< 1 Kraljevima 22 >
1 I proðoše tri godine bez rata izmeðu Siraca i Izrailjaca.
Lumipas ang tatlong taon na walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.
2 A treæe godine doðe Josafat car Judin k caru Izrailjevu.
Pagkatapos nangyari ito sa ikatlong taon, si Jehoshafat hari ng Judah ay pumunta sa hari ng Israel.
3 I reèe car Izrailjev slugama svojim: ne znate li da je naš Ramot u Galadu? a mi ne radimo da ga uzmemo iz ruku cara Sirskoga.
Ngayon sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang mga lingkod, “Alam ba ninyo na sa atin ang Ramot Galaad, pero wala tayong ginagawa para makuha ito mula sa kamay ng hari ng Aram?”
4 I reèe Josafatu: hoæeš li iæi sa mnom na vojsku na Ramot Galadski? A Josafat reèe caru Izrailjevu: ja kao ti, narod moj kao tvoj narod, konji moji kao tvoji konji.
Kaya sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa akin sa pakikidigma sa Ramot Galaad?” Sumagot si Jehoshafat sa hari ng Israel, “Ako ay tulad mo, ang aking bayan ay tulad ng iyong bayan, at aking mga kabayo ay tulad ng iyong mga kabayo.
5 Još reèe Josafat caru Izrailjevu: upitaj danas šta æe Gospod reæi.
Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap humingi ka ng gabay mula sa salita ni Yahweh kung ano ang dapat mong unang gawin.”
6 Tada car Izrailjev sabra oko èetiri stotine proroka, i reèe im: hoæu li iæi na vojsku na Ramot Galadski ili æu se okaniti? A oni rekoše: idi, jer æe ga Gospod dati u ruke caru.
Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
7 A Josafat reèe: ima li tu još koji prorok Gospodnji da ga pitamo?
Pero sinabi ni Jehoshafat “Wala na bang iba pang propeta ni Yahweh kung saan maaaring tayo makakuha ng payo?”
8 A car Izrailjev reèe Josafatu: ima još jedan èovjek, preko kojega bismo mogli upitati Gospoda; ali ja mrzim na nj, jer mi ne prorièe dobra nego zlo; to je Miheja sin Jemlin. A Josafat reèe: neka car ne govori tako.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari tayong manghingi ng payo mula kay Yahweh para tulungan tayo, si Micaya anak ni Imla, pero ayoko sa kaniya dahil hindi siya nagpropesiya ng kahit anong magandang bagay tungkol sa akin, kundi mga kahirapan lamang.” Pero sinabi ni Jehoshafat, “Nawa'y hindi ito sabihin ng hari”
9 Tada car Izrailjev dozva jednoga dvoranina, i reèe mu: brže dovedi Miheju sina Jemlina.
Pagkatapos ang hari ng Israel ay tumawag ng opisyal at nag-utos na “Ngayon din ay dalhin si Micaya anak ni Imla.”
10 A car Izrailjev i Josafat car Judin sjeðahu svaki na svojem prijestolu obuèeni u carske haljine na poljani kod vrata Samarijskih, i svi proroci prorokovahu pred njima.
Ngayon si Ahab na hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kanilang trono, nakasuot ng kanilang kasuotang pang hari, sa isang malawak na lugar sa tarangkahan ng Samaria, at lahat ng mga propeta ay nagsasabi ng hula sa kanilang harapan.
11 I Sedekija sin Hananin naèini sebi gvozdene rogove, i reèe: ovako veli Gospod: ovijem æeš pobosti Sirce dokle ih ne istrijebiš.
Gumawa si Zedekias anak na lalaki ni Caanana ng mga sungay na bakal at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Sa pamamagitan ng mga ito mapapaatras ninyo ang mga Arameo hanggang sila ay maubos.”
12 Tako i svi proroci prorokovahu govoreæi: idi na Ramot Galadski, i biæeš sreæan, jer æe ga Gospod dati caru u ruke.
At pareho ang ipinahayag ng lahat ng mga propeta na sinasabi, “Lusubin natin ang Ramot Galaad at mananalo, dahil ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
13 A poslanik koji otide da dozove Miheju reèe mu govoreæi: evo, proroci prorièu svi jednijem glasom dobro caru; neka i tvoja rijeè bude kao rijeè njihova, govori dobro.
Ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, “Ngayon masdan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng magagandang bagay sa hari sa iisang bibig. Hayaan ang iyong mga salita ay maging tulad ng isa sa kanila at magsabi ng magagandang bagay.”
14 A Miheja reèe: tako da je živ Gospod, govoriæu ono što mi Gospod kaže.
Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
15 I kad doðe k caru, reèe mu car: Miheja! hoæemo li iæi na vojsku na Ramot Galadski ili æemo se okaniti? A on mu reèe: idi, biæeš sreæan, jer æe ga Gospod dati caru u ruke.
