< Imbombo zya Atume 9 >
1 Lelo uSauli, ahindiliye atiisye abhantu bha Ngulubhi bhabhamwitishe uYesu, abhalile hwa Gosi uwishibhanza
Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari
2 alabhiile ekarata yesimbilwe alabhe abhakhate bhaala bhoonti abhidala eli bhabhali mumasinagogi abhalume nabhashe, abhapinye na bhale hub Yerusalemu.
at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.
3 Na hendelelaga ashuule apalanila afishe hu Dameski ulukhozyo lwahakhozya afume humwanya lwazyungula ponti',
Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid;
4 uSauli wagwa pandi wumvwa izu lihukwizya liyiga Sauli, Sauli, yeenu ohumnvisya?”
at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, “Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?”
5 U Sauli wagamu waga awe wenanu Gosi? Ugosi waga, “Ane ne Yesu wumnvisya nantese;
Sumagot si Saulo, “Sino kayo Panginoon? “Sumagot ang Panginoon, “Ako si Jesus na iyong inuusig;
6 Lelo bhuuha ubhale hujini hwa wabhalaga ubhalabhuulwe ezyabhombe
ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7 Abhantu bhabhashuulile nu Sauli bhahapuma kati bhahumnvwa izu lelo umuntu yayanga sebhalolile.
Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.
8 U Sauli wabhuuha pansi ahalinga ahwenye ahega amaso segalola, bhakhata ukhono bhaleta paka hu Dameski.
Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco.
9 Ensiku zitatu saa lya sigaamwela, siga ahwenya.
Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
10 Ahali umanyile(umwanafunzi) hu Dameski itawa yu Anania, u Yesu wayanga nawo Anania. U Anania waga ane epa, Gosi.
Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, “Ananias” At sinabi niya, “Tingnan mo, narito ako, Panginoon.”
11 “Ugosi waga bhuuha ubhale ushilile hwidala lyalihwitwa Nyofu, uyinjile munyumba ya Yuda ubhuzye aje umuntu yafumile hu Tarso umuntu uyo ali salaabha(alisapuuta);
Sinabi ng Panginoon sa kaniya,”Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin;
12 alolilo humbonesyo umuntu itawa lyakwe yu Anania ahubhishila lyakwe yu Anania ahubhishila amakhono pitwe aje alole amaso.
at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita.”
13 U Anania wagamula uYesu waga inumnvwizye hwa bhantu bhinji embibhi zya bhabhombiye abhantu bhaho uhwo hu Yerusalemu;
Ngunit sumagot si Ananias,”Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem.
14 Epa pope ali ne kalata yefumile hwa Gosi weshibha, abhakhate bhonti bhabhalikwizya itawa lyaho.
Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan.”
15 Lelo Ugosi uYesu waga bhalaga awe, umuntu uyo esaluye alyeje itawa lyane hwapagana hwamfumu bensi na hwa aIsraeli.
Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
16 Embahulolesye amambo minji gaiteswa hunongwa yi tawa lyane”.
sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan.”
17 U Anania wabhala winjila munyumba mula wamwaga uSauli wabheshela amakhono waga wee Sauli, Ungulubhi ula yutangene nawo na winzaga ohu antumile upone ulole amaso na umposhele Umpepo Ufinjile.
Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
18 Nawabheshela amakho, vyalagala evintu neshi amakhonda afume humaso amaso giguhawanda alole, wimilila, bhwoziwa; walya eshalye wapata ikhone.
Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan;
19 Wakhala natumwe ohwo hu Dameska ensiku nyinji.
at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.
20 Ulwo wabha ahulumbillia uYesu huje Mwana wa Ngulubhi.
Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.
21 Abhantu bhonti bhaswiga bhaga seeyayunu yalavyaga abhantu bhahalikwizyaga itawa eli hula hu Yerusalemu? Ata hwohu ahenzeye mbombo yeyo aje abhakhate nabhatwale hwa gosi hu Yerusalemu.”
lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi. “Hindi ba ito ang taong lumipol sa mga taga-Jerusalem na tumatawag sa pangalang ito? At siya ay naparito upang dalhin sila na nakagapos sa mga punong pari.”
22 U Sauli apeete anguvu ezyalumbilile Ayahudi bhabhakhala hu Dameski bhachanganyikiwe nahulole huje uYesu aje lyoli yu Kilisiti.
Ngunit si Saulo ay lalong napalakas upang mangaral at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ay ang Cristo.
23 Ensiku nazyashila zinyinji, Ayahudi bhetehana huje bhabude usauli.
Pagkalipas ng maraming araw, sama-samang nagplano ang mga Judio upang siya ay patayin.
24 Lelo uSauli wamanya bhamwubhilaga mundyango pasanya nu siku aje bhabude.
Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang plano. Nagbantay sila sa pintuang bayan araw at gabi upang siya ay patayin.
25 Bhaala bhabhamanyizyaga usauli bhahafumizya mwidirisha bhahapinyila eshitundu nulugalabho bhahamwisya ansoso.
Subalit nang gabi ay kinuha siya ng kaniyang mga alagad at binaba siya sa pader sa pamamagitan ng isang basket.
26 U Sauli nawafiha hu Yerusalemu, ahalinga asangane nabha Kilisiti amwabho, lelo abhene bhase guhaga, sigabhahitishiye aje uSauli apendushe amweteshe uYesu.
