< Псалтирь 68 >
1 Начальнику хора. Псалом Давида. Песнь. Да восстанет Бог, и расточатся враги Его, и да бегут от лица Его ненавидящие Его.
Hayaang tumayo ang Diyos; hayaang kumalat ang kaniyang mga kaaway; hayaan ding magtakbuhan palayo ang mga napopoot sa kaniya.
2 Как рассеивается дым, Ты рассей их; как тает воск от огня, так нечестивые да погибнут от лица Божия.
Kung paano itinaboy ang usok, gayundin ang pagtaboy mo sa kanila; kung paano natutunaw ang kandila sa harap ng apoy, hayaang maglaho ang mga masama sa presensiya ng Diyos.
3 А праведники да возвеселятся, да возрадуются пред Богом и восторжествуют в радости.
Pero hayaang matuwa ang mga matutuwid; hayaan silang magpakasaya sa harap ng Diyos; nawa ay magalak (sila) at maging masaya.
4 Пойте Богу нашему, пойте имени Его, превозносите Шествующего на небесах; имя Ему: Господь, и радуйтесь пред лицем Его.
Umawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan; gumawa ng daan sa kapatagan para sa naglalakbay sa gitna ng lambak sa Ilog Jordan; Yahweh ang kaniyang pangalan; magalak kayo sa harap niya.
5 Отец сирот и судья вдов Бог во святом Своем жилище.
Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
6 Бог одиноких вводит в дом, освобождает узников от оков, а непокорные остаются в знойной пустыне.
Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.
7 Боже! когда Ты выходил пред народом Твоим, когда Ты шествовал пустынею,
O Diyos, nang lumabas ka sa harap ng iyong bayan, nang lumakad ka sa ilang,
8 земля тряслась, даже небеса таяли от лица Божия, и этот Синай - от лица Бога, Бога Израилева.
nanginig ang lupa; nagbuhos din ng ulan ang kalangitan sa presensiya ng Diyos, sa presensiya ng Diyos nang pumunta siya sa Sinai, sa presensiya ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
9 Обильный дождь проливал Ты, Боже, на наследие Твое, и когда оно изнемогало от труда, Ты подкреплял его.
Ikaw, O Diyos, ay nagpadala ng saganang ulan; pinalakas mo ang iyong pamana noong nanghina ito.
10 Народ Твой обитал там; по благости Твоей, Боже, Ты готовил необходимое для бедного.
Dito nanirahan ang iyong bayan; Ikaw, O Diyos, ay nagbigay sa mga mahihirap mula sa iyong kabutihan.
11 Господь даст слово: провозвестниц великое множество.
Nag-utos ang Panginoon, at isang malaking hukbo ang nagpamalita sa mga ito.
12 Цари воинств бегут, бегут, а сидящая дома делит добычу.
Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo (sila) kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam:
13 Расположившись в уделах своих, вы стали, как голубица, которой крылья покрыты серебром, а перья чистым золотом:
mga kalapati na balot ng pilak na may mga pakpak na ginto. Nang nagpaiwan kayo sa mga kuwadra, bakit ninyo nagawa ito?
14 когда Всемогущий рассеял царей на сей земле, она забелела, как снег на Селмоне.
Itinaboy ng Maykapal ang mga hari roon; kagaya nang pag-ulan ng niyebe sa Bundok ng Salmon!
15 Гора Божия - гора Васанская! гора высокая - гора Васанская!
Ang bulubunduking bayan ng Bashan ay isang matatag na bundok; isang matayog na bundok ang bulubunduking bayan ng Bashan.
16 что вы завистливо смотрите, горы высокие, на гору, на которой Бог благоволит обитать и будет Господь обитать вечно?
Bakit mo pa kinaiinggitan, ikaw na mataas na bulubunduking bayan ang lugar na nais ng Diyos na panahanan? Tunay nga na maninirahan si Yahweh doon magpakailanman.
17 Колесниц Божиих тьмы, тысячи тысяч; среди их Господь на Синае, во святилище.
Dalawampung-libo ang karwahe ng Diyos, libo-libo; kasama nila ang Panginoon sa banal na lugar, gaya ng sa Sinai.
18 Ты восшел на высоту, пленил плен, принял дары для человеков, так чтоб и из противящихся могли обитать у Господа Бога.
Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
19 Благословен Господь всякий день. Бог возлагает на нас бремя, но Он же и спасает нас.
