< Књига пророка Данила 9 >
1 Прве године Дарија, сина Асвировог од племена мидског, који се зацари над царством халдејским,
Si Dario ay ang anak ni Assuero, isang kaapu-apuhan ng Medo. Ito ay si Dario na ginawang hari sa buong kaharian ng mga taga-Babilonia.
2 Прве године његовог царовања ја Данило разумех из књига број година, које беше рекао Господ Јеремији пророку да ће се навршити развалинама јерусалимским, седамдесет година.
Ngayon sa unang taon ng paghahari ni Dario, ako si Daniel, ay pinag-aaralan ko ang mga aklat na naglalaman ng salita ni Yahweh, ang salitang dumating kay Jeremias na propeta. Napag-aralan kong may pitumpung taon hanggang sa matapos ang pagpapabaya sa Jerusalem.
3 И окретох лице своје ка Господу Богу тражећи Га молитвом и молбама с постом и с кострети и пепелом.
Iniharap ko ang aking mukha sa Panginoong Diyos, upang hanapin siya sa pamamagitan ng panalangin at mga kahilingan, ng pag-aayuno, at pagsuot ng magaspang na tela at pag-upo sa mga abo.
4 И помолих се Господу Богу свом и исповедајући се рекох: О Господе, Боже велики и страшни, који држиш завет и милост онима који Те љубе и држе заповести Твоје;
Nanalangin ako kay Yahweh na aking Diyos, at ipinahayag ko ang aming mga kasalanan. Sinabi ko, “Nagsusumamo ako sa iyo, Panginoon, ikaw ay dakila at kahanga-hangang Diyos na siyang tumutupad ng kasunduan at tapat sa mga umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga kautusan.
5 Згрешисмо и зло чинисмо и бисмо безбожни, и одметнусмо се и одступисмо од заповести Твојих и од закона Твојих.
Nagkasala kami at gumawa ng mali. Gumawa kami ng masama at kami ay naghimagsik, tumalikod mula sa iyong mga kautusan at mga atas.
6 И не слушасмо слуга Твојих пророка, који говораху у Твоје име царевима нашим, кнезовима нашим и очевима нашим и свему народу земаљском.
Hindi kami nakinig sa iyong mga lingkod na propetang nagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga pinuno, sa aming mga ninuno at sa lahat ng tao sa lupain.
7 У Тебе је, Господе, правда, а у нас срам на лицу, како је данас, у Јудејаца и у Јерусалимљана и у свих Израиљаца, који су близу и који су далеко по свим земљама куда си их разагнао за грехе њихове, којима Ти грешише.
Sa iyo ang katuwiran, Panginoon. Gayunman sa amin ngayon, ang kahihiyan ay sa aming mga mukha—para mga taga-Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem, at sa lahat ng taga-Israel. Kasama ng mga ito ang mga malapit at malayo sa buong lupain kung saan mo sila ikinalat. Ito ay dahil sa labis na pagtataksil na ginawa namin laban sa iyo.
8 Господе, у нас је срам на лицу, у царева наших, у кнезова наших и у отаца наших, јер Ти згрешисмо.
Sa amin, Yahweh, ang kahihiyan ay sa aming mga mukha—para sa aming mga hari, sa aming mga pinuno at sa aming mga ninuno—dahil nagkasala kami laban sa iyo.
9 У Господа је Бога нашег милост и праштање, јер се одметнусмо од Њега,
Sa aming Panginoong Diyos ang pinanggagalingan nang habag at kapatawaran, sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya.
10 И не слушасмо глас Господа Бога свог да ходимо по законима Његовим, које нам је дао преко слуга својих пророка.
Hindi namin sinunod ang tinig ni Yahweh na aming Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga kautusan na ibinigay sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na mga propeta.
11 И сав Израиљ преступи закон Твој, и одступи да не слуша глас Твој; зато се изли на нас проклетство и заклетва написана у закону Мојсија, слуге Божијег, јер Му згрешисмо.
Lahat ng taga-Israel ay lumabag sa iyong mga utos at tumalikod sa iyong mga kautusan, tinatanggihang sundin ang iyong tinig. Ang sumpa at mga panunumpa na naisulat sa kautusan ni Moises, ang lingkod ng Diyos, ay naibuhos sa amin, sapagkat nagkasala kami laban sa kaniya.
12 И Он потврди речи своје које је говорио за нас и за судије наше, које су нам судиле, пустивши на нас зло велико, да тако не би под свим небом како би у Јерусалиму.
Pinatunayan ni Yahweh ang mga salitang kaniyang sinabi laban sa amin at laban sa mga namumuno sa amin, sa pamamagitan ng pagdadala sa amin ng malaking kapahamakan. Sapagkat sa ilalim ng kabuuan ng langit wala pang nangyaring anumang bagay na maaaring ihambing sa kung ano ang nangyari sa Jerusalem.
13 Како је писано у закону Мојсијевом, све то зло дође на нас, и опет се не молисмо Господу Богу свом да бисмо се вратили од безакоња свог и пазили на истину Твоју.
Gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, dumating ang lahat ng kapahamakan sa amin, ngunit hindi parin kami nagmakaawa mula kay Yahweh na aming Diyos sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aming mga kalikuan at bigyang pansin ang iyong katotohanan.
14 И Господ наста око зла и наведе га на нас; јер је праведан Господ Бог наш у свим делима својим која чини, јер не слушасмо глас Његов.
Samakatwid inihanda ni Yahweh ang kapahamakan at dinala ito sa amin, sapagkat matuwid si Yahweh na ating Diyos sa lahat ng mga gawang kaniyang ginagawa, ngunit hindi parin natin sinunod ang kaniyang tinig.