Nang dumating siya sa Jerusalem, nagtangkang sumama si Saulo sa mga alagad, subalit natakot silang lahat sa kaniya, hindi sila naniniwalang siya ay isang alagad.
27 U Barnaba wamwega na hutwale hwa mitume nabhabhuule shapendushe nesha tangine nu Yesu mwidala na bhala hu Dameski, neshalumbilye hu Dameski nkahwogope.
Ngunit isinama siya ni Bernabe at ipinakilala sa mga alagad. At sinabi niya sa kanila kung paanoni Saulo nakita ang Panginoon sa daan at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya, at kung paano buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus.
28 Atangine nabho nabhahinjilaga nafume mu Yerusalemu. Wayanga nkahwogope itawa lya Yesu,
Nakipagkita siya sa kanila habang sila ay pumapasok at lumalabas ng Jerusalem. Nagsalita siya ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus
29 abhuzanyaga na Ayahudi abheshi Yunani bhalingaga shila lisiku ahubude.
at nakipagtalo sa mga Helenista; ngunit sinubukan parin nila siyang patayin.
30 Aholo bhakwe nabhamanya ezyo bhatolosya bhatwala hu Kaisaria, aje abhale hu Tarso.
Nang malaman ito ng mga kapatiran, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at ipinadala siya patungo sa Tarso.
31 Eshi ikanisa elya Uyahudi na hu Samaria na hu Galilaya lya hatengaana lyahagwizya umwoyo nu Mpepo Ufinjile ahabhatenganya ikanisa lyahonjelela uwinji.
Kaya ang iglesia sa buong Judea, Galilea, at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at ito ay lumago at lumalakad ng may takot sa Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu, ang iglesia ay lumago sa bilang.
32 U Petro pazyungulaga ohu wuihwo alumbilile ibhangili ahafiha hu Lida abhajendea Kilisiti bhabhali uhwo.
Ngayon nangyari nga na habang si Pedro ay pumupunta sa buong rehiyon, pumunta din siya sa mga mananampalataya na naninirahan sa bayan ng Lydda.
33 Ohwo walola umuntu umo itawa lyakwe yu Ainea, ubili gwakwe alizilisu humaha nane; maana alikuwa amepooza.
Doon ay nakita niya ang isang lalaki na ang pangalan ay Eneas, na nakaratay sa kaniyang higaan ng halos walong taon, sapagkat siya ay paralitiko
34 U Petro wabhuula waga, “Ainea, uYesu Kilisti ahuponya bhuhapugonile, U Ainea wapona wa bhuha.
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Eneas, si Jesu-Cristo ang nagpagaling saiyo. Tumayo ka at ayusin mo ang iyong higaan.” At agad siyang tumayo.
35 Abhantu bhonti bhabhakalaga hu Lida nahu Sharoni nabhahalola umuntu uyo bhahapenduha bhahamweteha uYesu.
Kaya lahat ng nakakita sa Lida at Saron ay nakita ang lalaki at nagbalik loob sila sa Panginoon.
36 Ahali umwanafunzi umo hu Yafa itawa yu Tabitha, emaana yakwe hwa huje “Dorkasi” Ushi unu abhabhombelaga enyinza abhantu apiina.
Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay “Dorcas.” Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap.
37 Lumo ahabhina empuungo ahafwa bhahamwozya bhahagonia hwigulu.
At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas.
38 E Lida sigayali hutali ne Yafa, bhatuma abhanafunzi hwa Petro abhantu bhabhili bhabhuula uPetro bhaga usahakhabhie saali hu mwitu”.
Dahil malapit ang Lida sa Joppa, at narinig ng mga alagad na naroon si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki at pumunta sa kaniya, nagmamakaawa na sinabi sa kaniyang, “Sumama ka sa amin agad”.
39 U Petro wabhuuha walongozanya nabho. Nabhafiha bhatwala hwigulu, abhashe abhafwile bhalanga amakoti na menda gabhasonelaga u Dorkasi nahali sha mwomi.
Tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya, dinala nila siya sa kuwarto sa itaas, at ang lahat ng mga balo ay nakatayo sa paligid niya na nananangis, ipinapakita sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas habang kasama pa nila siya.
40 U Petro wabhafumia panzi bhonti nabhafuma uPetro wafugamila wapuuta, wapuutila uDorkasi wadamula amaso walola uPetro, wakhala pansi.
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. “Tabitha, bumangon ka.” Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo.
41 U Petro wakhata ukhono wabhusya wabhakwizya bhaala abantu bhabhafumizye hwunzi na bhinjila wabapela umuntu wabho ali mwomi
Pagkatapos iniabot ni Pedro ang kaniyang kamay at ibinangon siya; at nang tawagin niya ang mga mananampalataya at mga balo ay iniharap niya siya sa kanila na buhay.
42 Ezi zyazibhombishe zyamanyiha hu Yafa hwonti abhantu bhabhinji bhapenduha bhagalushila uYesu.
Nalaman ang pangyayaring ito sa buong Joppa, at maraming mga tao ang nanampalataya sa Panginoon.
43 U Petro ahakhiye ensiku zye nyinji hu Yafa nu muntu umo itawa yu Simoni, yalinganyaga insungwa.
Nangyari nga na nanatili si Pedro ng maraming araw sa Joppa kasama ang lalaki na ang pangalan ay Simon, na tagapagbilad ng balat ng hayop