< Приче Соломонове 24 >
1 Не завиди злим људима нити жели да си с њима.
Huwag kang mainggit sa mga masasama, ni hangarin na makisama sa kanila,
2 Јер о погибли мисли срце њихово и усне њихове говоре о муци.
dahil ang kanilang mga puso ay nagbabalak ng karahasan, at ang kanilang mga labi ay nag-uusap tungkol sa kaguluhan.
3 Мудрошћу се зида кућа и разумом утврђује се.
Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
4 И знањем се пуне клети сваког блага и драгоцена и мила.
Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
5 Мудар је човек јак, и разуман је човек силан снагом.
Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
6 Јер мудрим саветом ратоваћеш, и избављење је у мноштву саветника.
sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
7 Високе су безумноме мудрости; неће отворити уста својих на вратима.
Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.
8 Ко мисли зло чинити зваће се зликовац.
Mayroong isang nagbabalak na gumawa ng masama— tinatawag siya ng mga tao na bihasa sa mga masamang balakin.
9 Мисао безумникова грех је, и подсмевач је гад људски.
Ang isang hangal na hangarin ay kasalanan, at ang mga tao ay hinahamak ang nangungutya.
10 Ако клонеш у невољи, скратиће ти се сила.
Kung ipinapakita mo ang iyong kaduwagan sa araw ng kaguluhan, kung gayon ang iyong lakas ay hindi sapat.
11 Избављај похватане на смрт; и које хоће да погубе, немој се устегнути од њих.
Sagipin mo silang mga inilalayo papunta sa kamatayan, at pigilan mo silang mga nalilito papunta sa pagpatay.
12 Ако ли кажеш: Гле, нисмо знали за то; неће ли разумети Онај који испитује срца, и који чува душу твоју неће ли дознати и платити свакоме по делима његовим?
Kung sinabi mo, “Diyan! Wala kaming alam tungkol dito.” Hindi ba't ang Siyang nagtitimbang ng puso ay naiintindihan kung ano ang sinasabi mo? At Siyang nagbabantay ng iyong buhay, hindi ba niya alam ito? At hindi ba ibibigay ng Diyos sa bawat isa kung ano ang karapat-dapat sa kaniya?
13 Сине мој, једи мед, јер је добар, и саће, јер је слатко грлу твом.
Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
14 Тако ће бити познање мудрости души твојој, кад је нађеш; и биће плата, и надање твоје неће се затрти.
Katulad nito ang karunungan para sa iyong kaluluwa— kung nahanap mo ito, magkakaroon ng kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
15 Безбожниче, не вребај око стана праведниковог, и не квари му почивање.
Huwag kang mag-abang tulad ng mga masasamang tao na lumulusob sa bahay ng mga gumagawa ng mabuti. Huwag mong wasakin ang bahay niya!
16 Јер ако и седам пута падне праведник, опет устане, а безбожници пропадају у злу.
Sapagkat kung ang isang taong gumagawa ng tama ay bumagsak ng pitong beses, siya ay tatayo muli, ngunit ang mga masasama ay ibabagsak ng kalamidad.
17 Кад падне непријатељ твој, немој се радовати, и кад пропадне, нека не игра срце твоје.
Huwag magdiwang kapag ang iyong kaaway ay bumagsak at huwag hayaan ang iyong puso ay magalak kapag siya ay nadapa,
18 Јер би видео Господ и не би Му било мило, и обратио би гнев свој од њега на тебе.
o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
19 Немој се жестити ради неваљалаца, немој завидети безбожницима.
Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
20 Јер нема плате неваљалцу, жижак ће се безбожницима угасити.
sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
21 Бој се Господа, сине мој, и цара, и не мешај се с немирницима.
Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
22 Јер ће се уједанпут подигнути погибао њихова, а ко зна пропаст која иде од обојице?
sapagkat darating nang biglaan ang kanilang kapamahakan at sino ang nakakaalam nang lawak ng pagkawasak na parehong darating mula sa kanila?
23 И ово је за мудраце: Гледати ко је ко на суду није добро.
Ito rin ang mga kasabihan ng matalino. Ang pagkiling sa paghahatol ng isang kaso sa batas ay hindi mabuti.
24 Ко говори безбожнику: Праведан си, њега ће проклињати људи и мрзиће на њ народи.
Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
25 А који га карају, они ће бити мили, и доћи ће на њих благослов добрих.
Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
26 Ко говори речи истините, у уста љуби.
Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
27 Уреди свој посао на пољу, и сврши своје на њиви, потом и кућу своју зидај.
Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
28 Не буди сведок на ближњег свог без разлога, и не варај уснама својим.
Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
29 Не говори: Како је он мени учинио тако ћу ја њему учинити; платићу овом човеку по делу његовом.
Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
30 Иђах мимо њиве човека лењог и мимо винограда човека безумног;
Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
31 И гле, беше све зарасло у трње и све покрио чкаљ, и ограда им камена разваљена.
Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
32 И видевши узех на ум, и гледах и поучих се.
Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
33 Док мало проспаваш, док мало продремљеш, док мало склопиш руке да починеш,
Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga—
34 У том ће доћи сиромаштво твоје као путник, и оскудица твоја као оружан човек.
at ang kahirapan ay pupunta sa iyo tulad ng isang magnanakaw at ang iyong mga pangangailangan ay pupunta sa iyo tulad ng isang armadong sundalo.