< Второзаконие 28 >
1 И будет егда прейдете Иордан в землю, юже Господь Бог ваш дает вам, аще слухом послушаете гласа Господа Бога вашего хранити и творити вся заповеди Его, яже аз заповедаю тебе днесь, и даст тя Господь Бог твой вышше всех язык земли:
Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.
2 и приидут на тя вся благословения сия и обрящете тя. Аще слухом послушаеши гласа Господа Бога твоего,
Lahat ng mga biyayang ito ay dadating sa inyo at aabutan kayo, kung makinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.
3 благословен ты во граде и благословен ты на селе,
Pagpapalain kayong nasa lungsod at pagpapalain kayong nasa kabukiran.
4 благословена исчадия чрева твоего и плоды земли твоея, и стада волов твоих и паствы овец твоих,
Pagpapalain ang bunga ng inyong katawan, at ang bunga ng inyong lupa, at ang bunga ng inyong mga hayop, ang pagdami ng inyong mga baka, at ang mga guya ng inyong kawan.
5 благословены житницы твои и останцы твои,
Pagpapalain ang inyong buslo at ang inyong labangan ng pagmamasa.
6 благословен ты внегда входити тебе и благословен ты внегда исходити тебе.
Pagpapalain kayo kapag kayo ay pumasok, at pagpapalain kayo kapag kayo ay lumabas.
7 Да предаст тебе Господь Бог враги твоя, сопротивящыяся тебе, сокрушены пред лицем твоим: путем единем изыдут на тя и седмию путьми побежат от лица твоего.
Dudulutin ni Yahweh sa ang inyong mga kaaway na kumakalaban sa inyo na mapabagsak sa inyong harapan; lalabas sila laban sa inyo sa isang daanan, pero tatakasan kayo sa pitong mga daanan.
8 Да послет Господь на тя благословение в хранилищах твоих и на вся, на няже возложиши руку твою на земли, юже Господь Бог твой дает тебе.
Uutusan ni Yahweh ang biyaya na pumunta sa inyo sa inyong mga kamalig at sa lahat ng madapuan ng inyong mga kamay; bibiyayaan niya kayo sa lupain na ibibigay niya sa inyo.
9 Да возставит тя Господь Бог твой Себе люд свят, якоже клятся отцем твоим. Аще послушаеши гласа Господа Бога твоего и ходити будеши в путех Его,
Itatatag kayo ni Yahweh bilang mga tao na nakalaan para sa kaniya, gaya ng ipinangako niya sa inyo, kung susundin ninyo ang mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos, at lalakad sa kaniyang mga pamamaraan.
10 и узрят тя вси языцы земнии яко имя Господа (Бога твоего) призвася на тя, и убоятся тебе,
Lahat ng mga tao sa mundo ay makikitang kayo ay tinawag sa pangalan ni Yahweh, at matatakot sila sa inyo.
11 и умножит тя Господь Бог твой во благая во исчадиех утробы твоея и во исчадиех скотов твоих, и в плодех земли твоея, на земли твоей, юже клятся Господь отцем твоим дати тебе.
Gagawin kayo ni Yahweh na maging labis na masagana sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong baka, sa bunga ng inyong lupa, sa lupain na kaniyang ipinangako sa inyong mga ama na ibibigay sa inyo.
12 Да отверзет тебе Господь сокровище Свое благое, небо, иже дати дождь земли твоей во время свое, да благословит вся дела рук твоих: и даси взаим языком многим, ты же не одолжишися: и обладаеши ты многими языки, тобою же не возобладают.
Bubuksan ni Yahweh para sa inyo ang kaniyang bahay-imbakan ng kalangitan para magbigay ng ulan para sa inyong lupain sa tamang panahon, at pagpapalain lahat ng gawa ng inyong kamay; magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi kayo manghihiram.
13 Да поставит тя Господь Бог твой во главу, а не в хвост: и будеши тогда выше, и не будеши ниже, аще послушаеши заповедий Господа Бога твоего, елика аз заповедаю тебе днесь хранити и творити:
Gagawin kayo ni Yahweh na ulo at hindi buntot, magiging nasa itaas lamang kayo at kailanman hindi mapapasailalim, kung makikinig kayo sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na sinasabi ko sa inyo ngayon, para gunitain at gawin ang mga ito,
14 да не преступиши от всех словес, яже аз заповедаю тебе днесь, на десно ниже на лево, ходити вслед богов иных служити им.
at kung hindi kayo tataliwas palayo mula sa kahit na anong mga salita na sinasabi ko sa inyo ngayon, sa kanan o kaliwa, para sumunod sa ibang mga diyos para paglingkuran sila.