Nang lumapit siya sa hari, sinabi sa kaniya ng hari, “Micaya, dapat ba kaming pumunta sa Ramot Galaad upang makipaglaban, o hindi?' Sumagot si Micaya, “Lumusob tayo at manalo. Ilalagay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
16 A car mu reèe: koliko æu te puta zaklinjati da mi ne govoriš nego istinu u ime Gospodnje?
Pagtapos sinabi sa kaniya ng hari, “Gaano karaming beses ko ba dapat ipag-utos sa iyo na katotohanan lamang ang sasabihin sa akin sa pangalan ni Yahweh?”
17 Tada reèe: vidjeh sav narod Izrailjev razasut po planinama kao ovce koje nemaju pastira; jer reèe Gospod: ovi nemaju gospodara; neka se vrate svak svojoj kuæi s mirom.
Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
18 Tada reèe car Izrailjev Josafatu: nijesam li ti rekao da mi neæe prorokovati dobra nego zlo?
Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi siya magsasabi ng magandang pahayag tungkol sa akin, puro kapahamakan lamang?”
19 A Miheja mu reèe: zato èuj rijeè Gospodnju; vidjeh Gospoda gdje sjedi na prijestolu svojem, a sva vojska nebeska stajaše mu s desne i s lijeve strane.
Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
20 I reèe Gospod: ko æe prevariti Ahava da otide i padne kod Ramota Galadskoga? I jedan reèe ovo a drugi ono.
Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.
21 Tada izide jedan duh i stavši pred Gospoda reèe: ja æu ga prevariti. A Gospod mu reèe: kako?
Pagkatapos isang espiritu ang lumapit, tumayo sa harapan ni Yahweh, at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi sa kaniya ni Yahweh, 'Paano?'
22 Odgovori: izaæi æu i biæu lažljiv duh u ustima svijeh proroka njegovijeh. A Gospod mu reèe: prevariæeš ga i nadvladaæeš, idi i uèini tako.
Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
23 Zato sada eto, Gospod je metnuo lažljiv duh u usta svijem tvojim prorocima, a Gospod je izrekao zlo po te.
Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”
24 Tada pristupi Sedekija sin Hananin, i udari Miheju po obrazu govoreæi: kuda je otišao duh Gospodnji od mene da govori s tobom?
Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”
25 A Miheja mu reèe: eto, vidjeæeš u onaj dan kad otideš u najtajniju klijet da se sakriješ.
Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”
26 Tada car Izrailjev reèe: uhvati Miheju i odvedi ga k Amonu zapovjedniku gradskom i k Joasu sinu carevu;
Sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang lingkod, “Hulihin si Micaya at dalhin siya kay Amon, ang gobernador sa lungsod, at kay Joas, aking anak na lalaki. Sabihin sa kaniya,
27 I reci im: ovako veli car: metnite ovoga u tamnicu, i dajite mu po malo hljeba i po malo vode dokle se ne vratim u miru.
'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
28 A Miheja reèe: ako se vratiš u miru, nije Gospod govorio preko mene. Još reèe: èujte, svi narodi!
Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.”
29 I otide car Izrailjev s Josafatom carem Judinijem na Ramot Galadski.
Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay pumunta sa Ramot Galaad.
30 I reèe car Izrailjev Josafatu: ja æu se preobuæi kad poðem u boj; a ti obuci svoje odijelo. I preobuèe se car Izrailjev i otide u boj.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.
31 A car Sirski zapovjedi vojvodama, kojih bijahu trideset i dvije nad kolima njegovijem, i reèe: ne udarajte ni na maloga ni na velikoga, nego na samoga cara Izrailjeva.
Ngayon inutusan ng hari ng Aram ang tatlumpu't dalawang mga kapitan ng mga karwaheng pandigma, na nagsasabi, “Huwag niyong lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal. Sa halip, ang hari ng Israel lamang ang lusubin ninyo.”
32 I kad vojvode od kola vidješe Josafata, rekoše: zacijelo je car Izrailjev. I okrenuše se na nj da udare; ali Josafat povika.
Nang makita ng mga kapitan ng mga karwaheng pandigma si Jehoshafat sinabi nila, “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Lumiko sila at nilusob siya, kaya sumigaw si Jehoshafat.
33 A vojvode od kola vidješe da nije car Izrailjev, te otstupiše od njega.
Nang makita ng mga pinuno ng mga karwaheng pandigma na hindi iyon ang hari ng Israel, huminto sila sa pagtugis sa kaniya.
34 A jedan zastrijeli iz luka nagonom, i ustrijeli cara Izrailjeva gdje spuèa oklop. A on reèe svojemu vozaèu: savij rukom svojom i izvezi me iz boja, jer sam ranjen.
Ngunit isang lalaki ang basta nalang nagpalipad ng kaniyang palaso at tinamaan ang hari ng Israel sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang mga baluti. Pagkatapos sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwaheng pandigma, “Umikot at dalhin ako palabas sa labanang ito, dahil lubha akong sugatan.”
35 I boj bi žestok onoga dana; a car zaosta na kolima svojim prema Sircima, pa umrije uveèe, i krv iz rane njegove tecijaše u kola.
Lalong sumidhi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma laban sa mga Arameo. Namatay siya ng gabing iyon. dumaloy ang dugo sa kaniyang sugat hanggang sa ilalim ng kaniyang karwaheng pandigma.
