< Књига Немијина 3 >
1 И уста Елијасив, поглавар свештенички и браћа његова свештеници и зидаше врата овчија, и осветише их и метнуше им крила, и осветише их до куле Меје, до куле Ананилове.
Pagkatapos tumayo si Eliasib ang punong pari kasama ng kaniyang mga kapatirang pari, at itinayo nila ang Tarangkahan ng Tupa. Pinagingbanal nila ito at naglagay ng mga pinto. Pinagingbanal nila ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.
2 А до њега зидаше Јерихоњани, а до њих зида Захур, син Имријев;
Kasunod niyang nagtrabaho ang mga kalalakihan ng Jerico, at kasunod nilang nagtrabaho si Zacur na anak ni Imri.
3 А врата рибља зидаше синови Асенајини, они их побрвнаше и метнуше крила и браве и преворнице.
Itinayo ng mga anak ni Hasenaa ang Tarangkahan ng Isda. Inilagay nila ang mga biga sa lugar at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
4 А до њих поправља Меримот, син Урије сина Акосовог; а до њих поправља Месулам, син Варахије сина Месизавеиловог; а до њих поправља Садок, син Ванин.
Si Meremot ang nag-ayos ng katabing bahagi. Siya ay anak ni Urias na anak ni Hakoz. At Si Mesulam ang kasunod nilang nag-ayos. Siya ang anak ni Berequias na anak ni Mesezabel. Kasunod nilang nag-ayos ay si Zadok. Siya ang anak ni Baana.
5 А до њих поправљаше Текујани, али поглавице њихове не савише врат свој на службу Господу свом.
Kasunod nilang nag-ayos ang mga taga-Tekoa, pero ang kanilang mga pinuno ay tumangging gawin ang inutos ng kanilang mga tagapangasiwa.
6 А стара врата поправља Јодај, син Фасејин и Месулам, син Весодијин, они их побрвнаше и метнуше крила и браве и преворнице.
Sina Joiada anak ni Pasea at Mesullam anak ni Besodeias ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan. Nilagay nila ng mga biga, at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
7 А до њих поправљаше Мелатија Гаваоњанин и Јадон Мероњанин, људи из Гаваона и из Миспе до столице кнеза с ове стране реке.
Kasunod nilang nag-ayos sina Melatias na taga-Gibeon, kasama si Jadon na taga-Meronot. Sila ang namumuno sa mga kalalakihan ng Gibeon at Mizpa. Ang Mizpa ay tirahan ng gobernador ng lalawigan sa kabilang Ilog.
8 До њих поправља Узило, син Арахијин, златар; а до њега поправља Ананија, син апотекарски. И оставише Јерусалим до широког зида.
Kasunod niya na nag-ayos ang anak ni Harhaia na si Uziel, isa sa mga platero, at kasunod niya si Hanania, manggagawa ng mga pabango. Itinayo nilang muli ang Jerusalem hanggang sa Malapad na Pader.
9 А до њих поправља Рефаја, син Оров поглавар над половином краја јерусалимског.
Kasunod nilang nag-ayos si Refaias na anak ni Hur. Siya ang pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.
10 А до њих поправља Једаја, син Арумафов према својој кући, а до њега поправља Хатус, син Асавнијин.
Kasunod nila si Jedias anak ni Harumaf na nag-ayos katabi ng kaniyang bahay. Kasunod niyang nag-ayos si Hatus na anak ni Hasabneias.
11 Толико поправља Малахија син Харимов и Асув син Фат-Моавов и кулу код пећи.
Sina Malquias anak ni Harim at Hasub anak ni Pahath Moab ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa gawi na Tore ng mga Pugon.
12 А до њега поправља Салум, син Лоисов, поглавар над половином краја јерусалимског са кћерима својим.
Kasunod nila si Sallum anak ni Haloles, pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, ang nag-ayos kasama ang kaniyang mga anak na babae.
13 Врата долинска поправља Анун са становницима занојским; они их саградише и метнуше крила и браве и преворнице, и хиљаду лаката зида до гнојних врата.
Sila Hanun at ang mga naninirahan sa Zanoa ang nag-ayos ng Lambak na Tarangkahan. Itinayo nila ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Sila ang nag-ayos ng isang libong siko hanggang sa Tarangkahan ng Dumi.
14 А гнојна врата поправља Малхија, син Рихавов поглавар над крајем вет-керемским, он их сагради и метну крила и браве и преворнице.
Si Malquias anak ni Recab, ang pinuno ng distrito sa Beth Hakerem, ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi. Itinayo niya ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito.
15 А врата изворска поправља Салум, син Хол-озин, поглавар над крајем у Миспи, он их сагради и покри и метну им крила и браве и преворнице; и зид код бање силоамске од врта царевог до басамака који силазе из града Давидовог.
Si Sallun anak ni Col hoze, ang pinuno ng distrito ng Mizpa, ang nagtayo muli ng Bukal na Tarangkahan. Itinayo niya ito, at inilagay ang isang takip sa ibabaw nito at at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Itinayo niyang muli ang pader ng Paliguan ng Siloam sa hardin ng hari, hanggang sa hagdan patungo sa ibaba mula sa lungsod ni David.
16 За њим поправља Немија, син Азвуков поглавар над половином краја вет-сурског до према гробовима Давидовим и до језера начињеног и до куће јуначке.