15 И будет аще не послушаеши гласа Господа Бога твоего хранити и творити вся заповеди Его, елики аз заповедаю тебе днесь, и приидут на тя вся клятвы сия и постигнут тя:
Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.
16 проклят ты во граде и проклят ты на селе,
Isusumpa kayong mga nasa lungsod, at isusumpa kayong mga nasa kabukiran.
17 прокляты житницы твои и останки твои,
Isusumpa ang inyong mga buslo at ang inyong labangan ng pagmamasa.
18 проклята исчадия утробы твоея и плоды земли твоея, стада волов твоих и паствы овец твоих,
Isusumpa ang bunga ng inyong katawan, ang bunga ng inyong lupa, ang paglago ng inyong mga baka, at anak ng inyong kawan.
19 проклят ты внегда входити тебе и проклят ты внегда исходити тебе.
Isusumpa kayo kapag kayo ay pumasok, at isusumpa kayo kapag kayo ay lumabas.
20 Да послет тебе Господь скудость и глад и истребление на вся, на няже возложиши руку твою, елика аще сотвориши, дондеже потребит тя и дондеже погубит тя вскоре, злых ради начинаний твоих, зане оставил еси Мя.
Magpapadala si Yahweh sa inyo ng mga sumpa, pagkalito, at mga pagtutuwid sa lahat ng bagay na gagamitan ninyo ng inyong kamay, hanggang sa kayo ay mawasak, at hanggang sa kayo ay mabilis na mapuksa dahil sa inyong mga masasamang mga gawain kung saan itinakwil ninyo ako.
21 Да прилепит Господь к тебе смерть, дондеже потребит тя от земли, в нюже ты входиши тамо наследити ю.
Hindi aalisin ni Yahweh ang mga salot sa inyo hanggang sa madurog niya kayo mula sa labas ng lupain na inyong papasukin para angkinin.
22 Да поразит тя Господь неимением и огневицею, и стужею и жжением, и убийством и ветром тлетворным и бледостию, и поженут тя, дондеже погубят тя.
Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng mga nakakahawang karamdaman, ng lagnat, ng pamamaga, at ng tagtuyot at sobrang kainitan, at ng mga malalakas na hangin at amag. Hahabulin nila hanggang kayo ay mapuksa.
23 И будет небо над главою твоею медяно и земля под тобою железна.
Magiging tanso ang kalangitan na nasa itaas ng inyong mga ulo at magiging bakal ang mundo na nasa ilalim ninyo.
24 Да даст Господь дождь земли твоей прах, и персть с небесе снидет на тя, дондеже сокрушит тя и дондеже погубит тя.
Gagawing pulbos at alikabok ni Yahweh ang ulan sa inyong lupain; mula sa kalangitan babagsak ito sa inyo, hanggang sa kayo ay madurog.
25 Да даст тя Господь на изсечение пред враги твоими: путем единем изыдеши к ним и седмию пути побежиши от лица их, и будеши в разсеяние во всех царствах земных,
Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
26 и будут мертвецы ваши снедь птицам небесным и зверем земным, и не будет отгоняяй.
Magiging pagkain ang inyong patay na katawan ng lahat ng mga ibon ng kalangitan at ng mga mababangis na hayop ng mundo; wala ni isang mananakot sa kanila papalayo.
27 Да поразит тя Господь вредом Египетским в седалищах и крастою дивиею и свербом, яко не мощи тебе исцелитися.
Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng mga pigsa ng Ehipto at ng mga sakit sa tiyan, sakit sa balat, at pangangati, kung saan hindi kayo mapapagaling.
28 Поразит тя Господь неистовством и слепотою и изступлением ума,
Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kalungkutan, ng pagkabulag, at ng pagkalito ng kaisipan.
29 и будеши осязаяй в полудни, якоже осязает слепый во тме, и не исправит путий твоих: и будеши тогда обидим и расхищаемь во вся дни, и не будет помогаяй тебе.
Kakapit kayo sa tanghali tulad ng pagkapit ng bulag sa kadiliman at hindi kayo sasagana sa inyong mga daan; lagi kayong aapihin at nanakawan, at wala ni isang magliligtas sa inyo.
30 Жену поймеши, и ин муж возимеет ю: дом созиждеши, и не поживеши в нем: виноград насадиши, и не обереши его:
Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
31 телец твой заклан пред тобою, и не снеси от него: осля твое отято от тебе, и не отдастся тебе: овцы твоя отданы (будут) врагом твоим, и не будет тебе помогаяй:
Papatayin ang inyong lalaking baka sa harapan ng inyong mga mata, pero hindi ninyo kakainin ang karne nito; sapilitang kukunin ang inyong asno papalayo mula sa inyong harapan, at hindi na maibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang sinuman ang makakatulong sa inyo.
