< Вторая книга Паралипоменон 6 >
1 Тогда рече Соломон: Господь рече обитати во мгле,
At sinabi ni Solomon, “Sinabi ni Yahweh na siya ay titira sa makapal na kadiliman,
2 аз же создах дом имени Твоему Святый Тебе, и уготован еже обитати Тебе во веки.
ngunit ipinagtayo kita ng isang matayog na tirahan, isang lugar na titirahan mo magpakailanman.”
3 И обрати царь лице свое и благослови все собрание Израилево, и все собрание Израилево предстояше, и рече:
At humarap ang hari at binasbasan ang buong kapulungan ng Israel, habang nakatayo ang buong kapulungan ng Israel.
4 благословен Господь Бог Израилев, якоже глагола усты Своими ко Давиду отцу моему, и руками Своими соверши, глаголя:
Sinabi niya, “Purihin nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel na nakipag-usap kay David na aking ama, at tinupad ito sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga kamay, sinasabi,
5 от дне, в оньже изведох люди Моя от земли Египетския, не избрах града от всех колен Израилевых, да созиждется в нем дом имени Моему ту, ниже избрах мужа быти вождем над людьми Моими во Израили:
'Mula noong araw na inilabas ko ang aking mga tao mula sa lupain ng Ehipto, wala akong piniling lungsod mula sa lahat ng lipi ng Israel kung saan magtatayo ng tahanan, upang naroon ang aking pangalan. Ni hindi ako pumili ng sinumang tao upang maging prinsipe sa aking bayang Israel.
6 но избрах Иерусалима, да будет имя Мое в нем, и избрах Давида быти над людьми Моими Израилем:
Gayunpaman, pinili ko ang Jerusalem, upang naroon ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamuno sa aking bayang Israel.'
7 и бысть на сердцы Давида отца моего создати дом имени Господа Бога Израилева:
Ngayon nasa puso ni David, na aking ama, na magtayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
8 и рече Господь ко Давиду отцу моему: понеже бысть на сердцы твоем создати дом имени Моему, добре сотворил еси, яко бысть на сердцы твоем,
Ngunit sinabi ni Yahweh kay David, na aking ama, 'Yamang nasa iyong puso ang magtayo ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na ito ay nasa iyong puso.
9 обаче ты не созиждеши Мне дому, но сын твой, иже изыдет из чресл твоих, той созиждет дом имени Моему:
Gayunpaman, hindi mo dapat itayo ang tahanan; sa halip, ang iyong anak, na manggagaling sa iyong puson, ang siyang magtatayo ng tahanan para sa aking pangalan.'
10 и соверши Господь слово сие, еже глагола, и бых вместо Давида отца моего, и седох на престоле Израилеве, якоже глагола Господь, и создах дом имени Господа Бога Израилева,
Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat bumangon ako kapalit ni David na aking ama, at umupo ako sa trono ng Israel, ayon sa ipinangako ni Yahweh. Ipinatayo ko ang tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
11 и поставих в нем кивот, в немже есть завет Господень, егоже завеща Израилю.
Inilagay ko ang kaban doon, kung saan naroon ang kasunduan ni Yahweh, na ginawa niya kasama ang mga tao ng Israel.”
12 И ста пред олтарем Господним, пред всем множеством Израилевым, и простре руце свои:
Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh sa harapan ng buong kapulungan ng Israel, at iniunat ang kaniyang mga kamay.
13 сотвори бо Соломон стояло медяно и постави его посреде двора святилища, пять лакот долгота его и пять лакот широта его и три лакти высота его: и ста на нем, и паде на колена своя пред всем множеством Израилевым, и простре руки своя на небо и рече:
Sapagkat gumawa siya ng tansong entablado, limang siko ang haba, limang siko ang lapad, tatlong siko ang taas. At inilagay niya ito sa gitna ng patyo. Tumayo siya rito at lumuhod sa harapan ng buong kapulungan ng Israel, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay patungo sa kalangitan.