Si Nehemias anak ni Azbuk, ang pinuno ng kalahating distrito ng Beth Zur, ang nag-ayos ng lugar sa kabila mula sa mga libingan ni David, hanggang sa paliguan na gawa ng tao, at sa bahay ng malalakas na lalaki.
17 За њим поправљаше левити, Реум син Ванијев, а до њега поправља Асавија поглавар над половином краја кеилског са својим крајем.
Pagkatapos niya ang mga Levita ang nag-ayos, kasama si Rehum anak ni Bani at kasunod niya si Hashabias, ang pinuno ng kalahating distrito ng Keila, para sa kaniyang distrito.
18 За њим поправљаше браћа њихова, Вавај син Инададов поглавар над половином краја кеилског.
Pagkatapos niya ang kanilang mga kababayan ang nag-ayos, kabilang si Bavai, anak ni Henadad, pinuno ng kalahating distrito ng Keila.
19 А до њега поправља Есер, син Исусов поглавар од Миспе толико према месту куда се иде ка ризницама на углу.
Si Ezer ang sumunod sa kaniya na nag-ayos. Siya ay anak ni Jeshua, pinuno ng Mizpa, na nag-ayos sa isa pang bahagi sa kabila ng paakyat patungo sa taguan ng mga armas, sa tukod.
20 За њим разгоривши се Варух, син Завајев, поправља толико од угла до врата од куће Елијасива, поглавара свештеничког.
Pagkatapos niya, si Baruch anak ni Zabai ang buong pusong nag-ayos ng isa pang bahagi mula sa tukod hanggang sa pinto ng bahay ng punong paring si Eliasib.
21 За њим поправља Меримот, син Урије сина Акосовог, толико од врата куће Елијасивове до краја куће Елијасивове.
Pagkatapos niya, si Meremot anak ni Urias na anak ni Hakoz ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay ni Eliasib.
22 А за њим поправљаше свештеници који живљаху у равници.
Kasunod niya ang mga pari, ang mga kalalakihan mula sa lugar sa palibot ng Jerusalem ang nag-ayos.
23 За њим поправља Венијамин и Асув према својим кућама; а за њим поправља Азарија, син Масије сина Ананијиног уз своју кућу.
Pagkatapos nila, sina Benjamin at Hassub ang nag-ayos sa kabila ng kanilang sariling bahay. Pagkatapos nila, si Azarias anak ni Maaseias na anak ni Ananias ang nag-ayos sa tabi ng kanilang sariling bahay.
24 За њим поправља Винуј, син Инададов толико од куће Азаријине до савитка и до угла.
Pagkatapos niya, si Binui anak ni Henadad ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa tukod.
25 Фалал, син Узајев поправља према савитку и према кули која се издиже из горњег дома царевог код трема тамничкога; за њим Федаја, син Фаросов.
Si Palal anak ni Uzai ang nag-ayos sa itaas salungat sa tukod at toreng aabot pataas mula sa itaas ng bahay ng hari sa patyo ng mga guwardiya. Pagkatapos niya, si Pedeias anak ni Paros ang nag-ayos.
26 И Нетинеји који живљаху у Офилу, до према вратима воденим на исток и кули високој;
Ngayon ang mga lingkod ng templo na naninirahan sa Ofel ang nag-ayos sa kabilang bahagi ng Tarangkahan ng Tubig sa silangan ng nakausling tore.
27 За њим поправљаше Текујани толико према великој кули високој до зида офилског.
Pagkatapos niya ang mga taga-Tekoa ang nag-ayos ng isa pang bahagi, sa kabila ng malaking tore na namumukod tangi, hanggang sa pader ng Ofel.
28 Од врата коњских поправљаше свештеници сваки према својој кући;
Inayos ng mga pari ang ibabaw ng Tarangkahan ng mga Kabayo, bawat tapat ng sarili nilang bahay.
29 За њима поправља Садок, син Имиров према својој кући; а за њим поправља Семаја, син Сеханијин, чувар врата источних;
Pagkatapos nila, si Zadok anak ni Immer ang nag-ayos ng katapat na bahagi ng sarili niyang bahay. At pagkatapos niya, inayos ni Semias anak ni Secanias, ang tagapagbantay ng silangang tarangkahan.
30 За њим поправља Ананија, син Селемијин и Анон, шести син Салафов, толико; за њима поправља Месулам син Варахијин према својој клети;
Pagkatapos niya, sina Hananias anak ni Selemias, at Hanun ang ikaanim na anak ni Zalap ang nag-ayos ng kabilang bahagi. Pagkatapos niya, inayos ni Mesulam anak ni Berequias ang tapat na kaniyang tinitirahang mga silid.
31 За њим поправља Малхија, син златарев до куће нетинејске и трговачке према вратима мифкадским до узбрдице на углу;
Pagkatapos niya ay si Malquias, isa sa mga platero, ang nag-ayos hanggang sa bahay ng mga lingkod sa templo at mga mangangalakal na nasa kabila ng Tarangkahan ng Tipan at ang silid sa sulok na tinitirahan sa itaas.
32 А између узбрдице на углу и овчијих врата поправљаше златари и трговци.
Nag-ayos ang mga platero at ang mga mangangalakal sa gitna ng itaas na silid at ang Tarangkahan ng mga Tupa.