32 сынове твои и дщери твоя отданы (будут) языку иному, и очи твои узрят истаевающе на сия, и не возможет рука твоя:
Ibibigay sa ibang tao ang inyong mga anak na lalaki at inyong mga anak na babae; buong araw silang hahanapin ng inyong mga mata, pero mabibigo sa pag-aasam sa kanila. Walang magiging kalakasan ang inyong kamay.
33 плоды земли твоея и вся труды твоя пояст язык, егоже не веси, и будеши обидимь и сокрушаем во вся дни,
Ang ani ng inyong lupain at lahat ng inyong mga pinaghirapan—isang bansa na hindi ninyo kilala ang kakain nito; lagi kayong aapihin at dudurugin,
34 и будеши изумлен, видений ради очес твоих, яже узриши.
sa gayon masiraan kayo ng ulo sa mga nakikita ninyo na nangyayari.
35 Да поразит тя Господь вредом злым на коленах и на голенех, яко не мощи исцелитися тебе от стоп ног твоих даже до верха (главы) твоея.
Sasalakayin kayo ni Yahweh sa mga tuhod at mga binti sa pamamagitan ng matinding mga pigsa na kung saan hindi ninyo mapapagaling, mula sa ibaba ng inyong mga paa hanggang sa itaas ng inyong ulo.
36 Да отведет тя Господь и князи твоя, яже поставиши себе, в язык, егоже не веси ты и отцы твои, и послужиши тамо богом иным, древу и камению,
Dadalhin kayo ni Yahweh at ang hari na ilalagay ninyo sa inyong itaas sa isang bansa na hindi ninyo kilala, kahit kayo ni ng inyong mga ninuno; sasambahin ninyo doon ang ibang mga diyus-diyosan na kahoy at bato.
37 и будеши тамо в гадание и в притчу и повесть во всех языцех, в няже введет тя Господь (Бог) тамо.
Pagmumulan kayo ng matinding takot, isang kawikaan, at isang tampulan ng galit, sa gitna ng mga tao kung saan kayo daldalhin ni Yahweh.
38 Семя много изнесеши на поле, и мало внесеши, яко поядят я прузи:
Kukuha kayo ng maraming binhi mula sa kabukiran, pero kakaunting binhi lamang ang madadala ninyo, dahil kakainin ito ng mga balang.
39 виноград насадиши и возделаеши, и вина не испиеши, ниже возвеселишися от него, яко пояст я червь:
Magtatanim kayo ng ubasan at aalagaan ang mga ito, pero hindi kayo makakainum ng alinman sa mga alak, ni makakatipon ng mga ubas, dahil kakainin ito ng mga uod.
40 маслины будут тебе во всех пределех твоих, и елеем не помажешися, яко истечет маслина твоя:
Magkakaroon kayo ng mga puno ng olibo sa loob ng inyong nasasakupan, pero hindi kayo makakapahid ng alinmang langis sa inyong sarili, dahil ihuhulog ng inyong mga puno ng olibo ang mga bunga nito.
41 сыны и дщери родиши, и не будут тебе, отидут бо в плен:
Magkakaroon kayo ng mga anak na lalaki at mga anak na babae, pero hindi sila mananatiling sa inyo, dahil sila ay mabibihag.
42 вся древесная твоя и вся жита земли твоея потребит ржа:
Lahat ng inyong mga puno at mga bunga ng inyong lupa—lilipulin ang mga ito ng mga balang.
43 пришлец, иже есть у тебе, взыдет над тя выше выше, ты же низидеши низу низу:
Aangat mula sa inyo ang dayuhang kapiling ninyo na pataas ng pataas; kayo mismo ang bababa na pailalim ng pailalim.
44 сей взаим даст тебе, ты же ему взаим не даси: сей будет глава, ты же будеши хвост.
Papahiramin nila kayo, pero hindi kayo magpapahiram sa kanila; sila ang magiging ulo, at kayo ang magiging buntot.
45 И приидут на тя вся клятвы сия, и поженут тя и постигнут тя, дондеже потребят тя и дондеже погубят тя: яко не послушал еси гласа Господа Бога твоего, еже хранити заповеди Его и оправдания Его, елика заповеда тебе.
Dadating sa inyo lahat ng mga sumpang ito at hahabulin at sasakupin kayo hanggang sa kayo ay mawasak. Mangyayari ito dahil hindi kayo nakinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, kahit sundin ang kainyang mga kautusan at mga batas na sinasabi ko niya sa inyo.