14 Господи Боже Израилев, несть подобен Тебе Бог на небеси и на земли, сохраняяй завет и милость с рабы Твоими, иже ходят пред Тобою всем сердцем своим,
Sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng Israel, walang Diyos na katulad mo sa langit man o sa lupa, na tumutupad sa tipan at sa tipan ng kasunduan sa iyong mga lingkod na lumalakad sa harap mo nang kanilang buong puso;
15 яже сохранил еси рабу Твоему Давиду отцу моему, елика рекл еси ему глаголя, и глаголал еси усты Твоими и руками Твоими совершил еси, якоже день сей:
tinupad mo ang iyong pangako sa iyong lingkod na si David na aking ama. Oo, nagsalita ka sa iyong bibig at tinupad mo ito ng iyong kamay, maging sa araw na ito.
16 и ныне, Господи Боже Израилев, сохрани рабу Твоему Давиду отцу моему, яже рекл еси ему глаголя, и глаголал еси усты Твоими и исполнил еси якоже в день сей, глаголя: не оскудеет тебе муж от лица Моего седяй на престоле Израилеве, токмо аще сохранят сынове твои пути Моя ходити в законе Моем, якоже ходил еси предо Мною:
Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, tuparin mo ang pangako mo sa iyong lingkod na si David na aking ama, noong sinabi niya, 'Hindi ka magkukulang na magkaroon ng lalaki sa aking paningin na uupo sa trono ng Israel, kung magiging maingat lang ang iyong mga kaapu-apuhan na sumunod sa aking kautusan, tulad ng pagsunod mo sa akin.'
17 и ныне, Господи Боже Израилев, да укрепится слово Твое, еже глаголал еси рабу Твоему Давиду:
Kaya ngayon, Diyos ng Israel, dalangin ko na ang pangako na ginawa mo sa iyong lingkod na si David ay matupad.
18 убо истинно ли Бог обитати будет с человеки на земли? Аще небо и небо небесе не довлеют Ти, и кольми паче дом сей, егоже создах?
Ngunit talaga bang titira ang Diyos kasama ng mga tao sa lupa? Tingnan, sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi ka magkasiya—gaano pa kaya sa templong ito na aking itinayo!
19 И призри на моление раба Твоего и на молитву мою, Господи Боже мой, еже услышати молитвы моя и моление, имже раб Твой молится пред Тобою днесь,
Gayunpaman isaalang-alang mo ang panalanging ito ng iyong lingkod at ang kaniyang kahilingan, Yahweh na aking Diyos; pakinggan mo ang iyak at panalangin na ipinapanalangin ng iyong lingkod sa iyong harapan.
20 еже быти очесем Твоим отверстым на дом сей день и нощь, на место сие, о немже глаголал еси, да призовется имя Твое тамо, еже услышати молитву, еюже раб Твой молится на месте сем:
Nawa ay maging bukas ang iyong mga mata sa templong ito araw at gabi, sa lugar kung saan sinabi mong paglalagyan mo ng iyong pangalan—upang dinggin ang mga panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa lugar na ito.
21 и послушати мольбу раба Твоего и людий Твоих Израиля, елика аще помолятся на месте сем и ты услышиши на месте жилища Твоего с небесе, и услышиши, и милостив будеши:
Kaya pakinggan mo ang mga kahilingan ng iyong lingkod at ng iyong mga taong Israel kapag kami ay mananalangin paharap sa lugar na ito. Oo, pakinggan mo mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa kalangitan; at kapag iyong napakinggan, patawarin mo.
22 аще согрешит муж ко искреннему своему и приимет на него клятву еже клясти его, и приидет и прокленет пред олтарем в дому сем,
Kung magkasala ang isang tao laban sa kaniyang kapwa at kailangan na manumpa ng isang panunumpa, at kung siya ay dumating at manumpa ng isang panunumpa sa harapan ng iyong altar sa tahanang ito,
23 и Ты услыши от небесе и суди рабом Твоим, еже воздати беззаконному, и воздати пути его на главу его, и оправдити праведнаго, воздая ему по правде его:
dinggin mo mula sa langit at kumilos ka at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na papagbayarin ang masama, upang parusahan siya ng nararapat sa kaniyang ginawa. At ipahayag mong matuwid ang walang kasalanan, upang ibigay sa kaniya ang gantimpala dahil sa kaniyang pagkamatuwid.
