< mathiH 27 >

1 prabhAtE jAtE pradhAnayAjakalOkaprAcInA yIzuM hantuM tatpratikUlaM mantrayitvA
Ngayon, nang dumating na ang umaga, ang lahat ng mga punong pari, at mga nakatatanda ng mga tao ay nagsabwatan laban kay Jesus upang siya ay patayin.
2 taM badvvA nItvA pantIyapIlAtAkhyAdhipE samarpayAmAsuH|
Siya ay ginapos nila at dinala palabas at ibinigay kay Pilato na gobernador.
3 tatO yIzOH parakarEvvarpayitA yihUdAstatprANAdaNPAjnjAM viditvA santaptamanAH pradhAnayAjakalOkaprAcInAnAM samakSaM tAstrIMzanmudrAH pratidAyAvAdIt,
Pagkatapos nang si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakitang nahatulan si Jesus, siya ay nagsisisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at mga nakatatanda,
4 EtannirAgOnaraprANaparakarArpaNAt kaluSaM kRtavAnahaM| tadA ta uditavantaH, tEnAsmAkaM kiM? tvayA tad budhyatAm|
at sinabi, “Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.” Ngunit sinabi nila, “Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili.”
5 tatO yihUdA mandiramadhyE tA mudrA nikSipya prasthitavAn itvA ca svayamAtmAnamudbabandha|
At kaniyang itinapon pababa ang tatlumpung piraso ng pilak sa templo, at umalis, at pumunta sa labas at siya ay nagbigti.
6 pazcAt pradhAnayAjakAstA mudrA AdAya kathitavantaH, EtA mudrAH zONitamUlyaM tasmAd bhANPAgArE na nidhAtavyAH|
At kinuha ng mga punong pari ang tatlumpung piraso ng pilak at sinabi, “Labag sa kautusan na ilagay ito sa kaban ng yaman, sapagkat ito ay kabayaran ng dugo.”
7 anantaraM tE mantrayitvA vidEzinAM zmazAnasthAnAya tAbhiH kulAlasya kSEtramakrINan|
Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.
8 atO'dyApi tatsthAnaM raktakSEtraM vadanti|
At dahil dito ang bukid na iyon ay tinawag na, “Ang bukid ng dugo” magpa-hanggang ngayon.
9 itthaM sati isrAyElIyasantAnai ryasya mUlyaM nirupitaM, tasya triMzanmudrAmAnaM mUlyaM
At ang sinabi ni Jeremias na propeta ay natupad, na nagsasabi, “Kinuha nila ang tatlumpung piraso ng pilak, ang halaga na inilaan sa kaniya ng mga tao ng Israel,
10 mAM prati paramEzvarasyAdEzAt tEbhya AdIyata, tEna ca kulAlasya kSEtraM krItamiti yadvacanaM yirimiyabhaviSyadvAdinA prOktaM tat tadAsidhyat|
at ibinigay nila ito para sa Bukid ng Magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”
11 anantaraM yIzau tadadhipatEH sammukha upatiSThati sa taM papraccha, tvaM kiM yihUdIyAnAM rAjA? tadA yIzustamavadat, tvaM satyamuktavAn|
Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ikaw na ang nagsabi.”
12 kintu pradhAnayAjakaprAcInairabhiyuktEna tEna kimapi na pratyavAdi|
Ngunit nang siya ay paratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda, hindi siya sumagot ng kahit ano.
13 tataH pIlAtEna sa uditaH, imE tvatpratikUlataH kati kati sAkSyaM dadati, tat tvaM na zRNOSi?
At sinabi ni Pilato sa kaniya, “Hindi mo ba naririnig ang mga paratang laban sa iyo?”
14 tathApi sa tESAmEkasyApi vacasa uttaraM nOditavAn; tEna sO'dhipati rmahAcitraM vidAmAsa|
Ngunit hindi siya sumagot ng kahit isang salita, kaya ang gobernador ay labis na namangha.
15 anyacca tanmahakAlE'dhipatErEtAdRzI rAtirAsIt, prajA yaM kanjcana bandhinaM yAcantE, tamEva sa mOcayatIti|
Ngayon, sa kapistahan nakaugalian na ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na napili ng mga tao.
16 tadAnIM barabbAnAmA kazcit khyAtabandhyAsIt|
At sa panahon na iyon mayroon silang pusakal na bilanggo na ang pangalan ay si Barabas.
17 tataH pIlAtastatra militAn lOkAn apRcchat, ESa barabbA bandhI khrISTavikhyAtO yIzuzcaitayOH kaM mOcayiSyAmi? yuSmAkaM kimIpsitaM?
At nang sila ay nagkatipun-tipon, sinabi sa kanila ni Pilato, “Sino ang gusto ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?”