46 И будут на тебе знамения и чудеса, и в семени твоем до века,
Mapapasainyo ang mga sumpang ito bilang mga tanda at kababalaghan, at sa inyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
47 понеже не послужил еси Господеви Богу твоему с веселием и благим сердцем, множества ради всех (благих),
Dahil hindi ninyo sinamba si Yahweh na inyong Diyos ng may kasiyahan at kagalakan ng puso nang kayo ay nasa kasaganahan,
48 и послужиши врагом твоим, яже послет Господь Бог твой на тя с гладом и жаждею, и наготою и оскудеением всех: и возложит ярем железен на выю твою, дондеже сокрушит тя.
kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo.
49 И наведет Господь на тя язык издалеча от края земли аки устремление орле, язык, егоже не уразумееши глагола,
Magdadala si Yahweh ng bansa laban sa inyo mula sa malayo, mula sa dulo ng mundo, tulad ng isang agila na lumilipad papunta sa kaniyang biktima, isang bansa na hindi ninyo naiintindihan ang wika;
50 язык безстуден лицем, иже не удивится лицу старчу и юна не помилует:
isang bansa na mayroong mabangis na mga pagpapakilala na walang paggalang sa mga matatanda, ni kabutihang-asal para sa mga bata.
51 и пояст плоды скотов твоих и плоды земли твоея, яко не оставит тебе пшеницы, ни вина, ни елеа, стад волов твоих и паств овец твоих, дондеже погубит тя:
Kakainin nila ang anak ng inyong baka at ng bunga ng inyong lupain hanggang hanggang sa kayo ay mawasak. Wala silang ititirang butil para sa inyo, bagong alak, o langis, walang mga anak ng inyong kawan, hanggang sa maidulot nila sa inyo ang pagkakapuksa.
52 и сокрушит тя во всех градех твоих, дондеже разорятся стены твоя высокия и крепкия, на нихже ты уповаеши, во всей земли твоей: и озлобит тя во всех градех твоих, яже даде тебе Господь Бог твой.
Sasalakayin nila kayo sa lahat ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, hanggang sa bumagsak ang inyong mga matataas at pinatibay na mga pader saan man sa inyong lupain, mga pader na pinagkakatiwalaan ninyo. Sasalakayin nila kayo sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod sa buong lupain na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
53 И снеси чада утробы твоея, плоть сынов и дщерей твоих, ихже даде тебе Господь Бог твой, в тесноте твоей и в скорби твоей, еюже оскорбит тя враг твой.
Kakainin ninyo ang bunga ng sarili ninyong katawan, ang laman ng inyong mga anak na lalaki at ng inyong mga anak na babae, na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, sa pagsalakay at sa paghihirap kung saan ang inyong kalaban ang maglalagay sa inyo.
54 Юный в вас и младый зело позавидит оком своим брату своему и жене яже на лоне его, и оставшымся чадом, яже аще останутся ему:
Ang taong malambot at makinis na kasama ninyo—siya ay magiging mainggit sa kaniyang mga kapatid na lalaki at sa kaniyang sariling mahal na asawa, at sa mga anak na naiwan niya.
55 яко дати единому их от плотей чад своих, ихже ял еси, понеже ничто остася ему в тесноте и скорби твоей, еюже оскорбят тя врази твои во всех градех твоих.
Kaya hindi niya ibibigay sa kahit sino sa kanila ang laman ng sarili niyang mga anak na kaniyang kakainin, dahil wala nang matitira para sa kaniyang sarili sa pagsalakay at sa paghihirap na inilagay ng inyong kalaban sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan sa lungsod.
56 И юная в вас (жена) и млада зело, еяже не обыче нога ея ходити по земли юности ради и младости, позавидит оком своим мужу своему иже на лоне ея, и сыну и дщери своей,
Ang babaeng malambot at makinis na kasama ninyo, na hindi susubukang ipatong ang ilalim ng paa sa lapag para sa kalambutan at pagkamaselan—magiging mainggitin siya sa kaniyang sariling mahal na asawa lalaki, sa kaniyang anak na lalaki, at sa kaniyang anak na babae,
57 и блоне своей изшедшей из чресл ея, и чаду своему еже аще родит: снест бо я тайно, скудости ради всех в тесноте и скорби своей, еюже оскорбит тя враг твой во всех градех твоих.
at ng kaniyang sariling bagong panganak na lumabas mula sa gitna ng kaniyang binti, at ng mga anak na kaniyang ipagbubuntis. Kakainin niya sila ng pribado dahil sa kakulangan ng kahit na ano, sa panahon ng pagsalakay at pagdurusa na inilagay ng inyong kalaban sa loob ng inyong mga tarangkahan ng lungsod.
