< 2-я Паралипоменон 5 >
1 И окончилась вся работа, которую производил Соломон для дома Господня. И принес Соломон посвященное Давидом, отцом его, и серебро и золото и все вещи отдал в сокровищницы дома Божия.
Kaya natapos ang lahat ng gawain na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh. Dinala ni Solomon ang mga bagay na inialay ni David na kaniyang ama, kabilang ang pilak, ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay ang mga ito sa mga silid-imbakan ng tahanan ng Diyos.
2 Тогда собрал Соломон старейшин Израилевых и всех глав колен, начальников поколений сынов Израилевых, в Иерусалим, для перенесения ковчега завета Господня из города Давидова, то есть с Сиона.
Pagkatapos, tinipon ni Solomon sa Jerusalem ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga lipi, at ang mga pinuno ng mga angkan ng mga tao sa Israel, upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, ang Zion.
3 И собрались к царю все Израильтяне на праздник, в седьмой месяц.
Lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipun-tipon sa harapan ng hari sa pagdiriwang, na ginaganap sa ikapitong buwan.
4 И пришли все старейшины Израилевы. Левиты взяли ковчег
Dumating ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel, at binuhat ng mga Levita ang kaban.
5 и понесли ковчег и скинию собрания и все вещи священные, которые в скинии, - понесли их священники и левиты.
Dinala nila ang kaban, ang toldang tipanan at ang lahat ng banal na kasangkapan na nasa loob ng tolda. Dinala ng mga pari na kabilang sa tribu ni Levi ang mga bagay na ito.
6 Царь же Соломон и все общество Израилево, собравшееся к нему пред ковчегом, приносили жертвы из овец и волов, которых невозможно исчислить и определить, по причине множества.
Si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay nagtipon sa harapan ng kaban, na nag-aalay ng mga tupa at mga baka na hindi mabilang.
7 И принесли священники ковчег завета Господня на место его, в давир храма - во Святое Святых, под крылья херувимов.
Dinala ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lagayan nito, sa loobang silid ng tahanan, sa dakong kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
8 И херувимы распростирали крылья над местом ковчега, и покрывали херувимы ковчег и шесты его сверху.
Sapagkat nakabuka ang mga pakpak ng mga kerubin sa kinaroroonan ng kaban, at tinakpan ng mga ito ang kaban at ang mga pasanan nito.
9 И выдвинулись шесты, так что головки шестов ковчега видны были пред давиром, но не выказывались наружу, и они там до сего дня.
Ang mga pasanan ay napakahaba at ang mga dulo nito ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng silid na nasa loob, ngunit hindi nila ito nakikita mula sa labas. Naroon pa rin ang mga ito hanggang sa araw na ito.
10 Не было в ковчеге ничего кроме двух скрижалей, которые положил Моисей на Хориве, когда Господь заключил завет с сынами Израилевыми, по исходе их из Египта.
Walang laman ang kaban maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb noong si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa mga tao ng Israel nang makalabas sila sa Ehipto.
11 Когда священники вышли из святилища, ибо все священники, находившиеся там, освятились без различия отделов;
Nangyari na ang mga pari ay lumabas mula sa dakong banal. Inilaan ng lahat ng mga paring naroon ang kanilang mga sarili kay Yahweh; pinangkat sila ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi.
12 и левиты певцы, - все они, то есть Асаф, Еман, Идифун и сыновья их, и братья их, - одетые в виссон, с кимвалами и с псалтирями и цитрами стояли на восточной стороне жертвенника, и с ними сто двадцать священников, трубивших трубами,
Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
13 и были, как один, трубящие и поющие, издавая один голос к восхвалению и славословию Господа; и когда загремел звук труб и кимвалов и музыкальных орудий, и восхваляли Господа, ибо Он благ, ибо вовек милость Его; тогда дом, дом Господень, наполнило облако,
Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
14 и не могли священники стоять на служении по причине облака, потому что слава Господня наполнила дом Божий.
Ang mga pari ay hindi makatayo sa loob upang maglingkod dahil sa ulap, sapagkat pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang tahanan.