< Иезекииль 27 >
1 И было ко мне слово Господне:
Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 и ты, сын человеческий, подними плач о Тире
“Ngayon ikaw, anak ng tao, magsimula ka ng panaghoy tungkol sa Tiro,
3 и скажи Тиру, поселившемуся на выступах в море, торгующему с народами на многих островах: так говорит Господь Бог: Тир! ты говоришь: “я совершенство красоты!”
at sabihin sa Tiro, 'Ikaw na nananahan sa pasukan ng dagat, mga mangangalakal ng mga tao sa maraming mga isla, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tiro! Sinabi mo, “Wala akong kapintasan sa kagandahan!”
4 Пределы твои в сердце морей; строители твои усовершили красоту твою:
Nasa pusod ng mga karagatan ang iyong mga hangganan; ginawang walang kapintasan ng iyong mga manggagawa ang iyong kagandahan.
5 из Сенирских кипарисов устроили все помосты твои; брали с Ливана кедр, чтобы сделать на тебе мачты;
Ginawa nila ang iyong mga tabla mula sa mga pirs na galing sa Bundok ng Hermon; kumuha sila ng sedar mula sa Lebanon upang makagawa ng poste ng barko para sa iyo.
6 из дубов Васанских делали весла твои; скамьи твои делали из букового дерева, с оправою из слоновой кости с островов Киттимских;
Ginawa nila ang iyong mga sagwan mula sa mga owk mula sa Bashan; ginawa nila ang iyong mga palapag mula sa kahoy na galing sa Cyprus at pinalamutian nila ito ng garing.
7 узорчатые полотна из Египта употреблялись на паруса твои и служили флагом; голубого и пурпурового цвета ткани с островов Елисы были покрывалом твоим.
Makukulay na lino ang iyong mga layag na galing sa Egipto na parang inyong mga bandera!
8 Жители Сидона и Арвада были у тебя гребцами; свои знатоки были у тебя, Тир; они были у тебя кормчими.
Ang mga taong naninirahan sa Sidon at Arvad ay ang iyong mga taga-sagwan; ang mga taga-Tiro ay nasa sa iyo; sila ang iyong mga kapitan.
9 Старшие из Гевала и знатоки его были у тебя, чтобы заделывать пробоины твои. Всякие морские корабли и корабельщики их находились у тебя для производства торговли твоей.
Ang iyong mga lamat ay pinunan ng mga bihasang manggagawa; dala-dala ng lahat ng mga barko sa dagat at ng kanilang mga manlalayag ang iyong mga kalakal na pangkalakal!
10 Перс и Лидиянин и Ливиец находились в войске твоем и были у тебя ратниками, вешали на тебе щит и шлем; они придавали тебе величие.
Nasa iyong hukbo ang mga taga-Persia, Lydia at Libya, ang iyong mga mandirigma! Isinabit nila sa iyo ang mga kalasag at mga helmet; ipinakita nila ang iyong kaluwalhatian!
11 Сыны Арвада с собственным твоим войском стояли кругом на стенах твоих, и Гамадимы были на башнях твоих; кругом по стенам твоим они вешали колчаны свои; они довершали красу твою.
Nakapalibot sa iyong mga pader ang mga kalalakihan ng Arvad at Helec sa iyong hukbo at ang mga tao sa Gamad ay nasa iyong mga tore! Isinabit nila ang kanilang mga kalasag sa iyong mga pader sa palibot mo! Kinumpleto nila ang iyong kagandahan!
12 Фарсис, торговец твой, по множеству всякого богатства, платил за товары твои серебром, железом, свинцом и оловом.
Naging suki mo ang Tarsis dahil sa napakaraming uri ng kayamanan: pilak, bakal, lata, at tingga. Binili at ibinenta nila ang iyong mga paninda!
13 Иаван, Фувал и Мешех торговали с тобою, выменивая товары твои на души человеческие и медную посуду.
Ang Javan, Tubal, at Meshec—nagpalitan sila ng mga alipin at mga kagamitang gawa sa tanso. Sila ang namahala sa iyong mga kalakal.
14 Из дома Фогарма за товары твои доставляли тебе лошадей и строевых коней и лошаков.
Nagbigay ang Beth-Togarma ng mga kabayo, mga lalaking kabayo at mola bilang iyong mga pangkalakal.
15 Сыны Дедана торговали с тобою; многие острова производили с тобою мену, в уплату тебе доставляли слоновую кость и черное дерево.
Ang mga kalalakihan ng Rodes ang iyong naging mga mangangalakal sa maraming mga baybayin. Nasa iyong mga kamay ang mga kalakal; nagpadala sila pabalik ng mga sungay, garing, at itim na kahoy bilang pagpaparangal!
16 По причине большого торгового производства твоего торговали с тобою Арамеяне; за товары твои они платили карбункулами, тканями пурпуровыми, узорчатыми, и виссонами, и кораллами, и рубинами.
Naging mangangalakal mo ang Aram sa karamihan ng iyong produkto; nagbigay sila ng mga esmeralda, mga telang kulay lila, pinong tela, mga perlas at mga pulang rubi bilang iyong mga kalakal.
17 Иудея и земля Израилева торговали с тобою; за товар твой платили пшеницею Миннифскою и сластями, и медом, и деревянным маслом, и бальзамом.
Nakikipagpalitan sa iyo ang Juda at ang lupain ng Israel. Nagbibigay sila ng trigo mula sa Minith, trigo, pulot, langis at balsamo bilang iyong mga kalakal.
18 Дамаск, по причине большого торгового производства твоего, по изобилию всякого богатства, торговал с тобою вином Хелбонским и белою шерстью.
Ang Damasco ay iyong mangangalakal sa lahat ng iyong mga produkto, lahat ng iyong napakalaking kayamanan, at ng alak ng Helbon at lana ng Zahar.
