< Псалми 10 >
1 Зашто, Господе, стојиш далеко, кријеш се кад је невоља?
Yahweh, bakit ka nakatayo sa malayo? Bakit tinatago mo ang iyong sarili sa oras ng kaguluhan?
2 С охолости безбожникове мучи се убоги; хватају се убоги преваром коју измишљају безбожници.
Dahil sa kanilang kayabangan, hinahabol ng masasamang tao ang mga api; pero pakiusap hayaan mong mahuli ang mga masasama sa ginawa nilang sariling mga balakin.
3 Јер се безбожник дичи жељом душе своје, грабљивца похваљује.
Dahil ipinagyayabang ng masasamang tao ang kaniyang pinakamalalim na mga hangarin; pinagpapala niya ang sakim at iniinsulto si Yahweh.
4 Безбожник у обести својој не мари за Господа: "Он не види." Нема Бога у мислима његовим.
Ang masasamang tao ay nakataas-noo; hindi niya hinahanap ang Diyos. Hindi niya kailanman iniisip ang tungkol sa Diyos dahil siya ay wala talagang pakialam sa kaniya.
5 Свагда су путеви његови криви; за судове Твоје не зна; на непријатеље своје неће ни да гледа.
Siya ay matatag sa lahat ng oras, pero ang iyong mga makatuwirang mga kautusan ay labis na mataas para sa kaniya; sinisinghalan niya ang lahat ng kaniyang mga kaaway.
6 У срцу свом каже: Нећу посрнути; зло неће доћи никад.
Sinasabi niya sa kaniyang puso, “Hindi ako mabibigo; hindi ako makahaharap ng pagkatalo sa lahat ng salinlahi.”
7 Уста су му пуна неваљалих речи, преваре и увреде, под језиком је његовим мука и погибао.
Ang kaniyang bibig ay puno ng pagsusumpa at mapanlinlang, mapaminsalang mga salita; ang kaniyang dila ay nakasasakit at nakasisira.
8 Седи у заседи иза куће; у потаји убија правога; очи његове вребају убогога.
Siya ay naghihintay sa pagtambang malapit sa mga nayon; sa lihim na mga lugar niya pinapatay ang inosente; ang kaniyang mga mata ay naghahanap ng ilang biktimang walang laban.
9 Седи у потаји као лав у пећини; седи у заседи да ухвати убогога; хвата убогога увукавши га у мрежу своју.
Siya ay nagtatago ng palihim katulad ng leon sa masukal na lugar; siya ay nag-aabang para humuli ng api. Nahuhuli niya ang api kapag hinihila niya ang kaniyang lambat.
10 Притаји се, прилегне, и убоги падају у јаке нокте његове.
Ang kaniyang mga biktima ay dinudurog at binubugbog; (sila) ay nahulog sa kaniyang matibay na mga lambat.
11 Каже у срцу свом: "Бог је заборавио, окренуо је лице своје, неће видети никад."
Sinasabi niya sa kaniyang puso, “Nakalimot ang Diyos; tinakpan niya ang kaniyang mukha; hindi siya mag-aabalang tumingin.”
12 Устани Господе! Дигни руку своју, не заборави невољних.
Bumangon ka, Yahweh; itaas mo ang iyong kamay sa paghatol, O Diyos. Huwag mong kalimutan ang mga api.
13 Зашто безбожник да не мари за Бога говорећи у срцу свом да Ти нећеш видети?
Bakit itinatanggi ng masamang tao ang Diyos at sinasabi sa kaniyang puso, “Hindi mo ako pananagutin”?
14 Ти видиш; јер гледаш увреде и муке и пишеш их на руци. Теби предаје себе убоги; сироти Ти си помоћник.
Binigyang pansin mo, dahil lagi mong nakikita ang gumagawa ng paghihirap at kalungkutan. Pinagkakatiwala ng ulila ang kaniyang sarili sa iyo; inililigtas mo ang mga walang ama.
15 Сатри мишицу безбожном и злом, да се тражи и не нађе безбожност његова.
Baliin mo ang bisig ng masama at buktot na tao; panagutin siya sa kaniyang mga masasamang gawain, na akala niya hindi mo matutuklasan.
16 Господ је цар свагда, довека, нестаће незнабожаца са земље његове.
Si Yahweh ay Hari magpakailanpaman; ang mga bansa ay pinalalayas mo sa kanilang mga lupain.
17 Господе! Ти чујеш жеље ништих; утврди срце њихово; отвори ухо своје,
Yahweh, narinig mo ang mga pangangailangan ng mga api; pinalalakas mo ang kanilang puso, pinakikinggan mo ang kanilang panalangin;
18 Да даш суд сироти и невољнику, да престану гонити човека са земље.
Ipinagtatanggol mo ang walang mga ama at ang mga api para walang tao sa mundo ang magdudulot muli ng malaking takot.