18 tairIrSyayA sa samarpita iti sa jnjAtavAn|
Dahil alam niya na ipinasakamay siya ng mga ito dahil sa inggit.
19 aparaM vicArAsanOpavEzanakAlE pIlAtasya patnI bhRtyaM prahitya tasmai kathayAmAsa, taM dhArmmikamanujaM prati tvayA kimapi na karttavyaM; yasmAt tatkRtE'dyAhaM svapnE prabhUtakaSTamalabhE|
Habang siya ay nakaupo sa upuan ng hukuman, ang kaniyang asawa ay nagpadala ng pasabi sa kaniya na nagsabi, “Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan. Sapagkat labis akong pinahirapan ngayon sa panaginip tungkol sa kaniya.”
20 anantaraM pradhAnayAjakaprAcInA barabbAM yAcitvAdAtuM yIzunjca hantuM sakalalOkAn prAvarttayan|
Ngayon, ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ay hinikayat ang mga tao upang hilingin si Barabas, at si Jesus ay patayin.
21 tatO'dhipatistAn pRSTavAn, EtayOH kamahaM mOcayiSyAmi? yuSmAkaM kEcchA? tE prOcu rbarabbAM|
At tinanong sila ng gobernador, “Sino sa dalawang ito ang nais ninyong pakawalan ko?” Sinabi nila, si Barabas.”
22 tadA pIlAtaH papraccha, tarhi yaM khrISTaM vadanti, taM yIzuM kiM kariSyAmi? sarvvE kathayAmAsuH, sa kruzEna vidhyatAM|
At sinabi ni Pilato sa kanila, “Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sumagot silang lahat, “Ipako siya sa krus.”
23 tatO'dhipatiravAdIt, kutaH? kiM tEnAparAddhaM? kintu tE punarucai rjagaduH, sa kruzEna vidhyatAM|
At sinabi niya, “Bakit, ano ang krimen na kaniyang nagawa?” Ngunit sila ay sumigaw pa ng mas malakas, “Ipako siya sa krus.”
24 tadA nijavAkyamagrAhyamabhUt, kalahazcApyabhUt, pIlAta iti vilOkya lOkAnAM samakSaM tOyamAdAya karau prakSAlyAvOcat, Etasya dhArmmikamanuSyasya zONitapAtE nirdOSO'haM, yuSmAbhirEva tad budhyatAM|
At nang nakita ni Pilato na wala siyang magagawa, dahil nagsimula na ang kaguluhan, kumuha siya ng tubig, naghugas siya ng kamay sa harapan ng maraming tao, at sinabi, “Wala na akong pananagutan sa dugo sa matuwid na taong ito. Kayo na ang bahala niyan.”
25 tadA sarvvAH prajAH pratyavOcan, tasya zONitapAtAparAdhO'smAkam asmatsantAnAnAnjcOpari bhavatu|
Ang lahat ng mga tao ay nagsabi, “Nawa'y mapasaamin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo.”
26 tataH sa tESAM samIpE barabbAM mOcayAmAsa yIzuntu kaSAbhirAhatya kruzEna vEdhituM samarpayAmAsa|
Pagkatapos ay pinakawalan niya si Barabas sa kanila, ngunit hinampas niya si Jesus at ipinasakamay niya upang mapako sa krus.
27 anantaram adhipatEH sEnA adhipatE rgRhaM yIzumAnIya tasya samIpE sEnAsamUhaM saMjagRhuH|
Pagkatapos, dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa pretorio at tinipon ang buong pulutong ng mga kawal.
28 tatastE tasya vasanaM mOcayitvA kRSNalOhitavarNavasanaM paridhApayAmAsuH
At hinubaran nila siya at nilagyan ng pulang pula na balabal.
29 kaNTakAnAM mukuTaM nirmmAya tacchirasi daduH, tasya dakSiNakarE vEtramEkaM dattvA tasya sammukhE jAnUni pAtayitvA, hE yihUdIyAnAM rAjan, tubhyaM nama ityuktvA taM tirazcakruH,
At gumawa sila ng koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at naglagay ng tungkod sa kaniyang kanang kamay. Sila ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at kinutya siya, at nagsabi, “Sambahin, ang Hari ng mga Judio!”
30 tatastasya gAtrE niSThIvaM datvA tEna vEtrENa zira AjaghnuH|
At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.
31 itthaM taM tiraskRtya tad vasanaM mOcayitvA punarnijavasanaM paridhApayAnjcakruH, taM kruzEna vEdhituM nItavantaH|
Pagkatapos nilang kutyain siya, tinanggal nila ang kaniyang balabal at isinuot sa kaniya ang sarili niyang damit, at inilabas nila siya upang ipako siya sa krus.