36 I proðe glasnik po vojsci o zahodu sunèanom govoreæi: svak u svoj grad, i svak u svoju zemlju.
Pagkatapos ng paglubog ng araw, isang sigaw ang narinig ng buong hukbo, na nagsasabing, “Bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon!”
37 Tako umrije car, i odnesoše ga u Samariju; i pogreboše cara u Samariji.
Kaya si haring Ahab ay namatay at dinala sa Samaria, at inilibing nila siya sa Samaria.
38 A kad prahu kola na jezeru Samarijskom, lizaše psi krv njegovu, tako i kad prahu oružje njegovo, po rijeèi koju reèe Gospod.
Hinugasan nila ang karwaheng pandigma sa paliguan ng Samaria, at ang mga aso ay dinilaan ang kaniyang dugo (Ito ay kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran), gaya ng inihayag na salita ni Yahweh.
39 A ostala djela Ahavova i sve što je uèinio, i za kuæu od slonove kosti koju je sagradio, i za sve gradove što je sagradio, nije li to zapisano u dnevniku careva Izrailjevijeh?
Para sa ibang bagay na ukol kay Ahab, lahat ng kaniyang ginawa, ang bagay na garing na kaniyang itinayo, at lahat ng mga lungsod na kaniyang itinatag, hindi ba nakasulat ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
40 Tako poèinu Ahav kod otaca svojih, i na njegovo se mjesto zacari Ohozija sin njegov.
Kaya natulog si Ahab kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Ahazias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
41 A Josafat sin Asin zacari se nad Judom èetvrte godine carovanja Ahavova nad Izrailjem;
Pagkatapos si Jehoshafat anak na lalaki ni Asa ay nagsimulang maghari sa Juda sa ikaapat na taon ni Ahab hari ng Israel.
42 I imaše Josafat trideset i pet godina kad poèe carovati, i carova dvadeset i pet godina u Jerusalimu. A materi mu bješe ime Azuva kæi Silejeva.
Si Jehoshafat ay tatlumpu't limang taon nang magsimula siyang maghari, at namuno siya sa Jerusalem nang dalawampu't limang taon. Ayuba ang pangalan ng kaniyang ina, na anak na babae ni Silhi.
43 I hoðaše putem Ase oca svojega sasvijem, i ne otstupi od njega èineæi sve što je pravo pred Gospodom. Ali visina ne oboriše; narod još prinošaše žrtve i kaðaše na visinama.
Lumakad siya sa kaparaanan ni Asa, kaniyang ama; hindi niya sila tinalikuran; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. Gayunman, ang mga dambana ay hindi parin inalis. Patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso ang mga tao sa mga dambana.
44 I uèini mir Josafat s carem Izrailjevijem.
Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
45 A ostala djela Josafatova i junaštva što uèini i kako vojeva, nije li to zapisano u dnevniku careva Judinijeh?
Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
46 On istrijebi iz zemlje svoje ostatak adžuvana, koji bijahu ostali za života Ase oca njegova.
Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.
47 U to vrijeme ne bijaše cara u Idumeji, nego bijaše namjesnik carev.
Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.
48 I Josafat naèini laðe Tarsiske da idu u Ofir po zlato; ali ne otidoše; jer se laðe razbiše u Esion-Gaveru.
Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
49 Tada reèe Ohozija sin Ahavov Josafatu: neka idu moje sluge s tvojim slugama na laðama. Ali Josafat ne htje.
Pagkatapos sinabi ni Ahazias anak na lalaki ni Ahab kay Jehoshafat, “Hayaan ang aking mga lingkod na maglayag kasama ng iyong mga lingkod sa mga barko.” Pero hindi ito pinayagan ni Jehoshafat.
50 I poèinu Josafat kod otaca svojih, i pogreboše ga kod otaca njegovijeh u gradu Davida oca njegova; a na njegovo se mjesto zacari Joram sin njegov.
Natulog si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David, na kaniyang ninuno; si Jehoram ang kaniyang anak na lalaki ang naging hari kapalit niya.
51 Ohozija sin Ahavov zacari se nad Izrailjem u Samariji sedamnaeste godine carovanja Josafatova nad Judom; i carova nad Izrailjem dvije godine.
Nagsimulang maghari si Ahazias sa Israel sa Samaria nang ika-labing pitong taon ni Jehoshafat hari ng Juda, at naghari siya ng dalawang taon sa Israel.
52 I èinjaše što je zlo pred Gospodom, i hoðaše putem oca svojega i putem matere svoje i putem Jerovoama sina Navatova, koji navede na grijeh Izrailja.
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa kaparaanan ng kaniyang ama, sa paraan ng kaniyang ina, at sa paraan ng anak na lalaki ni Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, na nagdala sa Israel para magkasala.
53 I služaše Valu i klanjaše mu se, i gnjevljaše Gospoda Boga Izrailjeva sasvijem kako je èinio otac njegov.
Pinaglingkuran niya at sinamba si Baal at kaniyang ginalit si Yahweh, na Diyos ng Israel, ginalit, gaya ng ginawa ng kaniyang ama.