< Књига пророка Осије 12 >

1 Јефрем се храни ветром, и иде за устоком; сваки дан множи лаж и погибао; и хватају веру с Асирцем и носе уље у Мисир.
Pinapakain si Efraim sa hangin at sumusunod sa hanging silangan. Patuloy siyang nagpaparami ng mga kasinungalingan at karahasan. Gumawa sila ng kasunduan kasama ang Asiria at nagdala ng langis ng Olibo sa Egipto.
2 И с Јудом има Господ парбу и походиће Јакова према путевима његовим, платиће му по делима његовим.
May paratang din si Yahweh laban kay Juda at parurusahan si Jacob sa kaniyang nagawa; magbabayad siya sa kaniyang mga ginawa.
3 У утроби ухвати за пету брата свог, и у сили својој бори се с Богом;
Hinawakan ni Jacob sa sinapupunan ng mahigpit ang sakong ng kaniyang kapatid, at sa kaniyang paglaki nakipagbuno siya sa Diyos.
4 Бори се с анђелом, и надјача; плака, и моли Му се; нађе Га у Ветиљу, и онде говори с нама.
Nakipagbuno siya sa Anghel at nanalo. Umiyak siya at humingi ng awa. Nakatagpo niya ang Diyos sa Bethel; at doon nakipag-usap sa kaniya ang Diyos.
5 Али је Господ Бог над војскама, Господ му је спомен.
Si Yahweh ito, ang Diyos ng mga hukbo; “Yahweh” ang kaniyang pangalan na tatawagan.
6 Ти дакле обрати се к Богу свом, чувај милост и правду, и уздај се вазда у Бога свог.
Kaya magbalik-loob ka sa inyong Diyos. Panghawakan ang matapat na kasunduan at katarungan, at patuloy na maghintay sa inyong Diyos.
7 Трговац је Јефрем, у руци су му мерила лажна, мило му је да чини криво.
Hindi tama ang timbangan ng mga mangangalakal sa kanilang mga kamay; kinagigiliwan nila ang mandaya.
8 И говори Јефрем: Баш се обогатих, стекох благо, ни у коме труду мом неће ми наћи неправде која би била грех.
Sinasabi ni Efraim, “Talagang naging napaka-yaman ko; nakahanap ako ng kayamanan para sa aking sarili. Wala silang makitang anumang kasamaan sa akin sa lahat ng aking ginagawa, anumang bagay na kasalanan.”
9 А ја сам Господ Бог твој од земље мисирске, још ћу ти дати да седиш у шаторима као о празницима.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, na kasama ninyo mula pa sa lupain ng Egipto. Patitirahin ko kayong muli sa mga tolda, katulad nang itinakdang mga araw ng pista.
10 И говорићу преко пророка, и умножићу утваре, и даваћу причу преко пророка.
Kinausap ko narin ang mga propeta, at binigyan ko sila ng maraming mga pangitain para sa inyo. Binigyan ko kayo ng mga talinghaga sa pamamagitan ng mga propeta.”
11 Доиста је Галад безакоње, посташе сама таштина; у Галгалу приносе јунце на жртву, и олтари су им као гомиле камења по браздама на њиви мојој.
Kung mayroong kasamaan sa Galaad, tiyak na walang kabuluhan ang mga tao. Nag-aalay sila sa Gilgal ng mga toro; Magiging tulad sa mga tambak na bato na dinaanan ng araro sa mga bukid ang kanilang mga altar.
12 И Јаков побеже у земљу сирску, и Израиљ служи за жену, и за жену чува овце.
Tumakas si Jacob sa lupain ng Aram; nagtrabaho si Israel upang magkaroon ng asawa; at nangangalaga ng mga kawan ng mga tupa upang magkaroon ng isang asawa.
13 И пророком изведе Господ Израиља из Мисира, и пророком чува га.
Inilabas ni Yahweh ang Israel mula sa Egipto sa pamamagitan ng isang propeta, at iningatan niya sila sa pamamagitang ng isang propeta.
14 Јефрем Га љуто разгневи; зато ће оставити на њему крв његову, и вратиће му срамоту његову Господ његов.
Labis na ginalit ni Efraim si Yahweh. Kaya iiwanan ng kaniyang Panginoon ang kasalanan ng kaniyang dugo sa kaniya at pagbayarin siya sa kaniyang kahiya-hiyang mga gawa.

< Књига пророка Осије 12 >