32 pazcAttE bahirbhUya kurINIyaM zimOnnAmakamEkaM vilOkya kruzaM vOPhuM tamAdadirE|
Habang sila ay lumalabas, nakakita sila ng taong taga Cirene na nagngangalang Simon, na kanilang pinilit na sumama sa kanila upang pasanin niya ang kaniyang krus.
33 anantaraM gulgaltAm arthAt ziraskapAlanAmakasthAnamu pasthAya tE yIzavE pittamizritAmlarasaM pAtuM daduH,
At sila ay nakarating sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay, “Lugar ng mga Bungo.”
34 kintu sa tamAsvAdya na papau|
At siya ay binigyan ng alak na may halong apdo. Ngunit nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin.
35 tadAnIM tE taM kruzEna saMvidhya tasya vasanAni guTikApAtEna vibhajya jagRhuH, tasmAt, vibhajantE'dharIyaM mE tE manuSyAH parasparaM| maduttarIyavastrArthaM guTikAM pAtayanti ca||yadEtadvacanaM bhaviSyadvAdibhiruktamAsIt, tadA tad asidhyat,
Nang siya ay ipinako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran.
36 pazcAt tE tatrOpavizya tadrakSaNakarvvaNi niyuktAstasthuH|
At sila ay nagsiupo at binantayan siya.
37 aparam ESa yihUdIyAnAM rAjA yIzurityapavAdalipipatraM tacchirasa UrdvvE yOjayAmAsuH|
Sa itaas ng kaniyang ulo ay nilagyan nila ng sakdal laban sa kaniya na nagsasabi, “Ito ay si Jesus, ang Hari ng mga Judio.”
38 tatastasya vAmE dakSiNE ca dvau cairau tEna sAkaM kruzEna vividhuH|
May dalawang magnanakaw na naipako sa krus na kasama niya, ang isa ay sa kaniyang kanan at ang isa ay sa kaniyang kaliwa.
39 tadA pAnthA nijazirO lAPayitvA taM nindantO jagaduH,
At hinamak siya ng mga dumaan, at iniling ang kanilang mga ulo
40 hE Izvaramandirabhanjjaka dinatrayE tannirmmAtaH svaM rakSa, cEttvamIzvarasutastarhi kruzAdavarOha|
at nagsasabi, “Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!”
41 pradhAnayAjakAdhyApakaprAcInAzca tathA tiraskRtya jagaduH,
Sa ganoon ding paraan kinutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba at mga nakatatanda, at sinabi,
42 sO'nyajanAnAvat, kintu svamavituM na zaknOti| yadIsrAyElO rAjA bhavEt, tarhIdAnImEva kruzAdavarOhatu, tEna taM vayaM pratyESyAmaH|
Siya'y nagligtas ng iba, ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Siya ay Hari ng Israel. Hayaan mo siyang bumaba mula sa krus at tayo ay maniniwala na sa kaniya.
43 sa IzvarE pratyAzAmakarOt, yadIzvarastasmin santuSTastarhIdAnImEva tamavEt, yataH sa uktavAn ahamIzvarasutaH|
Nagtiwala siya sa Diyos. Iligtas siya ng Diyos ngayon kung nais niya, dahil sinabi niya, 'Ako ay Anak ng Diyos.’
44 yau stEnau sAkaM tEna kruzEna viddhau tau tadvadEva taM ninindatuH|
At ang mga magnanakaw na kasama niyang naipako sa krus ay nagsalita din ng katulad na panlalait sa kaniya.
45 tadA dvitIyayAmAt tRtIyayAmaM yAvat sarvvadEzE tamiraM babhUva,
Ngayon, mula sa tanghaling tapat dumilim ang buong paligid hanggang sa alas tres ng hapon.
46 tRtIyayAmE "ElI ElI lAmA zivaktanI", arthAt madIzvara madIzvara kutO mAmatyAkSIH? yIzuruccairiti jagAda|
At dakong alas tres ng hapon, sumigaw si Cristo na may malakas na tinig at sinabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
47 tadA tatra sthitAH kEcit tat zrutvA babhASirE, ayam EliyamAhUyati|
Nang ang ilan sa mga nakatayo doon ay nakarinig nito, sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.”
48 tESAM madhyAd EkaH zIghraM gatvA spanjjaM gRhItvA tatrAmlarasaM dattvA nalEna pAtuM tasmai dadau|
Agad-agad ang isa sa kanila ay tumakbo at kumuha ng spongha, pinuno ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin.
49 itarE'kathayan tiSThata, taM rakSitum Eliya AyAti navEti pazyAmaH|
At ang iba sa kanila ay nagsabi, “Hayaan ninyo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya.”
50 yIzuH punarucairAhUya prANAn jahau|
Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu.
