< Книга пророка Иезекииля 39 >

1 И ты, сыне человечь, прорцы на Гога и рцы: сия глаголет Адонаи Господь: се, Аз на тя, Гог, князя Рос, Мосоха и Фовеля,
Ngayon, ikaw, anak ng tao, magpahayag ka ng propesiya laban sa Gog at magsabi, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Masdan mo! Laban ako sa iyo, Gog na pinuno ng Meshec at Tubal.
2 и соберу тя и наставлю тя, и возведу тя от конца севера и возведу тя на горы Израилевы:
Palilikuin kita at pangungunahan kita. Iaangat kita mula sa malayong hilaga at dadalhin kita sa mga kabundukan ng Israel.
3 и исторгну лук твой от руки твоея левыя и стрелы твоя от руки твоея десныя,
At ilalaglag ko ang iyong pana mula sa iyong kaliwang kamay at ibabagsak ko ang mga palaso mula sa iyong kanang kamay.
4 и поражу тя на горах Израилевых, и падеши ты и вси иже окрест тебе, и языцы иже с тобою отдадятся во множество птиц всякому парящему, и всем зверем польным дах тя на изядение:
Mamamatay ka sa mga kabundukan ng Israel, ikaw at ang lahat ng iyong mga hukbo at mga kawal na kasama mo. Ibibigay kita sa mga ibong mandaragit at sa mga mababangis na hayop sa kaparangan upang maging pagkain.
5 на лицы поля падеши, яко Аз глаголах, глаголет Адонаи Господь.
Mamamatay ka sa ibabaw ng bukid, sapagkat ako mismo ang nagpahayag nito. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
6 И пущу огнь на Магога, и населятся острови с миром,
Pagkatapos, susunugin ko ang Magog at ang mga nabubuhay nang ligtas sa mga baybayin at makikilala nila na ako si Yahweh.
7 и уведят, яко Аз есмь Господь, и имя Мое святое вестно будет среде людий Моих Израиля, и не осквернится имя Мое святое ктому, и уведят вси языцы, яко Аз есмь Господь Святый среде Израиля.
Sapagkat ipakikilala ko ang aking banal na pangalan sa kalagitnaan ng aking mga taong Israel at hindi ko na hahayaang lapastanganin ang aking banal na pangalan. Makikilala ng mga bansa na ako si Yahweh, ang Isang Banal ng Israel.
8 Се, приспе, и увеси, яко будет, глаголет Адонаи Господь: се есть день, о немже глаголах,
Masdan ninyo! Parating na ang araw na ipinahayag ko at magaganap ito. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
9 и изыдут живущии во градех Израилевых, и пожгут оружие, и щиты и копия, и луки и стрелы, и жезлы ручныя и сулицы, и раждегут ими огнь седмь лет:
Lalabas ang mga naninirahan sa mga lungsod ng Israel at susunugin ang mga sandata, mga maliliit at malalaking kalasag, mga pana, mga palaso, mga pamalo at mga sibat. Susunugin nila sa apoy ang mga ito sa loob ng pitong taon.
10 и не возмут древес с поля, ни изсекут от дубравы, но оружием раждегут огнь, и пленят пленившыя их и расхитят расхитивших я, глаголет Адонаи Господь.
Hindi sila magtitipon ng mga kahoy mula sa mga bukirin o puputol ng mga punong kahoy sa kagubatan, yamang susunugin nila ang mga sandata. Kukuha sila mula sa mga kumuha mula sa kanila, sasamsamin nila ang mga nagsamsam sa kanila. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
11 И будет, в той день дам Гогу место нарочито, гроб во Израили, многопогребателно, пришедших на восток моря, и заградят устие дебри и погребут тамо Гога и все множество его, и прозовется та дебрь: многопогребателное Гога.
At mangyayari ito sa araw na iyon na gagawa ako ng isang lugar para sa Gog, isang libingan sa Israel, isang lambak para sa mga naglalakbay sa silangan ng dagat. Hahadlangan nito ang mga nagnanais na makatawid. Ililibing nila doon ang Gog kasama ang lahat ng kaniyang napakaraming mga tao. Tatawagin nila itong lambak ng Hamon Gog.
12 И закопают я дом Израилев, да очистится земля в седмь месяц,
Sa loob ng pitong buwan, ililibing sila ng sambahayan ng Israel upang dalisayin ang lupain.
13 и погребут я вси людие земли, и будет им именито, в оньже день прославлюся, глаголет Адонаи Господь.
Sapagkat ililibing sila ng lahat ng tao sa lupain. Magiging isang hindi makakalimutang araw ito para sa kanila kapag linuwalhati ako. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
14 И мужей всегда поставят обходити всю землю, еже погребсти оставшихся на лицы земли и очистити ю по седми месяцех, и взыщут опасно.
Pagkatapos, magtatalaga sila ng ilang mga kalalakihan para sa tungkulin ng pagdaan sa mga lupain upang ilibing ang mga natitira sa balat ng lupa, upang dalisayin ito. Sisimulan nila ang tungkuling ito pagkatapos ng ika-pitong buwan.
15 Всяк проходяй землю и узревый кость человечу сотворит у нея знамение, дондеже погребут ю погребающии в дебри, многопогребателнем Гогове.
