< Псалми 104 >

1 Благосиљај, душо моја, Господа! Господе, Боже мој, велик си веома, обукао си се у величанство и красоту.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Обукао си светлост као хаљину, разапео небо као шатор;
Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
3 Водом си покрио дворове своје, облаке начинио си да су Ти кола, идеш на крилима ветреним.
Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 Чиниш ветрове да су Ти анђели, пламен огњени да су Ти слуге.
Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Утврдио си земљу на темељима њеним, да се не помести на век века.
Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
6 Безданом као хаљином оденуо си је; на горама стоје воде.
Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
7 Од претње Твоје беже, од громовног гласа Твог теку.
Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis (sila)
8 Излазе на горе и силазе у долине, на место које си им утврдио.
Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Поставио си међу, преко које не прелазе, и не враћају се да покрију земљу.
Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10 Извео си изворе по долинама, између гора теку воде.
Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11 Напајају све звери пољске; дивљи магарци гасе жеђ своју.
Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12 На њима птице небеске живе; кроз гране разлеже се глас њихов.
Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Напајаш горе с висина својих, плодовима дела Твојих сити се земља.
Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14 Дајеш те расте трава стоци, и зелен на корист човеку, да би извадио хлеб из земље.
Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa:
15 И вино весели срце човеку, и лице се светли од уља, и хлеб срце човеку крепи.
At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16 Сите се дрвета Божија, кедри ливански, које си посадио.
Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim;
17 На њима птице вију гнезда; станак је родин на јелама.
Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18 Горе високе дивокозама, камен је уточиште зечевима.
Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho.
19 Створио си месец да показује времена, сунце познаје запад свој.
Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20 Стереш таму, и бива ноћ, по којој излази све зверје шумско;
Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21 Лавови ричу за пленом, и траже од Бога хране себи.
Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22 Сунце гране, и они се сакривају и лежу у ложе своје.
Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23 Излази човек на посао свој, и на рад свој до вечера.
Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24 Како је много дела Твојих, Господе! Све си премудро створио; пуна је земља блага Твог.
Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Гле, море велико и широко, ту гмижу без броја, животиња мала и велика;
Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Ту лађе плове, крокодил, ког си створио да се игра по њему.
Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 Све Тебе чека, да им дајеш пићу на време.
Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan (sila) ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Дајеш им, примају; отвориш руку своју, сите се добра.
Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29 Одвратиш лице своје, жалосте се; узмеш им дух, гину, и у прах свој враћају се.
Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30 Пошаљеш дух свој, постају, и понављаш лице земљи.
Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.
31 Слава Господу увек; нек се весели Господ за дела своја!
Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32 Он погледа на земљу, и она се тресе; дотакне се гора, и диме се.
Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33 Певаћу Господу за живота свог; хвалићу Бога свог док сам год.
Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34 Нека Му буде мила беседа моја! Веселићу се о Господу.
Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.
35 Нека нестане грешника са земље, и безбожника нека не буде више! Благосиљај, душо моја, Господа! Алилуја!
Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.

< Псалми 104 >