< 3 Мојсијева 26 >
1 Немојте градити себи идола ни ликова резаних, нити ступова подижите, ни камена са сликама мећите у својој земљи да му се клањате; јер сам ја Господ Бог ваш.
“Dapat huwag kayong gumawa ng mga rebulto, ni hindi kayo magtatayo ng mga nililok na mga larawan o isang sagradong batong haligi at dapat huwag kayong maglagay sa inyong lupain ng anumang hinulma na imaheng bato na inyong yuyukudan, sapagkat ako si Yahweh na inyong Dios.
2 Држите суботе моје, и светињу моју поштујте; ја сам Господ.
Dapat ninyong isagawa ang aking mga Araw ng Pamamahinga at parangalan ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
3 Ако узживите по мојим уредбама, и заповести моје уздржите и ушчините,
Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
4 Даваћу вам дажд на време, и земља ће рађати род свој, и дрвета ће у пољу рађати род свој;
Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
5 И вршидба ће вам стизати бербу виноградску, а берба ће виноградска стизати сејање, и јешћете хлеб свој до ситости, и живећете без страха у земљи својој.
Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
6 Јер ћу дати мир земљи, те ћете спавати а неће бити никога да вас плаши; учинићу, те ће нестати зле звери из земље, и мач неће пролазити преко ваше земље.
Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain; hihiga kayo ng walang kahit na anong kinatatakutan. Aalisin ko ang mga mababangis na hayop mula sa lupain at hindi dadaan ang espada sa inyong lupain.
7 Него ћете терати непријатеље своје, и падаће пред вама од мача.
Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
8 Вас ће петорица терати стотину, а вас стотина тераће десет хиљада, и падаће непријатељи ваши пред вама од мача.
Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
9 И обратићу се к вама, и учинићу вам да растете, и умножићу вас, и утврдићу завет свој с вама.
Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
10 И јешћете жито старо, од много година, и изасипаћете старо кад дође ново.
Kakain kayo ng pagkaing inimbak ng mahabang panahon. Kakailanganin ninyong ilabas ang inyong inimbak na pagkain dahil kakailanganin ninyo ng lugar para sa bagong ani.
11 И наместићу стан свој међу вама, и душа моја неће мрзети на вас.
Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa inyo at hindi ko kayo itatakwil.
12 И ходићу међу вама, и бићу вам Бог, и ви ћете бити мој народ.
Maglalakad ako kasama ninyo, magiging Diyos ninyo at magiging bayan ko kayo.
13 Ја сам Господ Бог ваш, који вас изведох из земље мисирске да им не робујете, и поломих палице јарма вашег, и исправих вас да ходите право.
Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
14 Ако ли ме не узаслушате, и не учините све ове заповести,
Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
15 Ако повргнете уредбе моје и души вашој омрзну закони моји да не творите све заповести моје, и раскинете завет мој,
at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
16 И ја ћу вама учинити ово: Пустићу на вас страх, суву болест и врућицу, које ће вам очи искварити и душу уцвелити; и залуду ћете сејати семе своје, јер ће га јести непријатељи ваши.
—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
17 И окренућу лице своје насупрот вама, и сећи ће вас непријатељи ваши, и који мрзе на вас биће вам господари, и бежаћете кад вас нико не тера.
Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
18 Ако ме ни тада не станете слушати, караћу вас још седам пута више за грехе ваше.
Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
19 Потрћу понос силе ваше, и учинићу да небо над вама буде као гвожђе, а земља ваша као бронза.
Babaliin ko ang inyong pinagmamalaking kapangyarihan. Gagawin ko ang langit sa inyong itaas na parang bakal at ang inyong lupain na parang tanso.
20 Снага ће се ваша трошити узалуд, јер земља ваша неће рађати рода свог, и дрвета по земљи неће рађати рода свог.
Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
21 Ако ми узидете насупрот и не будете хтели слушати ме, додаћу вам седам пута више мука према гресима вашим.
Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
22 Пустићу на вас звери пољске, које ће вам децу изјести, и стоку потрти и вас умалити, и опустеће путеви ваши.
Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
23 Ако се ни од тога не поправите, него ми још узидете насупрот,
Kung sa lahat ng ito, hindi niyo pa rin tinatanggap ang aking pagtuturo, sa halip nagpatuloy na lumakad laban sa akin,
24 И ја ћу вама ићи насупрот, и бићу вас још седам пута више за грехе ваше.
Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
25 Пустићу на вас мач, који ће осветити мој завет; а кад се слежете у градове своје, тада ћу пустити помор међу вас, и бићете предани у руке непријатељу.
Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
26 И кад вам сломим потпору у хлебу, десет ће жена пећи хлеб ваш у једној пећи, и даваће вам хлеб ваш на меру, и јешћете а нећете се наситити.
Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
27 Ако ме ни тако не станете слушати, него ми узидете насупрот,
Kung hindi kayo makikinig sa akin kahit pa na may mga ganitong bagay, at sa halip patuloy na lumakad laban sa akin,
28 И ја ћу вама с гневом ићи насупрот, и седам пута већма караћу вас за грехе ваше.
ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
29 И јешћете месо од синова својих, и месо од кћери својих јешћете.
Kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki; kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
30 Развалићу висине ваше, и оборићу идоле ваше, и метнућу трупове ваше на трупове гадних богова ваших, и мрзиће душа моја на вас.
Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
31 И обратићу градове ваше у пустош, и разорићу светиње ваше, и нећу више мирисати мириса вашег.
Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
32 И опустећу земљу да ће јој се чудити непријатељи ваши, који ће живети у њој.
Sisirain ko ang lupain. Sobrang mabibigla ang inyong mga kaaway na naninirahan doon sa pagkakasira.
33 А вас ћу расејати по народима, и учинићу да вас гоне с голим мачем; и земља ће ваша бити пуста и градови ваши раскопани.
Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
34 Тада ће земљи бити миле суботе њене за све време докле буде пуста; и кад будете у земљи својих непријатеља, земља ће почивати, и биће јој миле суботе њене.
Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito.
35 За све време докле буде пуста почиваће, јер није почивала у ваше суботе, кад сте у њој живели.
Hangga't nananatili itong pinabayaan, maangkin nito ang pamamahinga, pamamahinga na hindi nito naangkin sa inyong mga Araw ng Pamamahinga, noong nanirahan kayo sa lupaing iyon.
36 А који вас остану, метнућу страх у срца њихова у земљама непријатеља њихових, те ће их гонити лист кад шушне заљуљавши се, и они ће бежати као испред мача, и падаће а нико их неће терати.
At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
37 И падаће један преко другог као од мача, а нико их неће терати; и нећете се моћи држати пред непријатељима својим.
Madadaganan ninyo ang isa't isa na parang tinatakbuhan ninyo ang espada, kahit na wala namang humahabol sa inyo. Hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan na tumayo sa harap ng inyong mga kaaway.
38 Него ћете изгинути међу народима, и прождреће вас земља непријатеља ваших.
Maglalaho kayo sa mga nabibilang na mga bansa, at ang lupain mismo ng inyong mga kaaway ang lalamon sa inyo.
39 А који вас остану, чилеће за безакоње своје у земљи непријатеља својих, и за безакоње отаца својих чилеће.
'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
40 Али ако признаду безакоње своје и безакоње отаца својих по гресима, којима ми грешише и којима ми идоше насупрот,
Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
41 Те и ја њима идох насупрот и одведох их у земљу непријатеља њихових; ако се тада понизи срце њихово необрезано, и буде им право што су покарани за безакоње своје,
na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
42 Тада ћу се опоменути завета свог с Јаковом, и завета свог са Исаком, и завета свог са Аврамом опоменућу се, и земље ћу се опоменути.
ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
43 Када се земља опрости њих и буду јој миле суботе њене кад опусти с њих, и њима буде право што су покарани за безакоње своје, јер судове моје повргоше и души њиховој омрзоше уредбе моје.
Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.
44 А зато ни онда кад буду у земљи непријатеља својих нећу их поврћи нити ћу тако омрзнути на њих да их потрем и раскинем завет свој са њима; јер сам ја Господ Бог њихов.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, kapag nasa lupain sila ng kanilang mga kaaway, hindi ko sila kamumuhian na tuluyan silang lipulin at hindi puputulin ang aking tipan sa kanila, sapagkat ako si Yahweh na kanilang Diyos.
45 Него ћу се њих ради опоменути завета са старима њиховим, које изведох из земље мисирске народима на видику да им будем Бог, ја Господ.
Pero para sa kanilang kapakanan isasaisip ko ang tipan sa kanilang mga ninuno, na siyang aking dinala palabas mula sa lupain ng Ehipto na nasaksihan ng mga bansa, upang ako ay maging Diyos nila. Ako si Yahweh.”
46 Ово су уредбе и судови и закони, које постави Господ између себе и синова Израиљевих на гори Синајској преко Мојсија.
Ito ang mga utos, kautusan, at mga batas na ginawa ni Yahweh sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga tao ng Israel sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.