24 и аще одолени будут людие Твои Израиль от враг, аще согрешат Тебе и обратятся, и исповедятся имени Твоему, и помолятся пред Тобою в храме сем,
Kapag matalo ng kaaway ang iyong mga taong Israel dahil nagkasala sila sa iyo, kung magbabalik-loob sila sa iyo, at kilalanin ang iyong pangalan, mananalangin, at hihiling ng kapatawaran sa harapan mo sa templong ito—
25 и Ты услыши с небесе и милостив буди грехом людий Твоих Израиля и возврати их в землю, юже дал еси им и отцем их:
pakiusap pakinggan mo mula sa kalangitan at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga taong Israel; ibalik mo sila sa lupaing ibinigay mo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.
26 егда заключиши небо, и не будет дождя, яко согрешат Тебе, и помолятся на месте сем, и восхвалят имя Твое, и обратятся от грех своих, егда смириши их,
Kapag nakasara ang langit at walang ulan dahil nagkasala laban sa iyo ang mga tao—kung mananalangin sila na nakaharap sa lugar na ito, kikilalanin ang iyong pangalan, at tatalikod sa kanilang kasalanan kapag pinahirapan mo sila—
27 и Ты услыши с небесе и милостив буди грехом рабов и людий Твоих Израиля, яко явиши им путь благ, по немуже пойдут, и даждь дождь на землю Твою, юже дал еси людем Твоим в наследие:
dinggin mo sa langit at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod at ng iyong mga taong Israel, kapag pangungunahan mo sila sa mabuting daang dapat nilang lakaran. Magpadala ka ng ulan sa iyong lupain na ibinigay mo sa iyong mga tao bilang mana nila.
28 глад аще будет на земли, губителство аще будет, воздуха растление и иктер, прузи и гусеницы аще будут, и аще оскорбит их враг пред градами их, всякою язвою и всякою болезнию,
Ipagpalagay na may taggutom sa lupain, o ipagpalagay na may sakit, tagtuyot o amag, mga balang o mga uod; o ipagpalagay na sasalakayin ng mga kaaway ang mga tarangkahan ng lungsod sa kanilang lupain, o na may anumang salot o karamdaman—
29 и всяка молитва, и всяко моление, еже аще будет всякому человеку и всем людем Твоим Израилю, аще познает человек язву свою и грех свой и прострет руце свои в дому сем,
at ipagpalagay natin na nanalangin at humiling ang isang tao o ang lahat ng iyong tao sa Israel—na nalalaman ng bawat isa ang salot at kalungkutan sa kaniyang sariling puso habang itinataas ang kaniyang mga kamay tungo sa templong ito.
30 и Ты услыши с небесе от готоваго жилища Твоего, и очести, и даждь коемуждо по путем его, якоже веси по сердцу его, Ты бо един веси сердца сынов человеческих,
Kung gayon, pakinggan mo mula sa langit, ang lugar kung saan ka nakatira; patawarin mo, at gantimpalaan mo ang bawat tao sa lahat ng kaniyang kaparaanan; alam mo ang kaniyang puso, sapagkat tanging ikaw lamang ang nakakaalam sa puso ng mga tao.
31 яко да боятся Тебе, еже ходити бо всех путех Твоих вся дни, в няже живут на лицы земли юже дал еси отцем нашым:
Gawin mo ito upang sila ay matakot sa iyo, upang sila ay lumakad sa iyong mga kaparaanan sa lahat ng araw na sila ay nabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga ninuno.
32 и всяк чуждии, иже несть от людий Твоих Израиля, и приидет от земли дальния ради имене Твоего великаго и ради руки Твоея сильныя и мышцы Твоея высокия, и приидет и помолится на месте сем,
Dagdag pa rito, tungkol sa dayuhang hindi kabilang sa iyong mga taong Israel: kapag siya ay dumating mula sa malayong bansa dahil sa iyong dakilang pangalan, sa iyong makapangyarihang kamay, at sa iyong nakataas na bisig; kapag sila ay dumating at mananalangin patungo sa tahanang ito—
33 и Ты услыши с небесе от готоваго жилища Твоего, и сотвориши по всему, елико призовет Тя чуждий, да уведят вси людие земли имя Твое и убоятся Тебе, якоже людие Твои Израиль, и познают, яко имя Твое призвано есть на дом сей, егоже создах:
sa panahong iyon pakiusap pakinggan mo mula sa kalangitan, sa lugar kung saan ka nakatira, at gawin mo ang anumang hihilingin ng dayuhan sa iyo, upang malaman ng lahat ng lahi sa mundo ang iyong pangalan, upang matakot sila sa iyo, katulad ng iyong mga taong Israel, at upang malaman nila na ang tahanang ito na itinayo ko ay tinatawag sa iyong pangalan.
