< Бытие 40 >
1 После сего виночерпий царя Египетского и хлебодар провинились пред господином своим, царем Египетским.
Dumating ang panahon pagkatapos ng mga bagay na ito, ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto ay nagkasala sa kanilang amo, na hari ng Ehipto.
2 И прогневался фараон на двух царедворцев своих, на главного виночерпия и на главного хлебодара,
Galit si Paraon sa dalawa niyang mga opisyal, ang punong tagahawak ng saro at ang punong panadero.
3 и отдал их под стражу в дом начальника телохранителей, в темницу, в место, где заключен был Иосиф.
Sila ay nilagay niya sa kulungan sa pangangasiwa ng kapitan ng mga bantay, sa parehong kulungan kung saan nakabilanggo si Jose.
4 Начальник телохранителей приставил к ним Иосифа, и он служил им. И пробыли они под стражею несколько времени.
Tinalaga ng kapitan ng mga bantay si Jose na maging tagapaglingkod nila. Nananatili silang nakabilanggo sa kaunting panahon.
5 Однажды виночерпию и хлебодару царя Египетского, заключенным в темнице, виделись сны, каждому свой сон, обоим в одну ночь, каждому сон особенного значения.
Pareho silang nanaginip ng isang panaginip—ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto na nakakulong sa bilangguan—bawat isa ay may sariling panaginip sa parehong gabi, at bawat panaginip ay mayroong sariling paliwanag.
6 И пришел к ним Иосиф поутру, увидел их, и вот, они в смущении.
Kinaumagahan, dumating si Jose sa kanila at sila ay nakita niya. Masdan, sila ay malungkot.
7 И спросил он царедворцев фараоновых, находившихся с ним в доме господина его под стражею, говоря: отчего у вас сегодня печальные лица?
Tinanong niya ang mga opisyal ni Paraon na kasama niya sa pagbabantay sa bahay ng kanyang amo, nagsasabing, “Bakit kayo labis na malungkot ngayong araw na ito?”
8 Они сказали ему: нам виделись сны; а истолковать их некому. Иосиф сказал им: не от Бога ли истолкования? расскажите мне.
Sinabi nila sa kanya, “Pareho kaming nanaginip ng isang panaginip at wala ni isa ang makapagpaliwanag nito.” Sinabi ni Jose sa kanila, “Hindi ba ang mga pagpapaliwanag ay nabibilang sa Diyos? Pakiusap, sabihin niyo sa akin.”
9 И рассказал главный виночерпий Иосифу сон свой и сказал ему: мне снилось, вот виноградная лоза предо мною;
Sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Jose ang kanyang panaginip. Sinabi niya sa kanya, “Sa aking panaginip, narito, isang puno ng ubas ay nasa harapan ko.
10 на лозе три ветви; она развилась, показался на ней цвет, выросли и созрели на ней ягоды;
Sa puno ng ubas ay may tatlong mga sanga. Habang ito ay sumisibol, ang mga bulaklak nito ay lumabas at ang mga buwig ng ubas ay nahinog.
11 и чаша фараонова в руке у меня; я взял ягод, выжал их в чашу фараонову и подал чашу в руку фараону.
Nasa kamay ko ang saro ni Paraon. Kinuha ko ang mga ubas at piniga ko ito sa saro ni Paraon, at nilagay ko ang saro sa kamay ni Paraon.”
12 И сказал ему Иосиф: вот истолкование его: три ветви - это три дня;
Sinabi ni Jose sa kanya, “Ito ang paliwanag nito. Ang tatlong mga sanga ay tatlong mga araw.
13 через три дня фараон вознесет главу твою и возвратит тебя на место твое, и ты подашь чашу фараонову в руку его, по прежнему обыкновению, когда ты был у него виночерпием;
Sa loob ng tatlong mga araw, itataas ni Paraon ang iyong ulo at ibabalik ka niya sa iyong katungkulan. Ilalagay mo ang saro ni Paraon sa kanyang kamay, katulad noong ikaw pa ang kanyang tagahawak ng saro.
14 вспомни же меня, когда хорошо тебе будет, и сделай мне благодеяние, и упомяни обо мне фараону, и выведи меня из этого дома,
Ngunit isipin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at pakiusap pakitaan mo ako ng kagandahang loob. Banggitin mo ako kay Paraon at palabasin ako sa bilangguang ito.
15 ибо я украден из земли Евреев; а также и здесь ничего не сделал, за что бы бросить меня в темницу.
Dahil ang totoo ako ay inagaw palabas sa lupain ng mga Hebreo. Dito naman ay wala akong ginawa para ilagay nila ako sa bartolinang ito.”
16 Главный хлебодар увидел, что истолковал он хорошо, и сказал Иосифу: мне также снилось: вот на голове у меня три корзины решетчатых;
Nang makita ng punong panadero na ang paliwanag ay kaaya-aya, sinabi niya kay Jose, “Nagkaroon din ako ng panaginip at narito, tatlong mga sisidlan ng tinapay ang nasa aking ulo.
17 в верхней корзине всякая пища фараонова, изделие пекаря, и птицы небесные клевали ее из корзины на голове моей.
Ang nasa taas na sisidlan ay lahat ng mga uri ng mga pagkain na naluto para kay Paraon, ngunit kinain ito ng mga ibon palabas ng sisidlan na nasa aking ulo.”
18 И отвечал Иосиф и сказал ему: вот истолкование его: три корзины - это три дня;
Sumagot si Jose at sinabi, “Ito ang paliwanag. Ang tatlong mga basket ay tatlong mga araw.
19 через три дня фараон снимет с тебя голову твою и повесит тебя на дереве, и птицы небесные будут клевать плоть твою с тебя.
Sa loob ng tatlong mga araw ay itataas ni Paraon ang iyong ulo at bibitayin ka sa puno. Kakainin ng mga ibon ang iyong laman.”
20 На третий день, день рождения фараонова, сделал он пир для всех слуг своих и вспомнил о главном виночерпии и главном хлебодаре среди слуг своих;
Dumating ang panahon sa ikatlong araw ay ang kaarawan ni Paraon. Gumawa siya ng salu-salo para sa lahat ng kanyang mga lingkod. Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod.
21 и возвратил главного виночерпия на прежнее место, и он подал чашу в руку фараону,
Binalik niya ang punong tagahawak ng saro sa kanyang pananagutan, at muli niyang nilagay ang saro sa kamay ni Paraon.
22 а главного хлебодара повесил на дереве, как истолковал им Иосиф.
Ngunit binitay niya ang punong panadero gaya ng paliwanag ni Jose sa kanila.
23 И не вспомнил главный виночерпий об Иосифе, но забыл его.
Ganoon pa man ay hindi naalala ng punong tagahawak ng saro na tulungan si Jose. Sa halip, kinalimutan niya ang tungkol sa kanya.