Purihin ang Panginoon, siya na bumubuhat ng ating mga pasanin araw-araw, ang Diyos ng ating kaligtasan. (Selah)
20 Бог для нас - Бог во спасение; во власти Господа Вседержителя врата смерти.
Ang ating Diyos ay ang Diyos na nagliligtas; Si Yahweh ang Panginoon ang siyang may kakayahang magligtas sa atin mula sa kamatayan.
21 Но Бог сокрушит голову врагов Своих, волосатое темя закоснелого в своих беззакониях.
Pero papaluin ng Diyos ang mga ulo ng kaniyang mga kaaway, sa anit ng mga nagkasala laban sa kaniya.
22 Господь сказал: “от Васана возвращу, выведу из глубины морской,
Sinabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; ibabalik ko (sila) mula sa kailaliman ng dagat
23 чтобы ты погрузил ногу твою, как и псы твои язык свой, в крови врагов”.
para madurog mo ang iyong mga kaaway, na parang sinasawsaw ang iyong paa sa dugo, at para magkaroon ng bahagi ang mga dila ng iyong mga aso mula sa iyong mga kaaway.
24 Видели шествие Твое, Боже, шествие Бога моего, Царя моего во святыне:
Nakita nila ang iyong mga prusisyon, O Diyos, ang mga prusisyon ng aking Diyos, aking Hari, tungo sa banal na lugar.
25 впереди шли поющие, позади играющие на орудиях, в средине девы с тимпанами:
Naunang lumakad ang mga mang-aawit, sumunod ang mga manunugtog, at sa gitna ang mga dalagang tumutugtog ng mga tamburin.
26 “в собраниях благословите Бога Господа, вы - от семени Израилева!”
Purihin ang Diyos sa kapulungan; purihin si Yahweh, kayong totoong kaapu-apuhan ng Israel.
27 Там Вениамин младший - князь их; князья Иудины - владыки их, князья Завулоновы, князья Неффалимовы.
Nauna roon ang Benjamin, ang pinakamaliit na tribo, pagkatapos ang mga pinuno ng Juda at kanilang kapulungan, ang mga pinuno ng Zebulun at ang mga pinuno ng Naptali.
28 Бог твой предназначил тебе силу. Утверди, Боже, то, что Ты соделал для нас!
Ang iyong Diyos, Israel, ang nagsaad ng iyong kalakasan; ipakita mo sa amin ang iyong kapangyarihan, O Diyos, gaya ng ipinakita mo noon.
29 Ради храма Твоего в Иерусалиме цари принесут Тебе дары.
Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem kung saan nagdadala ng mga kaloob ang mga hari sa iyo.
30 Укроти зверя в тростнике, стадо волов среди тельцов народов, хвалящихся слитками серебра; рассыпь народы, желающие браней.
Sumigaw sa paglaban sa mga mababangis na hayop sa mga kasukalan, laban sa mga tao, na gaya ng mga toro at guya. Ipahiya mo (sila) at padalahin mo (sila) ng mga kaloob sa iyo; ikalat mo ang mga tao na gustong-gusto ang digmaan.
31 Придут вельможи из Египта; Ефиопия прострет руки свои к Богу.
Magsisilabas ang mga prinsipe sa Ehipto; magmamadali ang Etiopia na i-abot ang kaniyang mga kamay sa Diyos.
32 Царства земные! пойте Богу, воспевайте Господа,
Umawit sa Diyos, kayong mga kaharian sa mundo; Umawit ng mga papuri kay Yahweh.
33 шествующего на небесах небес от века. Вот, Он дает гласу Своему глас силы.
Sa kaniya na nakasakay sa langit ng mga kalangitan, na namuhay mula pa noong unang panahon; tingnan ninyo, itinataas niya ang kaniyang tinig ng may kapangyarihan.
34 Воздайте славу Богу! величие Его - над Израилем, и могущество Его - на облаках.
I-ukol ang kalakasan sa Diyos; ang kaniyang kadakilaan ay nasa Israel; ang kaniyang kalakasan ay nasa kalangitan.
35 Страшен Ты, Боже, во святилище Твоем. Бог Израилев - Он дает силу и крепость народу Своему. Благословен Бог!
O Diyos, ikaw ay kinatatakutan sa iyong banal na lugar; ang Diyos ng Israel—nagbibigay siya ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Diyos.