opisyal na maglingkod sa mga Levita: 220, ang bawat isa sa kanila ay itinalaga ayon sa kanilang pangalan.
21 И проповедах тамо пост близ реки Ауи, еже смиритися пред Господем Богом нашим, просити от Него пути праваго нам и чадом нашым и всему стяжанию нашему:
Pagkatapos nagdeklara ako ng pag-aayuno sa Lagusan ng mga Ahava upang magpakumbaba kami sa harap ng Diyos, upang humingi ng tuwid na landas mula sa kaniya para sa amin, sa aming mga anak, at sa lahat ng aming mga ari-arian.
22 устыдехся бо испросити от царя силы и конник защитити нас от врага на пути, понеже рехом царю глаголюще: рука Бога нашего есть на всех ищущих Его во благое и крепость Его, ярость же Его на всех оставляющих Его.
Nahiya akong humingi sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol kami laban sa mga kaaway sa aming daraanan, yamang sinabi namin sa hari, 'Ang kamay ng aming Diyos ay nasa lahat ng humahanap sa kaniya para sa kabutihan, ngunit ang kaniyang kapangyarihan at poot ay nasa lahat ng sinumang nakakalimot sa kaniya.'
23 Постихомся же и молихомся Богу нашему о сем, и услыша нас.
Kaya nag-ayuno kami at humingi sa Diyos tungkol dito, at nagmakaawa kami sa kaniya.
24 И отлучих от князей священнических дванадесять, Сараию, Асавию и с ними от братии их десять:
Sumunod, pumili ako ng labindalawang lalaki mula sa mga opisyal ng pagkapari: sina Serebias, Hasabias, at sampu sa kanilang mga kapatid na lalaki.
25 возвеснх же им сребро и злато и сосуды начатков дому Бога нашего, яже вознесе царь и советницы его и князие его, и весь Израиль обретаяйся,
Tumimbang ako para sa kanila ng pilak, ginto, at ng mga kagamitan at mga handog para sa tahanan ng Diyos na malayang inihandog ng hari, ng kaniyang mga tagapayo at mga opisyal, at lahat ng Israelita.
26 и дах весом в руки их сребра талантов шесть сот пятьдесят, и сосудов сребряных сто, и злата сто талант,
Kaya tinimbang ko sa kanilang mga kamay ang 650 talentong pilak, isandaang talento ng mga kagamitang pilak, isandaang talentong ginto,
27 и чаш златых двадесять, драхм тысящу, и сосуды меди светлыя добрыя различныя, драгоценныя яко злато,
dalawampung gintong mangkok na kapag pinagsama ay nagkakahalaga ng isanlibong darika, at dalawang makinang na tansong sisidlan na kasinghalaga ng ginto.
28 и рекох им: вы святи Господу Богу, и сосуди святи и сребро и злато, еже волею вдано есть Господу Богу отец наших:
Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, 'Kayo ay inilaan para kay Yahweh, maging ang mga kagamitang ito. At ang pilak at ginto na ito ay kusang-kaloob na handog kay Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
29 бдите и стрегите, дондеже весом отдадите пред князи священников и левитов и пред князи отечеств Израилевых во Иерусалиме, во скиниих дому Господня.
Bantayan ninyo ang mga ito at ingatan hanggang matimbang ninyo sa harap ng mga opisyal sa pagkapari, mga Levita, at mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Israelita sa Jerusalem sa mga silid ng tahanan ng Diyos.'
30 И прияша священницы и левити вес сребра и злата и сосудов, да вознесут во Иерусалим в дом Бога нашего.
Tinanggap ng mga pari at mga Levita ang aking tinimbang na pilak, ginto, at mga kagamitan upang madala nila sa Jerusalem, sa tahanan ng ating Diyos.
31 И воздвигохомся от реки Ауи во вторыйнадесять день месяца перваго, да идем во Иерусалим: и рука Бога нашего бе на нас и избави нас от рук вражиих и ратников на пути,
Umalis kami mula sa Lagusan ng Ahava noong ika-labindalawang araw ng unang buwan para pumunta sa Jerusalem. Ang kamay ng ating Diyos ay nasa amin; pinagtanggol niya kami mula sa kamay ng kaaway at sa sinumang nagnais na lusubin kami habang nasa daan.
32 и приидохом во Иерусалим и пребыхом ту три дни.
Kaya pumasok kami sa Jerusalem at nanatili roon ng tatlong araw.
33 И бысть в день четвертый, отдахом весом сребро и злато и сосуды в дому Бога нашего под руку Маримофа сына Урии священника, и с ним Елеазар сын Финеесов, и с ними Иозавад сын Иисусов и Ноадиа сын Ванаиев левити,
At noong ikaapat na araw, ang pilak, ginto, at mga kagamitan ay tinimbang sa tahanan ng aming Diyos sa kamay ni Meremot na anak ni Urias, na pari. Kasama niya sina Eleazar na anak ni Finehas, si Jozabad na anak ni Josue, at Noadias na anak ni Binui na Levita.
34 по числу и весу вся: и написан бысть весь вес.
Ang bilang at timbang ng bawat isa ay nalaman; lahat ng timbang ay naisulat sa oras na iyon.
35 Во время то, иже приидоша от пленения сынове преселения, принесоша всесожжения Богу Израилеву, телцев дванадесять за всего Израиля, овнов девятьдесят шесть, агнцев седмьдесят седмь, козлов за грехи дванадесять, вся во всесожжение Господу.
Ang mga bumalik mula sa pagkakabihag, ang mga tao sa pagkakatapon ay nag-alay sila ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki, pitumpu't pitong batang tupa, at labindalawang lalaking kambing bilang handog sa kasalanan. Lahat ay handog na susunugin para kay Yahweh.
36 И даша повеление царево правителем царским и князем, иже за рекою: и прославиша людий и дом Божий.
At ibinigay nila ang mga utos ng hari sa matataas na mga opisyal ng hari at sa mga gobernador sa ibayo ng Ilog, at tinulungan nila ang mga tao at ang tahanan ng Diyos.”