< Вторая книга Паралипоменон 11 >
1 Прииде же Ровоам во Иерусалим, и созва (весь) дом Иудин и Вениаминь, сто осмьдесят тысящ избранных юношей творящих брань, и воеваше противу Израиля и Иеровоама, да обратит к себе царство.
At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.
2 И бысть слово Господне к Самею человеку Божию, глаголя:
Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi,
3 глаголи к Ровоаму сыну Соломоню, царю Иудину, и ко всему Израилю, иже есть во Иуде и Вениамине:
Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin,
4 сия рече Господь: не восходите, ниже ополчайтеся противу братии вашея: возвратитеся кийждо в дом свой, зане от Мене бысть глаголгол сей. И послушаша слова Господня, и возвратишася, и не поидоша противу Иеровоама.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.
5 Обита же Ровоам во Иерусалиме и созда грады стенаты во Иудеи:
At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.
6 сострои же Вифлеем и Етам, и Фекуе
Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,
7 и Вефсур, и Сокхоф и Одоллам,
At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,
At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph,
9 и Адурем, и Лахис и Азику,
At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha,
10 и Салаю и Елон и Хеврон, иже есть Иудин и Вениаминь, грады крепкия:
At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan.
11 и укрепи их стенами, и постави в них началники, житохранилища, и елей и вино,
At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.
12 во всяцем граде щиты и копия, и укрепи их во множестве зело, и быста под ним Иуда и Вениамин.
At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.
13 Священницы же и левиты, иже бяху во всем Израили, собрашася к нему от всех предел:
At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.
14 яко оставиша левити селения одержания своего и поидоша ко Иуде во Иерусалим, понеже изгна их Иеровоам и сынове его, еже не служити Господеви:
Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;
15 и постави себе жерцы на высоких, и идолом, и суетным, и телцем, ихже сотвори Иеровоам.
At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at sa mga kambing na lalake, at sa mga guya na kaniyang ginawa.
16 И изгна их от всех колен Израилевых, иже вдаша сердце свое, да взыщут Господа Бога Израилева: и приидоша во Иерусалим пожрети Господу Богу отец своих:
At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
17 и укрепиша царство Иудино. И укрепися Ровоам сын Соломонь в три лета, хождаше бо по путем Давида и Соломона отца своего лета три.
Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon.
18 И взя себе Ровоам жену Моолафу, дщерь Иеримофа сына Давидова, и Авигею дщерь Елиава сына Иессеова.
At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni Eliab, na anak ni Isai;
19 И роди ему сыны: Иеуса и Самориа и Заама.
At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham.
20 По сих же поя себе Мааху дщерь Авессаломлю, и роди ему Авию и Иеффиа, и Зизу и Салимофа.
At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.
21 И возлюби Ровоам Мааху дщерь Авессаломлю паче всех жен своих и подложниц своих, яко жен осмьнадесять име и подложниц шестьдесят: и роди двадесять осмь сынов и шестьдесят дщерей.
At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.)
22 И постави в началника Ровоам Авию сына Маахина и князем над всею братиею его, того бо и царем сотворити помышляше.
At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.
23 И возрасте паче всех братий своих во всех пределех Иудиных и Вениаминих и во градех крепких, и даде им пищи множество много, и многих взыска жен.
At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa.