< Numerele 36 >
1 Și mai marii părinților familiilor copiilor lui Galaad, fiul lui Machir, fiul lui Manase, din familiile fiilor lui Iosif, s-au apropiat și au vorbit înaintea lui Moise și înaintea prinților, mai marii părinți ai copiilor lui Israel;
At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ng mga anak ni Jose, ay nagsilapit, at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel:
2 Și ei au spus: DOMNUL i-a poruncit domnului meu să dea țara ca moștenire prin sorț copiilor lui Israel; și domnului meu i-a fost poruncit de DOMNUL să dea moștenirea lui Țelofhad, fratele nostru, fiicelor sale.
At sinabi nila, Ang Panginoon ay nagutos sa aking panginoon na ibigay sa sapalaran ang lupain na pinakamana sa mga anak ni Israel: at inutusan din naman ng Panginoon ang aking panginoon na ibigay ang mana ni Salphaad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae.
3 Și dacă ele se vor mărita cu oricare dintre fiii altor triburi ale copiilor lui Israel, atunci moștenirea lor va fi luată din moștenirea părinților noștri și va fi adăugată la moștenirea tribului în care ele sunt primite; astfel că va fi luată din sorțul moștenirii noastre.
At kung sila'y magasawa sa kaninoman sa mga anak ng ibang mga lipi ng mga anak ni Israel ay aalisin nga ang mana nila na mula sa mana ng aming mga magulang, at sa idaragdag sa mana ng lipi na kinauukulan nila: sa gayo'y aalisin sa manang naukol sa amin.
4 Și când va fi jubileul copiilor lui Israel, atunci moștenirea lor va fi adăugată la moștenirea tribului în care sunt ele primite; astfel moștenirea lor va fi luată din moștenirea tribului părinților noștri.
At pagjujubileo ng mga anak ni Israel, ay idaragdag nga ang kanilang mana sa mana ng lipi na kanilang kinaukulan: sa gayo'y ang kanilang mana ay aalisin sa mana ng lipi ng aming mga magulang.
5 Și Moise le-a poruncit copiilor lui Israel conform cuvântului DOMNULUI, spunând: Tribul fiilor lui Iosif a vorbit bine.
At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel ayon sa salita ng Panginoon na sinasabi, Ang lipi ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng matuwid.
6 Acesta este lucrul pe care DOMNUL îl poruncește referitor la fiicele lui Țelofhad, spunând: Să se căsătorească cu cine gândesc că este cel mai bine; doar că se vor căsători numai în familiile tribului părinților lor.
Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon tungkol sa mga anak na babae ni Salphaad, na sinasabi, Magasawa sila sa kaninomang kanilang magalingin; nguni't sa angkan ng lipi lamang ng kanilang ama magasawa sila.
7 Astfel moștenirea copiilor lui Israel nu se va muta de la un trib la alt trib; căci fiecare dintre copiii lui Israel se va ține lipit de moștenirea tribului părinților săi.
Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana ng mga anak ni Israel sa iba't ibang lipi: sapagka't ang mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa mana ng lipi ng kaniyang mga magulang.
8 Și fiecare fată, care are moștenire în oricare trib al copiilor lui Israel, să fie soție unuia din familia tribului tatălui ei, astfel încât copiii lui Israel să se bucure fiecare de moștenirea părinților săi.
At bawa't anak na babae na nagaari sa anomang lipi ng mga anak ni Israel ay magasawa sa isa ng angkan ng lipi ng kaniyang ama, upang ang mga anak ni Israel ay magmana bawa't isa ng mana ng kaniyang mga magulang.
9 Nici să nu se mute moștenirea de la un trib la alt trib; ci fiecare din triburile copiilor lui Israel să se țină lipit de propria lui moștenire.
Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana sa ibang lipi; sapagka't ang mga lipi ng mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa kaniyang sariling mana.
10 Chiar precum DOMNUL i-a poruncit lui Moise, astfel au făcut fiicele lui Țelofhad;
Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayong ginawa ng mga anak na babae ni Salphaad:
11 Căci Mahla, Tirța și Hogla și Milca și Noa, fiicele lui Țelofhad, s-au măritat cu fiii fraților părinților lor;
Sapagka't si Maala, si Tirsa, si Holga, at si Milca, at si Noa, na mga anak na babae ni Salphaad ay nagsipagasawa sa mga anak ng mga kapatid ng kanilang ama.
12 Și au fost măritate în familiile fiilor lui Manase, fiul lui Iosif; și moștenirea lor a rămas în tribul familiei părinților lor.
Sila'y nag-asawa sa mga angkan ng mga anak ni Manases na anak ni Jose; at ang kanilang mana ay naiwan sa lipi ng angkan ng ama nila.
13 Acestea sunt poruncile și judecățile, pe care DOMNUL le-a poruncit prin mâna lui Moise, copiilor lui Israel în câmpiile lui Moab, lângă Iordan, aproape de Ierihon.
Ito ang mga utos at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises sa mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.