< Књига пророка Јеремије 31 >

1 У то време, говори Господ, ја ћу бити Бог свим породицама Израиљевим, и они ће ми бити народ.
“Sa panahong iyon—ito ang pahayag ni Yahweh— Ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga angkan ng Israel at sila ay magiging mga tao ko.”
2 Овако вели Господ: Народ што оста од мача нађе милост у пустињи, кад иђах да дам одмор Израиљу.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang mga tao na nakaligtas sa dumating na pagpatay sa Israel sa pamamagitan ng espada ay nakasumpong ng biyaya sa ilang.”
3 Одавна ми се јављаше Господ. Љубим те љубављу вечном, зато ти једнако чиним милост.
Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.
4 Опет ћу те сазидати, и бићеш сазидана, девојко Израиљева, опет ћеш се веселити бубњевима својим, и излазићеш са збором играчким.
Itatayo kitang muli, upang sa gayon ikaw ay makatatayo, birheng Israel. Maaari mong damputin muli ang iyong mga tamburin at lumabas nang may mga masasayang sayaw.
5 Опет ћеш садити винограде на брдима самаријским, садиће виноградари и јешће род.
Muli kayong makapagtatanim ng mga ubasan sa kabundukan ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka at gagamitin ang mga bunga sa mabuti.
6 Јер ће доћи дан кад ће викати чувари на гори Јефремовој: Устаните, да идемо на Сион, ка Господу Богу свом.
Sapagkat darating ang araw kapag ipinahayag ng taga-bantay sa kabundukan ng Efraim, 'Tumindig kayo at pumunta tayo sa Sion kay Yahweh na ating Diyos.”'
7 Јер овако вели Господ: Певајте весело ради Јакова, и подвикујте ради главе народима; јављајте, хвалите и говорите: Спаси, Господе, народ свој, остатак Израиљев.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sumigaw sa galak para kay Jacob! Sumigaw ng may kagalakan para sa pinuno ng mga tao sa mga bansa! Hayaang marinig ang papuri. Sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang natitira ng Israel.'
8 Ево, ја ћу их довести из земље северне, и сабраћу их с крајева земаљских, и слепог и хромог, и трудну и породиљу, све заједно, збор велики вратиће се овамо.
Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
9 Ићи ће плачући, и с молитвама ћу их довести натраг; водићу их покрај потока правим путем, на коме се неће спотицати; јер сам Отац Израиљу, и Јефрем је првенац мој.
Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak.”
10 Чујте, народи, реч Господњу, и јављајте по далеким острвима и реците: Који расеја Израиља, скупиће га, и чуваће га као пастир стадо своје.
“Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa”
11 Јер искупи Господ Јакова, и избави га из руку јачег од њега.
Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob at iniligtas siya sa kamay ng napakalakas para sa kaniya.
12 И доћи ће и певаће на висини сионској, и стећи ће се к добру Господњем, к житу, к вину и к уљу, к јагањцима и теоцима; и душа ће им бити као врт заливен, и неће више тужити.
Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan
13 Тада ће се веселити девојка у колу, и момци и старци заједно, и променићу жалост њихову на радост, и утешићу их, и развеселићу их по жалости њиховој.
At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
14 И напитаћу свештеницима душу претилином, и народ ће се мој наситити добра мог, говори Господ.
Pagkatapos, pananatilihin ko na sagana ang pamumuhay ng mga pari. Mapupuno ang aking mga tao ng aking kabutihan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
15 Овако вели Господ: Глас у Рами чу се, нарицање и плач велики; Рахиља плаче за децом својом, неће да се утеши за децом својом, јер их нема.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Isang tinig ang narinig sa Rama na nananaghoy at mapait na nagluluksa. Ito ay si Raquel na umiiyak para sa kaniyang mga anak. Tumanggi siyang paaliw sa kanila, sapagkat sila ay patay na.”
16 Овако вели Господ: Устави глас свој од плача и очи своје од суза, јер има плата делу твом, говори Господ, и они ће се вратити из земље непријатељске.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Pigilin mo ang iyong tinig sa pagluluksa at ang iyong mga mata sa pagluha, dahil mayroong kabayaran para sa iyong paghihirap. Ito ang pahayag ni Yahweh babalik ang iyong mga anak mula sa lupain ng kalaban.
