< Исаия 23 >
1 Пророчество о Тире. - Рыдайте, корабли Фарсиса, ибо он разрушен; нет домов, и некому входить в домы. Так им возвещено из земли Киттийской.
Isang pahayag tungkol sa Tiro: Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil wala na kayong tahanan ni daungan; naihayag ito sa kanila mula sa lupain ng Kittim.
2 Умолкните, обитатели острова, который наполняли купцы Сидонские, плавающие по морю.
Mamangha, kayong mga naninirahan sa baybayin, kayong mangangalakal ng Sidon, na naglalayag sa karagatan, na ang mga kinatawan ang nagtutustos sa inyo.
3 По великим водам привозились в него семена Сихора, жатва большой реки, и был он торжищем народов.
At sa malawak na katubigan ang butil ng rehiyon ng Sihor, ang ani ng Nilo ay dinala sa Tiro; siya ang pamilihang lugar ng mga bansa.
4 Устыдись, Сидон; ибо вот что говорит море, крепость морская: “как бы ни мучилась я родами и ни рождала, и ни воспитывала юношей, ни возращала девиц”.
Mahiya kayo lupain ng Sidon; dahil nagsalita na ang dagat, ang isang makapangyarihang dagat. Sinasabi niya, “hindi ako naghirap o nanganak, ni nag-alaga ng mga batang lalaki o nagpalaki ng mga batang babae.”
5 Когда весть дойдет до Египтян, содрогнутся они, услышав о Тире.
Kapag dumating ang balita sa Ehipto, magdadalamhati sila tungkol sa Tiro.
6 Переселяйтесь в Фарсис, рыдайте, обитатели острова!
Tumawid kayo sa Tarsis; manangis, kayong mga naninirahan sa baybayin.
7 Это ли ваш ликующий город, которого начало от дней древних? Ноги его несут его скитаться в стране далекой.
Nangyari ba ito sa inyo, ang masayahing lungsod, na nagmula sa sinaunang panahon, na dinala siya ng kaniyang mga paa sa napakalayong dayuhan lugar para manirahan?
8 Кто определил это Тиру, который раздавал венцы, которого купцы были князья, торговцы - знаменитости земли?
Sino ang nagplano nito laban sa Tiro? ang tagapagbigay ng mga korona, na ang mga negosyante ay mga prinsipe, na ang mga mangangalakal ay silang may karangalan sa lupa?
9 Господь Саваоф определил это, чтобы посрамить надменность всякой славы, чтобы унизить все знаменитости земли.
Si Yahweh ng mga hukbo ang nagplano nito para ilagay sa kahihiyan ang kaniyang pagmamataas at lahat ng kaniyang kaluwalhatian, para ipahiya ang lahat ng kaniyang pinarangalan sa lupa.
10 Ходи по земле твоей, дочь Фарсиса, как река: нет более препоны.
Araruhin ninyo ang inyong lupain, gaya ng nag-araro ng Nilo, anak na babae ng Tarsis. Wala nang pamilihan sa Tiro.
11 Он простер руку Свою на море, потряс царства; Господь дал повеление о Ханаане разрушить крепости его
Inabot ni Yahweh ang kaniyang kamay sa karagatan, at niyanig ang mga kaharian; nagbigay siya ng utos ukol sa Ponecia, para sirain ang matibay na kutang tanggulan.
12 и сказал: ты не будешь более ликовать, посрамленная девица, дочь Сидона! Вставай, иди в Киттим, но и там не будет тебе покоя.
Sinabi niya, “Hindi ka na muling makapagdiriwang, pinahirapang birheng dalagang anak ng Sidon; bumangon ka, dumaan ka sa Sayprus; pero kahit doon ay wala kang kapahingahan.”
13 Вот земля Халдеев. Этого народа прежде не было; Ассур положил ему начало из обитателей пустынь. Они ставят башни свои, разрушают чертоги его, превращают его в развалины.
Tingnan mo ang lupain ng mga Caldea. Wala na ang mga tao nito; ginawa itong ilang ng mga taga-Asirya para sa mga mababangis na hayop. Inilagay nila ang kanilang mga toreng taguan. Sinira nila ang mga palasyo nito; Ginawa nila itong tambakan ng mga guho.
14 Рыдайте, корабли Фарсисские! Ибо твердыня ваша разорена.
Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil nasira na ang inyong kanlungan.
15 И будет в тот день, забудут Тир на семьдесят лет, в мере дней одного царя. По окончании же семидесяти лет с Тиром будет то же, что поют о блуднице:
Sa araw na iyon, makakalimutan ang Tiro nang pitumpung taon, tulad ng mga araw ng isang hari. Pagkatapos ng pitumpung taon may isang bagay na mangyayari sa Tiro tulad ng awit ng babaeng bayaran.
16 “возьми цитру, ходи по городу, забытая блудница! Играй складно, пой много песен, чтобы вспомнили о тебе”.
Kumuha ka ng alpa, pumunta sa lungsod, ikaw na kinalimutang taong bayaran; tugtugin mo ito ng mabuti, at umawit ng maraming mga awit, para ikaw ay maalaala.
17 И будет, по истечении семидесяти лет, Господь посетит Тир; и он снова начнет получать прибыль свою и будет блудодействовать со всеми царствами земными по всей вселенной.
Darating ito pagkatapos ng pitumpung taon, si Yahweh ang tutulong sa Tiro, at babalik siya sa kaniyang pagpapaupa. Ipagbibili niya ang kaniyang sarili sa lahat ng kaharian sa lahat ng sulok ng mundo.
18 Но торговля его и прибыль его будут посвящаемы Господу; не будут заперты и уложены в кладовые, ибо к живущим пред лицем Господа будет переходить прибыль от торговли его, чтобы они ели до сытости и имели одежду прочную.
“Lahat ng kaniyang mga tinubo at mga kinita ay ilalaan kay Yahweh. Hindi maiimbak ang mga ito o maitatabi. Ang mga nananahan sa presensya ni Yahweh— ang kaniyang paninda ay magiging pagkain sa kanila at para magkaroon ng pangmatagalang kasuotan.