< Вторая книга Царств 12 >

1 И посла Господь Нафана пророка к Давиду. И вниде к нему (и рече ему: отвещай ми, царю, ныне суд сей: ) и рече ему: два мужа беста во единем граде, един богат, а другий убог:
Pagkatapos ipinadala ni Yahweh si Natan kay David. Pumunta siya sa kaniya at sinabi, “May dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa.
2 и у богатаго стада бяху и буйволи мнози зело,
Maraming bakahan at kawan ang mayamang lalaki,
3 у убогаго же ничтоже бе, но токмо агница едина мала, юже стяжа и снабде, и вскорми ю, и возрасте с ним и с сынами его вкупе: от хлеба его ядяше и от чаши его пияше, и на лоне его почиваше, и бе ему яко дщерь:
pero ang mahirap na lalaki ay wala maliban sa isang maliit na babaeng tupa na binili niya at pinakain at pinalaki. Lumaki iyon kasama niya at kasama ng kaniyang mga anak. Kumakain ang tupa kasama niya at umiinom mula sa kaniyang sariling tasa at natutulog iyon sa kaniyang mga bisig at parang isang anak na babae sa kaniya.
4 и прииде некто с пути к мужу богатому, и не восхоте взяти от стад своих и от буйволиц своих на сотворение обеда путнику пришедшу к нему: но взя агницу убогаго, и уготова ю на обед мужу пришедшу к нему.
Isang araw may isang panauhin ang dumating sa mayamang lalaki, pero ayaw ng mayamang lalaki na kumuha ng isang hayop mula sa kaniyang sariling bakahan at mga kawan para magbigay ng pagkain para sa kaniya. Sa halip kinuha niya ang babaeng tupa ng mahirap na lalaki at niluto ito para sa kaniyang panauhin.”
5 И разгневася гневом зело Давид на мужа (того), и рече Давид к Нафану: жив Господь, яко сын смерти есть муж сотворивый сие:
Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito.
6 и агницу возвратит седмерицею за сие, яко сотворил глагол сей, и за сие, яко не пощаде.
Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki.”
7 И рече Нафан к Давиду: ты еси муж сотворивый сие: сия глаголет Господь Бог Израилев: Аз есмь помазавый тя в царя над Израилем, и Аз есмь избавивый тя от руки Сауловы:
Pagkatapos sinabi ni Nathan kay David, “Ikaw ang lalaking iyon! Sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pinahiran kita ng langis para maging hari ng buong Israel at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul.
8 и дах ти дом господина твоего и жены господина твоего на лоно твое, и дах ти дом Израилев и Иудин: и аще мало ти есть, приложу тебе к сим:
Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong amo at ang mga asawa ng iyong amo sa iyong mga bisig. Ibinigay ko rin sa iyo ang bahay ng Israel at Juda. At kung kulang pa iyon, ibibigay ko pa sana sa iyo ang maraming bagay bilang karagdagan.
9 и что яко презрел еси слово Господне, еже сотворити лукавое пред очима Его? Урию Хеттеанина убил еси мечем, и жену его поял еси себе в жену, и того убил еси мечем сынов Аммоних:
Kaya bakit mo inalipusta ang mga utos ni Yahweh, para gumawa ng masama sa kaniyang paningin? Pinatay mo si Urias ang Heteo sa pamamagitan ng espada at kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong sariling asawa. Pinatay mo siya sa pamamagitan ng espada ng hukbo ng Ammon.
10 и ныне не отступит мечь от дому твоего до века: зане уничижил Мя еси и поял еси жену Урии Хеттеанина в жену себе:
Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.'
11 сия глаголет Господь: се, Аз воздвигну на тя злая от дому твоего, и возму жены твоя пред очима твоима и дам ближнему твоему, и будет спати со женами твоими пред солнцем сим:
Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
12 яко ты сотворил еси втайне, Аз же сотворю глаголгол сей пред всем Израилем и пред солнцем сим.
Dahil palihim mong ginawa ang iyong kasalanan, pero gagawin ko ang bagay na ito sa harapan ng buong Israel, sa tanghaling-tapat.”'
13 И рече Давид к Нафану: согреших ко Господу. И рече Нафан к Давиду: и Господь отя согрешение твое, не умреши:
Pagkatapos sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako laban kay Yahweh.” Sumagot si Natan kay David, “Pinatawad na rin ni Yahweh ang iyong kasalanan. Hindi ka papatayin.
14 обаче яко поощряя изострил еси врагов Господних глаголом сим, и сын твой родивыйся тебе смертию умрет.
Gayunman, dahil sa gawaing ito inalipusta mo si Yahweh, tiyak na mamamatay ang batang isisilang sa iyo.”
15 И отиде Нафан в дом свой. И сокруши Господь детище, еже роди жена Уриина Давиду, и разболеся.
Pagkatapos umalis si Natan at umuwi. Sinaktan ni Yahweh ang anak ng asawa ni Urias kay David at lubha siyang nagkasakit.
