< 2-я Паралипоменон 3 >

1 И начал Соломон строить дом Господень в Иерусалиме на горе Мориа, которая указана была Давиду, отцу его, на месте, которое приготовил Давид, на гумне Орны Иевусеянина.
At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
2 Начал же он строить во второй день второго месяца, в четвертый год царствования своего.
Sinimulan niyang ipatayo sa ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ika-apat na taon ng kaniyang paghahari.
3 И вот основание, положенное Соломоном при строении дома Божия: длина его шестьдесят локтей, по прежней мере, а ширина двадцать локтей;
At ganito ang mga sukat ng pundasyong inilatag ni Solomon para sa tahanan ng Diyos. Gamit ang sinaunang paraan ng siko, ang haba ay animnapung siko at ang lapad ay dalawampung siko.
4 и притвор, который пред домом, длиною по ширине дома в двадцать локтей, а вышиною во сто двадцать. И обложил его внутри чистым золотом.
Dalawampung siko ang haba ng portiko sa harapan ng tahanan, kapantay ng lapad ng mga gusali. Dalawampung siko rin ang taas nito at binalot ni Solomon ang loob nito ng purong ginto.
5 Дом же главный обшил деревом кипарисовым и обложил его лучшим золотом, и выделал на нем пальмы и цепочки.
Ginawa rin niya ang kisame ng pangunahing bulwagan gamit ang kahoy ng pino, na kaniyang binalutan ng purong ginto, at inukitan niya ng mga puno ng palma at mga kadena.
6 И обложил дом дорогими камнями для красоты; золото же было золото Парваимское.
Pinalamutian niya ang tahanan ng mga mamahaling bato; ang ginto ay ginto mula sa Parvaim.
7 И покрыл дом, бревна, пороги и стены его, и окна и двери его золотом, и вырезал на стенах херувимов.
Binalot niya rin ng ginto ang mga hamba, mga bungad, mga dingding at mga pintuan ng ginto; umukit siya ng kerubin sa mga dingding nito.
8 И сделал Святое Святых: длина его по широте дома в двадцать локтей, и ширина его в двадцать локтей; и покрыл его лучшим золотом на шестьсот талантов.
Ipinatayo niya ang kabanal-banalang lugar. Kapantay ng haba nito ang lapad ng tahanan, dalawampung siko at dalawampung siko rin ang lapad nito. Binalutan niya ito ng purong ginto na nagkakahalaga ng anim na raang talento.
9 В гвоздях весу до пятидесяти сиклей золота в каждом гвозде. Горницы также покрыл золотом.
Limampung siklo ng ginto ang bigat ng mga pako. Binalot niya ng ginto ang mga ibabaw nito.
10 И сделал он во Святом Святых двух херувимов резной работы и покрыл их золотом.
Gumawa siya ng dalawang imahe ng mga kurebin para sa kabanal-banalang lugar; binalot ito ng ginto ng mga manggagawa.
11 Крылья херувимов длиною были в двадцать локтей. Одно крыло в пять локтей касалось стены дома, а другое крыло в пять же локтей сходилось с крылом другого херувима;
Dalawampung siko ang haba ng lahat ng mga pakpak ng mga kerubin; limang siko ang haba ng pakpak ng isang kerubin, na umaabot sa dingding ng silid; at ang isang pakpak ay limang siko rin na umaabot sa pakpak ng isa pang kerubin.
12 равно и крыло другого херувима в пять локтей касалось стены дома, а другое крыло в пять локтей сходилось с крылом другого херувима.
Ang pakpak ng isang pang kerubin ay limang siko rin, na umaabot sa dingding ng silid; ang isang pakpak nito ay limang siko rin, na umaabot sa pakpak ng naunang kerubin.
13 Крылья сих херувимов были распростерты на двадцать локтей; и они стояли на ногах своих, лицами своими к храму.
Ang mga pakpak ng mga kerubin na ito ay bumubuka na may kabuuang sukat na dalawampung siko. Nakatayo ang mga kerubin, na nakaharap ang kanilang mga mukha sa pangunahing bulwagan.
14 И сделал завесу из яхонтовой, пурпуровой и багряной ткани и из виссона и изобразил на ней херувимов.
Ginawa niyang kulay ube, asul, at pulang tela at pinong lino ang kurtina at dinisenyuhan niya ito ng mga kerubin.
15 И сделал пред храмом два столба, длиною по тридцати пяти локтей, и капитель на верху каждого в пять локтей.
Gumawa rin si Solomon ng dalawang haligi, tatlumpu't limang siko ang taas ng bawat isa, para sa harapan ng tahanan; ang ulunan na nasa tuktok ng mga ito ay limang siko ang taas.
16 И сделал цепочки, как во святилище, и положил на верху столбов, и сделал сто гранатовых яблок и положил на цепочки.
Gumawa siya ng mga kadena para sa mga haligi at inilagay ang mga ito sa tuktok nito; gumawa rin siya ng isang daang granada at idinugtong ang mga ito sa mga kadena.
17 И поставил столбы пред храмом, один по правую сторону, другой по левую, и дал имя правому Иахин, а левому имя Воаз.
Inilagay niya ang mga haligi sa harapan ng templo, ang isa sa kanang bahagi at ang isa ay sa kaliwa; pinangalanan niya ang haliging nasa kanan ng Jaquin at ang haligi sa kaliwa ay Boaz.

< 2-я Паралипоменон 3 >