< Иезекииль 31 >

1 В одиннадцатом году, в третьем месяце, в первый день месяца, было ко мне слово Господне:
At nangyari ito sa ikalabing isang taon sa unang araw ng ikatlong buwan na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 сын человеческий! скажи фараону, царю Египетскому, и народу его: кому ты равняешь себя в величии твоем?
“Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, ang hari ng Egipto, at sa kaniyang mga tagapaglingkod na nakapalibot sa kaniya, 'Sa iyong kadakilaan, sino ang katulad mo?
3 Вот, Ассур был кедр на Ливане, с красивыми ветвями и тенистою листвою, и высокий ростом; вершина его находилась среди толстых сучьев.
Masdan ninyo! Ang Asiria ay isang punong sedar sa Lebanon na may mga magagandang sanga, mayayabong na lilim, at napakataas! At ang dulo nito ay nasa itaas ng mga sanga.
4 Воды растили его, бездна поднимала его, реки ее окружали питомник его, и она протоки свои посылала ко всем деревам полевым.
Pinataas ito ng maraming tubig; pinalaki ito ng mga malalalim na tubig. Umaagos ang mga ilog sa lahat ng palibot nito kung saan ito nakatanim, sapagkat ang kanilang mga lagusan ay umaabot sa lahat ng mga punongkahoy sa parang.
5 Оттого высота его превысила все дерева полевые, и сучьев на нем было много, и ветви его умножались, и сучья его становились длинными от множества вод, когда он разрастался.
Ang labis na taas nito ay higit sa kahit na anong punongkahoy sa parang, at naging napakarami ang mga sanga nito; humaba ang mga sanga nito dahil sa maraming tubig habang lumalaki ang mga ito.
6 На сучьях его вили гнезда всякие птицы небесные, под ветвями его выводили детей всякие звери полевые, и под тенью его жили всякие многочисленные народы.
Pinamugaran ng lahat ng ibon sa kalangitan ang mga sanga nito, habang ang lahat ng nabubuhay sa parang ay nagsisilang ng kanilang mga anak sa ilalim ng mga dahon nito. Nakatira ang lahat ng maraming bansa sa ilalim ng lilim nito.
7 Он красовался высотою роста своего, длиною ветвей своих, ибо корень его был у великих вод.
Sapagkat ang kagandahan nito ay sa kalakihan at sa haba ng mga sanga nito, sapagkat ang mga ugat nito ay nasa maraming tubig!
8 Кедры в саду Божием не затемняли его; кипарисы не равнялись сучьям его, и каштаны не были величиною с ветви его, ни одно дерево в саду Божием не равнялось с ним красотою своею.
Hindi ito kayang tumbasan ng mga punong sedar sa halamanan ng Diyos! Wala sa mga punong abeto ang makapapantay sa mga sanga nito, at walang anumang mga punongkahoy ang makatutumbas sa mga sanga nito. Walang punongkahoy sa halamanan ng Diyos ang makatutumbas sa ganda nito!
9 Я украсил его множеством ветвей его, так что все дерева Едемские в саду Божием завидовали ему.
Pinaganda ko ito sa kaniyang maraming mga sanga; at kinaiingitan ito ng lahat ng mga punongkahoy sa Eden na nasa halamanan ng Diyos.
10 Посему так сказал Господь Бог: за то, что ты высок стал ростом и вершину твою выставил среди толстых сучьев, и сердце его возгордилось величием его, -
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sa napakataas nito, at dahil sa itinaas niya ang dulo ng kaniyang punongkahoy sa itaas ng mga sanga at itinaas niya ang kaniyang puso sa taas na iyon—
11 за то Я отдал его в руки властителю народов; он поступил с ним, как надобно; за беззаконие его Я отверг его.
kaya ibinigay ko siya sa kamay ng mga pinaka-makapangyarihang pinuno ng mga bansa! Kumilos ang pinunong ito laban sa kaniya at pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan!
12 И срубили его чужеземцы, лютейшие из народов, и повергли его на горы; и на все долины упали ветви его; и сучья его сокрушились на всех лощинах земли, и из-под тени его ушли все народы земли, и оставили его.
Pinutol siya ng mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa at pagkatapos ay iniwan siya. Ang mga sanga nito ay nagsihulog sa mga bundok at sa mga lambak, at nasira ang mga sanga nito sa lahat ng mga batis sa mundo. At lumabas ang lahat ng mga bansa sa mundo mula sa lilim nito at iniwan siya.
13 На обломках его поместились всякие птицы небесные, и в сучьях были всякие полевые звери.
At nagpahinga sa mga puno nito ang lahat ng mga ibon sa mga kalangitan, at umupo sa mga sanga nito ang lahat ng mga mababangis na hayop sa parang.
14 Это для того, чтобы никакие дерева при водах не величались высоким ростом своим и не поднимали вершины своей из среды толстых сучьев, и чтобы не прилеплялись к ним из-за высоты их дерева, пьющие воду; ибо все они будут преданы смерти, в преисподнюю страну вместе с сынами человеческими, отшедшими в могилу. (questioned)
Nangyari ito upang walang mga punongkahoy na sagana sa tubig ang lalago nang ganoong kataas, upang hindi nila itaas ang kanilang mga dulo sa itaas ng mga dahon, sapagkat wala ng iba pang punongkahoy na nakainom ng tubig ang muling lalago nang ganoong kataas. Sapagkat ipinasakamay silang lahat sa kamatayan hanggang sa pinakamababang bahagi ng mundo, sa gitna ng mga tao ng sangkatauhan na bumaba sa hukay.
15 Так говорит Господь Бог: в тот день, когда он сошел в могилу, Я сделал сетование о нем, затворил ради него бездну и остановил реки ее, и задержал большие воды и омрачил по нем Ливан, и все дерева полевые были в унынии по нем. (Sheol h7585)
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya. (Sheol h7585)
16 Шумом падения его Я привел в трепет народы, когда низвел его в преисподнюю, к отшедшим в могилу, и обрадовались в преисподней стране все дерева Едема, отличные и наилучшие Ливанские, все, пьющие воду; (Sheol h7585)
Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig! (Sheol h7585)
17 ибо и они с ним отошли в преисподнюю, к пораженным мечом, и союзники его, жившие под тенью его, среди народов. (Sheol h7585)
Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim. (Sheol h7585)
18 Итак которому из дерев Едемских равнялся ты в славе и величии? Но теперь наравне с деревами Едемскими ты будешь низведен в преисподнюю, будешь лежать среди необрезанных, с пораженными мечом. Это фараон и все множество народа его, говорит Господь Бог. (questioned)
Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'

< Иезекииль 31 >