34 аще же изыдут людие Твои на брань противу супостат своих по пути, имже послеши их, и помолятся Тебе по пути града сего, егоже избрал еси Себе, и дому, егоже создах имени Твоему,
Ipagpalagay nating lumabas ang iyong mga tao upang makipagdigma laban sa kanilang mga kaaway, sa anumang kaparaanang ipadadala mo sila, at ipagpalagay nating nananalangin sila patungo sa lungsod na ito na iyong pinili, at patungo sa tahanang itinayo ko sa iyong pangalan.
35 да услышиши с небесе молитву их и моление их, и сотвориши оправдание их:
Sa panahong iyon pakinggan mo mula sa kalangitan ang kanilang panalangin, ang kanilang kahilingan, at tulungan sa kanilang layunin.
36 зане согрешат Тебе, яко несть человек, иже не согрешит, и поразиши их, и предаси их в руки врагов их, и пленят их пленяющии в землю врагов, в землю дальнюю или ближнюю,
Ipagpalagay na nagkasala sila laban sa iyo—yamang walang sinuman ang hindi nagkakasala—at ipagpalagay na galit ka sa kanila at ibibigay mo sila sa kanilang kaaway, upang dalhin sila ng kaaway at gawin silang mga bihag sa kanilang lupain, maging malayo man o malapit.
37 и обратят сердце свое в земли их, в нюже пленени будут, и тамо обратятся, и помолятся Тебе в пленении своем, глаголюще: согрешихом, беззаконновахом, неправдовахом,
At ipagpalagay na napagtanto nila na sila ay nasa lupain kung saan sila ay sapilitang dinala, at ipagpalagay na nagsisi sila at humingi ng pabor mula sa iyo sa lupain ng kanilang pagkakabihag. Ipagpalagay na sasabihin nila, 'Naging matigas ang aming ulo at nagkasala kami. Gumawa kami ng kasamaan.'
38 и обратятся к Тебе всем сердцем своим и всею душею своею в земли пленивших я, идеже плениша их, и помолятся путем земли своея, юже дал еси отцем их, и града, егоже избрал еси, и дому, егоже создах имени Твоему:
Ipagpalagay na sila ay magbabalik-loob sa iyo nang buong puso nila at buong kaluluwa nila sa lupain kung saan sila binihag, kung saan sila dinala bilang mga bihag, at ipagpalagay na mananalangin sila tungo sa kanilang lupain, na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa iyong pangalan.
39 да услышиши с небесе от готоваго жилища Твоего молитву их и моление их, и сотвориши суд, и милостив буди людем Твоим согрешившым Ти:
Sa panahong iyon makinig ka mula sa kalangitan, sa lugar kung saan ka nakatira, sa kanilang panalangin at kanilang mga kahilingan, at tulungan sila sa kanilang adhikain. Patawarin mo ang iyong mga tao, na nagkasala sa iyo.
40 и ныне, Господи, да будут отверсте очи Твои, и уши Твои внятне к молению места сего:
Ngayon, aking Diyos, nagmamakaawa ako sa iyo, buksan mo ang iyong mga mata, at ang iyong mga tainga na dinggin ang panalangin na ginawa sa lugar na ito.
41 и ныне востани, Господи Боже, в покой Твой, Ты и кивот крепости Твоея: священницы Твои, Господи Боже, да облекутся во спасение, и преподобнии Твои возвеселятся во благих:
Kaya ngayon tumindig, Yahweh na Diyos, pumunta ka sa iyong lugar ng pahingahan, ikaw at ang kaban ng iyong lakas, suotan mo ng kaligtasan, Yahweh na Diyos, ang iyong mga pari, at ang iyong mga banal ay magalak sa iyong kabutihan.
42 Господи Боже, да не отвратиши лица христа Твоего, помяни щедроты Давида раба Твоего.
Yahweh na Diyos, huwag mong italikod ang mukha ng iyong pinili mula sa iyo. Alalahanin mo ang iyong tipan ng katapatan kay David, na iyong lingkod.”