51 tatO mandirasya vicchEdavasanam UrdvvAdadhO yAvat chidyamAnaM dvidhAbhavat,
Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.
52 bhUmizcakampE bhUdharOvyadIryyata ca| zmazAnE muktE bhUripuNyavatAM suptadEhA udatiSThan,
At ang mga libingan ay nabuksan, at ang katawan ng mga banal na tao na nakatulog ay bumangon.
53 zmazAnAd vahirbhUya tadutthAnAt paraM puNyapuraM gatvA bahujanAn darzayAmAsuH|
At lumabas sila mula sa mga libingan pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay, pumasok sa banal na lungsod, at nagpakita sa marami.
54 yIzurakSaNAya niyuktaH zatasEnApatistatsagginazca tAdRzIM bhUkampAdighaTanAM dRSTvA bhItA avadan, ESa IzvaraputrO bhavati|
Ngayon nang masaksihan ng kapitan ng kawal at ng mga nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, lubha silang natakot at nagsabi, “Tunay na Anak siya ng Diyos.”
55 yA bahuyOSitO yIzuM sEvamAnA gAlIlastatpazcAdAgatAstAsAM madhyE
At maraming mga kababaihan na sumunod kay Jesus mula sa Galilea upang mag-aruga sa kaniya ay naroon at nakatinggin sa di kalayuan.
56 magdalInI mariyam yAkUbyOzyO rmAtA yA mariyam sibadiyaputrayO rmAtA ca yOSita EtA dUrE tiSThantyO dadRzuH|
Kabilang sa kanila ay si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo.
57 sandhyAyAM satyam arimathiyAnagarasya yUSaphnAmA dhanI manujO yIzOH ziSyatvAt
Nang sumapit ang gabi, may dumating na mayamang tao na taga-Arimatea na nagngangalang Jose, na isa ding alagad ni Jesus.
58 pIlAtasya samIpaM gatvA yIzOH kAyaM yayAcE, tEna pIlAtaH kAyaM dAtum AdidEza|
Kinausap niya si Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus. Pagkatapos nito nag-utos si Pilato na ibigay ito sa kaniya.
59 yUSaph tatkAyaM nItvA zucivastrENAcchAdya
Kinuha ni Jose ang katawan, binalot ito ng malinis na lino,
60 svArthaM zailE yat zmazAnaM cakhAna, tanmadhyE tatkAyaM nidhAya tasya dvAri vRhatpASANaM dadau|
at hinimlay niya ito sa kaniyang bagong libingan na kaniyang inuka sa bato. Pagkatapos, pinagulong ang malaking bato at ipinangtakip sa pinto ng libingan at umalis.
61 kintu magdalInI mariyam anyamariyam EtE striyau tatra zmazAnasammukha upavivizatuH|
Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon, nakaupo sa tapat ng libingan.
62 tadanantaraM nistArOtsavasyAyOjanadinAt parE'hani pradhAnayAjakAH phirUzinazca militvA pIlAtamupAgatyAkathayan,
Sa sumunod na araw, na ang araw matapos ang Paghahanda, ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagkatipun-tipon kasama ni Pilato.
63 hE mahEccha sa pratArakO jIvana akathayat, dinatrayAt paraM zmazAnAdutthAsyAmi tadvAkyaM smarAmO vayaM;
At sinabi nila, “Ginoo, naalala namin noong nabubuhay pa ang mapanlinlang, sinabi niya, 'Pagkatapos ng tatlong araw ako ay muling mabubuhay.'
64 tasmAt tRtIyadinaM yAvat tat zmazAnaM rakSitumAdizatu, nOcEt tacchiSyA yAminyAmAgatya taM hRtvA lOkAn vadiSyanti, sa zmazAnAdudatiSThat, tathA sati prathamabhrAntEH zESIyabhrAnti rmahatI bhaviSyati|
Kaya iutos mo na ang libingan ay mabantayang mabuti hanggang sa ikatlong araw. Kung hindi maaring pumunta ang kaniyang mga alagad at nakawin siya at sasabihin sa mga tao, 'Nabuhay siya mula sa mga patay.' At ang huling panlilinlang ay malala pa sa nauna.”
65 tadA pIlAta avAdIt, yuSmAkaM samIpE rakSigaNa AstE, yUyaM gatvA yathA sAdhyaM rakSayata|
Sinabi ni Pilato sa kanila, “Magdala kayo ng tagapagbantay. Pumunta kayo at tiyakin ninyong ligtas hanggang sa kaya ninyo.”
66 tatastE gatvA taddUrapASANaM mudrAgkitaM kRtvA rakSigaNaM niyOjya zmazAnaM rakSayAmAsuH|
Kaya pumunta sila at siniguradong ligtas ang libingan, sinelyohan ang bato at naglagay ng tagapagbantay.

< mathiH 27 >