16 И взыска Давид Бога о детищи, и постися Давид постом, и вниде и водворися, и лежаше на земли:
Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig.
17 и внидоша к нему старейшины дому его воздвигнути его от земли, и не восхоте, и не яде с ними хлеба.
Bumangon at tumayo sa tabi niya ang mga nakatatanda sa kaniyang bahay, para ibangon siya mula sa sahig, pero hindi siya bumangon at hindi siya kumain kasama nila.
18 И бысть в день седмый, и умре отроча. И убояшася раби Давидовы поведати ему, яко умре отроча, реша бо: се, егда отроча еще живо бяше, глаголахом к нему, и не послуша гласа нашего: и како речем к нему, яко умре отроча, и сотворит злая?
Nangyari na sa ika-pitong araw namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniya na patay na ang bata, dahil sinabi nila, “Tingnan mo, habang buhay pa ang bata kinausap natin siya at hindi siya nakinig sa ating boses. Baka kung ano gawin niya sa kanyang sarili kung sasabihin natin sa kaniyang patay na ang bata?!”
19 И разуме Давид, яко отроцы его шепчут, и позна Давид, яко умре отроча. И рече Давид отроком своим: умре ли отроча? И реша: умре.
Pero nang makita ni David na nagbubulungan ang kaniyang mga lingkod, naghinala si David na patay na ang bata. Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na siya.”
20 И воста Давид от земли, и умыся и помазася, и измени ризы своя, и вниде в дом Божий, и поклонися ему, и вниде в дом свой, и проси ясти хлеба, и предложиша ему хлеб, и яде.
Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig at hinugasan ang kaniyang sarili, pinahiran ng langis ang kaniyang sarili at pinalitan ang kaniyang mga damit. Pumunta siya sa tabernakulo ni Yahweh at sumamba doon at pagkatapos bumalik sa kaniyang sariling palasyo. Nang hilingin niya ito, naghanda sila ng pagkain sa kanyang harapan at kumain siya.
21 И реша отроцы его к нему: что глагол сей, егоже сотворил еси отрочате ради, яко еще сущу отрочати живу, постился еси и плакал и бдел еси: егда же умре отроча, востал, и ял еси хлеб, и пил еси?
Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, “Bakit mo ginawa ito? Nag-ayuno ka at umiyak para sa bata habang nabubuhay pa siya, pero nang namatay ang bata, bumangon ka at kumain.”
22 И рече Давид: егда бе отроча еще живо, постихся и плаках, яко рех: кто весть, помилует ли мя Господь и живо будет отроча?
Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?'
23 Ныне же умре, почто мне поститися? Еда возмогу возвратити е ктому? Аз имам ити к нему, тое же не возвратится ко мне.
Pero ngayon patay na siya, bakit pa ako mag-ayuno? Maibabalik ko ba siyang muli? Pupunta ako sa kaniya, pero hindi siya babalik sa akin.”
24 И утеши Давид Вирсавию жену свою, и вниде к ней и спа с нею, и зача и роди сына, и нарече имя ему Соломон: и Господь возлюби его.
Inaliw ni David ang kaniyang asawang si Batsheba at pumunta sa kaniya at sumiping sa kaniya. Kaya nagkaanak siya ng isang batang lalaki at pinangalanang Solomon ang bata. Mahal siya ni Yahweh,
25 И посла рукою Нафана пророка, и нарече имя ему Иеддеди словом Господним.
kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh.
26 Иоав же воева в Раввафе сынов Аммоних и взя град царства.
Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito.
27 И посла Иоав вестники к Давиду и рече: воевах на Равваф и взях град вод:
Kaya nagpadala si Joab ng mga mensahero kay David at sinabi, “Nakipaglaban ako sa Rabba at nakuha ko ang ipunan ng tubig ng lungsod.
28 и ныне собери останок людий и ополчися на град, и приими его, да не аз возму град, и наречется имя мое на нем.
Ngayon samakatwid sama-samang ipunin ang natitirang hukbo at magkampo laban sa lungsod at kunin ito, dahil kung kukunin ko ang lungsod, ipapangalan ito sa akin.”
29 И собра Давид вся люди, и пойде в Равваф, и ополчися нань, и взя его:
Kaya sama-samang tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo at pumunta sa Rabba; nakipaglaban siya sa lungsod at nabihag ito.
30 и взя венец Молхома царя их с главы его, талант злата вес его, и от камения драга, и бе на главе Давидове, и корысть изнесе из града многу зело:
Kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang hari—tumitimbang ito ng isang talentong ginto at may isang mamahaling bato rito. Inilagay ang korona sa sariling ulo ni David. Pagkatapos inilabas niya ang nakuha sa panloloob ng lungsod na may malalaking kabuuan.
31 и люди сущыя в нем изведе, и положи на пилы и на трезубы железны и секиры железны, и превождаше их сквозе пещь плинфяну. И тако сотвори всем градом сынов Аммоних. И возвратися Давид и весь Израиль во Иерусалим.
Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.

< Вторая книга Царств 12 >