Habang dumadaan sa lupain ang mga kalalakihang ito, kapag nakakita sila ng anumang buto ng tao, lalagyan nila ito ng palatandaan, hanggang sa dumating ang mga tagapaghukay ng libingan at ilibing ito sa lambak ng Hamon Gog.
16 Ибо имя месту (прозовется) Падение многопогребателное: и очистится земля.
May lungsod doon na ang pangalan ay Hamonah. Sa ganitong paraan nila dadalisayin ang lupain.'
17 И ты, сыне человечь, рцы: сия глаголет Адонаи Господь: рцы всяцей птице парящей и ко всякому зверю селному: соберитеся и приидите от всех окрестных его на заколение Мое, еже заклах вам, заклание велие на горах Израилевых, ядите мяса и пийте кровь:
Ngayon sa iyo, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sabihin mo sa lahat ng mga ibong may pakpak at sa lahat ng mga mababangis na hayop sa mga bukirin, 'Halikayo at magtipun-tipon! Magtipun-tipon mula sa lahat ng dako patungo sa handog na ako mismo ang gumagawa para sa inyo, isang malaking handog sa mga kabundukan ng Israel upang maaari ninyong kainin ang laman at inumin ang dugo.
18 мяса исполинов изясте и кровь князей земных испиете, овны и телцы, и козлы и волы тучнии вси:
Kakainin ninyo ang laman ng mga mandirigma at iinumin ninyo ang dugo ng mga prinsipe sa daigdig; magiging mga lalaking tupa sila, mga kordero, mga kambing at mga toro, pinataba silang lahat sa Bashan.
19 и да ясте тук до сытости и испиете кровь до пиянства от заклания Моего, еже заклах вам:
At kakain kayo ng taba hanggang sa mabusog kayo; Iinom kayo ng dugo hanggang sa malasing kayo, ito ang magiging alay na aking kakatayin para sa inyo.
20 и насытитеся от трапезы Моея, от коня и всадника, исполина и всякаго мужа воинскаго, глаголет Адонаи Господь.
Mabubusog kayo sa aking hapag ng kabayo, karwahe, mandirigma at sa bawat lalaki sa digmaan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
21 И дам славу Мою в вас, и узрят вси языцы суд Мой, егоже сотворих, и руку Мою, юже наведох на ня,
At ipapakita ko ang aking kaluwahatian sa mga bansa at makikita ng lahat ng bansa ang paghatol na aking ginawa at ang aking kamay na inihanda ko laban sa kanila.
22 и увесть дом Израилев, яко Аз есмь Господь Бог их от сего дне и в прочыя.
Mula sa araw na iyon, makikilala ng sambahayan ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos.
23 И уведят вси языцы, яко грехов ради своих пленени быша дом Израилев, понеже отвергошася Мене, и отвратих лице Мое от них и предах я в руце врагов их, и падоша мечем вси:
At malalaman ng mga bansa na nabihag ang sambahayan ng Israel dahil sa kanilang mabigat na kasalanan kung saan pinagtaksilan nila ako, kaya itinago ko ang aking mukha mula sa kanila at ipinasakamay sila sa kanilang mga kaaway upang mamatay silang lahat sa pamamagitan ng espada.
24 по нечистотам их и по беззаконием их сотворих им и отвратих лице Мое от них.
Ginawa ko ito sa kanila ayon sa kanilang mga karumihan at sa kanilang mga kasalanan kapag itinago ko ang aking mukha mula sa kanila.
25 Того ради сия глаголет Адонаи Господь: ныне возвращу пленение Иаковле и помилую дом Израилев, и возревную имене ради Моего святаго:
Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ngayon panunumbalikin ko ang mga kayamanan ni Jacob at kahahabagan ko ang buong sambahayan ng Israel, kapag kumilos ako nang masigasig para sa aking banal na pangalan!
26 и возмут безчестие свое и всякую неправду свою, еюже неправдоваша, егда вселятся на земли своей с миром и не будет устрашающаго,
At makakalimutan nila ang kanilang kahihiyan at ang lahat ng kanilang kataksilan kung saan pinagtaksilan nila ako. Makakalimutan nila ang lahat ng ito kapag mamamahinga sila nang ligtas sa kanilang lupain na walang sinumang makapagbibigay ng takot sa kanila.
27 внегда возвращу я от язык и соберу я от стран языческих и освящуся в них пред языки:
Kapag pinanumbalik ko sila mula sa mga tao at tinipon sila mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, ipapakita ko ang aking sarili na banal sa paningin ng maraming bansa.
28 и уведят, яко Аз есмь Господь Бог их, внегда явлюся им во языцех и соберу я на землю их и не оставлю от них тамо ктому:
At makikilala nila na ako si Yahweh na kanilang Diyos, sapagkat pinabihag ko sila sa mga bansa, gayunpaman, tinipon ko silang muli pabalik sa kanilang lupain. Wala akong iniwan ni isa man sa kanila sa mga bansa.
29 и не отвращу лица Моего ктому от них, зане излиях ярость Мою на дом Израилев, глаголет Адонаи Господь.
Hindi ko na itatago ang aking mukha mula sa kanila kapag ibinuhos ko ang aking Espiritu sa sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”

< Книга пророка Иезекииля 39 >