17 И имаш наду за последак, говори Господ, да ће се вратити синови твоји на међе своје.
Mayroong pag-asa sa iyong hinaharap, ito ang pahayag ni Yahweh, babalik ang iyong mga kaapu-apuhan sa loob ng kanilang mga hangganan.”
18 Чујем доиста Јефрема где тужи: Покарао си ме, те сам покаран као јуне неуко; обрати ме да се обратим, јер си Ти Господ Бог мој.
Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.
19 Јер пошто се обратих, покајах се; и пошто се научих, ударих се по бедру; јер се посрамих и стидим се што носим срамоту младости своје.
Sapagkat matapos akong tumalikod sa iyo, ako ay nagsisisi; matapos akong maturuan, pinaghahampas ko ang aking hita dahil sa kalungkutan. Ako ay nahihiya at napahiya sapagkat dala-dala ko ang pag-uusig sa aking kabataan.
20 Није ли ми Јефрем мио син? Није ли дете предраго? Од кад говорих против њега, једнако га се опомињем; зато је срце моје устрептало њега ради, доиста ћу се смиловати на њ, говори Господ.
Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
21 Подигни знаке, нанеси гомиле камења, запамти пут којим си ишла; врати се, девојко Израиљева, врати се у градове своје.
Maglagay ka ng mga palatandaan sa daan para sa iyong sarili. Magtayo ka ng mga posteng-patnubay para sa iyong sarili. Ituon mo ang iyong isipan sa tamang landas, ang daan na dapat mong tahakin. Bumalik kayo, birheng Israel! Bumalik kayo sa mga lungsod na ito na pagmamay-ari ninyo.
22 Докле ћеш лутати, кћери одметнице! Јер је Господ учинио нешто ново на земљи: жена ће опколити човека.
Gaano katagal mong ipagpapatuloy ang pag-aalinlangan anak kong walang pananampalataya? Sapagkat lumikha si Yahweh ng isang bagay na bago sa mundo: nakapalibot ang mga babae sa mga malalakas na lalaki upang protektahan sila.
23 Овако вели Господ над војскама, Бог Израиљев: Још ћу ову реч говорити у земљи Јудиној и у градовима његовим кад натраг доведем робље њихово: Господ да те благослови, стане правде, света горо!
Si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel ang nagsabi nito, “Kapag ibinalik ko na ang aking mga tao sa kanilang lupain, sasabihin nila ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lungsod, 'Pagpalain ka nawa ni Yahweh, ikaw na matuwid na lugar kung saan siya nananahan, ikaw na banal na bundok.
24 Јер ће се населити у њој Јуда, и сви градови његови, и ратари и који иду за стадом.
Sapagkat ang Juda at ang lahat ng kaniyang mga lungsod ay sama-samang maninirahan sa kaniya. Naroon ang mga magsasaka at mga pastol kasama ang kanilang mga kawan.
25 Јер ћу напојити уморну душу, и наситити сваку клонулу душу.
Sapagkat bibigyan ko ng tubig na maiinom ang mga napapagod at papawiin ko ang pagdurusa ng bawat isa mula sa pagkakauhaw.”
26 У том се пробудих и погледах, и сан ми беше сладак.
Pagkatapos nito, nagising ako at napagtanto ko na ang pagtulog ko ay naging kaginha-ginhawa.
27 Ево иду дани, говори Господ, кад ћу засејати дом Израиљев и дом Јудин семеном човечијим и семеном од стоке.
mo, ang mga araw ay dumarating, Ito ang pahayag ni Yahweh, kapag hahasikan ko ang mga tahanan ng Israel at Juda kasama ang mga kaapu-apuhan ng tao at hayop.
28 И као што сам пазио на њих да их истребљујем и разваљујем, и кварим и затирем и мучим, тако ћу пазити на њих да их сазидам и посадим, говори Господ.