19 Дан и Иаван из Узала платили тебе за товары твои выделанным железом; кассия и благовонная трость шли на обмен тебе.
Binigyan ka ng mga taga-Dan at mga taga-Javan na mula sa Uzal ng mga kalakal na yari sa bakal, kanela at kalamo.
20 Дедан торговал с тобою драгоценными попонами для верховой езды.
Naging kalakal ang mga ito para sa iyo. Mga pinong upuang kumot naman ang kinakalakal sa iyo ng Dedan.
21 Аравия и все князья Кидарские производили мену с тобою: ягнят и баранов и козлов променивали тебе.
Ang Arabia at ang lahat ng mga pinuno ng Kedar ay mga nakikipagkalakalan sa iyo; sa kanila nanggagaling ang mga tupa, mga lalaking tupa at mga kambing.
22 Купцы из Савы и Раемы торговали с тобою всякими лучшими благовониями и всякими дорогими камнями, и золотом платили за товары твои.
Pumupunta sa iyo ang mga mangangalakal ng Seba at Raama upang ibenta sa iyo ang bawat pinakamasasarap na pampalasa at ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato; at nakikipagkalakalan sila ng ginto para sa iyong mga kalakal.
23 Харан и Хане и Еден, купцы Савейские, Ассур и Хилмад торговали с тобою.
Nakikipagkalakalan sa iyo ang Haran, Canne at ang Eden, kasama ng Seba, Assur at Kilmad.
24 Они торговали с тобою драгоценными одеждами, шелковыми и узорчатыми материями, которые они привозили на твои рынки в дорогих ящиках, сделанных из кедра и хорошо упакованных.
Ito ang mga nangangalakal sa iyo ng pinalamutiang balabal na kulay lila ang tela na may makukulay na habi at mga sari-saring kulay ng mga kumot, naburdahan at telang pulido ang pagkakahabi sa iyong mga pamilihan.
25 Фарсисские корабли были твоими караванами в твоей торговле, и ты сделался богатым и весьма славным среди морей.
Ang mga barko ng Tarsis ang mga tagapagdala ng iyong mga kalakal! Kaya ikaw ay napuno lulan ng mabibigat na mga kalakal sa pusod ng mga karagatan!
26 Гребцы твои завели тебя в большие воды; восточный ветер разбил тебя среди морей.
Dinala ka ng iyong mga tagasagwan sa mga malalawak na karagatan; winasak ka ng hangin ng silangan sa kanilang kalagitnaan.
27 Богатство твое и товары твои, все склады твои, корабельщики твои и кормчие твои, заделывавшие пробоины твои и распоряжавшиеся торговлею твоею, и все ратники твои, какие у тебя были, и все множество народа в тебе, в день падения твоего упадет в сердце морей.
Ang iyong kayamanan, produkto at mga kalakal; ang iyong mga marino, mandaragat, at mga manggagawa ng barko; ang iyong mga mangangalakal ng mga produkto at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigmang nasa iyo at lahat ng iyong mga tauhan - lulubog sila sa kailaliman ng dagat sa araw ng iyong pagkawasak.
28 От вопля кормчих твоих содрогнутся окрестности.
Yayanig ang mga lungsod sa karagatan sa tunog ng sigaw ng iyong kapitan;
29 И с кораблей своих сойдут все гребцы, корабельщики, все кормчие моря, и станут на землю;
Bababa ang lahat ng mga humahawak ng sagwan mula sa kanilang mga barko; tatayo sa lupa ang mga marino at bawat manlalayag ng dagat.
30 и зарыдают о тебе громким голосом, и горько застенают, посыпав пеплом головы свои и валяясь во прахе;
Pagkatapos ay ipaparinig nila sa iyo ang kanilang mga boses at mananaghoy ng buong kapaitan; lalagyan nila ng alikabok ang kanilang mga ulo. Gugulong-gulong sila sa mga abo.
31 и остригут по тебе волосы догола, и опояшутся вретищами, и заплачут о тебе от душевной скорби горьким плачем;
Kakalbuhin nila ang kanilang mga ulo para sa iyo at babalutin ang kanilang mga sarili gamit ang sako, at tatangis sila nang may pait at sila ay sisigaw.
32 и в сетовании своем поднимут плачевную песнь о тебе, и так зарыдают о тебе: “кто как Тир, так разрушенный посреди моря!
Lalakasan nila ang kanilang pagdaing ng panaghoy para sa iyo at aawit ng panambitan sa iyo, Sino ang tulad ng Tiro, na ngayon ay nadala sa katahimikan sa kalagitnaan ng dagat?
33 Когда приходили с морей товары твои, ты насыщал многие народы; множеством богатства твоего и торговлею твоею обогащал царей земли.
Nang dumaong ang iyong mga kalakal mula sa dagat, nasiyahan ang maraming tao; pinayaman mo ang mga hari ng mundo sa iyong labis na kayamanan at kalakal!
34 А когда ты разбит морями в пучине вод, товары твои и все толпившееся в тебе упало.
Ngunit nang mawasak ka ng karagatan, sa pamamagitan ng mga katubigan, lumubog ang iyong mga kalakal at ang lahat ng iyong mga tripulante!
35 Все обитатели островов ужаснулись о тебе, и цари их содрогнулись, изменились в лицах.
Nanlumo sa iyo ang lahat ng mga naninirahan sa mga baybayin at nanginig sa takot ang kanilang mga hari! Nanginig ang kanilang mga mukha!
36 Торговцы других народов свистнули о тебе; ты сделался ужасом, - и не будет тебя вовеки”.
Pinalatakan ka ng mga mangangalakal ng mga tao; ikaw ay naging isang katatakutan at hindi ka na muling mabubuhay kailanman.'”