< Второзаконие 7 >

1 И будет егда введет тя Господь Бог твой в землю, в нюже входиши тамо наследити ю, и изженет языки великия и многия от лица твоего, Хеттеа и Гергесеа, и Аморреа и Хананеа, и Ферезеа и Евеа и Иевусеа, седмь языков великих и многих, и крепчае вас:
Kapag dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin at paalisin ang maraming mga bansa sa inyong harapan - ang mga anak ni Heth, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, ang mga Canaaneo, ang mga Perezeo, ang mga Heveo at ang mga Jebuseo-pitong bansang lalong malaki at malalakas kaysa sa inyo;
2 и предаст их Господь Бог твой в руце твои, и избиеши я, пагубою погубиши я, да не завещаеши к ним завета, ниже да помилуеши их,
at kapag bibigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng katagumpayan sa kanila kapag nakita ninyo sila sa digmaan, dapat ninyo silang salakayin, pagkatapos dapat ganap ninyo sila wasakin. Hindi kayo gagawa ng tipan sa kanila, ni magpakita ng awa sa kanila.
3 ниже сватовства сотвориши с ними: дщери своея не даси сыну его, и дщере его да не поймеши сыну твоему:
Ni naisin ninyo na makipag-ayos ng kasal sa kanila; hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na mga babae sa kanilang mga anak na lalaki, at hindi ninyo kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki.
4 отвратит бо сына твоего от Мене, и послужит богом инем: и разгневается Господь гневом на вы, и потребит тя вскоре.
Dahil ilalayo nila ang inyong mga anak na lalaki mula sa pagsunod sa akin, para sambahin nila ang ibang mga diyos. Kaya ang galit ni Yahweh ay magsisiklab laban sa inyo at wawasakin niya kayo agad.
5 Но сице да сотворите им: требища их разсыплете, и столпы их да сокрушите, и дубравы их да посечете, и ваяния богов их да сожжете огнем:
Ganito kayo makikipagkasundo sa kanila: Sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang sagradong poste ng pira-piraso, ibagsak ang kanilang mga posteng Asera at sunugin ang kanilang hinulmang mga diyus-diyosan.
6 яко люди святи есте Господеви Богу вашему: и вас избра Господь Бог ваш, да будете Ему люди избранни паче всех языков, елицы на лицы земли.
Dahil kayo ang isang bansa na hiniwalay ni Yahweh na inyong Diyos. Pinili niya kayo para maging isang lahi para sa kaniya para angkinin, higit pa sa lahat na mukha ng ibabaw ng lupa.
7 Не яко мнози есте паче всех язык, предприя вас Господь и избра вас Господь, вы бо есте меншии от всех языков:
Hindi itinakda ni Yahweh ang pagmamahal niya sa inyo o pinili niya kayo dahil mas marami ang bilang ninyo kaysa sinuman sa mga tao- dahil kayo ang pinaka-konti sa lahat—
8 но яко возлюби Господь вас, и храня клятву, еюже клятся отцем вашым, изведе Господь вас рукою крепкою и мышцею высокою, и избави тя от дому работы, от руки фараона царя Египетска,
pero dahil minamahal niya kayo at ninais niya na manatili ang pangako niya sa inyong mga ama. Ito ang dahilan kung bakit si Yahweh ay inilabas kayo sa isang makapangyarihang kamay at itinubos kayo palabas sa bahay ng pagkakaalipin, mula sa kamay ng Paraon, hari ng Ehipto.
9 и да увеси, яко Господь Бог твой Сей Бог: Бог верный, храняй завет Свой и милость любящым Его и хранящым заповеди Его в тысящы родов:
Kaya kilalanin si Yahweh na inyong Diyos— siya ay Diyos, ang tapat na Diyos, na nagpapanatili ng mga tipan at katapatan sa isang libong salinlahi sa mga nagmamahal sa kaniya at nagpapanatili ng kaniyang mga utos,
10 и воздаяй ненавидящым Его в лице потребити я, и не умедлит ненавидящым, в лице воздаст им.
pero pagbabayarin silang mga nagagalit sa kaniya sa kanilang harapan, para wasakin sila; hindi siya magiging maawain sa sinumang galit sa kaniya; gagantihan niya sila sa harapan niya.
11 И да сохраниши заповеди и оправдания и суды сия, елика аз заповедаю тебе творити днесь.
Kaya susundin ninyo ang kaniyang mga utos, ang mga batas, at ang mga kautusan na inuutos ko sa inyo sa araw na ito, para gawin ninyo ang mga ito.
12 И будет егда послушаете вся оправдания сия, и сохраните и сотворите я, сохранит и Господь Бог твой тебе завет и милость, якоже клятся отцем вашым,
Kung pakikinggan ninyo mga kautusang ito at susundin at gawin ang mga ito, pananatilihin ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang tipan sa inyo at ang katapatan na ipinangako niya sa inyong mga ama.
13 и возлюбит тя, и благословит тя и умножит тя, и благословит плод чрева твоего и плод земли твоея, пшеницу твою и вино твое и елей твой, и стада волов твоих и паствы овец твоих на земли, юже клятся Господь отцем твоим дати тебе:
Mamahalin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo; pagpapalain niya rin ang bunga ng inyong mga katawan at bunga ng inyong lupain, inyong butil, inyong bagong alak, at ang inyong langis, ang pagpaparami ng inyong mga baka at ang inyong mga batang kawan, sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ama na ibibigay niya sa inyo.