Sa nakalipas, pinasubaybayan ko sila upang bunutin sila at upang sirain, pabagsakin, wasakin at magdala ng pinsala sa kanila. Ngunit sa darating na mga araw, babantayan ko sila upang itayo sila at upang itanim sila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
29 У те дане неће се више говорити: Оци једоше кисело грожђе, а синовима трну зуби.
Sa mga araw na iyon, wala nang magsasabi na, 'Kumain ang mga ama ng mga maaasim na ubas, ngunit mapurol ang mga ngipin ng mga bata.'
30 Него ће сваки за своје грехе погинути; ко год једе кисело грожђе, томе ће зуби трнути.
Sapagkat mamamatay ang bawat tao sa kaniyang sariling kasalanan. Magiging mapurol ang mga ngipin ng sinumang kumain ng mga maaasim na ubas.
31 Ево, иду дани, говори Господ, кад ћу учинити с домом Израиљевим и с домом Јудиним нов завет,
Tingnan mo, paparating na ang mga araw. Ito ang pahayag ni Yahweh. Kapag magtatatag ako ng isang bagong kasunduan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
32 Не као онај завет, који учиних с оцима њиховим, кад их узех за руку да их изведем из земље мисирске, јер онај завет мој они покварише, а ја им бејах муж, говори Господ.
Hindi na ito kagaya ng kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ama sa mga panahong kinuha ko sila sa kanilang mga kamay upang ilabas mula sa lupain ng Egipto. Iyon ang mga araw na nilabag nila ang aking kasunduan, bagaman, ako ay isang asawang lalaki para sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
33 Него ово је завет што ћу учинити с домом Израиљевим после ових дана, говори Господ: метнућу завет свој у њих, и на срцу њиховом написаћу га, и бићу им Бог и они ће ми бити народ.
Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.
34 И неће више учити пријатељ пријатеља ни брат брата говорећи: Познајте Господа; јер ће ме знати сви од малог до великог, говори Господ; јер ћу им опростити безакоња њихова, и грехе њихове нећу више помињати.
At hindi na tuturuan ng bawat tao ang kaniyang kapwa o tuturuan ng isang tao ang kaniyang kapatid at sabihin, “Kilalanin si Yahweh!' Sapagkat lahat sila mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila ay makikilala ako. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan at hindi na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.”
35 Овако вели Господ, који даје сунце да светли дању, и уредбе месецу и звездама да светле ноћу, који раскида море и буче вали његови, коме је име Господ над војскама:
Ito ang sinasabi ni Yahweh. Si Yahweh ang nagdudulot sa araw upang magliwanag sa umaga at umaayos sa buwan at sa mga bituin upang magliwanag sa gabi. Siya ang nagpapagalaw ng dagat upang ang alon nito ay dadagundong. Yahweh, ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Ito ang sinasabi niya,
36 Ако тих уредби нестане испред мене, говори Господ, и семе ће Израиљево престати бити народ преда мном на век.
“Kung kusang mawawala ang mga permanenteng bagay na ito sa aking paningin —Ito ang pahayag ni Yahweh—hindi titigil ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa pagiging isang bansa sa harapan ko.”
37 Овако вели Господ: Ако се може измерити небо горе и извидети темељи земаљски доле, тада ћу и ја одбацити све семе Израиљево за све што су учинили, вели Господ.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kung ang pinakamataas na kalangitan ay masusukat, at kung malalaman ang pundasyon ng mundo, tatanggihan ko ang lahat ng mga kaapu-apuhan ng Israel dahil sa lahat ng kanilang mga ginawang iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
38 Ево иду дани, говори Господ, у које ће се сазидати Господу овај град од куле Ананеилове до врата на углу.
Tingnan mo, paparating na ang mga araw—kapag muling itatayo ang lungsod para sa akin, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Sulok ng Tarangkahan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
39 И још ће даље отићи уже мерачко до хума Гарива и обрнуће се на Гоат.
At ang linyang panukat ay muling pupunta sa malalayo, sa burol ng Gareb at sa palibot ng Goah.
40 И сва долина од мртвих телеса и пепела, и сва поља све до потока Кедрона, до угла коњских врата к истоку, биће светиња Господу; неће се развалити ни потрти довека.
Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.

< Књига пророка Јеремије 31 >