15 Али сада, Господе Боже наш, који си извео народ свој из земље мисирске руком крепком, и стекао си себи име, како је данас, згрешисмо, безбожни бисмо.
Ngayon, Panginoon na aming Diyos, inilabas mo ang iyong mga tao mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay, at gumawa ka ng tanyag na pangalan para sa iyong sarili, maging sa kasalukuyan. Ngunit nagkasala parin kami; gumawa parin kami ng masasamang bagay.
16 Господе, по свој правди Твојој нека се одврати гнев Твој и јарост Твоја од града Твог Јерусалима, свете горе Твоје; јер са греха наших и с безакоња отаца наших Јерусалим и Твој народ поста руг у свих који су око нас.
Panginoon, dahil sa lahat ng iyong mga matuwid na mga gawa, hayaan mong mawala ang iyong galit at ang iyong poot mula sa iyong lungsod na Jerusalem, ang iyong banal na bundok. Dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa kalikuan ng aming mga ninuno, naging isang paksa ng pangungutya ang Jerusalem at ang iyong mga tao sa lahat ng nakapalibot sa amin.
17 Сада дакле послушај, Боже наш, молитву слуге свог и молбе његове, и обасјај лицем својим опустелу светињу своју, Господа ради.
Ngayon, aming Diyos, pakinggan mo ang dalangin ng iyong lingkod at sa kaniyang pagsusumamo para sa habag; para sa iyong kapakanan, Panginoon, pagliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuwaryo na pinabayaan.
18 Боже мој, пригни ухо своје, и чуј; отвори очи своје, и види пустош нашу и град, на који је призвано име Твоје, јер не ради своје правде него ради милости Твоје падамо пред Тобом молећи се.
Aking Diyos, buksan mo ang iyong mga tainga at makinig; buksan mo ang iyong mga mata at tingnan. Ganap kaming nawasak; tingnan mo ang lungsod na tinawag sa pamamagitan ng iyong pangalan. Hindi kami nagsumamo sa iyo ng tulong dahil sa aming katuwiran, ngunit dahil sa iyong labis na habag.
19 Господе услиши, Господе опрости, Господе пази и учини, не часи себе ради Боже мој, јер је Твоје име призвано на овај град и на Твој народ.
Panginoon makinig! Panginoon magpatawad! Panginoon, magbigay pansin at kumilos ka! Para sa iyong kapakanan, huwag mong ipagpaliban, aking Diyos, sapagkat ang iyong lungsod at ang iyong tao ay tinawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.”
20 А док ја још говорах и мољах се и исповедах грех свој и грех народа свог Израиља, и падах молећи се пред Господом Богом својим за свету гору Бога свог,
Habang ako ay nagsasalita—nananalangin at nagpapahayag ng aking mga kasalanan at ang kasalanan ng aking kababayang taga-Israel, at idinudulog ang aking mga kahilingan kay Yahweh na aking Diyos alang-alang sa banal na bundok ng Diyos—
21 Док још говорах молећи се, онај човек Гаврило, ког видех пре у утвари, долете брзо и дотаче ме се о вечерњој жртви.
habang ako ay nananalangin, ang lalaking si Gabriel, na nakita ko sa unang pangitain ay mabilis na lumipad pababa sa akin, sa panahon ng pag-aalay sa gabi.
22 И научи ме и говори са мном и рече: Данило, сада изиђох да те уразумим.
Binigyan niya ako ng pang-unawa at sinabi sa akin, “Daniel, pumunta ako ngayon upang bigyan kita ng kaalaman at pang-unawa.
23 У почетку молитве твоје изиђе реч, и ја дођох да ти кажем, јер си мио; зато слушај реч, и разуми утвару.
Nang ikaw ay humihingi ng habag, ibinigay ang atas at pumunta ako upang sabihin sa iyo ang sagot, sapagkat labis kang iniibig. Samakatwid isaalang-alang ang salitang ito at unawain ang pahayag.
24 Седамдесет је недеља одређено твом народу и твом граду светом да се сврши преступ и да нестане греха и да се очисти безакоње и да се доведе вечна правда, и да се запечати утвара и пророштво, и да се помаже Свети над светима.
Pito na tig-pipitumpong taon ang iniatas para sa iyong mga tao at sa iyong banal na lungsod upang wakasan ang pagkakasala at wakasan ang kasalanan, upang pagbayaran ang kasamaan, upang dalhin ang walang hanggang katuwiran, upang tuparin ang pangitain at propesiya at upang gawing banal ang dakong kabanal-banalan.
25 Зато знај и разуми: Откада изиђе реч да се Јерусалим опет сазида до помазаника војводе биће седам недеља, и шездесет и две недеље да се опет пограде улице и зидови, и то у тешко време.
Alamin at unawain na mula sa pagpapalaganap ng utos na panunumbalikin at itatayong muli ang Jerusalem sa pagdating ng isang hinirang (na magiging isang pinuno), magkakaroon ng pito na tig-pipito at pito na tig-aanimnaputdalawa. Muling maitatayo ang Jerusalem kasama ang mga lansangan at isang kanal kahit pa sa mga panahon ng kabalisahan.
26 А после те шездесет и две недеље погубљен ће бити помазаник и ништа му неће остати; народ ће војводин доћи и разорити град и светињу; и крај ће му бити с потопом, и одређено ће пустошење бити до свршетка рата.
Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
27 И утврдиће завет с многима за недељу дана, а у половину недеље укинуће жртву и принос; и крилима мрским, која пустоше, до свршетка одређеног излиће се на пустош.
Pagtitibayin niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagitnaan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang paghahandog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam darating ang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganap na pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhos sa gumawa ng pagkasira.”