< 1 Мојсијева 3 >
1 Али змија беше лукава мимо све звери пољске, које створи Господ Бог; па рече жени: Је ли истина да је Бог казао да не једете са сваког дрвета у врту?
Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
2 А жена рече змији: Ми једемо род са сваког дрвета у врту;
At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3 Само род с оног дрвета усред врта, казао је Бог, не једите и не дирајте у њ, да не умрете.
Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.
4 А змија рече жени: Нећете ви умрети;
At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5 Него зна Бог да ће вам се у онај дан кад окусите с њега отворити очи, па ћете постати као богови и знати шта је добро шта ли зло.
Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
6 И жена видећи да је род на дрвету добар за јело и да га је милина гледати и да је дрво врло драго ради знања, узабра род с њега и окуси, па даде и мужу свом, те и он окуси.
At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain.
7 Тада им се отворише очи, и видеше да су голи; па сплетоше лишћа смоковог и начинише себи прегаче.
At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
8 И зачуше глас Господа Бога, који иђаше по врту кад захлади; и сакри се Адам и жена му испред Господа Бога међу дрвета у врту.
At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.
9 А Господ Бог викну Адама и рече му: Где си?
At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?
10 А он рече: Чух глас Твој у врту, па се поплаших, јер сам го, те се сакрих.
At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.
11 А Бог рече: Ко ти каза да си го? Да ниси јео с оног дрвета што сам ти забранио да не једеш с њега?
At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?
12 А Адам рече: Жена коју си удружио са мном, она ми даде с дрвета, те једох.
At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.
13 А Господ Бог рече жени: Зашто си то учинила? А жена одговори: Змија ме превари, те једох.
At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.
14 Тада рече Господ Бог змији: Кад си то учинила, да си проклета мимо свако живинче и мимо све звери пољске; на трбуху да се вучеш и прах да једеш до свог века.
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:
15 И још мећем непријатељство између тебе и жене и између семена твог и семена њеног; оно ће ти на главу стајати а ти ћеш га у пету уједати.
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
16 А жени рече: Теби ћу многе муке задати кад затрудниш, с мукама ћеш децу рађати, и воља ће твоја стајати под влашћу мужа твог, и он ће ти бити господар.
Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.
17 Па онда рече Адаму: Што си послушао жену и окусио с дрвета с ког сам ти забранио рекавши да не једеш с њега, земља да је проклета с тебе, с муком ћеш се од ње хранити до свог века;
At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18 Трње и коров ће ти рађати, а ти ћеш јести зеље пољско;
Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;
19 Са знојем лица свог јешћеш хлеб, докле се не вратиш у земљу од које си узет; јер си прах, и у прах ћеш се вратити.
Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
20 И Адам надеде жени својој име Јева, зато што је она мати свима живима.
At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.
21 И начини Господ Бог Адаму и жени његовој хаљине од коже, и обуче их у њих.
At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.
22 И рече Господ Бог: Ето, човек поста као један од нас знајући шта је добро шта ли зло; али сада да не пружи руку своју и узбере и с дрвета од живота, и окуси, те до века живи.
At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:
23 И Господ Бог изагна га из врта едемског да ради земљу, од које би узет;
Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.
24 И изагнав човека постави пред вртом едемским херувима с пламеним мачем, који се вијаше и тамо и амо, да чува пут ка дрвету од живота.
Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.