< Исход 18 >
1 Услыша же Иофор, иерей Мадиамский, тесть Моисеов, вся, елика сотвори Господь Израилю Своим людем, яко изведе Господь Израиля из Египта:
Narinig ni Jetro na pari ng Midian, na biyenan na lalaki ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita na kaniyang bayan. Narinig niya na dinala ni Yahweh palabas sa Ehipto ang Israel.
2 и поя Иофор, тесть Моисеов, Сепфору, жену Моисеову, по отпущении ея,
Kinuha ni Jetro na biyenan ni Moises si Zippora na asawa ni Moises, matapos niyang pabalikin sa kanilang tahanan.
3 и два сына ея: имя единому от них Гирсам, глаголя: пришлец бых в земли чуждей,
At ang kaniyang dalawang anak na lalaki; Ang Pangalan ng isa niyang anak ay si Gersom, dahil sinabi ni Moises, “Naging dayuhan ako sa isang dayuhang lupain.”
4 и имя второму Елиезер, глаголя: Бог бо отца моего помощник мой и избави мя из руки фараони.
Ang isa niyang anak ay pinangalanang Eliezer, dahil sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ninuno ay aking saklolo. Niligtas niya ako mula sa espada ni Paraon.”
5 И прииде Иофор, тесть Моисеов, и сынове и жена к Моисею в пустыню, идеже ополчися при горе Божией.
Dumating si Jetro, na biyenan ni Moises, kasama ang mga anak na lalaki at asawa ni Moises sa ilang kung saan sila nagkampo sa bundok ng Diyos.
6 Возвестиша же Моисею, глаголюще: се, Иофор, тесть твой, идет к тебе, и жена твоя, и оба сына твоя с ним.
Sinabi niya kay Moises, “Ako na iyong biyenan na si Jetro, kasama ang iyong asawa at ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay pupunta sa iyo.”
7 Изыде же Моисей во сретение тестю своему и поклонися ему и целова его, и приветствоваша друг друга: и введе их Моисей в кущу.
Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
8 И поведа Моисей тестю своему вся, елика сотвори Господь фараону и всем Египтяном Израиля ради, и весь труд бывший им на пути, и яко избави их Господь от руки фараони и от руки Египетския.
Isinalaysay ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki ang lahat ng ginawa ni Yahweh kay Paraon at sa mga taga-Ehipto alang-alang sa kapakanan ng Israel, tungkol sa lahat ng mga paghihirap na dumating sa kanilang paglalakbay, at kung paano sila niligtas ni Yahweh.
9 Ужасеся же Иофор о всех благих, яже сотвори им Господь, яко избави их Господь от руки Египетския и от руки фараони,
Nagalak si Jetro sa kabila ng lahat ng mabuting nagawa ni Yahweh para sa Israel, dahil niligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
10 и рече Иофор: благословен Господь, яко избави люди Своя из руки Египетския и из руки фараони:
Sinabi ni Jetro, “Purihin nawa si Yahweh, dahil niligtas niya kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto at mula sa kamay ng Paraon, at pinalaya niya ang bayan mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
11 ныне уведех, яко велик Господь паче всех богов, сего ради, яко налегоша на них.
Ngayon alam ko na si Yahweh ay dakila kaysa lahat ng mga diyos, dahil niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan nang pinagmalupitan ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
12 И взя Иофор тесть Моисеов всесожжения и жертвы Богу: прииде же Аарон и вси старцы Израилевы ясти хлеба с тестем Моисеовым пред Богом.
Nagdala si Jetro, na biyenan na lalaki ni Moises, ng sinunog na handog at alay para sa Diyos. Nagpunta si Aaron at lahat ng mga nakatatanda ng Israel para kumain kasama ang biyenan na lalaki ni Moises sa harap ng Diyos.
13 И бысть на утрие, седе Моисей судити люди: стояху же пред Моисеом вси людие от утра до вечера.
Kinabukasan umupo si Moises para hatulan ang mga tao. Tumayo ang mga tao sa palibot ni Moises, mula umaga hanggang gabi.
14 Видев же Иофор вся, елика творяше людем, рече: что сие, еже ты твориши людем? Почто ты един седиши, вси же людие предстоят тебе от утра до вечера?
Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?”
15 Рече же Моисей тестю: понеже приходят людие ко мне просити суда от Бога:
Sinabi ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki, “Lumapit ang mga tao sa akin para hingin ang direksyon ng Diyos.
16 егда бо бывает им распря, и приходят ко мне, разсуждаю коемуждо и сказую им повеления Божия и закон Его.
Pumupunta sila sa akin kapag nagtatalo sila. Hinahatulan ko ang pagitan ng bawat isa, at itinuturo ko sa kanila ang mga kautusan at mga batas ng Diyos.”
17 Рече же тесть Моисеов к нему: не право ты твориши глагол сей:
Sinabi ni Jetro kay Moises, “Hindi mabuti ang iyong ginagawa.
18 трудом утрудишися несносным и ты, и вси людие сии, иже суть с тобою: тяжек тебе глагол сей, не возможеши творити ты един:
Tiyak na manghihina ka, ikaw at ang lahat ng taong pumupunta sa iyo, dahil ang pasanin na ito ay labis na napakabigat para sa iyo. Hindi mo ito kayang gawin sa pamamagitan ng iyong sarili.
19 ныне убо послушай мене и присоветую тебе, и будет Бог с тобою: буди ты людем в тех яже к Богу, и донесеши словеса их к Богу,
Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya.
20 и засвидетелствуй им повеления Божия и закон Его, и повеждь им пути Его, имиже пойдут, и дела, яже сотворят:
Dapat mong ituro sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga batas. Dapat mong ipakita sa kanila ang daang nararapat lakaran at gawain ang nararapat.
21 ты же усмотри себе от всех людий мужы сильны, Бога боящыяся, мужы праведны, ненавидящыя гордости, и поставиши их над ними тысященачалники и стоначалники, и пятьдесятоначалники и десятоначалники и писмовводители,
At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo.
22 и судят людий по вся часы: слово же неудоборешителное донесут к тебе: малыя же суды да судят они, и облегчат тя и спомогут тебе:
Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo.
23 аще слово сие сотвориши, укрепит тя Бог, и возможеши настоятелствовати, и вси людие сии приидут во свое место с миром.
Kung gagawin mo ito, at kung inatasan ka ng Diyos na gawin ito, hindi ka mahihirapan at makakauwi na nasisiyahan ang bayan sa kanilang tahanan.”
24 Послуша же Моисей гласа тестя своего и сотвори вся, елика рече ему:
Kaya nakinig si Moises sa mga salita ng kaniyang biyenan na lalaki at ginawa ang lahat ng kaniyang sinabi.
25 и избра Моисей мужы сильны от всего Израиля, и сотвори я над ними тысященачалники и стоначалники, и пятьдесятоначалники и десятоначалники и писмовводители:
Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
26 и суждаху людем по вся часы: всякое же слово неудоборешителное доносиша к Моисею, всякое же слово легкое суждаху сами.
Hinatulan nila ang mga tao sa mga karaniwang pangyayari. Dinala nila kay Moises ang mabigat na mga kaso, pero sila na mismo ang humahatol sa mga maliliit na mga kaso.
27 Отпусти же Моисей тестя своего, и отиде в землю свою.
Pagkatapos hinayaan ni Moises na umalis ang kaniyang biyenan na lalaki, at bumalik si Jetro sa kaniyang sariling lupain.