14 и благословен будеши паче всех язык и не будет в вас безчадный, ниже неплоды, и в скотех твоих:
Pagpapalain kayo ng higit pa sa lahat ng iba mga tao; Wala isa mang lalaki na walang anak o isang baog na babae sa inyo o sa inyong mga hayop.
15 и отимет Господь Бог твой от тебе всяко разслабление и всяку язю Египетскую злую, яже видел еси и елика веси: не возложит на тя, но возложит я на вся ненавидящыя тебе:
Tatanggalin ni Yahweh ang lahat ng sakit; walang masasamang mga sakit na mula sa Ehipto ang mailalagay niya sa inyo, pero ilalagay niya ito sa kanila na galit sa inyo.
16 и ясти будеши вся корысти языков, яже Господь Бог твой дает тебе: да не пощадит их око твое, и да не послужиши богом их, яко претыкание тебе есть сие.
Uubusin ninyo ang lahat ng mga lahi na binigay ni Yahweh na inyong Diyos na mapagtagumpayan, at sa inyong mata hindi ninyo sila kakaawaan. At hindi ninyo sasambahin ang kanilang mga diyos, dahil iyon ay magiging isang bitag sa inyo.
17 Аще же речеши во уме твоем: яко язык сей множае паче мене, како возмогу аз потребити я?
Kung sasabihin ninyo sa inyong puso, 'Itong mga bansa ay mas marami kaysa sa akin, papaano ko sila maaaring tatalunin?'—
18 Не убоишися их: памятию да помянеши, елика сотвори Господь Бог твой фараону и всем Египтяном,
huwag kayong matakot sa kanila; alalahanin ninyo sa inyong isipan kung ano ang ginawa ni Yahweh na inyong Diyos kay Paraon at sa buong Ehipto;
19 искушения великая, яже видеста очи твои, знамения она и чудеса великая, руку крепкую и мышцу высокую, якоже изведе тя Господь Бог твой: тако сотворит Господь Бог ваш всем языком, ихже ты боишися от лица их:
ang mga matinding paghihirap na nakita ng inyong mga mata, ang mga palatandaan, ang mga kababalaghan, ang kamay na makapangyarihan, at ang pagpapakita ng kapangyarihan sa pamamagitan ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpapalabas sa inyo. Gagawin ulit ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga taong kinakatakutan ninyo.
20 и шершни послет Господь Бог твой на них, дондеже потребятся оставшиися и сокрывшиися от тебе:
Bukod pa dito, si Yahweh na inyong Diyos ay magpapadala ng putakti sa kanila hanggang sa sinumang maiwan at kung sino sa kanila ang nagtatago ay masasawi mula sa inyong presensya.
21 не повредишися от лица их: яко Господь Бог твой в тебе, Бог великий и крепкий:
Huwag ninyo silang katakutan sapagkat si Yahweh ay kasama ninyo, isang dakila at kinakatakutang Diyos.
22 и погубит Господь Бог твой языки сия от лица твоего, помалу малу: не возможеши погубити их вскоре, да не будет земля пуста, и умножатся зверие дивии на тя:
Si Yahweh na inyong Diyos ay aalisin ang mga bansa sa harapan ninyo ng unti-unti. Hindi ninyo matatalo silang lahat ng mabilisan, o ang mga mabangis na mga hayop na lalong darami sa palibot ninyo.
23 и предаст их Господь Бог твой в руце твои, и погубиши их погублением великим, дондеже искорените их:
Pero si Yahweh na inyong Diyos ay bibigyan kayo ng katagumpayan kapag nakita ninyo sila sa labanan; labis niya sila lilinlangin hanggang sila ay mawasak.
24 и предаст цари их в руце твои, и погубите имя их от места онаго: ниже един постоит пред лицем твоим, дондеже погубиши их.
Ilalagay niya ang kanilang mga hari sa ilalim ng inyong kapangyarihan, at buburahin ang kanilang pangalan mula sa ilalim ng langit. Walang sinuman ang maaaring tumayo sa harapan ninyo, hanggang sa mawasak ninyo sila.
25 Ваяния богов их да сожжете огнем, да не похощеши злата и сребра взяти себе от них, да не когда согрешиши того ради, яко мерзость есть Господеви Богу твоему:
Susunugin ninyo ang mga inukit na hugis ng kanilang diyos; huwag ninyong naisin ang pilak o ginto na nakabalot dito na gusto ninyong makuha para sa inyong sarili, at mabibitag kayo sa pamamagitan nito; dahil kamuhi-muhi ito kay Yahweh na inyong Diyos.
26 и да не внесеши мерзости в свой дом, и проклят будеши якоже сия: ненавидением да возненавидиши, и омерзением да омерзиши, яко проклятие есть.
Wala kayong dadalhin na anumang nakakasuklam na bagay sa loob ng inyong bahay at simulang sambahin ito. Tiyak na kamumuhian at kasusuklaman ninyo ito, dahil ito ay inihiwalay para wasakin.

< Второзаконие 7 >