< Иона 2 >

1 И помолился Иона Господу Богу своему из чрева кита
Pagkatapos nanalangin si Jonas kay Yahweh na kaniyang Diyos mula sa tiyan ng isda.
2 и сказал: к Господу воззвал я в скорби моей, и Он услышал меня; из чрева преисподней я возопил, и Ты услышал голос мой. (Sheol h7585)
Sinabi niya, “Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig. (Sheol h7585)
3 Ты вверг меня в глубину, в сердце моря, и потоки окружили меня, все воды Твои и волны Твои проходили надо мною.
Itinapon mo ako sa kailaliman, sa puso ng karagatan, at pinalibutan ako ng alon; lahat ng iyong mga alon at gumugulong na alon ay dumaan sa ibabaw ko.
4 И я сказал: отринут я от очей Твоих, однако я опять увижу святый храм Твой.
At aking sinabi, 'Pinaalis ako mula sa harapan ng iyong mga mata; gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo?'
5 Объяли меня воды до души моей, бездна заключила меня; морскою травою обвита была голова моя.
Nilukuban ako ng mga tubig hanggang sa aking leeg; nakapalibot sa akin ang kalaliman; nakabalot sa aking ulo ang damong-dagat.
6 До основания гор я нисшел, земля своими запорами навек заградила меня; но Ты, Господи Боже мой, изведешь душу мою из ада. (questioned)
Bumaba ako sa mga paanan ng kabundukan; ang lupa kasama ang mga rehas nito ay lumukob sa akin magpakailanman. Gayunman iniangat mo ang aking buhay mula sa hukay, Yahweh, aking Diyos!
7 Когда изнемогла во мне душа моя, я вспомнил о Господе, и молитва моя дошла до Тебя, до храма святого Твоего.
Nang nanlupaypay ang aking kaluluwa, naalala ko si Yahweh; pagkatapos dumating sa iyo ang aking dalangin, sa iyong banal na templo.
8 Чтущие суетных и ложных богов оставили Милосердого своего,
Ang mga nagbigay pansin sa mga walang kabuluhang diyos ay tinatanggihan ang iyong katapatan para sa kanilang sarili.
9 а я гласом хвалы принесу Тебе жертву; что обещал, исполню: у Господа спасение!
Subalit para sa akin, mag-aalay ako sa iyo ng isang tinig ng pasasalamat; tutuparin ko kung alin ang aking ipinangako. Ang kaligtasan ay nagmumula kay Yahweh!”
10 И сказал Господь киту, и он изверг Иону на сушу.
Pagkatapos nangusap si Yahweh sa isda, at iniluwa nito si Jonas paitaas sa ibabaw ng tuyong lupa.

< Иона 2 >