58 Аще не послушаете творити вся словеса закона сего, написанная в книзе сей, еже боятися имене чуднаго и чуднаго сего, Господа Бога твоего,
Kung hindi niyo susundin ang lahat ng mga salita ng batas na ito na nasusulat sa librong ito, ganun din na parangalan itong maluwalhati at nakatatakot na pangalan ni Yahweh na inyong Diyos,
59 и удивит Господь язвы твоя и язвы семене твоего, язвы великия и дивныя, и болезни злыя и известныя,
papatindihin pa ni Yahweh ang mga salot ninyo, at ng inyong mga kaapu-apuhan; magiging dakilang salot ang mga iyon ng mahabang panahon at matinding karamdaman ng mahabang panahon.
60 и обратит на тя всю болезнь Египетскую злую, еяже ты боялся еси от лица их, и прилепятся к тебе:
Dadalhin niya ulit sa inyo ang lahat ng mga karamdaman ng Ehipto na kinatatakutan ninyo; kakapit sila sa inyo.
61 и все разслабление, и всю язву ненаписанную и всю писаную в книзе закона сего наведет Господь на тя, дондеже потребит тя:
Pati na rin ang bawat sakit at salot na hindi nasusulat sa libro ng batas na ito, Iyon ding ang mga dadalhin ni Yawheh sa inyo hanggang sa kayo ay mawasak.
62 и останетеся в числе малем, вместо того егда бысте яко звезды небесныя множеством, яко не послушасте гласа Господа Бога вашего.
Kayo ay maiiwang kakaunti ang bilang, kahit na tulad kayo ng mga bituin ng kalangitan sa bilang, dahil hindi kayo nakinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.
63 И будет, якоже возвеселися Господь о вас благотворити вам и умножити вас, тако возвеселится Господь о вас потребити вас: и возметеся от земли, в нюже вы входите тамо наследити ю,
Kagaya ng pagkagalak noong una ni Yahweh sa inyo sa paggawa ninyo ng mabuti, at sa pagpaparami sa inyo, kaya siya din ay magagalak na kayo ay mapuksa at mawasak. Bubunutin kayo paalis sa lupain na inyong papasukin para angkinin.
64 и разсеет тя Господь Бог твой во вся языки, от края земли даже до края ея, и послужиши тамо богом иным, древу и камению, ихже не знал еси ты и отцы твои:
Ikakalat kayo ni Yahweh sa gitna ng lahat ng mga tao mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa ibang dulo ng mundo; doon sasamba kayo sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo nakilala, ni ng inyong mga ninuno, mga diyus-diyosan na kahoy at bato.
65 но и во языцех онех не упокоит тя, ниже будет стояния стопе ноги твоея: и даст тебе Господь тамо сердце печальное и оскудевающая очеса и истаявающую душу:
Sa mga bansang ito hindi kayo makakahanap ng kaluwagan, at walang magiging kapahingahan para sa mga talampakan ng inyong mga paa; sa halip, bibigyan kayo ni Yahweh doon ng takot sa puso, lumalabong mga mata, at isang kaluluwang nagluluksa.
66 и будет живот твой висящь пред очима твоима, и убоишися во дни и в нощи, и не будеши веры яти житию твоему:
Mananatiling may pagdududa ang inyong buhay; matatakot kayo tuwing gabi at araw at tiyak nga na walang magiging kasiguraduhan ang inyong buhay.
67 заутра речеши: како будет вечер? И в вечер речеши: како будет утро? От страха сердца твоего, имже убоишися, и от видении очес твоих, имиже узриши:
Sa umaga sasabihin ninyong, 'sana ay gabi na!' at sa gabi ay sasabihin ninyong, 'sana ay umaga na!' dahil sa takot sa inyong mga puso at sa mga bagay na kailangan makita ng inyong mga mata.
68 и возвратит тя Господь Бог во Египет в кораблех, и на пути егоже рекох, не приложите ксему видети его: и продани будете тамо врагом вашым в рабы и в рабыни, и не будет купующаго.
Dadalhin kayo ulit ni Yahweh sa Ehipto sa pamamagitan ng mga barko, sa daan kung saan sinabi ko sa inyo, 'Hindi na ninyo muling makikita ang Ehipto.' Doon iaalok ninyo ang inyong sarili para ipagbili sa inyong mga kaaway bilang mga lalaki at babaeng alipin, pero wala ni isa ang bibili sa inyo.”