< Приче Соломонове 30 >

1 Речи Агура сина Јакејевог; сабране речи тог човека Итилу, Итилу и Укалу.
Ang mga kasabihan ni Agur, anak na lalaki ni Jakeh—isang orakulo: Ipinahayag ng lalaking ito kay Itiel, kay Itiel at Ucal:
2 Ја сам луђи од сваког, и разума човечијег нема у мене.
Tiyak na ako ay mas katulad ng isang hayop kaysa sa sinumang tao, at wala akong pang-unawa ng isang tao.
3 Нити сам учио мудрост нити знам свете ствари.
Hindi ko natutunan ang karunungan, ni mayroon akong kaalaman ng Tanging Banal.
4 Ко је изашао на небо и опет сишао? Ко је скупио ветар у прегршти своје? Ко је свезао воде у плашт свој? Ко је утврдио све крајеве земљи? Како Му је име? И како је име Сину Његовом? Знаш ли?
Sino ang umakyat sa langit at bumaba? Sino ang nagtipon ng hangin sa ilalim ng kaniyang mga kamay? Sino ang nagtipon ng mga tubig sa balabal? Sino ang nagtatag ng lahat ng mga hangganan ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak? Tiyak na alam mo!
5 Све су речи Божије чисте; Он је штит онима који се уздају у Њ.
Bawat salita ng Diyos ay nasubok, siya ay isang panangga sa mga nagkukubli sa kaniya.
6 Ништа не додај к речима Његовим, да те не укори и не нађеш се лажа.
Huwag magdagdag sa kaniyang mga salita, o pagsasabihan ka niya at ikaw ay mapapatunayang isang sinungaling.
7 За двоје молим Те; немој ме се оглушити док сам жив:
Dalawang bagay ang hinihingi ko sa iyo, huwag mo silang ipagkait sa akin bago ako mamatay.
8 Таштину и реч лажну удаљи од мене; сиромаштва ни богатства не дај ми, храни ме хлебом по оброку мом,
Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan.
9 Да не бих наједавши се одрекао се Тебе и рекао: Ко је Господ? Или осиромашивши да не бих крао и узалуд узимао име Бога свог.
Dahil kung mayroon akong labis, itatanggi kita at sasabihin, “Sino si Yahweh?” O kung ako ay magiging mahirap, magnanakaw ako at lalapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos.
10 Не опадај слуге господару његовом, да те не би клео и ти био крив.
Huwag mong siraan ng puri ang isang alipin sa harapan ng kaniyang panginoon, o isusumpa ka niya at papaniwalaang ikaw ang may kasalanan.
11 Има род који псује оца свог и не благосиља матере своје.
Ang isang salinlahi na sinusumpa ang kanilang ama at hindi pinagpapala ang kanilang ina,
12 Има род који мисли да је чист, а од свог кала није опран.
iyan ang isang salinlahi na dalisay sa kanilang sariling mga mata, ngunit hindi sila nahugasan sa kanilang karumihan.
13 Има род који држи високо очи своје, и веђе му се дижу увис.
Iyan ang isang salinlahi—gaano mapagmataas ang kanilang mga mata at ang kanilang takipmata ay nakaangat! —
14 Има род коме су зуби мачеви и кутњаци ножеви, да прождире сиромахе са земље и убоге између људи.
sila ang isang salinlahi na ang mga ngipin ay mga espada, at kanilang mga panga ay mga kutsilyo, para lapain nila ang mahirap mula sa lupa at ang nangangailangan mula sa sangkatauhan.
15 Пијавица има две кћери, које говоре: Дај, дај. Има троје несито, и четврто никад не каже: Доста:
Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”:
16 Гроб, материца јалова, земља која не бива сита воде, и огањ, који не говори: Доста. (Sheol h7585)
Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.” (Sheol h7585)
17 Око које се руга оцу и неће да слуша матере, кљуваће га гаврани с потока и јести орлићи.
Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.
18 Троје ми је чудесно, и четвртог не разумем:
May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit;
19 Пут орлов у небо, пут змијин по стени, пут лађин посред мора, и пут човечији к девојци.
ang ginagawa ng isang ahas sa isang bato; ang ginagawa ng isang barko sa puso ng karagatan; at ang ginagawa ng isang lalaki kasama ang isang dalaga.
20 Такав је пут курвин: једе, и убрише уста, па вели: Нисам учинила зла.
Ito ang ginagawa ng isang nangangalunyang babae— siya ay kumakain at kaniyang pinupunasan ang kaniyang bibig at sinasabi, “Wala akong ginawang mali.”
21 Од трога се потреса земља, и четвртог не може поднети:
Sa ilalim ng tatlong bagay ang lupa ay nayayanig, at ang pang-apat ay hindi na makakayanan nito:
22 Од слуге, кад постане цар, од безумника, кад се наједе хлеба.
ang isang alipin kapag siya ay naging hari; ang isang hangal kapag siya ay puno ng pagkain;
23 Од пуштенице, кад се уда, од слушкиње кад наследи госпођу своју.
kapag ang isang kinamumuhian na babae ay nagpakasal; at kapag ang isang babaeng utusan ay pumalit sa pwesto ng kaniyang babaeng amo.
24 Четворо има малено на земљи, али мудрије од мудраца:
May apat na bagay sa lupa na malilit, pero napakatatalino:
25 Мрави, који су слаб народ, али опет приправљају у лето себи храну;
ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
26 Питоми зечеви, који су нејак народ, али опет у камену граде себи кућу;
ang mga kuneho ay hindi makapangyarihang nilalang, pero ginagawa nila ang kanilang mga tahanan sa mga batuhan.
27 Скакавци, који немају цара, али опет иду сви јатом;
Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos.
28 Паук, који рукама ради и у царским је дворима.
Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
29 Троје лепо корача, и четврто лепо ходи:
Mayroong tatlong bagay na marangal sa kanilang mahabang hakbang, apat na marangal kung paano lumakad:
30 Лав, најјачи између зверова, који не узмиче ни пред ким,
ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;
31 Коњ опасан по бедрима или јарац, и цар на кога нико не устаје.
isang kambing; at isang hari kung saan ang mga sundalo ay nasa tabi niya.
32 Ако си лудовао понесавши се или си зло мислио, метни руку на уста.
Kung ikaw ay naging hangal, dinadakila ang iyong sarili, o kung ikaw ay nag-iisip ng kasamaan— ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
33 Кад се разбија млеко, излази масло; и ко јако нос утире, изгони крв; тако ко дражи на гнев, замеће свађу.
Katulad ng hinalong gatas na nakakagawa ng mantikilya, at katulad ng ilong ng sinuman na magdurugo kapag piningot, kaya ang gawain na ginawa sa galit ay lumilikha nang kaguluhan.

< Приче Соломонове 30 >